Chapter 28

2696 Words
"Do'n nag-umpisa kung bakit nangyari sa'kin 'to..." Napatulala na lang ako dahil hindi ko pa rin matukoy kung sino ang taong kumidnap sa kan'ya nung araw na 'yon. "Hindi ba talaga siya nagpakita sa'yo?" tanong ni kuya Erin. Umiling naman si Ken dahil mukhang hindi niya talaga nagpakita ang taong nagpadukot sa kanya. "T-tanging boses lang niya ang narinig ko... Ugh!" Napadaing na si Ken kaya nataranta akong hawakan siya pero napapansin kong namumutla na siya at nagkukulay violet na ang mga balat niya. "Ken!" sigaw ko at tumingin ako sa mga pinsan ko. "Erin, Let's take him to the hospital!" sambit ko at tumango naman si Erin na kinuha amg susi ng sasakyan niya pero pinigilan kami ni Ken. "H-hindi na rin ako magtatagal, Miss Scarlett... Pinilit ko lang mabuhay para masabi ko ang lahat sa i-inyo..." napaubo na si Ken at nanlaki ang mga mata ko nang sumusuka na siya ng dugo. "K-Ken... Please?" hinawakan ko siya sa kamay para magmakaawa na dalhin na siya sa hospital pero umiling lang siya sa akin at ngumiti. "Okay lang ako, Miss S-S-Scarlett..." huminga siya ng malalim at napansin ko ang pagtulo ng mga luha niya. "A-akala ko... Titigilan na n-nila ako pero nagkamali ako dahil patuloy nilang ginugulo ang buhay ko..." *** FLASHBACK Pagkatapos kidnapin si Ken, naging balisa na siya at hindi na nakakatulog sa gabi dahil baka bigla na lang may magpunta sa bahay nila o kahit sa trabaho. Ilang beses na rin siya napagsasabihan dahil sa pagiging balisa niya, pero pinapakita pa rin niya sa mga kasamahan niya na ayos lang siya at walang problema. Akala rin niya tinigilan na siya, dahil ilang araw na ring hindi nagpaparamdam sa kan'ya ang mga taong kumidnap sa kanya kaya medyo nagiging maayos na ang pakiramdam niya. Pero doon siya nagkakamali dahil may problema nanaman ang dadating sa kanya. May natatanggap na siyang mga death threat mula sa mga taong dumukot sa kanya at sinasabi sa mga sulat na sirain niya si Scarlett sa publiko at gumawa ng paraa para maipasara ang bar, sa isang madaling salita... Sirain ang isang Scarlett Knight. Ilang beses na rin siyang nakakatanggap, kaya mas lalo lang naging balisa si Ken at hindi na rin makausap ng matino. Isang gabing pauwi na siya mula sa bar may mga humarang sa kanyang mga lalaking pinipilit siyang isama muli pero piniringan na siya para hindi niya makita kung saan siya dadalhin. "Mr. Ken, napagisipan mo na ba ang pabor na hinihingi ko sa'yo?" Kumuyom ang mga kamao ni Ken at huminga siya ng malalim. "Pabor ba yon, huh? Isang pabor bang siraan si Miss Scarlett? Nababaliw ka na ba?" Natawa naman ito sa kan'ya. "Ako ba ang nababaliw? O ikaw ang nabaliw na?" Nagpupumiglas naman si Ken sa upuan. "Hindi mo kilala ang mga Knight! Hindi mo sila kilala!" "Manahimik ka!" Natawa si Ken. "Bakit? Tama ako, di ba? Hindi mo sila kaya!" "Tumahimik ka sabi!" sigaw ng kausap niya kaya nilapitan si Ken ng mga tauhan nito at sinipa siya kaya natumba na siya. Napakagat sa labi si Ken at napailing siya. "H-hindi ko gagawin ang inuutos--" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang matigilan siya sa narinig na sinabi nito. "Kahit pamilya mo na ang nakasalalay dito?" Natulala na lang si Ken at umiling siya. "A-ano? H-hindi...!" Natawa naman ito sa kanya at hinila si Ken ng mga tauhan nito para bumalik sa dating pwesto. "May mga tauhan ako sa labas ng apartment mo kung nasaan ang pamilya mo. Isang tawag ko lang sa kanila, mamamatay na ang pamilya mo." Nanlalaki lang ang mga mata ni Ken habang nagpupumiglas sa upuan. "H-h'wag ang pamilya ko! Ako na lang patayin mo! Huwag lang sila!" Pakiusap niya sa rito. "So, gagawin mo na ba ang pinapa gawa ko sa'yo?" Matagal pa bago sumagot si Ken at napapikit na lang siya habang hinihingal. "Gagawin ko na. Alang-alang sa pamilya ko. Sisirain ko ang negosyo niya." 'I-I'm sorry, Miss Scarlett. Mahal ko ang pamilya ko...' *** END OF FLASHBACK "A-ako ang dahilan kung bakit naipasara ang bar mo... I'm sorry..." sambit ni Ken. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya at kumuyom ang mga kamao. Wala na akong pakialam kung hindi ko na maibabalik ang negosyo ko, basta ang mahalaga sa akin magiging ligtas si Ken. "Gago ka! You deserve this!" Galit na sambit ni Ara sa kan'ya at susugurin niya si Ken pero pinigilan ko siya "Scarlett?" Umiling lang ako kay Ara at napahinga ako ng malalim at mas lalo ko lang hinigpitan ang hawak ko sa kamay ni Ken na umiiyak na sa harap ko. "I-I'm sorry, Miss Scarlett! H-hindi ko magagawa y-yun k-kung hindi lang nila dinamay ang pamilya ko..." sambit ni Ken kaya napakagat na lang ako sa labi at tahimik akong umiyak habang nakayuko sa magkahawak naming kamay. "N-no... It's all my fault, dahil sa akin kung bakit nadadamay ka at ang pamilya mo." Umiling ako sa kanya dahil wala siyang kasalanan. Ginawa lang ni Ken 'yon dahil may karapatan siyang protektahan ang pamilya niya. "A-akala ko titigilan na nila ako kapag nagawa ko na ang gusto nila." Ngumiti siya pero humahagulgol na siya ng iyak at kahit nahihirapan na siya, pinipilit pa rin niyang sabihin sa amin ang lahat. "Kaya yung huling pag-uusap namin ni Jasmine, tuluyan na akong nag desisyon na magpakalayo kasama ng pamilya ko dahil naguiguilty ako sa nagawa ko sa inyo pero n-nagkamali nanaman ako..." *** "Ken, saan ba tayo pupunta?!" Nilingon ni Ken ang asawa at hinalikan niya ito sa noo. "Lalayo na tayo rito! Dalian natin baka abutan nila tayo!" sigaw ni Ken habang nagliligpit sila ng gamit. "A-ano ba yang sinasabi mo?! Sino ba ang tinatakbuhan natin?!" Galit na tanong ng asawa niya habang buhat ang anak nilang umiiyak na. "Audrey, please?" Umiling si Audrey dahil hindi na niya maintindihan ang asawa. Pumayag siyang sumama sa Maynila dahil na rin dito maipanganak ang anak nila at sa tulong na rin ni Scarlett at Claire. "Ken, hindi na kita naiintindihan. Dalawang buwan ka ng gan'yan! Balisa o 'di kaya hindi ka makausap ng matino!" Hinila ni Audrey si Ken pero nagpatuloy lang itong nagliligpit ng mga gamit nila. "Ano ba talagang nangyayari sa'yo?!" Naiiyak na tanong ni Audrey kaya natigilan si Ken at nilapitan ang asawa at saka niya niyakap. "Shh... Ipapaliwanag ko rin sa'yo ang lahat. Basta ang importante makaalis na tayo rito," bulong ni Ken, at nginitian niya ito. Nagpatuloy silang mag-alsa balutan ng mga gamit nila at tuluyang umalis ng apartment nagbigay muna si Ken ng huling renta niya sa may-ari ng bahay at iniwan na ang susi saka tuluyang umalis. Sumakay sila ng taxi pero hindi pa sila nakakarating sa terminal may humarang na sa dinaraanan nila. "Kuya ideretso niyo lang!" sigaw ni Ken at niyakap niya ang asawa niyang natatakot na sa nangyayari. "Sino ba yang mga 'yan?" Umiling lang su Ken at sinigawan ang taxi driver. "Basta idiretso niyo lang at 'wag kang hihinto ano man ang mangyari!" Sumunod naman ang driver pero hindi pa sila nakakaandar pinaputukan na ang sinasakyan nilang taxi at nanlaki ang mga mata ni Ken ng makitang patay na ang driver. Nilingon na niya ang asawa para tumakas. "Audrey, Tara na!" Hinila niya ang asawa ngunit laking gulat niya may tama na ito sa ulo. "H-hindi.." Napailing si Ken at napasabunot na sa buhok niya. Hindi na niya alam ang gagawin niya kaya napatingin siya sa anak niya at napansin niyang wala itong malay kaya kinuha niya ang anak niya at sinipa niya ang pintuan ng taxi at nilapag ang anak niya at saka niya tinakpan ng towel bago siya bumalik sa loob ng taxi. Napahagulgol na lang siya ng iyak habang yakap ang asawa niya. Hindi man lang niya naprotektahan ang pamilya niya. Naramdaman na lang din niya na kinuha na siya ng mga lalaki habang nakatulala siyang tinatanaw ang asawa niyang wala ng buhay sa loob ng sinasakyan nilang taxi. Nasawi ang asawa niya at ang anak naman niya hinihiling niyang may makakita nito. Labis ang poot na nararamdaman niya sa gumawa nito sa kanyang pamilya. *** "Oh my gosh!" "Damn it!" Napatulala na lang ako sa paglalathala ni Ken sa buong pangyayari at kumuyom ang mga kamao ko habang patuloy na dumadaloy ang mga luha ko sa pisngi. "H-hindi n-na rin a-ako magtatagal, p-pinilit kong p-puntahan ka p-para sabihin s-sa'yo ang l-lahat. Mas g-gusto kong mamatay ng lumalaban," Napatingin ako kay Ken na labis na ang panghihina at bumibigat na ang pakiramdam niya. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Ken. "H-hindi dadalhin kita sa hospital. Erin!" Sigaw ko pero hinawakan lang ako ni Ken sa kamay ko at ngumiti kaya umiling ako sa kan'ya habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko. "H-hindi na k-kailangan, alam kong nalalapit na rin ang k-kamatayan ko. Pero tatandaan n-niyo, hindi lang siya nag-iisa dahil p-pakiramdam ko m-marami sila--Agh!" Napapikit na si Ken at tila bumibigat na ang paghinga niya. "K-Ken, pilitin mong mabuhay para sa hustisya." sambit ko sa kan'ya pero nabigla ako ng hawakan niya ako ng mahigpit sa kamay ko at seryosong nakatingin sa'kin. "P-pamilyar ang boses ng kausap ko, pero malakas ang pakiramdam ko na isa siyang babae." sambit niya. Napakunot naman ang noo ko. "Isang babae?" Tumango naman siya. "Dahil kahit gumamit pa siya ng voice changer hindi pa rin maiaalis na isa siyang babae." Huminga siya ng malalim at tinignan ang mga braso niya. "A-ang itinuturok nila sa'kin ay isang lason, k-kung saan unti-unti a-akong mawawalan ng hininga k-kaya alam kong h-hindi na ako magtatagal pa." Tumingin siya sa'kin at ngumiti. "M-maraming salamat, Miss Scarlett dahil sa buhay na binigay mo sa akin, sa mga tulong sa pamilya ko at sa pagiging mabait mo s-sa'kin." "K-Ken..." "P-patawarin mo ako sa lahat nng nagawa k-ko sa'yo... H-hindi ko intensyon n-na mangyari 'yon." "K-Ken..." Nanlaki ang mga mata ko na lumalabas na ang mga ugat niya sa braso at mas lalong bumibigat ang pag hinga niya. "K-Ken!" "M-Mag-iingat k-ka, Ms. Scarlett. Ikaw ang target n-nila p-pati a-ang mga bata.." Napapailing lang ako sa kan'ya. Hindi! Hindi siya maaaring mamatay! "P-patawad..." "Ken! No!" Ngumiti siya at mas lalo akong napaiyak ng unti-unti na siyang pumikit at unti-unti na rin siyang bumitaw sa mga kamay ko. "Ken! No! Wake up!" Kahit na anong gawin ko, hindi na siya muling dumilat pa. Kaya napasalampak na lang ako sa sahig at sinigaw lahat ng nararamdaman kong poot at pait. "He's dead. Time of death, 4 am." Napayakap na lang ako kay dad at umiyak lang ako ng umiyak sa yakap niya. H-hindi ko matanggap dahil napakabait ni Ken pero bakit siya pa? Bakit hindi na lang ako? "Anong plano mo, Scarlett?" Umalis ako sa pagkakayakap ko kay dad at mariin kong pinunasan ang mga luha ko, saka ako tumayo para silipin muli si Ken na tinakpan na nila ng puting kumot na nakahiga sa sofa. "Hanapin ang bangkay ng kanyang asawa, isasabay ko siya sa burol ni Ken. Gusto ko mabigyan ng mapayapang burol at libing si Ken kasama ng asawa niya at hanapin ang anak niya. " sambit ko. Tumango naman sila at inakbayan ako ni dad. "Gagawin natin 'yan. Sa ngayon magpahinga ka na muna, at kami na ang bahala sa bangkay ni Ken at nang kanyang asawa." sambit ni Dad. "No need. Nahanap ko na ang bangkay ng kan'yang asawa." Napalingon kami sa bagong dating na si Rios na papasok ng mansion na halatang kagigising lang. "Nahanap mo na?" tanong ko. Tumango naman si Rios at napatingin siya sa bangkay ni Ken at saka bahagyang napailing. "Kailan pa? Alam mong mangyayari 'to, huh, Rios?" Nilapitan ko siya pero pinigilan ako ng mga pinsan namin para pakalmahin ako dahil alam nilang nag-uumpisa ng uminit ang ulo ko. "Sumagot ka, Rios! Alam mong mangyayari 'to?! Magkasama tayo Rios nung nakaraan. Bakit hindi ka nagsasabi sa'kin?! Sana nagawan ko ng paraan!" Sigaw ko at pumipiglas ako sa hawak ng mga pinsan ko pero ayaw nila akong pakawalan. "Let her go," sambit ni Rios kaya binitawan nila ako at umayos ako ng tayo. "Rios, namatay si Ken! Namatay ang asawa niya dahil sa'kin! Naiintindihan mo ba?!" Bumuntong hininga si Rios at hinawakan niya ako sa balikat. "Hindi ko alam na mangyayari 'to, okay? Nabalitaan ko lang sa balita ang nangyari sa taxing sinasakyan nila dahil natagpuan ang bangkay sa ilog, kaya gumawa ako ng paraan para makuha ang bangkay at ipa-examine ito." sambit niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Napagalamanan ko na asawa ito ng isa sa mga empleyado mo kaya sinubukan ko ring hanapin si Ken katulad ng ginawa ni kuya Carter pero hindi ko siya natagpuan." Nilapitan niya si Ken at hinawi ang puting kumot. Pinatagilid niya at hinawi rin ang buhok nito sa batok at nanlaki ang mga mata namin na may pinakita siyang isang tattoo. "Isang simbolo ito at meron din nito ang asawa niya," Naguluhan naman ang mga pinsan ko sa mga sinasabi niya at ako nakatulala lang ako sa isang tattoo. "Anong ibig sabihin niyan Rios?" Umiling lang siya at ginulo ang buhok niya bago siya seryosong tumingin sa'kin. "Ikaw talaga ang target nila kaya sumubok akong mag-imbestiga pero nililigaw ako ng mga nakakalap kong impormasyon." napabuntong-hininga siya at napaiwas naman ako ng tingin. "Gano'n din ang ginagawa ni kuya Carter at Dominic." Napakurap ako dahil narinig ko ang pangalan ng dati kong asawa. Hindi ko na siya nakita pa magmula nung pinuntahan niya ako sa bar. "Alam kong magtataka ka kung bakit nasali siya rito dahil kinausap niya ako o sabihin na nating nakiusap siya sa'min na sasama siya sa imbetigasyon." Napalunok naman akonat umiwas muli ng tingin dahil hindi talaga marunong makinig si Dominic. "Tutulong daw siya sa paghahanap kay Ken para makabawi sa'yo. Dahil malaki ang connection ng pamilya ni Dominic sa mga pulis kaya pumayag na lang kami sa gusto niya pero miski siya hirap makakalap ng impormasyon." Napailing na lang ako at napakagat sa labi. Bakit parang ako lang ang walang alam sa nangyayari? Napatingin ako sa mga pinsan ko at napaiwas lang sila ng tingin. Damn it. "Nagiimbestiga rin kayo!" Napayuko naman sila at napakamot sa ulo. "Oo. Ikaw lang ang hindi nakakaalam sa'min dahil alam na namin na ikaw ang target." Napabuntong hininga na lang ako at tinakpan ko muli si Ken ng kumot. "Bakit hindi mo sinabi na ikaw ang target?" Natigilan ako sa tanong ni dad. Napaiwas naman ako ng tingin at napabuntong-hininga. "Hindi ko pa kumpirmado kung ako ba talaga ang target nila kaya hindi ko sinabi sa inyo. Mas gusto ko ako mismong ang aalam kung totoo bang may gustong pumatay sa'kin." sambit ko at napasuklay ako sa buhok ko. "Sinabi rin ni Young sa akin na binayaran siya para patayin ako. Naramdaman ko yun nung gabing naka engkwentro namin ang mga tauhan niya." Tumingin ako sa kanila. "Chairman is not their target but me..." Natahimik naman sila pero nahahalata kong disappointed sila dahil nagiging malihim nananan ako sa kanila kaya napalunok na lang ako at napailing. "Sorry kung di ako nagsabi. Hindi ko gustong ilihim ito sa inyo pero ayoko na rin kayo madamay sa problema ko. Hangga't kaya ko haharapin ko sila mag-isa." sambit ko at tumingin muli ako sa bangkay ni Ken. "Burol at maayos na libing para kay Ken at sa asawa niya. Yun lang ang gusto ko sa ngayon." Tumalikod na ako sa kanila at kumuyom ang mga kamao pero nagpatuloy pa rin akong pumunta sa kwarto ko. Sinara ko at ini-lock ko na ang pintuan ng kwarto ko saka ako dumiretso sa walk-in-closet ko at pumasok ako sa loob Binuksan ko ang kabinet na punung-puno ng mga armas at iilang kagamitan na ako mismo ang nagmamay-ari. Matagal ko ring inipon ito, kung sakali kasing magkaroon ng malaking krisis sa pamilya namin ay alam ko na ang gagawin ko. Magagamit ko rin ang lahat ng ito at bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ni Ken. Hindi ko sasayangin ang pagkamatay niya at ako mismo hahanap ng hustisya para sa kan'ya. Gagawin ko na ang matagal ko ng hindi ginagawa. Ang pasukin ang totoong mundo para sa isang Knight.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD