THIRD POV
***
"Lola,"
"Oh, apo? Bakit hindi ka sumama sa kanila?"
"Ayoko ho kayong iwan lola, kayo lang ho kasi mag-isa rito kaya nagpaiwan ako, hehehe,"
"Ikaw talagang bata ka. Dapat sumama ka sa kanila,"
Nilingon niya ang lola niya na nakangiti habang nagbuburda.
"Ano ho yang ginagawa niyo?"
Napatigil ang lola niya sa pagbuburda.
"Ito ba? Ginagawan kita ng panyo, para kapag nawala na ako maalala mo pa rin ako," nakangiting sambit ng lola niya sa kan'ya.
Napatitig naman siya sa lola hanggang sa naging madilim ang paligid na siyang pinagtataka niya at ang lola niyang kanina lang katabi niya na nakangiti sa kan'ya ngayon ay humahagulgol na ng iyak habang nagmamakaawa sa isang taong nasa harapan niya.
Natulala na lang ang bata at hindi makakilos dahil hindi niya naiintindihan ang nangyayari.
"L-Lola?"
Lumingon ang matanda sa kan'ya at ngumiti ito.
Napatakip na lang ng bibig si Scarlett ng makita niya ito at napansin din niyang nasa loob siya ng isang kabinet at naririnig niya ang sigaw na tila nagmamakaawa ang kanyang lola sa mga taong hindi niya kilala.
Napatakip sa tenga ang batang si Scarlett dahil halos mabingi na siya sa mga sigaw ng kan'yang lola na nagiging musika sa kanyang tenga.
Nanlaki ang mga mata niya ng makitang nakahandusay n ang lola niya sa sahig. Nakita pa niya ang lalaking nasa harapan ng lola niya.
"Kung hindi ka mapapasakin Josephine mas magandang mamatay ka na lang. Para mahirapan si Verno sa pagkawala mo at kukunin ko ang lahat ng meron siya."
Napatulala na lang si Scarlett habang impit na umiiyak.
"LOLA!"
***
(A/n: This is narration to all our character.)
"LOLA!"
Napabalikwas ng bangon si Scarlett sa kalagitnaan ng gabi habang nakayakap sa sarili, at punung-puno ng luha ang mga pisngi niya.
Hindi niya alam kung talaga bang nangyari yung gabi na 'yon. Yung huli niyang nakita at nakasama ang kan'yang lola, dahil kahit anong gawin niya hindi niya maalala ang mga pangyayari at palagi na lang siya dinadalaw sa mga panaginip niya.
Nakatulala lang si Scarlett sa kan'yang kama at tila wala sa sarili dahil sa bangungot na kan'yang nakita. Inabot na ng umaga na wala pa ring kibo si Scarlett at ang mga Knight naman tila nakikiramdam dahil sa mga nalaman nila.
***
"I can't believe na napagdaanan ni Ven lahat 'yon, I thought she’s pretend that she had an amnesia." sambit ni Lux. Napailing na lang sila sa nalaman nila.
"Anong gagawin natin? Hindi naman pwedeng hayaan na lang natin lahat kay Scarlett," sambit naman ni Aaron Knight.
Napahawak naman sila sa ulo dahil kahit malakas ang kanilang pamilya hindi pa rin maitatanggi na may mga kahinaan pa rin sila.
"Sasama tayo sa laban. Hindi tayo naging knight para lang sa wala. Sasamahan natin si Scarlett sa magiging laban niya," sambit ni Erin Knight.
Determinado na sila na tutulungan nila si Scarlett sa mga laban nitong dadating.
Dumako naman tayo kay Carter Knight na tila nag-iisip kung anong gagawin sa nalaman. Masyado pa kasi siyang bata nung mga panahon na 'yon at hindi manlang nagawang protektahan si lady Josephine at si Scarlett.
Napatanaw na lang siya sa glass wall niya at tinatanaw ang mga pagmamaya-ari ng mga Knight at napabuntong hininga. "What should I do?"
***
Dumako naman tayo kay Dominic na hanggang ngayon sinisisi pa rin ang sarili.
"Dominic, enough!"
Tinabig ni Dominic si Sophia na pinipigilan siya sa pag-inom. "Leave me alone." inis na sambit ni Dominic at sinamaan ng tingin si Sophia. "What did I tell you?"
Natigilan naman si Sophia at akmang hahawakan niya si Dominic nang tabigin ang kamay niya. "D-Dom.."
"ALIS!"
Padabog namang umalis si Sophia at hinayaan niyang mag-isa si Dominic na tinabig lahat ng nakakalat sa lamesa at napasabunot sa ulo niya saka humagulgol na lang ng tahimik.
"Tell me, what to do, Scarlett?"
***
Habang ang chairman naman ay nakaupo sa kanyang swivel chair at nagiisip na rin pero napansin niya ang larawan ni Josephine ang kan'yang asawa.
"Josephine, did I make a mistake? I wish you were here." sambit ni chairman at niyakap niya ang larawan ng kanyang asawa habang iniisip kung ano pa ba ang maaari niyang gawin.
***
Bumalik tayo kay Scarlett na hanggang ngayon tulala pa rin. Hindi niya naramdaman na pumasok na ang kanyang ina sa kwarto niya at umupo ito sa tabi niya.
"Scareltt, h'wag ka naman ganito..." mangiyak-ngiyak na sambit ni Sharlene sa anak. "H'wag mong pilitin ang sarili mong makaalala. Ayokong bumalik ka sa dati."
Natigilan si Scarlett at blanko siyang tumingin sa kanyang ina. "Ano ako dati?"
Natigilan si Sharlene at umatras ang lahat ng luha niya ng magsalita si Scarlett.
"S-Scarlett..."
Nabigla pa si Sharlene nang makita ang anak na walang emosyon itong nakatingin kung saan.
"Ano ang dapat kong maalala? Ang pagkamatay ni lola o ang tunay na may sala?" malamig na tanong ni Scarlett. Napatakip naman sa bibig si Sharlene dahil mangyayari na ang kinakatakutan niya.
Yung may mag-iiba kay Scarlett.
"Please--" hindi na natuloy ang sasabihin ni Sharlene na ngumisi si Scarlett sa kanya habang pumapatak ang mga luha nito.
"Tama bang pabayaan ko ang lahat mom?" Scarlett looked at her mom. "Namatay si lola ng walang hustisya, at namatay si Ken nang dahil sakin. Tama bang mananahimik lang ako?"
Hindi naman makapagsalita si Sharlene dahil nararamdaman niya ang nararamdaman ng kanyang anak.
Nilingon siya ni Scarlett. "Gusto kong maalala ang lahat. May mga bangungot akong hindi ko alam kung totoo bang nangyari lahat ng yon."
Niyakap naman ni Sharlene ang anak niya ng mahigpit kaya napakapit naman si Scarett sa braso ng kan'yang ina.
"Maraming imahe akong nakikita, at lahat nang yon puro trahedya." Ngumisi si Scarlett pero patuloy pa rin ang pagpatak ng kanyang mga luha. "Anong nangyari kay lola mom? Ang sabi niyo sa akin noon, may malubhang sakit si lola kaya siya namatay, pero... Ano ba talaga ang totoong nangyari kay lola?"
Hinaplos naman ni Sharlene yung buhok ni Scarlett habang mangiyak-ngiyak siyang nakayakap sa anak.
"Pinatay siya, di ba? At ako ang saksi sa lahat ng 'yon. Ako ang pag-asa para mahuli ang mga salarin." sambit ni Scarlett. Natigilan naman si Sharlene at nanlalaki ang mga mata niya saka humigpit ang yakap niya sa anak niya. "Tama ako, di ba?"
Umiling si Sharlene at hinaplos ang buhok ni Scarlett.
"No, listen to mommy, okay?" Ngumiti si Sharlene at hinawakan niya ang mukha ni Scarlett. "Hindi mo kailangan gawin 'yon, marami ang gagawa no’n para mahuli ang mga salarin, okay? Hindi mo na kailangan pang kumilos." Bulong ni Sharlene sa anak niya ngunit hindi na muli pang nagsalita si Scarlett kaya sinilip ni Sharlene si Scarlett na nakapikit kaya inihiga niya ito upang makapag pahinga.
Hinalikan niya ito sa noo at ngumiti na lang para sa anak.
"Hindi kailangan madungisan ang mga kamay mo anak. Marami sa amin ang pwedeng kumilos para malaman kung sino ang mga salarin." Bulong niya rito at tumayo na siya ng maayos. Sinilip niya muli si Scarlett bago siya tuluyang makalabas ng kwarto ng anak.
Paglabas ni Sharlene kasabay naman ang pagdilat ng mga mata ni Scarlett.
Tinaas ni Scarlett ang mga kamay niya upang titigan ito. "Ayaw nilang madungisan ang kamay ko pero dudungisan ko lang ito kapag kumilos na ako." bulong ni Scarlett. Kinuyom niya ang mga kamay niya at naalala niya ang mga sinabi ng lola niya noon.
***
"Scarlett..."
"Yes, lola?"
"Kapag nawala na ako, 'wag na wag mong pababayaan ang pamilya natin, huh?"
"Huh? Lola para naman kayong mamamatay niyan!"
"Hahaha! Hindi pa naman ngayon, kaya makinig ka na lang sa sasabihin ko."
"Opo,"
"Ikaw na ang bahala sa pamilyang ito. H'wag na 'wag mong papabayaan. Kung kinakailangan mong dungisan ang mga kamay mo, gawin mo upang maprotektahan mo ang mga taong mahal mo. Pag dating mo sa tamang edad alalahanin mo lahat ng sinabi ko sayo."
"Para naman po akong superhero niyan, lola."
"Isa kang Knight, kaya kailangan mong lumaban para sa mga taong gusto mong protektahan. Sa panahon ngayon, hindi na pantay ang pagtingin ng mga tao. May mga mayayaman na matapobre at may mga kapos. Kaya rin hindi umaasenso ang iba dahil sa mga ganid na tao. Kaya Scarlett, ’wag mo akong bibiguin."
"Opo, lola! I will protect my family!"
***
Napahawak sa ulo si Scarlett ng biglang sumakit ang ulo nito at napatingin siya sa mga kamay niya dahil sa mga sinabi ng kanyang lola.
Kumuyom naman ang mga kamao niya at tumayo na siya mula sa kama saka hinawi ang mga kurtina at napatitig sa lupain nila.
"Nangako ako kay lola na poprotektahan ko ang pamilya." bulong niya at ngumisi. "Bakit ko ba nakalimutan ang mga importanteng bagay?" Napailing na lang siya. "Isa akong Knight kaya tama lang na kumilos na ako."
Napatingin muli siya sa kamay niya at napangisi na lang. "Kung kinakailangan kong dungisan ang mga kamay ko gagawin ko. Maprotektahan lang ang pamilya ko."
Napahawak siya sa bintana.
"Gagawin ko na ang iniiwasan ko noon. Ang pasukin ang totoong mundo para sa amin." Nakangising bulong niya at kinuha niya ang phone niya.
"We need to talk Carter."