Chapter 29

3736 Words
"Mommy!" Napangiti ako ng makitang papasok sa chapel ang mga anak ko na kagagaling sa probinsya kung nasaan ang pamilya ni mom. "Scarlett..." "Mom," ngumiti ako ng mapait sa kan’ya at hinawakan lang niya ako sa balikat bago inasikaso ang mga bisita. Nagpahanda na rin ako ng isang burol para kay Ken at sa asawa niyang si Audrey pero ang anak nila pinaghahanap pa. "M-Mom, wala na po si tito Ken?" tanong ni Carrie. Hinaplos ko naman ang buhok niya. "Aalis lang si Tito Ken, pupunta sila sa isang paraiso," sambit ko. Napahagulgol naman siya ng iyak kaya niyakap ko na siya. Napamahal sila kay Ken kahit nung nasa probinsya pa kami dahil isa sila sa nagbabantay at nag-aalaga sa mga anak ko kapag nasa trabaho ako. Kaya mas naging close sila sa tito Ken nila na itinuring nila na parang tunay nilang ama. "Bakit sila tito Ken at si tita Audrey pa? Mababait sila, hindi sila bad!" Napaiwas ako ng tingin kay Carrie dahil nasasaktan din ako sa nangyari sa kanila. Pero mas pinili ni Ken ang protektahan kami kaysa sa buhay nila. "H-hindi ko matanggap na patay na sila! Hindi sila bad!" Niyakap ko na lang si Carrie at pinapakalma siya. Sa kambal, mas mahina ang damdamin niya kaysa kay Agustin, dahil katulad ko mahina rin ako pagdating sa mga ganito. "May mga tao talagang bad. Kung sino pa yung mabait, yun pa yung ginagawan ng masama." Napalingon ako kay Agustin na seryoso lang siyang nakatingin sa kabaong nila. Hinila ko naman si Augustin palapit sa akin at niyakap ko rin siya. Nagulat na lang ako na namamasa na ang suot kong dress kaya sinilip ko si Agustin na umiiyak na rin kaya mas lalo ko silang niyakap. "Scarlett," Lumingon ako at nakita ko si Claire na mukhang wala pang tulog at mukhang kagagaling lang din niya sa pag-iyak. Ngumiti ako sa kan'ya at tinignan ko ang mga anak ko at tinawag na si mom para pagpahingain muna ang mga bata. Sinenyasan ko naman si Claire na umupo sa tabi ko kaya naupo siya na siya at saka niya ako niyakap. Napatitig na lang ako kay Claire at kumuyom ang mga kamao ko. "Bakit hindi siya nagsasabi? Bakit hindi niya sinabi ang mga nangyayari sa kan'ya! Sana natulungan pa natin siya!" sigaw niya habang humahagulgol ng iyak. Napapikit naman ako at napahinga ng malalim. "Claire..." Umiling siya at mariin niyang pinunasan ang mga luha niya. "Hindi ko rin matanggap, Scarlett! Ano ba tingin niya sa atin isang mahina?!" Dinuro ni Claire ang kabaong ni Ken. "F-ck! Gusto ko siyang bugbugin sa nagawa niya pero wala na siya! Hindi na siya makakabalik pa! Isa siya sa mga tauhan namin na nagtagal sa ugali ko!" galit na sigaw niya at sinuntok ang inuupuan niya. Hindi naman ako sumagot dahil magkaroon lang kami ng pagtatalo. Sa ganitong sitwasyon, si Claire ang pinaka apektado sa nangyari kay Ken dahil matagal na nilang tauhan ito sa probinsya pa lamang. Matagal na ring nanilbihan ang pamilya ni Ken sa mga Perkins kaya naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang galit ni Claire. "Claire--" hindi na ako nakapagsalita nang magsalita ulit si Claire kaya hinayaan ko na lang siya. "Lahat ng iuutos ko sa kan'ya sinusunod niya! Siya rin yung taong masayahin at puro pamilya ang iniisip niya kaya ang hindi ko maintindihan, bakit si Ken pa ang ginamit nila, huh?! Bakit si Ken na wala namang kinalaman sa pamilya mo!" Mariin lang na kumuyom ang mga kamao ko pero wala naman akong magawa kundi ang pakalmahin siya, kasi kung parehas naming sisisihin ang sarili namin, wala ng magagawa pa. Dahil nangyari na ang lahat, ginamit na nila si Ken laban sa akin. Isa rin yon sa tanong ko kung bakit si Ken pa ang ginamit nila? Pwede naman nila akong harapin ng walang nasasaktan na iba. Napalingon ako sa kabaong ni Ken at inalala ko ang lahat ng sinabi niya sa amin at ang sinabi ni Carter sa akin. Mukhang konektado ang mga sinabi nila, mukhang hindi ko na kailangan pang kumpirmahin ang lahat dahil walang ibang dahilan nito kundi ako lang. Ako ang target nila at wala ng iba. "Galit na galit si dad sa nangyari kay Ken kaya tutulong siya sa imbestigasyon para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nila." Nilingon ako ni Claire kaya napakurap ako at tumingin ako sa kanya. "Namatay si Ken ng lumalaban kaya dapat gano'n rin tayo, lalaban tayo, lalabanin natin sila." sambit niya, at kumuyom ang mga kamao niya habang nakatitig sa kabaong ni Ken. Napasandal naman ako at napatingin na rin sa harapan at saka bumuntong-hininga. "Hindi natin kilala ang kalaban Claire. Hindi natin sila kilala. Ang huling sinabi ni Ken, marami sila at ako talaga ang target nila." Nilingon ako ni Claire at kumunot ang noo niya. "So, tama ang hinala mong ikaw talaga ang target nila?" Tumango ako sa kanya kaya napangisi siya. "Kaya pala siniraan ka nila sa publiko dahil ikaw ang target? They make us fool! Akala rin ba nila madaling kalabanin ang isang Knight?! Bago ka pa nila mahawakan... Lulubog muna ang mga paa nila sa lupa!" sigaw niya kaya sinaway ko siya baka may makarinig sa kanya. "What are we gonna do now?" tanong ni Claire. Ngumisi naman ako at tumayo na ako para lapitan ang kabaong ni Ken. "Hindi ko sasayangin ang pagkamatay ni Ken. Bibigyan ko siya ng hustisyang karapat-dapat sa kanila. Hindi ko na hahayaan na may mawala nanaman na importanteng tao sa'kin." Hinaplos ko ang kabaong ni Ken at nakita ko ang mukha ni Ken na galing sa paghihirap kaya huminga ako ng malalim. "Kung talaga ako ang target, ako mismo ang haharap sa kanila sa paraan na nais ko." sambit ko habang nakangisi. Nilingon ko si Claire na nagulat naman sa sinabi ko. "Anong plano mo?" Nagkibit-balikat ako. "Plano? As of now, wala pa akong plano. Kapag nagplano ako, pang sarili ko lang." sambit ko. Nanlaki naman ang mga mata niya at napailing sa akin. "W-what? That’s unfair!" Tumango lang ako at ngumisi. "Maghahanap pa ako ng maraming ebidensya na maglalapit sa'kin sa mga kalaban. Kapag nangyari 'yon, papasukin ko ang mundo nila ng hindi nila nalalaman na isa akong Knight." Napakunot ang noo ni Claire at nilapitan ako. "Hindi ko gusto ang ngisi mo na 'yan, bes. Parang ngayon pa lang tumatayo na balahibo ko, brr!" Napahimas siya sa mga braso niya kaya natawa na lang ako sa kanya. Hindi pa naman ako kikilos, aalamin ko muna kung sino ba talaga ang kalaban na tinutukoy nila. Natigilan ako ng maalala ko bigla si Solen Madrid. W-wait... Naalala ko ang huling sinabi niya nung huli rin kaming magkita... Nanlaki ang mga mata ko nang may napagtanto ako. Hindi kaya may kinalaman siya sa nangyari sa bar ko? Nararamdaman ko ang confident niya na isang araw mawawala sa akin ang negosyo ko, at nangyari na ’yon. F-ck! Kailangan ko siyang imbestigahan, dahil kung tama ako sa mga hinala ko, tatapusin ko na siya sa lalong madaling panahon para wala ng ibang tao na masasaktan pa. Damn it! Bakit ngayon ko lang siya naalala? Damn. *** Dumating na yung araw na ililibing na si Ken at ang asawa niya pero hanggang ngayon hindi pa rin nakikita ang anak nila. Ginamit ko na lahat ng connection ko pero wala pa ring process para mahanap ang bata. "Ito na ang huling sandali ng ating kapatid na sina Ken at Audrey para ihatid na sila sa kanilang huling hantungan. Tara at magbigay tayo ng dasal para sa kanilang dalawa." Pumikit na ang lahat pero nanatili lang akong nakatitig sa mga kabaong nila na ibababa na sa hukay at unti-unting kumuyom ang mga kamao ko habang tumutulo ang mga luha ko. Hindi ako papayag na hindi sila mabigyan ng hustisya. Magbabayad ang mga taong gumawa nito sa kanila, sa mismong mga kamay ko. Hindi ko hahayaan na namatay lang si Ken para sa wala. Sa pagtatapos ng libing, nagsiuwian na ang iba at ako nanatili lang ako sa puntod nilang dalawa. "Ken, hayaan mong ako naman ang kumilos para sa hustisyang nararapat sa inyo. Gagawin ko ang lahat para mahanap ang anak niyo. Hindi rin ako titigil sa paghahanap sa anak niyo at sa hustisya. You may now rest in peace." Hinaplos ko ang lapida nila at muli na akong tumayo para bumalik sa sasakyan ko dahil naghihintay na ang mga anak ko bago pa ako makasakay sa sasakyan ko pakiramdam ko may kanina pa nanonood sa bawat kilos naming lahat. Hindi pa naguumpisa ang pagdadasal nararamdaman kong marami silang nanonood sa amin. Tumingin ako sa paligid at nakiramdam ako sa paligid pero hinayaan ko lang at tuluyan na akong sumakay sa sasakyan ko. "M-mommy.." Napahinga ako ng malalim at ngumiti ako sa kanila bago tuluyang matiwasay na pinaandar ang sasakyan ko paalis sa cemetery pero hindi pa kami nakakalayo sa cemetery napansin kong may sasakyan ng nakasunod sa'kin. Napalingon ako sa mga anak ko na tahimik lang na nakadungaw sa bintana. Huminga ako ng malalim at hinayaan ko na muna ang sasakyan na sumusunod sa'min, kalmado lang akong nagdadrive hanggang sa iniliko ko sa isang street at napansin ko namang dumire-diretso ang sasakyan at hindi na kami muling sinundan. Matiwasay akong nakauwi sa palace at napansin ko ang buong pamilya ko nandito ngayon. "Scarlett..." Tinawag nila ako pero tinignan ko lang sila at hindi ko sila pinansin at saka ako umakyat sa taas pero natigilan ako nang magsalita si Sophia. "Ganyan ka na ba ka walang respeto?" Tumingin ako sa mga anak ko at bumulong na lang ako sa kanila na umakyat na sila sa kwarto nila na tinanguan naman nila ako bago sila tumakbo patungo sa kwarto nila. Huminga ako ng malalim at nilingon ko sila. "Oh, welcome back, chairman and Sophia." sambit ko, at muli akong tumalikod pero hindi pa ako tuluyang nakakaakyat nang magsalita muli si Sophia. "Wala ka talagang respeto!" Napapikit ako at napakagat sa labi dahil hindi pa rin pala talaga siya sumusuko na guluhin ako, pero napahinto ako na nagpatanto ko na ngayon ko lang siya nakita sa mansion. Ngumisi ako. "Wala akong oras para makipag-away sayo." Tumaas naman ang kilay ni Sophia at ngumisi. "Nabalitaan namin ang tungkol sa article at ang pagpapasara ng bar mo. Isa kang kahihiyan para sa isang Knight." Blanko ko lang siyang tinignan. "And, then?" "W-what?" Napairap naman ako at napabuntong hininga. "Sinabi mong kahihiyan ako, di ba? Ano naman sa'yo? Kailan ka pa naging concern sa issue na meron ako?" tanong ko. Hindi siya nakasagot at napaatras na lang kaya napangisi ako. "Ano pa bang paguusapan? Ang pagiging wala kong kwenta?" Hindi sila sumagot kaya napangisi ako. "Maririnig ko nanaman ba sa inyo na pinapahiya ko ang pamilyang 'to? Maririnig ko nanaman ba ang pagiging suwail ko?" Wala pa ring sumasagot kaya napabuntong hininga ako at napailing. "Kung wala na kayong sasabihin, baka maaari na akong bumalik sa kwarto ko, para makapag pahinga." yumuko ako at akmang aakyat na ako. "Scarlett, please?" Nahugot ko ang hininga ko dahil kanina pa ako naiinis. Ano pa bang gusto nilang marinig sakin? Wala naman akong dapat sabihin sa kanila. "Let her go, dad. Ganyan talaga ang mga talunan, wala nang nirerespeto kaya pati ang isa sa mga empleyado niya namatay ng dahil sa kaniya." Natigilan ako sa sinabi ni Sophia kaya nilingon ko siya at bumaba akong muli pero... kinuha ko ang baril na nakatago sa hita ko saka ko tinutok sa ulo niya. Nanlalaki naman ang mga mata niya at nanigas na lang siya sa pwesto niya. "Say it again, Sophia." mariin na sambit ko at kinasa ko ang baril. "Say it again." "Scarlett!" Nilingon ko sila pero natigilan lang sila at hindi makalapit sa akin kaya bumalik ang tingin ko kay Sophia na pinagpapawisan na. "Oh, why didn't you repeat what you said?" Tanong ko at pumunta ako sa likuran ni Sophia para bumulong. "Stop this nonsense, Sophia. Hindi ako magdadalawang isip na iputok ’tong baril ko sa ulo mo." Napatigil siya lalo kaya napangisi lang ako bago ko binalik sa lalagyan na nasa hita ko ang baril at saka lumayo kay Sophia. Tumingin ako sa kanilang lahat. "Wala naman sigurong traidor sa pamilya, right?" Tanong ko habang nakatingin kay Sophia na natahimik na sa isang tabi. Napabuntong hininga si Chairman at napailing na lang. "That’s enough, Scarlett." sambit ni Chairman kaya natahimik ako. "Bumalik ako rito dahil nabalitaan ko ang nangyayari sa inyo." Napaiwas ako ng tingin dahil alam kong babalik siya dahil sa nangyayari ngayon. "Anong ginagawa niyo, huh? Bakit nakalusot ang taong gumawa ng article?" Galit na tanong ni Chairman. Nagkatinginan naman sila at umiling kay Chairman. "TSK. Hindi namin gusto 'yon chairman." sambit ni Carter. Inis naman siyang nilingon ni Chairman. "Carter, ikaw ang panganay dito! Kaya sa'yo ako umaasa na hindi makakalabas ang tungkol kay Scarlett sa publiko. Bakit naisulat pa rin ang tungkol do’n?" Walang gana niyang tinignan si Chairman. "I’m working on it. Hindi ako mananahimik dahil lang sa wala akong ginagawa." sambit ni Carter at bumuntong-hininga siya. "Mahalagang tao para kay Scarlett ang ginamit nila." dagdag pa niya. Tinapik siya sa balikat ni Rios dahil alam namin na mag-aaway nanaman si Carter at si chairman. Napakuyom na lang ang kamao ko na maalala ko nanaman si Ken, dahil sa akin kung bakit nadamay siya at ang asawa niya sa nangyayaring gulo ngayon. "What do you mean?" Tanong ni Chairman na halatang naguguluhan sa sinabi nito. Tumingin lang sa kanya si kuya Carter pero hindi na sumagot pa. Sumabat na si Rios na kanina pa nanahimik. "Chairman, alam kong alam niyong mangyayari ito. Alam kong alam niyo rin na kumikilos na sila, right?" Ngumisi si Rios pero natahimik lang ang chairman. "Nagtatago palang si Scarlett sa malayong lugar, kumikilos na ang kalaban. Pinauwi ko si kuya Carter dito dahil alam niya ring mangyayari ito." sambit niya at may nilapag siya sa lamesa. "Isa sa mga empleyado ni Scarlett ang gumawa nito. He’s Ken Aguilar." Tinuro niya ang larawan ni Ken. Napatingin naman ang mga magulang namin sa larawan na pinakita ni Rios. Napaiwas naman ako ng tingin at napakagat na lang sa labi. "W-what? Who is he--" natigilan si Chairman nang ngumisi si Rios sa kanya habang natatawa. "Oh, Akala ko matalino ka, chairman?" Natatawang tanong ni Rios. Napakunot naman ang noo ni chairman dahil mukhang hindi na niya nagugustuhan ang tono ng pananalita ni Rios. "Bakit parang hindi na ikaw ang dating chairman na alam ang lahat ng bagay?" Nanlaki ang mga mata namin dahil sa pananalita ni Rios kay chairman. He’s an asshole! "Rios!" Ngumisi lang si Rios sa kanila. "Patay na ngayon ang taong yan at ginamit siya ng kalaban para sirain si Scarlett." Nilipat niya sa pangalawang pahina ang papel na nilapag niya sa lamesa. "May tattoo akong nakita sa batok nung namatay siya," Napatitig na lang ako sa papel at napapikit dahil parang biglang sumakit ang ulo ko. "Kilala mo kung sino ang may ganyang tattoo, chairman." napakrus lang ng braso si Rios habang nakangising nakatingin kay chairman. Napaatras ako at napahawak sa ulo ko dahil pamilyar sa akin ang tattoo. Ilang beses ko nang iniisip kung saan ko nakita ang ganyang marka. "I don’t kow who you’re talking about." "Oh, really?" Napapikit na ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Baka sa sobrang puyat at pagod lang ’to. "Are you okay, Scarlett?" Tinaas ko lang ang kamay ko para sabihing ayos lang ako pero napasapo ako sa noo ko dahil naramdaman kong parang pinipiga ito at maraming mga imahe ang lumalabas sa isip ko at isa lang ang naiwan na imahe ang tattoo na binigay ni Rios kay chairman. "Scarlett!" Napadilat ako at hinihingal akong napahawak sa dibdib ko. A-anong klaseng tattoo yon? Bakit nakita ko siya sa alaala ko? "Y-yung tattoo..." sambit ko pero napasigaw na ako dahil mas lalong tumitindi ang sakit ng ulo ko. "Oh, my gosh! Scarlett!" Inalalayan na ako ni kuya Carter. "Anong alam mo sa tattoo?" Hindi pa ako nakakapagsalita ng kunin na ako ni mom at niyakap niya ako. "Kailangan ng magpahinga ng anak ko dahil pagod siya ngayong araw." sambit ni mom sa kanila at inalalayan niya akong makaakyat sa kwarto ko at pinaupo niya ako sa kama. "Anak, magpahinga ka na muna. Alam kong stress ka lang." nakangiting sambit ni mom at hinaplos niya ang buhok ko saka hinalikan ako sa noo bago siya lumabas ng kwarto ko. Napahawak naman ako sa ulo ko at napailing dahil baka maaaring tama si mom. Baka sa pagod at stress lang ’to kaya nangyayari ito sa akin ngayon. Humiga na ako sa kama at napapikit na lang ako pero hindi mawala sa isip ko ang tattoo na nakita ko. A-ano ang ibig sabihin no’n? *** THIRD POV Natahimik sila nang masaksihan nila ang nangyayari kay Scarlett pero may pumukaw sa attensyon ni Rios. Ang mga kilos ni Scarlett ng makita ang tattoo. ‘May alam ba si Scarlett? Ito rin ba ang nakita niya noong 23 years ago?’ ito lang ang pumapasok sa isip ni Rios bago niya tignan ang pamilya niya. "Then, what?! She’s acting like an innocent! Kasalanan naman niya ang nangyayari! Kung hindi siya bumalik hindi mangyayari ito!" Inis na sambit ni Sophia at napairap na lang siya. Nilingon ni Vernon si Sophia. "Watch you words, Sophia." Inis naman nilingon ni Sophia ang ama. "What?! Tama naman ako! Sana kasi hindi na lang siya bumalik kaya yung kasal namin ni Dominic nauudlot dahil sa kan'ya!" sigaw niya at nilapitan niya ang chairman. "Paalisin mo na kasi siya lolo! Siya lang sisira sa angkan!" Natigilan silang lahat at napakunot ang noo na napatingin sila kay Sophia na natigilan naman dahil sa mga sinabi niya. "I knew it. Lumabas din sa bibig mo ang katotohanan na ayaw mong manatili rito si Scarlett dahil alam mong hindi talaga mapupunta sa’yo ang lahat." sambit ni Carter at sinamaan niya ng tingin si Sophia na nanlalaki ang mga mata. "That’s not true! Alam niyong lahat nang dahil sa kanya kung bakit nangyayari ’to! Am I right?" Napataas naman ang kilay ni Rios at nilapitan niya si Sophia saka inakbayan. "Oh, my cousin..." bulong ni Rios at nanigas naman sa kinatatayuan si Sophia dahil sa tono ng boses ni Rios. "You're not helping. You don't deserve the throne," sambit ni Carter. Napangisi naman si Rios at lumayo na kay Sophia na nanggagalaiti na sa galit. "Of course, for you, my older cousin! She’s your favorite among the two of us!" sigaw ni Sophia at mangiyak-ngiyak siyang humarap sa chairman para mag mukhang kaawa-awa. "Wala na kayong magagawa dahil ako na ang papalit kay lolo!" dagdag pa niya. Napangiwi na lang silang lahat dahil nagiging wala ng sense kausap si Sophia dahil sa mga pinagsasasabi nito sa kanila. Naagaw lang ang attensyon nang mapansin nilang bumaba na si Sharlene. "Sharlene..." Nilapitan ni Vernon ang asawa na yumakap naman agad sa kanya. "Vernon, dumating na yata ang kinakatakutan ko." sambit ni Sharlene habang nakakapit sa damit ni Vernon. "Sharlene..." Napailing si Sharlene at natigil ang tingin niya sa folder na nilapag ni Rios sa lamesa. "Sa ating lahat... si Scarlett ang nakakaalam ng tattoo na yan maliban kay chairman." sambit niya. Napakunot ang noo nila pero natigilan sila nang may mapagtanto sila sa nangyayari kay Scarlett habang ang chairman naman hindi na nakagalaw sa inuupuan niya dahil natutulala na lang siya sa larawan. "Anong ibig mong sabihin, tita?" tanong ni Rios habang nakakunot ang noo. Napaiwas naman ng tingin si Sharlene at hindi na sumagot. "May alam kayong lahat sa nangyayari kay Scarlett. Anong nalalaman niyo? Hindi na kami bata para hindi maintindihan ang mga nais niyo." sambit muli ni Rios at tinignan niya ang kanyang pamilya. "Hindi natin malalaman kung ano ang pakay ng mga kalaban kung patuloy lang kayong mananahimik. Ayokong sa huli, si Scarlett ang masasaktan." Napayuko si Sharlene at kumuyom ang mga kamao niya dahil alam nila ang tunay na nangyari noon maliban lang sa pang huling henerasyon dahil mga bata pa sila nung naganap ang mga pangyayari noon. "May kinalaman ba ito sa dalawampu't tatlong taon na ang nakakalipas?" Tanong ni Rios. Natigilan naman ang lahat maliban sa mga pinsan niyang naguguluhan sa mga nangyayari. "Wait, yun yung panahon na namatay si lola. Anong kinalaman ng pagkamatay ni lola sa nangyayari ngayon?" Naguguluhan na tanong ni Erin. Nilingon siya ni Rios. "Brother, alam kong alam mo kung ano ang tunay na nangyari kay lola." Tumango si Erin at napakrus ang mga braso niya. "Yun yung mga panahon na inambush ang mansion. Tanging si Scarlett lang ang naka survive--" natigilan si Erin sa pagsasalita nang may ma realize siya kaya nanlalaki ang mga mata niya. "Nakita ni Scarlett ang mga taong pumasok noon sa mansion? F-ck! Bakit ngayon ko lang na realize?" Napailing na lang si Erin dahil sa maraming taon na ang lumipas ngayon lang na realize kung bakit ayaw ipapaalala kay Scarlett ang tunay na nangyari noon. "Kaya ayaw ni tita bumalik ang alaala ni Scarlett dahil may nalalaman siya sa nangyari noon, but we were so young back then kaya hindi namin pinapansin kung anong meron ang angkan." sambit ni Rios at tumingin silang lahat kay Sharlene na nakakuyom ang mga kamao. Napakagat sa labi si Sharlene at pinunasan niya ang mga luha niya. "H-hindi niyo alam ang pinagdaanan ng anak ko." yumuko siya at napapikit dahil ayaw niyang bumalik ang trauma ni Scarlett noon. "Hindi niyo alam kung anong trauma ang dala niya nung nangyari ang gabing 'yon dahil saksi si Scarlett sa pagkamatay ni lady Josephine." napatakip na siya sa mukha niya at napahagulgol na lang sa harap nila. "Sharlene..." niyakap ni Vernon ang asawa dahil alam niya rin ang pinagdadaanan nito. Tumingin siya sa lahat. "Kapag naalala na niya ang lahat, hindi natin alam kung ano ang maaari niyang gawin." sambit ni Vernon. Kumuyom ang kamao ni Rios dahil sa mga narinig niya dahil mas nag-aalala siya sa kalagayan ni Scarlett ngayon. "Okay, I know what to do." sambit ni Carter at umalis na siya ng mansion. Natahimik naman sila kaya napatingin na lang si Rios sa kwarto ni Scarlett. ‘I will help you.’ Ang hindi naman nila alam, may isang taong nakikinig sa kanila. Nakaupo sa isang madilim na parte ng hallway at nakatakip ang bibig para hindi makagawa ng ingay. "M-may nalalaman ako sa pagkamatay ni lola..." ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD