Chapter 10

2563 Words
SCARLETT’s POV What is he doing here? “Let’s talk.” sambit ni Dominic. Bago pa ako makaalma hinila na niya ako na kinagulat ko. “Let go! Let me go!” inis na sambit ko habang hila hila niya ako at nanlaki ang mga mata ko nang mapansing pumasok kami sa mismong kwarto ko. Napapikit ako ng isandal niya ako sa pintuan ng kwarto ko, f–ck. “Ano bang problema—” natigilan ako ng ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko na kinatikom ng bibig ko. Napapikit ako dahil akala ko hahalikan niya ako pero iba ang inaasahan ko isang kalabog ang narinig ko sa side ko kaya napadilat ako at nakita kong nagtitimpi siya ng galit at nasa pintuan ang kamao niya. Napatingin ako kay Dominic habang nakayuko siya. “Why?” tanong niya. Natigilan ako sa at hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Ayokong marinig niya ang lakas ng t***k ng puso ko, dahil ayokong malaman niya na siya pa rin ang nilalaman ng puso ko kahit limang taon na ang nakakalipas. Hindi pa rin siya mawala sa isip ko dahil na rin siguro sa mga anak ko. “Why, why did you leave me?” tanong niya. Napakagat ako sa labi at umiwas ng tingin sa kaniya. “Please, answer me.” Napakuyom ang kamao ko ng mariin at naramdaman ko na lang na bumaon ang kuko ko sa palad ko sa sobrang diin. Bakit ngayon pa, Dominic? Kung kailan handa na kitang kalimutan. “L-Let me go...” sambit ko, pero hindi siya nakinig sa’kin mas inilapit pa niya ang katawan niya sa’kin na halos hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. “No! Until you explain why!” sigaw niya habang nakadukdok siya sa balikat ko. Napahinga ako ng malalim at pinipilit ko siyang ihiwalay sa'kin. “Wala tayong dapat pag-usapan, Dominic.” sambit ko, habang pinipilit ko siyang itulak para lumayo siya sa ’kin. “Bitawan mo ako.” dagdag ko pa, pero hindi talaga siya marunong makinig. “I said no! Please tell me, why did you leave me?” Tanong niya, at napansin ko na parang hindi niya alam kung ano ang mga kasalanan niya. Napapikit ako at napahinga ng malalim nang nagsisimula ng uminit ang ulo ko sa kanya. “I said, let me go!” sigaw ko, at tinulak ko siya ng malakas para makalayo na siya sa’kin. Nagulat naman siya sa ginawa ko kaya napahawak ako sa bewang ko at napaiwas ng tingin sa kaniya. Ayoko siyang makita dahil baka lumambot lang muli ang puso ko kapag lumapit pa siya sa’kin. “You’re annoying! I told you we had nothing to talk about!” inis na sigaw ko sa kaniya at tinuro ko ang pintuan. “Leave!” sambit ko pero hindi siya nakinig sa’kin. Napailing na lang ako at napakagat sa labi dahil hindi talaga siya makikinig, hindi pa rin siya nagbabago, wala talaga siyang pinapakinggan. Sinamaan ko siya ng tingin. “Parehas talaga kayo ni Sophia. Wala kayong pinapakinggan kun’di ang mga sarili niyo lang.” sambit ko. Natigilan siya at napatingin sa’kin. “Parehas kayong selfish. Wala kayong ibang iniisip kun’di ang mga nararamdaman niyo.” mariin kong pinunasan ang mga luha ko. “Kahit ngayong lang Dominic, pakinggan mo ako. H’wag na nating pilitin pa ang mga sarili natin na magigig maayos pa ang lahat. Dahil kahit anong mangyari, hinding hindi na tayo maibabalik pa sa dati.” sambit ko. Napakagat ako sa labi at napabuntong hininga na lang. Siguro sapat na yung mga sinabi ko para umalis siya. Dahil hindi pa ako handang sabihin sa’yo ang lahat. Hindi pa ako handang aminin na nagkaanak na tayong dalawa. Ayoko na ng gulo at ayoko ring makasira ng pamilya. Pabayaan mo na ako. Maging masaya ka na lang sa magiging bago mong pamilya. Inayos ko yung kama ko para makapagpahinga na ako. Napansin ko lang na hindi pa rin umaalis si Dominic dahil mukhang may gusto pa siyang malaman sa’kin. Napailing na lang at hinayaan na lang siya, wala rin naman akong mapapala kung pakikinggan ko siya— “Bakit bigla kang nawala? Bakit hindi ka na bumalik sa bahay?” natigilan ako sa tanong niya. Napakuyom ang mga kamao ko dahil hindi ko alam kung bakit parang wala siyang alam sa nangyari. Kasalanan nila ’yon kaya dapat alam nila. Lumingon ako sa kan’ya. “Please, Dominic. Leave me alone.” sambit ko. Hihiga na sana ako sa kama ng hilahin ako ni Dominic paharap sa kaniya at hinawakan niya ako ng mariin sa braso ko. “Hindi ako aalis hangga’t hindi mo sinasabi sa akin ang dahilan!” sigaw niya. Hindi ko siya pinakinggan at pinipilit ko pa ring bawiin ang braso ko sa kamay niya pero mas lalo lang dumidiin ang hawak niya. “Bakit hindi ka na bumalik?! Hindi ko alam kung bakit mo ako iniwan. Ayos naman tayo, di ba? Walang iwanan, di ba? Pero bakit nagawa mo pa rin akong iwan?” tanong niya na para bang hindi na niya alam ang gagawin o kung saan siya hahanap ng sagot. Napatingin ako sa kan’ya dahil sa mga pinagsasabi niya at bumulalas na lang ako ng tawa kaya natigilan siya. Napangisi ako halos magngitngit na yung mga ngipin ko sa pagpipigil ng inis. “Ayos tayo NOON! Noon yon, Dominic. Hindi na ngayon.” sambit ko, at inalis ko ang mga kamay niyang nakahawak sa braso ko. Napahimas ako sa braso ko dahil nag-iwan ng marka ang kamay niya sa braso ko. Hinayaan ko na lang yung hapdi at nilingon ko siya. “Bakit parang wala kang alam sa mga kasalanan mo? Bakit parang hindi mo alam kung ano yung nagawa mo! Bakit parang kung um-akto kayo na para ako pa yung masamang tao dito!” sigaw ko at tinulak ko siya ng malakas. Gusto ko siyang saktan pero mas lalo lang akong nagiging mahina dahil iniisip ko ang mga anak ko, ayokong isipin nila na hindi kami maayos ng daddy nila kaya hindi nila ito kasama. “Scarlett, hindi kita maintindihan.” sambit niya habang napapailing. Napangisi ako dahil sino ba naman ang aamin sa mga kasalanan na nagawa nila, di ba? Wala. Mariin kong pinunasan ang mga luha ko. “Hindi kita iniwan ng walang dahilan, Dominic. Hindi kita iiwan kung walang mabigat na dahilan.” sambit ko. Kumunot ang noo niya na parang mas lalo lang siyang naguguluhan. “Dahil ba ito sa batas niyo, Scarlett? Kinausap ka ba ng chairman para iwanan ako? Nalaman ba nila ang relasyon natin?” tanong niya. Umiling ako sa kan’ya dahil wala pang nakakaalam sa pamilya namin ang naging relasyon namin maliban kay kuya Erin. Napahinga ako ng malalim at tumingin ulit ako sa kan’ya. “Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo, kung bakit ako nawala ng limang taon? Sa ating dalawa, Dominic, ikaw ang nakakaalam no’n.” sambit ko at hindi ko na talaga mapigilan ang mga luha ko dahil naaalala ko nanaman ang nangyari kung saan mas tinaguyod ko ang sarili ko ng mag-isa. “Scarlett, please... I don’t know what you are talking about,” sambit niya na para bang nagmamakaawa na sabihin ko na ang lahat. “Hindi mo alam ang sinasabi ko? Ibang klase ka rin, ano? Parehas talaga kayo ni Sophia na parang walang alam sa totoong nangyari.” natatawang sambit ko. Mas lalo naman siyang naguguluhan kaya mas lalo akong ngumisi at napailing na lang. “Paano ko haharapin ang asawa kong may ibang babae? Paano ko haharapin ang asawa ko na parang walang nangyari, huh? Paano ako kikilos na parang walang nangyari? Tell me, how?” nakangising tanong ko, at tinulak ko siya muli. Natigilan siya at nanlaki ang mga mata niya. Napailing siya at lumapit sa akin pero lumayo lang ako sa kanya. “Scarlett, hindi ko talaga alam ang sinasabi mo.” sambit niya. Natawa ako dahil halos paulit-ulit na lang kami. “Paulit-ulit na lang tayo, Dominic!” sigaw ko dahil hindi ko na mapigilan ang galit na nararamdaman ko. “Paanong hindi mo alam?! Paanong hindi mo alam ang sinasabi ko?! Tangina naman, Dominic. Hindi naman ako nakikipag gaguhan sa’yo!” sigaw ko. Paanong hindi niya alam ang tinutukoy ko?! F–ck. Nagkakaroon na ng tensyon sa aming dalawa, at mas lalo lang kaming mag-aaway kung magpapatuloy pa ang bangayan namin. “Dominic—” natigilan ako nang sigaw na niya ako. “Yes! Wala akong alam sa mga sinasabi mo! Ang gusto ko lang naman malaman kung bakit mo ako iniwan?!” tanong niya, at napansin kong umigting ang panga niya na para bang nagtitimpi siya ng galit. Napailing na lang ako at napangisi. Hindi na kami makakapagusap ng matino. Hindi ko na kaya pang harapin siya. Pagod na ako at wala na akong ganang kausapin pa siya. “Iniwan kita kasi yun ang nararapat. Ngayong alam mo na, maaari ka ng umalis. I’m tired, please? I’m begging! Umalis ka na!” sambit ko at tinalikuran ko na siya, masyado ng malalim ang gabi at baka marinig pa ng mga magulang ko ang pag-aaway naming dalawa. “Sophia’s right. Iniwan mo ako dahil may iba ka na! Sumama ka sa kabit mo! Hindi ko akalain na magagawa mong lumandi sa ib—” natigilan siya at nanlalaki ang mga mata ko na sampalin siya dahil sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko akalain na makikinig siya sa ibang tao. Kaya ba hindi niya ako hinanap? Kaya ba hindi niya ako hinanap sa loob ng limang taon? Dahil naniwala siya sa mga sinabi ni Sophia?! Ako pa ang lumalabas na taksil. Tang’na. “H’wag na wag mo akong pagsasalitaan ng gan’yan! You have no idea! Hindi mo alam kung ano ang hirap na naranasan ko, Dominic! Kaya h’wag na ’wag kang magsasalita na para kang walang alam!” sigaw ko, at sinampal ko pa siya ng isa hanggang nasaktan ko na siya. Hindi ko na talaga mapipigilan pa ang nararamdaman ko. Gusto niyang malaman kung bakit ako umalis? Tutal, hindi siya aalis hangga’t hindi niya nalalaman ang totoo, pwes. Isasampal ko sa kaniya ang buong katotohanan. “Gusto mong malaman kung bakit kita iniwan?! Fine! I’ll tell you!” sambit ko. “Iniwan kita because you're cheating on me! I saw you and my sister! I saw you two in the same bed!” sigaw ko at hinampas ko siya. “Sa tingin mo kaya pa kitang makasama sa iisang bahay, huh, Dominic?! Ngayon mo sabihin na ako ang lumandi sa’ting dalawa!” umiiyak na pinaghahampas ko siya, ito ang gusto kong gawin sa kan’ya noon pa, ang masaktan siya. “Bakit?! Bakit mo ako niloko?! Putangina Dominic ni minsan hindi tayo nag-away nang dahil sa babae! Dahil buong akala ko nagbago ka na!” Napapikit ako at napahagulgol na ako ng iyak. “Sa tingin mo, anong naramdaman ko ng mga panahon na ’yon?! Puta ubos na ubos ako no’n, Dominic! Hindi mo alam kung gaano kasakit sa’kin na makita kayo ng kapatid ko na may nangyayari sa kama! Sa kama natin, Dominic!” Nanghihina na akong napaupo sa sahig at napatakip sa mukha ko dahil sa sobrang pagod. Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang sakit. Sa loob ng limang taon ay wala akong ibang inisip kun’di ang mga anak ko. Dahil ayokong bigyan sila ng dahilan para kamuhian nila ang kanilang ama. Lumapit siya sa’kin pero pagod ko siyang tinutulak palayo sa ’kin. Ngayon ko lang din binuhos ang lahat ng sama ng loob ko sa loob ng limang taon. “Scarlett...” sambit niya sa pangalan ko at lumuhod na siya sa harapan ko. Umiling lang ako at lumayo. “Akala ko nagbago ka na! Akala ko magbabago ka kapag nagpakasal ako sa’yo! Pero, Bakit? Bakit si Sophia pa?! Mas matatanggap ko ang ibang babae kaysa sa sarili kong kapatid!” sigaw ko. “Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman! Gusto kitang saktan pero hindi ko magawa! Gusto kong maranasan niyo rin ang mga naranasan ko pero hindi ako ganung tao, Dominic!” tumingin ako sa kanya. “Kaya mas pinili kong takbuhan ang lahat mas pinili kong lumayo para makaiwas sa gulo.” napatakip na ako sa bibig para pigilan ko ang paghikbi. “Mahal na mahal kita pero bakit parang hindi pa rin sapat? Naging mabuti akong asawa sa’yo pero bakit kulang pa rin?! Bakit kailangan mo pang—” hindi ko na matapos ang sasabihin ko sa sobrang pag-iyak ko. Hindi ko na alam kung ano pang mga sasabihin ko. Pagod na pagod na ako. Parang gusto ko na lang bumalik kung saan masaya kami ng mga anak ko. Parang nagsisisi na ako na bumalik pa kami dito. “Scarlett, I’m sorry...” sambit niya. Umiling lang ako. “Pinili kong sumama sa’yo. Pinili kong suwayin si lolo para sa’yo dahil buong akala ko ay mahal mo ako. Pero hindi pa rin yun naging sapat...” Napapailing akong tumingin sa kan’ya. “Yung mga pinangarap natin noon ay nasira lang dahil sa mga kasalanan niyo.” yumuko ako at napahawak sa dibdib ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. “Nagsisisi akong minahal pa kita. Sana hindi ako sumuway sa batas at sana maayos pa kami ng pamilya ko ngayon. Tama nga siguro si lolo na nakakasira ang lintik na pagmamahal na ’to.” ngumisi ako ng mapait sa kan’ya at mariin kong pinunasan ang mga luha ko saka ako tumayo dahil gusto ko ng magpahinga. “Now, are you happy? Nasabi ko na lahat kaya makakaalis ka na. Pagod na’ko, Dominic. Hindi ko na kaya pang makinig sa mga sasabihin mo. Parang awa mo na, patahimikin mo na ako.” sambit ko at akmang lalapitan pa niya ako nang pigilin niya ang sarili niya kaya tinalikuran ko na siya. “Bumalik ako dito para sa pamilya ko. Hindi para sa nakaraan natin.” pagod dagdag ko pa at hinubad ko na ang blazer ko para humiga na sa kama. Tumalikod ako sa kan’ya at napapikit na lang. “Scarlett, anak natin sila, ‘di ba?” tanong niya. Natigilan ako at mas lumakas ang t***k ng puso ko. Nagusot ko na ang unan ko sa sobrang kuyom ng kamao ko. “Mga anak ko sila, ‘di ba?” marahan na tanong niya na para bang umaasa na siya ang ama ng mga anak ko. Napapikit ako at napahinga ng malalim. “Hindi. Hindi mo sila anak.” sambit ko. “Umalis ka na gusto ko ng magpahinga.” dugtong ko pa sa kaniya. “Scarlett, please...” Hindi na ako sumagot pa at pumikit na lang ako habang may mga luhang tumutulo pa rin sa mga mata ko. “Naniniwala akong anak ko sila. Papatunayan ko ’yan sa’yo at kapag nangyari ’yon, you won’t leave me again, Scarlett.” sambit niya. Mas lalong kumuyom ang mga kamao ko at mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. F–ck. Narinig ko na lang ang pagbukas ng pintuan at narinig ko na lang ang yabag niyang palabas ng kwarto ko. Napabangon ako at sumulyap ako sa pintuan at napangiti na lang ng mapait. I’m sorry... Hindi ko kayang ipaalam sa'yo na anak mo sila dahil alam kong manganganib ang buhay nila. Mahal na mahal kita pero alam kong hindi na tayo pwede pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD