Ilang linggo na kaming namamalagi sa Knight Palace. Iniiwasan kong magtagpo ulit kaming tatlo dahil ayoko ng gulo. Pinipilit ko ring iwasan na magkaroon ng tensiyon sa pagitan naming tatlo. Ayokong mag-isip ang mga pinsan ko, lalo na ang mga magulang namin na may problema kami. Tama na rin na si Erin lang ang nakakaalam ng lihim naming tatlo.
Mas nag-focus na lang ako sa mga anak ko at sa trabahong naiwan ko.
Nagpatayo muli kami ni Klaire ng isang restobar, dahil na lang sa maynila ipagpapatuloy ang nasimulan kong negosyo.
Sa ilang linggo na naming pamamalagi rito, naging maayos naman, pwera lang sa kapatid ko. Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya nang bumalik ako. Wala na ba akong karapatan na tumira rito? I am a member of this family. Kahit balik-baliktarin nila isa pa rin akong knight.
Hindi ako bumalik para manira ng pamilya, bumalik ako dahil alam kong may responsibilidad pa rin ako bilang isang Knight, at gusto ko rin na makilala ng mga anak ko, ang pamilyang kinabibilangan ko.
“Ms. Scarlett,”
Napaangat ang tingin ko sa pintuan ng opisina ko at pumasok ang secretary ko.
“Do you need something?” tanong ko sa secretary ko. Pumasok naman siya sa loob at nag-bow muna bago tumungo sa lamesa ko.
“Si Mr. Erin Knight po.” sambit niya. Inabot naman niya sa’kin ang phone at nakangiti naman akong tumango sa kaniya bago siya lumabas ng opisina ko.
Napatingin ako sa phone. Bakit naman kaya napatawag si kuya Erin?May nangyari ba?
Pagkasagot ko pa lang ng tawag niya, sigaw ni kuya Erin ang bumungad sa’kin.
(“Go home, Scarlett!”) sambit niya sa kabilang linya. Kumunot naman ang noo ko dahil para bang hinihingal siya.
“B-bakit kuya? May nangyari ba?” tanong ko sa kaniya.
(“In-ambush ang chairman!”) sambit niya. Nanlaki ang mga mata ko at napatayo ako agad sa kinauupuan ko.
P-paanong nangyari ’yon? Marami siyang bodyguards.
“What happened, kuya Erin?!” tanong ko sa kan’ya. Narinig kong hinihingal siya.
(“Wala ng maraming tanong! Umuwi ka na sa mansion!”) sambit niya. Napakagat ako sa labi at napabuntong hininga na lang ako.
“I’ll be there!” sambit ko sa kaniya at naibaba ko na ang tawag saka ako nagmamadaling lumabas ng opisina ko.
Damn it! H’wag kang mag-iisip ng iba, Scarlett. Ligtas ang chairman. Alam kong ligtas siya. He’s our chairman.
“Miss?” nagulat naman sa’kin ang secretary ko na makitang nagmamadali akong umalis.
“Ikaw na muna bahala rito, Lisa. I have something to do,” sambit ko sa kaniya at mabilis akong sumakay ng elevator. Napasandal na lang ako habang nakatingin sa numero ng mga floor dahil na rin sa kaba.
Kinakabahan ako para kay chairman, lalo na sa mga anak ko. Baka mas lalo silang maguluhan kung anong meron sa pamilya ko. Jusko po, sana wala pong nangyaring masama kay chairman.
Naiiyak na ako habang nagdadasal, hindi ko kayang pabayaan ang responsibilidad ko bilang isang Knight. Hindi ako nagkamali na bumalik dito dahil alam kong maraming kaaway ang buong pamilya namin.
Gusto nilang makuha ang kayamanan ng mga Knight, or gusto nilang pabagsakin ang buong angkan namin. Ilang beses na rin nilang sinubukan na pabagsakin kami pero hindi sila nanalo laban sa’min, bukod sa mas makapangyarihan kami mas matalino pa kami.
Hindi kami nag-training para lang sa wala. Hindi kami tinuruan ni lolo para lang magpatalo kami, at hindi rin kami mangmang para maungusan nila kami.
Pagkabukas pa lang ng elevator agad akong lumabas at bumungad sa’kin ang mga customer namin sa bar. Marahil nagtataka sa’kin ang mga empleyado namin dahil halatang hindi ako mapakali. Hindi ko na sila pinansin at agad akong nagtungo sa parking lot pero may isang sasakyan ang bumungad sa harap ko at nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Claire.
Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan niya. “Let’s go! Marami sila!” sigaw niya. Tumango naman ako at sumakay na rin ako sa sasakyan niya.
“Damn it. May pinapagawa pa sa’kin si dad, at ngayon pa talaga nila napiling kalabanin ang mga Knight!” sambit ni Claire at pinaharurot niya ang sasakyan niya. Nag-suot na ako ng seatbelt at napahinga ako ng malalim.
Mukhang alam ni Claire ang nangyari kay chairman. Nilingon ko siya na seryosong nag-dadrive kaya napalingon na lang ako sa bintana.
“Claire, what happened—” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko na paputukan ng baril ang sasakyang sinasakyan namin.
F–ck. Anong nangyayari?! Nalaman na ba ng mga kalaban na bumalik na ako rito?! Damn!
“Mamaya ka na magtanong, sis! We need to get them out of our way!” sambit niya at mas lalo niyang pinaharurot ang sasakyan niya.
Damn it. Hindi ko makakausap si Claire nang maayos kung may humaharang sa’min. Napatingin ako sa may likuran namin nang mapansin kong may sasakyan na humahabol sa 'min.
"F-ck! Hinahabol nila tayo!" Sambit ni Claire at nabigla ako na may hawak na siyang baril. She’s so fast.
Binuksan niya ang bintana na nasa driver seat at pinagbabaril niya ang mga sasakyang humahabol sa’min gamit ang isang kamay lang. Kumuyom ang kamao ko.
"F–ck that asshole!" gigil na sambit niya at tinapakan niya ng mariin kaya mas lalong bumilis ang andar ng sasakyan.
Napahagod ako sa buhok dahil sa nangyayari at napatingin ako kay Claire na nahihirapang mag-drive habang bumabaril sa sasakyang humahabol sa’min.
Huminga ako ng malalim at mariin ko siyang hinila papunta sa passenger seat na nagpagulat sa kan’ya. TSK. Nagpalit na kami ng pwesto para makalaban siya ng maayos.
“What the...!” sigaw niya.
Nilingon ko siya. “Go! I’ll drive!” sigaw ko at binuksan ko ang lahat ng bintana ng sasakyan para makabaril siya ng maayos.
“Thanks, sis!” sambit niya at lumusot siya sa bintana para makipagbarilan sa mga humahabol sa'min. “Whoa! F–ck you assholes!” sigaw niya habang nakikipagbarilan sa likuran namin.
Napailing naman ako sa kan’ya at humigpit na ang hawak ko sa manobela saka ko sinilip sa side mirror ng sasakyan ang mga humahabol sa’min. Huminga ako ng malalim at binuksan ko ang hidden box ni Claire sa sasakyan niya at kinuha ang baril para makisali na rin, hindi rin kakayanin ni Claire nang mag-isa kung nasa loob kami ng sasakyan. Mas lalo lang din madaragdagan ang mga humahabol sa’min.
Tinutok ko na ang baril na hawak ko sa mga gulong ng sasakyan saka ko pinapatukan ng bala habang patuloy pa rin akong nag-dadrive. Kailangan ko ring mag-ingat dahil parehas kaming mapapahamak ni Claire. Isang maling kilos ko lang, baka katapusan nanamin.
Saka sanay na rin ako sa mga ganito dahil na rin sa pamilyang kinabibilangan ko. Napatingin muli ako sa side mirror at napansin kong mas dumadami sila.
F–ck! Napakagat na ako sa labi at huminga ng malalim para makapag-isip ako ng maayos. Dahil nararamdaman kong ako ang target nila at hindi si chairman.
Humawak ako ng mahigpit sa manobela at mabilis kong niliko para humarang sa daan.
Napansin ko namang napalingon si Claire. “Bakit ka huminto? Hindi natin sila kakayanin sa ngayon dahil marami na sila!” sigaw niya.
Hindi ko siya pinansin at kinasa ko muli ang baril na hawak ko. Hindi sila mababawasan kung patuloy lang kami sa pag-iwas.
Binuksan ko ang compartment at kumuha ng bomba. Akala siguro ni Claire, hindi ko malalaman na marami siyang tinatagong weapon sa sasakyan niya.
“F–ck, Scarlett! Mamatay tayo kung di tayo kikilos!” sigaw ni Claire. Nilingon ko siya at ngumisi.
“Hindi ako papayag na mangyari ’yon.” nakangising sambit ko sa kan’ya at lumabas na ako ng sasakyan niya. Narinig ko pa ang sigaw ni Claire.
“Saan ka pupunta?!”
Hindi ko siya pinansin at humarap lang ako sa mga sasakyang nakahinto na sa harapan namin. Bago pa makakilos ang mga kalaban namin, binato ko nang malakas ang bomba sa kanila at binaril ’yon para magkaroon ng malaking pagsabog. Nakatitig lang ako sa mga kalaban namin na alam kong lahat sila namatay dahil sa bombang ibinato ko sa kanila.
Hindi sila titigil hangga’t walang napapahamak sa’min. Kumuyom ang kamao ko dahil mukhang hindi biro ang mga kalaban namin ngayon.
Tumalikod na ako at napansin kong napahanga si Claire sa ginawa ko.
“Holy sh–t! Why are you stole my weapon?! My precious weapon!” sigaw ni Claire. Ngumisi lang ako at bumalik na ako sa loob ng sasakyan.
Tumingin pa ako sa rear mirror at napangisi na lang bago ko pinaharurot ang sasakyan paalis sa lugar na ’yon. Natigilan lang ako sa panay reklamo ni Claire tungkol daw sa ‘Precious weapon.’ niya.
“Bakit mo sila pinasabog, Scarlett? Hindi mo ba alam na kagagawa lang ng mga bomba na ’yon at hindi ko pa siya nasusubukang gamitin!” inis na sambit ni Claire at napasandal na lang siya.
Ngumisi lang ako. “Ako na ang gumamit, mukhang okay naman siya. Pwede na siyang mabenta.” sambit ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin at hindi na nagsalita dahil alam niyang pabor ’yon sa kanya. May pagka-business minded si Claire so, ibebenta niya ’yon sa malaking halaga.
Sa gano’ng umiikot ang buhay ng mga Perkins. Kaya nga isa sila sa pinakamalapit sa pamilya namin dahil sa kanila kumukuha ng weapon ang mga pinsan ko.
Napailing na lang ako at binalik ko na ang baril sa lalagyanan nito kaya napalingon siya sa'kin.
“My gosh! Paano mo nalaman kung saan ko nilagay ’yan?!” tanong niya na para bang gulat na gulat. Ngumisi lang ako sa kan’ya.
“Matagal na tayong magkakilala at magkaibigan, Claire. Parang hindi mo naman kilala ang kausap mo,” sambit ko habang nakangisi sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya pero inirapan niya ako. Natawa naman ako dahil mukhang iniisip niyang natalo ko nanaman siya.
Dakilang Rival at best friend ko si Claire. Sa lahat ng bagay, nakikipaglaban siya sa’kin dahil ugali niya ang hindi magpatalo pero sa huli, tinatawanan lang niya kapag natatalo ko siya.
Nawala lang ang ngisi ko nang maalala ko ang pangyayari. “Ano ba talaga ang meron, Claire?” Tanong ko. Lumunok naman siya at ngumiti sa’kin.
“In-ambush ang sasakyang ginamit ni chairman. Mabuti na lang nalaman agad ng mga Knight kaya pinalipat nila sa ibang sasakyan ang chairman,” sambit niya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil alam kong hindi naman nasaktan ang chairman.
Kahit naman may hindi kami pagkakaunawaan ni lolo o may galit siya sa’kin, hinding hindi mawawala sa akin na lolo ko siya at apo niya ako. Responsibilidad ko rin na lumaban para sa kaniya.
Napabuntong hininga ako at napailing na lang dahil mas nag-aalala ako sa mga anak ko.
“Iniisip ko ang mga anak ko Claire, baka mas lalo silang maguluhan kung anong meron sa pamilya namin ayokong madamay sila sa gulo,” sambit ko. Napansin kong natigilan siya pero bumuntong-hininga na lang.
“Kahit anong paglilihim mo sa mga anak mo, kahit na ilayo mo sila sa gulo... Madadamay at madadamay pa rin sila,” sambit niya, at lumingon siya sa’kin, at hinawakan niya ang kamay ko. “Iba ang mundo natin, Scarlett. H’wag mo sanang kakalimutan 'yon.” dagdag pa niya. Ngumiti siya sa akin at napasandal na lang ulit.
Napahawak ako ng mahigpit sa manobela at napahinga na lang ako ng malalim. Hindi ko alam kung anong pwede kong sabihin sa mga anak ko. Ayokong pati sila madamay sa magulong mundo ng pamilya ko.
Napalingon ako kay Claire na tahimik lang habang bumibiyahe kami pauwi ng mansion, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kan’ya. Hindi pa naman din ako sigurado sa mga hinala ko baka magkamali lang ako.
“May gusto ka bang sabihin sa’kin?” tanong ni Claire. Napansin pala niya na kanina pa ako patingin-tingin sa kan’ya.
“Hindi ko alam kung pwede ko bang sabihin sa’yo ’to, dahil baka nagkakamali lang ako.” sambit ko. Hininto ko sa tabi ng kalsada ang sasakyan para makausap ko siya ng maayos.
“You can tell me everything, Ven.” sambit niya. Sumandal naman ako at napahilot ako sa sintido ko.
“Mukhang hindi si chairman ang target nila.” natigilan siya sa sinabi ko at napalingon sa akin.
“Paano mo naman nasabing hindi si chairman ang target nila?” tanong niya. Napailing naman ako dahil nararamdaman ko yun kanina nung nakikipagpalitan kami ng putok sa mga kalaban. "Alam mo kung ano siya sa pamilya niyo, mas dumadami nga lang ang kaaway dahil magaling ang lolo mo makipag-negotiate sa ibang grupo, kaya siguro maraming naiingit sa kanya.” sambit niya. Umiling muli ako sa kan’ya at nilingon ko siya.
“Ako ang target nila, Claire.” mariin na sambit ko. Nanlaki naman ang mga mata niya at napatakip siya sa bibig niya.
“Nagkakamali ka lang Scarlett. Paano nila malalaman na nagbalik ka na?” tanong niya. Napailing naman ako dahil hindi ko rin alam. “Saka muna siguro isipin ’yan at baka pagod ka lang dahil sa trabaho at sa nangyari ngayon. Hinihintay ka na nila.” sambit niya nang hindi ako makasagot sa kan’ya. Tumango lang ako dahil baka tama siya na pagod lang ako kaya kung ano lang ang pumapasok sa isip ko.
Ilang minuto namang natahimik kami, hanggang sa ako na ang bumasag muli ng katahimikan.
“Sino pala ang malakas ang loob na nang-ambush sa chairman?” tanong ko sa kaniya. Ramdam kong napatingin naman siya sa’kin.
“What will you do?” pabalik na tanong niya sa’kin. Sumulyap ako saglit sa kaniya bago ako seryosong pinaharurot ang sasakyan niya.
“We’ll see...” sambit ko. Napansin ko naman ang pagngisi niya.
“Are you back?” umiling ako sa kaniya. No, I’m not.
Gusto ko lang siguraduhin kung sinong poncio pilato ang naglakas loob kalabanin ang pamilya ko. “Who is he?” tanong ko ulit sa kaniya. Naging seryoso naman siya.
“Who else? The CEO of Young corporation.” sagot naman niya sa’kin. Natahimik naman ako dahil hindi ko alam na si Young ang gagawa no’n.
How come? What made this happen? I know dickhead is a jerk. Walang kasalanan ang mga Knight sa pamilya nila. Kung tutuusin, tumulong pa si lolo para nakabawi sa pagkaka-bankrupt ng company nila.
Kung alam lang namin na ganito, sana hindi na namin sila tinulungan.
That asshole!
Kung makikita ko siya, hindi lang ultimatum ang ibibigay ko sa kanya. Siya ang dahilan para maalarma ang ibang kalaban at baka malaman na ng iba na nakabalik na’ko.
F–ck. This is the worst-case scenario.