SCARLETT’s POV
***
"Good morning Ms. Scarlett!"
"Maayos na ba ang lahat?"
"Okay na! Balik na ho ako sa trabaho!"
***
"MS. Scarlett,"
"Bonus mo dahil buong araw ka nagtrabaho."
"Ken, magagalit ako sa'yo kapag hindi mo ito tinanggap."
"OK, malaking tulong din ito dahil sa pangangailangan ng anak ko. Maraming salamat po sa lahat Ms. Scarlett, tatanawin ko pong utang na loob 'to hanggang sa kamatayan ko."
***
"KEN!"
Napabangon ako bigla habang hinihingal ako, hindi ko akalain na mapapanaginipan ko si Ken.
Sana lang talaga walang masamang mangyari sa kan'ya. Ito na siguro yung kinakatakutan ko. Naalala ko yung huli ko siyang makita at ang mga huli niyang sinabi sa akin.
Napahawak naman ako sa ulo ko ng maramdaman kong sumasakit ito dahil na rin siguro sa panaginip ko. Bumangon na ako sa kama at lumabas ng kwarto ko para uminom ng tubig.
Napatingin pa ako sa mga bintana ng mansion na hinahangin ang mga kurtina at napatalon ako bigla nang kumidlat ng malakas, mukhang magkakaroon pa yata ng bagyo.
Napayakap na lang ako sa sarili ko hanggang sa makarating ako sa kusina para uminom ng tubig.
Kumuha ako ng tubig at ininom ko ito dahil nanunuyo ang lalamunan ko, pero napatigil lang ako ng makarinig ako ng kaluskos.
"Sino yan?"
Kumunot ang noo ko nang walang sumasagot dahil na rin madilim na rin ang kabuuan ng mansion at tanging kidlat na lang ang nagbibigay ng ilaw.
Pinagkibit-balikat ko na lang dahil baka malakas na hangin lang 'yon. Nagpatuloy akong uminom ng tubig at napayuko na lang ako para isipin kung saan maaaring pumunta si Ken, hanggang ngayon hindi pa rin siya nahahanap. Damn it.
Natigilan lang ulit ako ng mas lumakas ang mga kaluskos kaya napalingon na ako sa likod mansion at napansin kong bukas ang pinto.
Nakalimutan ba nila na isara ang pintuan?
Napayakap na lang ako sa sarili dahil medyo nakakaramdam na ako ng kaba, f-ck! Wala namang magkakamaling pumasok ng mansion dahil mahigpit ang mga gwardiya.
Bigla namang kumidlat at nanlaki ang mga mata ko na may aninong nakatayo mismo sa pintuan kaya nahulog ang basong ininuman ko dahil na rin sa nabangga ko ito sa gulat.
"S-sino yan?!" Sigaw ko at sinubukan kong lapitan pero tanging kidlat lang ang tanging ilaw para maaninag ko siya ngunit hindi ko talaga makilala kung kaninong anino 'yon.
"S-sino k-ka?! H-Hindi ka maaaring pumasok dito sa mansion!"
Lumapit pa ako lalo at napatingin ako sa paligid kung bakit wala ang mga tauhan namin at hinayaan nila na may makapasok dito sa mansion na alam nilang pinagbabawal ng chairman.
"M-Ms. Scarlett..."
Natigilan lalo ako at napatakip sa bibig ko ng makilala ko ang boses na 'yon.
"K-Ken?"
Ngumiti siya at bigla na lang siyang bumagsak. "K-Ken!" Sigaw ko at nilapitan ko siya at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya ng malapitan.
Maraming mga pasa at sugat sa buong katawan niya. Nakita ko rin na may tama siya ng bala sa legs niya.
"S-sino may gawa niyan sa'yo?!"
Hindi ko alam kung anong uunahin kong hahawakan sa katawan niya, natataranta na rin ako dahil naguguluhan ako kung bakit ganito ang itsura niya.
Biglang bumukas ang ilaw ng mansion.
"Sino yung sumigaw?!"
Si dad.
"Si Scarlett yata uncle."
Narinig ko na rin yung mga boses ng mga pinsan ko, dahil dito muna sila mag-stay para ayusin ang issue tungkol sa'kin at sa pamilya.
"Narinig ko ang sigaw sa kusina!"
"Scarlett—Holy s**t!"
Napatingala ako sa mga pinsan ko at naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko.
"T-tulungan niyo akong buhatin siya at ihiga sa sofa." sambit ko.
Nilapitan naman ako ni kuya Erin at Aaron para alalayan si Ken na nanghihina na at inihiga nila sa sofa.
"Scarlett, ayos ka lang?" tanong ni Lux at hinimas niya ang braso ko pero napailing lang ako dahil hindi ako magiging okay nang makita kong ganito ang kalagayan ni Ken.
"What happened?" tanong ni dad, at napatingin siya kay Ken na nahihirapan pa ring huminga.
Umiling ako sa kan'ya at napakagat sa labi. "H-hindi ko alam, dad. Nagulat na lang ako nakatayo na siya sa harap ng pintuan sa likuran ng kusina at gan'yan na ang itsura niya ng makita ko siya." naiiling na sambit ko.
Nilapitan ko si Ken at lumuhod ako sa sahig para hawakan ko siya sa kamay pero hindi ko na mapigilan ang pag-iyak ko dahil sa nakikita kong itsura niya na nanggaling sa paghihirap.
"M-Ms. Scarlett..."
Napaangat ako ng tingin sa kan'ya at nakita ko siyang nakatingin sa'kin.
"S-sabihin mo sa'kin kung bakit nangyari sayo ito at kung sino ang may gawa nito sayo." sambit ko. Napatingala naman siya at tumingin siya sa mga kasama ko bago siya ngumiti.
"Bago ako mamatay, sasabihin ko sa inyo ang totoong nangyari at kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon..."
Humigpit ang hawak ko sa kamay niya at umiling sa kan'ya. "H-hindi ka mamamatay, okay? Gagawin ko ang lahat para mahuli ang may gawa nito."
Ngumiti lang siya at napahawak din siya sa kamay ko kaya napayuko na lang ako.
"Pakitawagan si Claire, kailangan niya malaman ang nangyari kay Ken." sambit ko, at sumunod naman sila pero napalingon kami kay Ken nang magsalita siya.
"Nagumpisa 'yon nung dalawang buwan na ang nakakalipas..."
*** FLASHBACK
"Ken, ikaw na bahala rito, okay? Tawagan mo lang ako kapag nagka problema." sambit ni Scarlett kay Ken na inaayos ang mga gamit sa bar.
"Yes, Miss! Maaasahan niyo ako rito!"
Sumaludo si Ken kay Scarlett na ngumiti naman ito bago bumalik sa opisina at pinagpatuloy naman ni Ken yung trabaho niya sa bar.
"Bro! Ganda ni Ma'am Scarlett!"
Siniko naman ni Ken yung kaibigan niyang si Samuel na sobrang pilyo.
"Off limit yan si ma'am. Isang Knight 'yan."
"Alam ko! Sinasabi ko lang dahil nakakaganang magtrabaho kapag nakikita mong nakangiti si Ma'am Scarlett. Nakakagaan lang sa pakiramdam."
Napailing na lang si Ken kay Samuel.
"Sobrang bait pa,"
"Sinabi mo pa!"
Nagtawanan naman silang dalawa at pumunta na sa likuran si Ken para magtapon ng basura dahil mamayang gabi, magbubukas na ang bar.
Natigilan lang si Ken ng maramdaman niyang may nanonood sa bawat kilos niya. Napakunot ang noo niya at tumingin siya sa likuran niya at napansin niyang may tao sa itaas ng puno.
"S-sino k-ka?! Bumaba ka riyan!" Sigaw niya pero hindi ito sumagot kaya pinagkibit-balikat na lang niya at bumalik na sa loob para balikan ang naiwan niyang trabaho.
Nag-umpisa ng magbukas ang bar, hanggang sa dagsain sila ng mga tao dahil weekend. Marami ang dumadayo sa bar nila bukod sa maganda na ang paligid, mamahalin pa ang mga alak na galing pa sa ibang bansa.
Tinikman niya muna ang mga alak bago ito i-serve sa mga customer. Yun kasi ang utos sa kanila ni Scarlett para siguraduhin na maayos at masarap ang alak na dinedeliver sa kanila.
Alas kwatro na ng madaling araw nang maisara ang bar dahil yung iba ayaw pang umuwi dahil nag-eenjoy pa kaso hanggang 4 am lang talaga ang limit ng bar ni Scarlett.
"Mauuna na ako sa inyo, kayo na bahalang magsara ng bar dahil baka magising na ang mga anak ko at hanapin ako, ingat kayo sa pag-uwi." sambit ni Scarlett, at kumaway na sa kanila.
Ngumiti lang sila at tumango kay Scarlett bago naglinis sa buong bar.
"Grabe dinagsa ng mga tao ang bar ngayon puro mayayaman na tao pa! May bonus nanaman tayo!"
Natawa na lang sila kay Samuel at napailing na lang.
"Puro pera nasa isip mo, Sam!" sambit ni Jasmine kay Samuel.
"Para yun sa future natin, babe!"
"Yuck. Future my ass! Isa sa mga Knight, pwede pa!"
Natatawang napapailing na lang si Ken sa dalawang kaibigan niya dahil palagi na lang talaga itong nag-aasaran.
"Ken! Una na kami! Antok na antok na ako grabe! Hinahanap na ako ng kama!" Tinapik siya sa balikat ni Samuel na nakabihis na para umuwi na. Napangiwi lang si Ken at tumango sa kaibigan niya.
"Ang sabihin mo may naghihintay sa'yo sa kama!"
"Jasmine babe naman!"
"Whatever!"
Napabuntong hininga na lang si Ken dahil ang iingay ng mga kaibigan niya. Tinulak naman niya ito palabas ng bar.
"Magsi-uwi na nga kayo! Ako na bahala rito!"
Napangiti naman si Samuel at niyakap niya si Ken. "Thank you bro! Maaga akong papasok bukas, promise!"
Tinulak lang niya ang kaibigan pero natawa na lang siya. "Oo na! Oo na!"
"Bye Ken, ingat ka sa pag-uwi!"
"Bukas kami naman magsasara!"
Ngumiti lang siya sa mga ito at sumenyas sa kanila na umuwi na bago siya napailing at humarap muli sa bar para i-sara ng maayos at iiwan na lang niya ang susi sa guard nila.
Nang mailock na niya, napangiti na lang siya at tumalikod na para mag-abang ng taxi pauwi sa apartment niya dahil naghihintay na sa kan'ya ang pamily niya.
Habang nag-aabang siya ng taxi biglang may humampas sa ulo niya at nawalan siya ng malay. Binuhat siya mg mga dumukot sa kanya pasakay sa sasakyan at mabilis na pinaandar ito patungo sa location kung saan siya dadalhin.
Nagising na lang si Ken na may ilaw na nakatapat sa kanya at laking gulat niya na nakatali na siya sa upuan kaya pumiglas siya sa tali ngunit mahigpit ang tali.
"Kahit anong gawin mo hindi ka makakatakas."
Natigilan lang siya ng makarinig siya ng boses at tumingin siya sa paligid para hanapin yon pero hindi niya maramdaman kung nasaan ang taong yon. Pakiramdam din niya na nag-iisa lang siya sa madilim na silid at tanging ilaw lang ang na nasa ibabaw niya.
"Mr.Ken Aguilar,"
"Ako nga! Sino ka? Bakit hindi ka magpakita sa'kin? Bakit ako nakatali?"
Natawa naman ang kausap niya kaya napakunot na lang ang noo ni Ken dahil parang pamilyar ang boses na narinig niya.
"Easy. Makakawala ka lang d'yan kapag papayag ka sa ipapagawa ko sa'yo. Magbabayad ako ng malaking halaga kapag nagawa mo ng maayos ang ipapatrabaho ko sa'yo."
Natigilan si Ken at mas lalong napakunot ang noo niya sa narinig. "Sino ka para sundin ko? Pakawalan mo ako rito!" nagpupumiglas siya sa tali.
"Mr. Ken, simple lang naman ang ipapagawa ko sa'yo at alam kong kaya mo yung gawin. Don't worry malaki ang ibabayad ko sa'yo."
Natawa na lang si Ken sa kausap niya. "Ginagago mo ba ako? Pakawalan mo ako rito!"
"TSK!"
Nanlaki ang mga mata ni Ken ng biglang may lumabas na mga lalaki at may dalang injection.
"A-anong gagawin niyo sa akin?! A-ano yan--Ah!"
Napasigaw si Ken ng maramdaman niyang tumusok na sa braso niya ang injection at nakaramdam na siya ng panghihina.
"Papayag ka na ba?"
Nanghihinang umiling si Ken. "H-hindi! K-kahit a-anong g-gawin n-niyo h-hindi a-ako p-papayag!" sigaw ni Ken sa kanila at napahinga ng malalim pero tila bumibigat na ang paghinga niya.
"TSK. You're so stubborn."
Napasigaw muli si Ken ng turukan muli siya ng injection kaya nakaramdam na siya ng antok at mas lalong nakaramdam ng pamamanhid sa katawan.
"Papayag ka na ba Mr. Aguilar?"
"H-Hindi--" Nawalan na lang bigla ng malay si Ken dahil na rin sa ilang turok ng injection ang braso niya.
"Ken!"
Tinapik tapik naman ang pisngi ni Ken ng asawa niya kaya napadaing siya.
"Ken, gising!"
Dumilat naman si Ken pero naalala niya bigla ang nangyari sa kan'ya kaya napabangon siya at napatingin siya sa paligid na napansin niyang nasa harap na siya ng apartment niya.
"Ken!"
"A-Audrey..."
Napakunot naman ang noo ng asawa niya. "Bakit natutulog ka rito?! Lasing ka nanaman ba?!"
Umiling lang si Ken at niyakap niya bigla ang asawa niya dahil na rin sa takot niya para sa pamilya.
Hindi niya kilala ang mga taong 'yon. Hindi niya rin alam kung bakit kinidnap siya para lang mag-utos sa kan'ya. Natatakot din siya para sa sasapitin ng pamilya niya.
*** END OF FLASHBACK