Dahil sa nangyari kanina nawalan ng gana ang mga bata na maglaro sa mall. Kaya ang ginawa ni Kuya Erin binilhan sila ng mga paborito nilang laruan para kahit papaano maging masaya sila sa pamamasyal.
“Let’s talk.” sambit ni kuya Erin kaya napalingon ako sa kan’ya na inabutan naman ako ng coffee. Ngumiti lang ako at napasandal sa inuupuan ko.
“Hindi ako bulag Scarlett at hindi rin ako bingi. Alam kong may nangyayari sa inyong tatlo,” sambit niya.
Napatingin naman ako sa mga bata na nilalaro ang mga regalo na binili sa kanila ni kuya Erin.
“I’m your cousin, Scarlett, and you can talk to me whenever you want.” dagdag pa niya. Hinaplos ko naman ang buhok ni Carrie bago ako humarap kay kuya Erin.
“Saan ba ako magsisimula?” tanong ko at napahinga ako ng malalim.
“Scarlett.”
Natigilan ako at nawala ang ngiti sa mga labi ko.
“Kuya, you’re aware of our rules and boundaries. You are aware that I am not allowed to have a boyfriend, aren't you? Pero sinuway ko yun, sinuway ko ang batas ni chairman para sa’kin.” napatingala ako nang maramdaman kong may luha nanamang pumapatak mula sa mga mata ko. “Sumuway ako, hindi dahil gusto kong mag bulakbol. Kun’di dahil gusto kong makalaya. Gusto kong maging masaya na walang halong takot at malayo sa gulo,” sambit ko. Pinunasan ko na rin ang mga luha ko at ngumiti ako kay kuya Erin na nakikinig lang sa mga sinasabi ko.
“Mula noon pang mga bata tayo ay kilala na ng pamilya natin at ang pamilya ni Dominic. Maayos ang pagsasama ng bawat pamilya natin. Ayoko pa nga noon kay Dominic, because he’s a playboy.” napangiti ako dahil yun ang totoo. “Masyado siyang pilyo pero dahil sa ugali niyang ‘yon doon ako nahulog sa kaniya.” nakangiting pagkukuwento ko kay kuya Erin at binabalikan ko ang nakaraan kung saan nahulog kami sa isa't-isa.
“I was in love with Dominic, but I knew we couldn’t be together because of the chairman’s rules.” sambit ko, dahil alam naman niya ‘yon. “Pinigilan ko ang nararamdaman ko sa kaniya noon, dahil ayokong magkaroon ng lamat ang bawat pamilya natin kaya kahit nasasaktan ako tiniis ko para lang hindi magkagulo.”
Napasimsim ako sa coffee at nilingon ko ang mga anak ko na masaya nang naglalaro kaya napangiti na lang ako.
“Pero hindi rin nagtagal nagkaaminan kami ni Dominic na mahal na mahal namin ang isa't-isa. Tinago na lang namin ang relasyon namin.” nilingon ko siya at napansin kong nakakunot na ang noo ni Erin. "Dahil mahal ko siya mas pinili kong sumuway sa batas, mas pinili kong mahalin si Dominic, dahil alam kong mahal niya rin ako.” Napaiwas ako ng tingin sa kan’ya.
“Wala kaming pinagsabihan sa relasyon namin na kahit na sino, maliban kay Claire. Pero nahuli kami ni Sophia, nahuli niyang may relasyon kami.” sambit ko. Napakuyom ang kamao ko pagkabanggit pa lamang ng pangalan ni Sophia. Napansin kong nanginginig na rin ang mga kamay ko kaya itinago ko ito kay Erin.
“Akala ko isusumbong niya kami pero hindi dahil mas sumuporta siya sa relasyon namin. Kahit alam kong may gusto rin siya kay Dominic ay mas pinili niyang pagtakpan kami.” natawa ako dahil akala ko talaga sumusuporta si Sophia sa relasyon namin ni Dominic. “Nagtagal ang lihim ng relasyon namin ni Dominic ng mahigit na isang taon, at dahil nga mahal na mahal namin ang isa't-isa nag-decide kaming magpakasal ng patago.”
Napalingon ako kay kuya Erin nang marinig ako na parang may nayupi. Nabigla ako ng mapansing nakakuyom ang dalawa niyang kamao.
“Kuya E-Erin...” nag-aalalang tawag ko sa kaniya. Umiling lang siya sa’kin at walang emosyon lang siyang nakatingin sa’kin.
“Go on, Continue.” sambit ni Erin. Akmang hahawakan ko siya nang pigilan ko ang sarili ko.
I know him. Hindi ko siya mapapakalma kapag galit na siya. Kaya kahit nag-aalala ako kay kuya Erin ay nagpatuloy ako sa pagkukwento ko sa lahat ng nangyari sa’kin.
“Naging mag-asawa kami ng halos anim taon ng walang nakakaalam.” Pinunasan ko ang mga luha ko. “Naalala mo nung minsan hindi ako umuuwi pero ang lagi kong sinasabi na kayla Claire lang ako pero hindi, dahil tumira ako sa sariling bahay ni Dominic.” sambit ko. “Naging matiwasay ang relasyon naming dalawa hanggang sa dumating ang hindi ko inaasahang pangyayari...” natawa ako habang unti-unti nanamang tumulo ang mga luha ko ngan maalala ko ang lahat bago ako lumayo noon.
“Y-you mean..” tumango ako kuya at nginitian siya.
“Yes. Asawa ko si Dominic noon, at si Sophia naman ang babaeng may dahilan kung bakit ako lumayo. Hindi ko yun kinaya because I was pregnant before.” kumuyom ang mga kamao ko. “Mas pinili kong tumakbo palayo para makaiwas sa sakit at makalayo sa gulo. Ayokong maranasan ng mga anak ko ang magulong mundo natin.” sambit ko. Napatakip na ako sa mukha ko at napahagulgol na lang ako bigla.
“Kaya mas pinili mong takbuhan ang lahat, Scarlett. Kaya hindi ka nagsabi sa’min dahil alam mo ang mangyayari.” sambit ni Erin. Napailing ako sa kan’ya.
“No. Pinasok ko ang gulong ‘to kaya paninindigan ko ‘to. Ayokong madamay ang mga anak ko sa away naming tatlo. Ayokong maipit sila sa gulo namin, and please, don’t tell anyone...” umiiyak na sambit ko sa kaniya.
Napatalon ako bigla ng sinuntok ni Erin ang pader sa may likuran ko.
“Damn, Scarlett. You can tell us! You can tell me everything! Sana natulungan man lang kita! Sana nagawan ko ng paraan ang mga nangyari sa’yo! Hindi yung mawawala ka na lang bigla at babalik ka na parang walang nangyari!” sigaw niya sa’kin. Napahagulgol na lang ako at umiling sa kaniya. “I want to punch him! I want to kill Dominic! I want to kill that moron!” galit na galit na sambit niya sa’kin.
Umiling ako sa kaniya at hinawakan siya sa kamay dahil pinagtitinginan na rin kami ng mga tao.
“Please, we need you.. I need you.” bulong ko sa kaniya. Hinawakan naman niya ang kamay ko.
“Ven...” umiling lang ako sa kan’ya.
“Please, kahit ngayon lang pagbigyan mo na ako. Ayoko ng magkagulo pa ang lahat mas okay na ako na ang masaktan.” sambit ko.
Mas mabuti nang hindi na malaman ng buong pamilya ko ang nangyari sa’kin o sa’ming tatlo nila Dominic. Ayokong magkaroon ng lamat ang pamilya namin dahil hindi magandang imahe ‘yon para sa mga bata. Mas mabuti na rin na sa’min na lang ang away namin at mananatili pa ring lihim ang mga lihim ko.
Tahimik lang kami sa biyahe, at nakatulog na rin ang mga bata dahil na rin siguro sa pagod. Nagkakatinginan kami ni Erin pero iniiwasan ko lang ang mga tingin niya dahil alam kong hindi pa siya satisfied sa lahat ng sinabi ko sa kaniya.
Nakarating na kami sa palace at napansin namin na maraming sasakyan at lahat ‘yon pamilyar sa akin.
Nang makababa kami, binuhat ko na si Carrie at binuhat naman ni kuya Erin si Agustin at sabay kaming pumasok sa loob ng mansion pero nabigla ako nang mapatingin na sa’min lahat ng mga pinsan ko.
“Yo, baby Venice!” sambit ni Arthur Knight, one of my cousins, and He’s a playboy. Nabigla pa ako na sunod sunod na silang lumapit sa akin kaya napangisi na lang ako sa kanila.
“Baby Venice! I miss you!” sambit naman ni Eron Knight. Isa ring babaero pero sweet siya pagdating sa’ming mga pinsan niyang babae.
“Yo, bro Erin! Baby Ven!” sambit ni Aaron Knight, his twin.
“Cous!”
Napailing na lang ako at napangisi na lang sa kanila. Limang taon lang akong nawala pero halos lahat sila wala paring pinagbago. Parang bumalik kami sa pagkabata namin noon.
“Waahh! Tulog sila! They’re so adorable!” sambit ni Lux habang mahinang pinipisil ang mga pisngi ng mga anak ko. Ngumiti lang ako sa kaniya.
“Cous, by the way, you are aware that your sister is getting married, right? Samahan natin siya mamili ng gown!” sambit ni Lux. Natahimik naman ako pero ngumiti lang ako.
“Excuse me...” sambit ko sa kanila at pumasok na kami ng tuluyan sa loob ng mansion. Natahimik sila dahil sa reaction ko at nagtataka na rin.
“What’s wrong with her?”
Napapikit ako at napahinga ng malalim nang magpatuloy akong umakyat sa kwarto ko.
Hiniga ko ng maayos si Carrie at kinumutan ko siya. Napalingon ako kay kuya Erin para ilapag naman si Agustin sa tabi ni Carrie at kinumutan din niya.
“Don’t worry. I won’t tell them.” sambit niya. Ngumiti siya at tinapik niya ako sa balikat bago siya lumabas ng kwarto ko.
Napabuntong hininga naman ako at nilingon ko ang mga anak ko at niyakap sila.
“Walang pwedeng manakit sa inyo mga anak. I’ll do everything in my power to protect you both.” bulong ko sa kanila at hinalikan ko sila sa noo.
Hindi ko hahayaan na may mananakit sa mga anak ko. Gagawin ko din ang lahat para malayo sa gulo ang mga anak ko. Poprotektahan ko sila kahit buhay ko pa ang nakataya.