Chapter 4

2664 Words
When I returned, they were all surprised. When mom saw me, she exclaimed, “Oh, my gosh!” napatakip siya sa bibig niya at nangingilid na rin ang mga luha niya. “Oh, my gosh! My daughter is back!” sambit niya at halos madapa pa siya sa paglapit niya sa ‘kin at dinamba niya ako ng yakap kaya napabitaw ako sa kamay ng mga bata at sinalubong ng yakap si mom. “Scarlett!” mahinang bulong ni mommy habang yakap niya ako. Hindi ko na rin mapigilan ang luha ko habang kayakap ko siya. I miss her so much. “Mommy,” mangiyak-ngiyak na tawag ko sa kan’ya kaya mas lalo siyang umiyak. Ramdam ko ang pangungulila niya sa ‘kin. Kapag may problema ako, siya rin ang nagiging sandalan ko at palagi niya rin akong pinaaalalahanan na maging matatag ako sa buhay. Nang lapitan ako ni dad ay tinawag niya ako, “My princess,” n Napakalas naman ako sa pagyakap ko kay mom pero napansin ko namang umatras si mom at napaiwas ng tingin sa ‘kin. Ano namang nangyari sa kanilang dalawa? May nangyari ba habang wala ako? Ito ba yung narinig ko kay manang Lydia? “Daddy,” nakangiting tawag ko sa kan’ya at niyakap ko rin siya ramdam ko rin ang paghigpit ng yakap ni dad sa’kin at naramdaman ko na lang din ang luhang tumulo sa balikat ko. Ngayon ko lang nakitang umiyak si daddy dahil kilala ko siya na matapang at matatag. Ramdam ko ang pagmamahal sa’kin ng magulang ko, hindi rin sila nagkulang sa’kin pero hindi ako karapat-dapat maging anak nila dahil sa nagawa kong katangahan noon. Wala silang kaalam-alam na nagkaroon na ako ng anak sa lalaking pinagtaksilan naman ako. “f**k! Scarlett!” “Oh, myyy! Nagbalik na siya!” “Hi cous!” Napabitaw ako kay daddy at ngumiti sa kanilang lahat. Kumpleto ang mga Knight ngayong gabi dahil ikakasal na ang kapatid ko. Speaking of her... Napasulyap ako sa kan’ya at napansin ko kung paano siya namutla at humigpit ang pagkakapit niha kay Dominic na tila aagawin ko ito sa kan’ya. “Hi, ate. I’m back,” mahina ngunit may diin na sambit ko. Nanlaki naman ang mga mata niya at tila hindi alam kung paano ako sasagutin. Gan’yan ka ba katakot na nagbalik na’ko? Anong pakiramdam na sayo na ang asawa ko? Napangisi ako ng mapait, at napaiwas na lang ng tingin sa kan'ya at binalingan ko ang mga anak ko na todo ang kapit sa laylayan ng dress ko, na nagtatago sa may likuran ko. Lumingon ako sa mga anak ko at nginitian sila kaya nakayuko silang lumabas sa likuran ko. “Mom and Dad, alam kong matagal akong nawala pero may dahilan ako...” huminga ako ng malalim at hinawakan ko ang kamay ng mga anak ko. "Hmm.." natawa ako na kinakabahan dahil natatakot ako sa mga magiging reaction nila. “I have two kids. Sila ang dahilan kung bakit mas pinili kong umalis at lumayo,” sambit ko. Hinarap ko ang dalawa kong anak na tila nahihiya naman sa kanila. Napatingin ako kay Dominic na natigilan pero napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya saka ako ngumiti sa kanilang lahat. Ramdam kong natigilan sila at natahimik dahil sa isang balitang alam kong ikakagunaw ng mundo nila. Halos limang taon akong nawala at sa pagbalik ko may dalawang bata na akong kasama. Bahala na sila kung anong pwede nilang isipin sa’kin basta mananatili lang lihim, ang lihim ko. “Mommy, ayaw ata nila sa’min. I-I’m scared...” bulong ni Carrie na sobra ang pagkakakapit niya sa bewang ko. “Let’s leave, mom. I don’t want to be here!” nakasimangot na sambit ng anak kong si Agustin. Nanlaki naman yung mga mata ni Mom at dad na parang natataranta pa, dahil na rin siguro sa sinabi ni Agustin. Hindi rin nila alam kung ano ang uunahin. Hindi ko tuloy mapigilang matawa sa ginagawa nila. “Mommy, Let’s go!” inis na sambit ni Agustin. Habang hinihila ang laylayan ng dress ko. Natawa naman ako at ginulo ang buhok niya. “No. Stay here, Dominican Agustin. Say hi to your grandma and grandpa,” sambit ko. Ngumuso lang siya at lumapit sa mga magulang ko na hanggang ngayon nakatulala pa rin sa mga anak ko. “Hello?! I'm still hungry!” sambit ni Agustin. Nanlaki ang mga mata naman si mom at binuhat niya ang anak kong lalaki saka niya ito niyakap. “Let me go!” sigaw ni Agustin. Dahil ang pinaka-ayaw niya ay ang niyayakap siya ng mahigpit maliban lang daw sa’kin kasi yakap ko lang ang tanging gusto niya. Napailing na lang ako dahil katulad talaga niya ang ama niya. “Dominican Agustin!” sambit ko sa pangalan niya. Napalingon siya sa’kin at napansin niyang seryoso na ang tingin ko sa kan’ya. Alam na niyang galit na ako kaya tumahimik na siya at yumuko na lang. “Sorry, mom. Sorry, grandma.” sambit niya. Ngumiti lang si mom sa kan'ya at pinaghahalikan ang matabang pisngi ng anak ko. “Oh, I like that! Come on!” nakangiting naglakad si mom palapit sa lamesa. Halatang nagigiliw siya kay Agustin. Lumapit naman kami habang buhat ko si Carrie. Napansin ko rin si chairman at nag-bow ako sa kan’ya. Takot ako kay chairman dahil iba talaga siyang magalit, pero naiintindihan ko naman kung magagalit siya dahil may kasalanan din naman ako. Tahimik kaming kumakain dahil ramdam ko pa rin ang tensyon ngayon lalo na’t kaharap ko si Dominic at ang kapatid ko. Wala ni isang nagsasalita sa amin hanggang sa si chairman na mismo bumasag ng katahimikan namin. “Where have you been, Scarlett?” tanong niya. Natigilan ako sa pagsubo ng pagkain at tila may bumara pa sa lalamunan ko na napapalunok pa. Ito na ba ang kinakatakutan ko? Damn. Harapin mo ‘yan, Scarlett. Lumunok ako at umiwas ng tingin sa kanilang lahat dahil napansin kong gusto rin nilang malaman kung saan ako nagtago ng maraming taon. “Chairman...” yumuko ako at kinuyom ko lang ang mga kamao ko. Hindi siya pwedeng tignan sa mata dahil nakakabastos yun para sa kaniya. “Mabuti’t naisipan mong bumalik pa.” sambit ni chairman. Mas lalo akong napayuko pero natulala ako sa sunod na sinabi niya. “May dala ka pang bastardo na anak! Hindi kita pinalaking gan’yan! Hindi kita tinuruan para lang maging suwail sa akin!” Naurong bigla ang takot ko sa kan’ya dahil sa narinig kong salita mula kay chairman. Napakagat ako sa labi at napansin ko rin ang pagngisi ni Sophia. Nagsisimula na ang tensyon sa pagitan ko at sa pagitan ni Chairman. Tinakpan naman ni mommy ang tenga ni Agustin at Carrie para wala silang marinig na sasabihin ni chairman tungkol sa kanila. “Imbis na asikasuhin mo ang responsibilidad mo, pero ano?!” sigaw niya. “Umalis ka at lumayo! Tapos babalik ka ng may dalawang anak?! Anong klaseng babae ka, huh?!” dinuro niya ako. “Hindi mo tularan ang kapatid mo! Natagpuan niya ang lalaking karapat-dapat sa mga Knight!” singhal niya at ramdam ko ang panggagalaiti niya sa galit. Natigilan ako sa sinabi niya at hindi ko alam pero napahalakhak ako, halos maiyak na ako sa kakatawa dahil parang yun na ang joke na pinaka nakakatawang narinig ko. “Tuluran ko si Sophia?” natatawang tanong ko, at mariin kong pinunasan ang luha. Kumuyom ang mga kamao ko, at huminga ako ng malalim, saka ako tumingin kay Chairman at kay Sophia na namumutla. Ito ba ang gusto mo, Sophia? Ang mapahiya ako? Pwes! Hindi ako isang inutil para hindi ipaglaban ang sarili ko at ang mga anak ko. “Sino nga ulit ang tutularan ko, chairman?” dinuro ko si Sophia. “Si Sophia? Sa pagiging taksil niya?” tanong ko habang nakatitig ako kay chairman. Natigilan ang pamilya ko at ang pamilya ni Dominic dahil nagagawa kong titigan ang chairman. Bakit? Ngayon lang ba nila ako nakitang ganito? Ngumisi lang ako. “Scarlett!” gulat na sambit ni dad sa pangalan ko na sinasaway ako. Ngumisi lang ako at hindi na ako nakapagsalita pa. Napatingin ako sa mga pinsan kong natulala pa dahil sa ugaling pinapakita ko, maliban lang kay Rios na nag-thumbs up sa’kin na para bang nagustuhan niya ang ginawa ko, napangiwi lang ako at napailing na lang. Natigilan ako nang marinig kong nagsalita si Sophia. “Ganyan ka na ba ka walang respeto, Scarlett?! This is our engagament celebration!” sigaw ni Sophia. Tumingin lang ako sa kan’ya at hindi na siya pinansin. “Why are you here?” tanong niya. Natigilan ako at pinunasan ko ang labi ko. "Wala na ba akong karapatang bumalik sa pamamahay na ‘to?" pabalik na tanong ko kay Sophia. Nanlaki naman ang mga mata niya at napayuko dahil napatingin sa kan’ya ang buong Knight. “Scarlett!” sigaw ni chairman sa pangalan ko dahil mukhang hindi na niya nagugustuhan ang ugali ko. “Hindi kita pinalaking bastos!” galit na sigaw niya. Natigilan ako na para bang naiiyak na siya. Napayuko naman ako at kumuyom ang mga kamao ko. Maliban kay dad, isa siya sa mga tinitingala ko at nirerespeto ko. Pero kung tatawagin lang niyang bastardo ang mga anak ko ay hindi ako papayag. Dugo ko ang nanalaytay sa kanila. “Chairman,” huminga ako ng malalim at tumingin muli ako sa kan’ya. “Ginagalang ko kayo dahil kayo pa rin ang lolo ko, pero sana naman respetuhin niyo rin ang mga anak ko.” mahinahong sambit ko. Napatingin siya sa mga anak ko pero napansin kong nag-iba ang expression niya habang nakatingin sa mga anak ko, o namamalikmata lang ako? Napaiwas siya ng tingin sa mga anak ko at bumalik ang tingin niya sa’kin. “Scarlett, sino ang lalaking nakabuntis sa’yo?” tanong ni Chairman, at mas lalo akong natigilan. “Ipapapatay ko!” dagdag pa niya. Hindi niya pinansin ang mga sinabi ko dahil gusto niyang malaman kung sino ang ama ng mga anak ko. Siniko ako ni Claire pero hindi ko siya pinansin. Hindi na nila kailangan pang malaman kung sino ang ama ng mga anak ko. Napangisi na lang ako at natatawang napailing kay Chairman. “Chairman...” natigilan siya at napatingin sa ‘kin. Kailangan kong magpakatatag para sa mga anak ko. Gaya nga ng sinabi ko, kakalabanin ko lahat para sa mga anak ko, even my family. “Kapag sinabi ko ba kung sino ama ng mga anak ko... Maniniwala ka ba?” nakangising tanong ko kay Chairman. Mas lalong natigilan ang pamilya ko, at nanlalaki ang mga mata nila. Napahinto naman si Chairman sa pag-inom ng wine at nagkatitigan kami. Mukhang hindi rin nila inaasahan na sa pagbabalik ko ay ibang Scarlett na ang kaharap nila. Well, nagbabago rin ang tao. Napansin ko naman na namutla si Sophia. May alam ka na ba kung sino ang tinutukoy ko, my dear, sister? Natigilan lang ako at nawala ang ngisi ko nang marinig ko ang sigaw ng isa sa mga tito ko. "Scarlett, Respect the “Chairman!” sigaw ni tito Alessandro Knight. Napaiwas ako ng tingin sa kan’ya. “Paano mo nagagawang sagutin ako ng ganyan, Sarlett?!” sigaw ni Chairman. “Ikaw ang inaasahan ko! Dahil alam mong ikaw lang ang maaaring pumalit sa ‘kin dahil na rin sa kagustuhan ng lola mo!” sambit niya habang nanginginig na dinuro ako. Napasuklay ako sa buhok ko at tumayo na, dahil hindi ko na kaya pang marinig ang mga sasabihin niya. Wala na rin naman patutunguhan ang usapin na ‘to, kung paulit-ulit lang niyang ipaparamdam na bastardo ang mga anak ko. Huminga ako ng malalim, at tumingin muli ako sa mga mata niy. “Chairman, inuulit ko... Malaki ang respeto ko sa inyo dahil isa kayo sa mga tinitingala ko pero kung sasabihan lang na bastardo ang mga anak ko, kakalabanin ko lahat, kahit kayo pa ang kakalabanin ko.” seryosong sambit ko sa kaniya. Kailangan kong maging matapang para sa mga anak ko. Hindi ako papayag na apihin sila. Mas okay na ako lang ang apihin nila, ‘wag lang ang mga anak ko. “Scarlett, Ikaw ang papalit sa ‘kin!” sigaw niya. Ngumisi lang ako kay Chairman. Hindi na talaga matatapos ang usapan. Nawalan na rin ako ng gana. Nasasaktan ako pero kailangan ko lang ipakitang hindi na ako mahina. Nasasaktan din ako na makitang nahihirapan si lolo dahil sa nagawa ko, pero anong magagawa ko? Kung pati sila handa akong kalabanin. “I don’t need your throne grandfather.” sambit ko. Sumulyap ako kay Sophia at umiwas na lang ako ng tingin. "Bumalik ako hindi para pumalit sa’yo. Bumalik ako dahil alam kong may tungkulin pa rin ako rito sa pamilyang ‘to. Ibigay niyo na lang kay Sophia, tutal ‘yan naman amg matagal niyang pangarap, di ba, ate?" nilingon ko si Sophia pero umiwas lang siya ng tingin sa ‘kin kaya napangisi na lang ako. “I’m sorry,pero hindi ko matutupad ang hiling ni lola. Masaya akong bumalik dito dahil bahagi pa rin ako ng pamilyang ‘to.” sambit ko at tumalikod na sa kanila at kinuha ko na ang mga anak ko. Tinatawag pa nila ang pangalan ko, pero wala ako ni isang nilingon, kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa, hindi ko kailangan ng tulong nila. Pagkapasok ko pa lang sa kwarto ko, napaupo na ako sa sahig saka napatakip sa bibig ko para humagulgol ng iyak. Masakit marinig kay lolo na tularan ko si Sophia pagdating sa pagpili ng lalaki. Kung alam mo lang chairman, magkahati kami sa lalaki. Nasa kan’ya na ang taong mahal ko. Nawala dahil sa kalandian niya. Kaya pati mga anak ko kailangang makihati ng attention sa ama nila. I know you too well, Sophia Vivian Knight. Pero ako ang hindi mo kilala. Hahayaan kitang maging masaya kay Dominic, basta hindi mo guguluhin ang buhay ko dahil kung hindi... Ako mismo tatapos ng kaligayahan mo. Masaya akong bumalik pero tama nga ba na bumalik ako rito? Ramdam ko rin na hindi na ako kahit na kailan welcome dito. Napatingin ako sa mga anak ko na pinatulog ko na dahil pagod sa naging biyahe namin napangiti na lang ako at hinalikan ko sila sa noo. Akmang tatayo na ako para makapagpalit na rin ng damit nang maramdaman ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko. “Bakit bumalik ka pa?” Natigilan ako at napalingon sa babaeng naging dahilan kung bakit walang ama ang mga anak ko. Mapakla akong napangisi na lang sa kaniya “Aren't you happy? I returned. You should be happy for me, right, ate?” Diniinan ko ang salitang ‘ate’ para magpagulat lalo sa kan'ya. Sinamaan niya ako ng tingin pero ngumisi lang ako. So, this is the real, Sophia Vivian Knight. “No way! Dapat ‘di ka na bumalik!” sigaw niya. “Sisirain mo lang ang relasyon namin ni Dominic. He loves me kaya wala ka ng babalikan!” sambit niya na para bang nag-papanic siya. Natigilan ako sandali pero napahinga rin ako ng malalim kahit natamaan ako sa sinabi niya. Alam ko ‘yon, pero hindi ako bumalik para sa inyo. “Bakit hindi ako pwedeng bumalik? Hindi kayo ang binalikan ko. Kun’di ang pamilya ko.” sambit ko. Nilingon ko siya at nginisihan, kita ko pa ang galit sa mga mata niya. “Isa akong Knight, kaya may karapatan ako...” tumayo ako at lumapit sa kaniya. “Bakit ate? Natatakot ka ba?” Natigilan siya at halatang namumutla. Hindi ako yung tipong kayang balewalain ang lahat, kung dati hinayaan ko na mapunta sa kan'ya si Dominic. Pwes! Ngayon... Lalabanan ko siya sa tamang paraan kapag kinanti niya ang isa sa mga anak ko. Huminga ako ng malalim at seryoso ko siyang tinignan at muling nagsalita ng mapansin kong wala siyang maisagot. “Natatakot kabang malaman nila ang totoo, Sophia?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD