“Mommy, saan po tayo pupunta?” tanong ng anak kong si Carrie.
Ngumiti naman ako sa kan’ya, habang nag-eempake kami ng mga gamit namin dahil nakapagdesisyon na ako na babalik na kami ng maynila. Siguro sapat na ang limang taon na nagtago ako sa pamilya ko.
Panahon na rin siguro para ipakilala sa kanila ang mga anak ko. Nilingon ko sila habang nakaupo sila sa kama ko.
“Kung saan ang totoong tahanan ni mommy,” sagot ko sa kan’ya at hinaplos ko ang pisngi niya. Nanlaki naman yung mata niya sa sinabi ko at ngumiti sa ‘kin.
“You mean mommy, makikita ko na sila grandma at grandpa?” excited na tanong niya. Tumango naman ako sa kan’ya at ginulo ang buhok niya.
Napangiti na lang ako sa pagiging excited nilang dalawa na makita ang pamilya ko. Hindi rin naman kasi habang buhay na magtatago lang ako dahil babalik pa rin ako kung saan ako nanggaling.
Alam ko rin naman na excited na si
Carrie dahil ilang beses na niya akong tinanong kung bakit apat lang kami ang nandito, at kung nasaan daw ang mga lolo at lola niya dahil gusto na nila itong makita.
“So, pati si daddy, mommy?”
Natigilan ako sa tanong niya at napatigil ako sa pagliligpit ng gamit ng itanong niya ulit sa ‘kin ang tungkol sa kan’yang ama.
Paano nga kung malaman nila si Dominic ang ama? Maniniwala ba sila sa ‘kin? Kung hindi naman nila alam yung naging relasyon naming dalawa.
Napatitig ako kay Carrie na naghihintay ng sagot ko. Napailing ako at napabuntong-hininga na lang bago ko hinawakan ang kamay n’ya.
“Rie anak, pwede mong makita ang daddy mo pero may bago na siyang pamilya, okay? Naiintindihan mo naman si mommy, ‘di ba?” sambit ko at napansin kong nalungkot naman siya pero ngumiti lang siya.
Lagi ko ring pinaiintindi sa kanila na may iba ng pamilya ang papa nila. Hindi ko rin siniraan si Dominic sa kanila dahil kahit papaano siya pa rin naman ang ama ng mga ito.
“But, how about us mom? Hindi natin pwede makasama si daddy?”
Napakagat ako sa labi at napaiwas ako ng tingin dahil sumisikip ang dibdib ko kapag nakikita kong nangungulila sila sa kanilang ama. Nasasaktan ako para sa mga anak ko, imbis na ang mga anak ko ang dapat may karapatan kay Dominic pero sila pa itong makikihati ng attention.
Pero iba na kasi ang ihip ng hangin ngayon, dahil wala ng bisa ang kasal naming dalawa, at sila na ni Sophia ang ikakasal. Baka maging bastards pa ang mga anak ko at mas lalo lang silang masasaktan.
Ako na ang masaktan, ‘wag lang sila dahil hindi pa nila nakikita kung ano ang kayang gawin ng isang Scarlett Venice Knight, kapag mga anak ko na ang pinag-uusapan.
“Stop it, Rie!”
Naagaw lang ang eksena ng biglang pumasok si Agustin sa kwarto nila, na halatang malungkot din. Niyakap ko silang dalawa at tahimik na umiyak.
“I’m sorry! I’m sorry!” paulit-ulit lang na sorry ang sinabi ko sa kanila.
Hindi ito ang pinangarap ko para sa mga anak ko. Hindi rin ito ang gusto ko para sa kanila. Gusto ko silang maging masaya, pero kahit anong gawin ko kulang pa rin ang mga ginagawa ko para lang maging buo lang sila.
I’m sorry, I’m worthless mother.
“M-mommy!”
Niyakap lang nila ako at ramdam ko ang panginginig ni Carrie dahil alam kong gustung-gusto na niyang makasama ang ama niya pero alam naman nating lahat na hindi na ‘yon mangyayari.
Pagkatapos ng drama naming tatlo, pinagpatuloy ko ang pag-iimpake ng mga gamit namin. Pinagpahinga ko na rin muna ang mga anak ko, lalo na si Carrie na nakatulog na lang dahil sa kakaiyak.
Napabuntong-hininga naman ako at hinaplos ko ang mukha ni Carrie saka ko siya hinalikan sa noo. “I’m sorry, I promise that no one will hurt you. I will protect both of you.” bulong ko sa kanila at napangiti na lang dahil sila ang nagbibigay ng lakas sa’kin para lumaban.
I will protect them.
***
“Ano, Scarlett? Handa kana bang harapin ang pamilya mo?” tanong ni Claire.
Handa na nga ba ako? Handa ka na nga bang bumalik Scarlett Venice Handa ka na bang harapin sila? Hindi ko alam. Dahil hanggang ngayon, kinakabahan pa rin kung anong mangyayari sa pagbabalik ko.
Napatingin na lang ako sa labas ng bintana ng matanaw ko na ang building ng mga Perkins. Naging matiwasay naman ang biyahe namin gamit ang chopper.
“It’s good to be back!!!” sigaw ni Claire pagkababa niya. Napangiwi naman ako dahil isang linggo lang naman siya namalagi sa probinsya.
Inalalayan naman akong bumaba ng mga tauhan ni Claire kasama ng mga anak ko na mas excited pa sila kaysa sa akin.
“Okay lang ba na dito muna kayo sa hotel namin?” tanong ni Claire. Nilingon ko siya at ngumisi.
“Basta maraming food, nagugutom na ang mga anak ko.” Nakangising sabi ko. Tumaas lang ang kilay ni Klaire at inirapan ako.
“Yes, Lady Scarlet.”
Natawa naman ako at nagpatuloy kaming pumasok sa loob ng suite na pinahanda ni Claire para sa amin. Dito na muna kami mamalagi ng ilang oras, dahil mamayang gabi na ang pagbalik ko sa Knight palace.
Doon din daw gaganapin ang engagement celebration ni Sophia at Dominic. Ang sabi ni Claire, pamilya ko at pamilya lang ni Dominic ang nasa palace, dahil hindi raw nag-imbita si Chairman dahil mas gusto niyang maging private ang celebration, para iwas na rin sa gulo.
After ng ilang oras na nasa hotel kami, nagpapalakad lakad ako dahil kinakabahan ako sa pagbabalik ko. Damn.
Ilang beses na rin akong huminga ng malalim habang tinitignan ko ang invitation na binigay sa ‘kin ni Claire kanina.
Mapait naman akong ngumiti, dahil ganito ring ganito kagarbo sana ang magiging kasal namin ni Dominic, pero alam kong hanggang sana na lang ‘yon.
“Hey, It’s time.” sambit ni Claire habang nakatingin sa ‘kin. “Excited na ang mga bata.”
Tumango ako sa kan’ya. "Lalabas na rin ako," sambit ko na tumango naman si Claire at sinarado na niya ang pintuan. Napatingin ako sa salamin, saka ko mahigpit na hinawakan ang invitation.
You can do this, Scarlett!
Lumabas na ako ng kwarto at napansin kong nakaayos na silang tatlo na inaabangan ang paglabas ko.
“Let’s go. Naghihintay na ang driver ko sa baba,” tumango na lang ako kay Claire at sumunod na sa kan'ya
Humawak naman sa kamay ko ang mga anak ko na alam kong kinakabahan din sa mangyayari. Napabuntong-hininga na lang ako para maialis ko ang kabang nararamdaman ko.
Napapikit na lang ako habang mahigpit na hinawakan ang kamay ng mga anak ko. Pinipilit kong hindi umiyak dahil kailangan kong tatagan ang sarili ko dahil ako mismo ang lumayo sa kanila.
Kaya Scarlett must bear the consequences. It’s entirely your fault.
Napadilat na lang ako ng kalabitin ako ni Agustin. Tinuro niya ang malaking mansion ng mga Knight. Napatulala naman ako sa malaking gate ng Knight Palace habang pinaparada ng driver ni Claire ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
Wala pa rin palang pinagbago ang palace, kahit limang taon na ang nakakalipas. Ito pa rin talaga ang lugar kung saan namulat ako sa katotohanang demonyo ang pamilyang kinabibilangan ko.
Pagka parada ng sasakyan nila Claire, kinausap ko muna ang mga anak ko na halatang kinakabahan na rin.
“Mga anak anong unang gagawin niyo kapag nakaharap na natin sila?” tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman silang dalawa at humarap muli sa’kin.
“Mag-bow po at magpapakilala,” sabay na sagot nila sa'kin.
Napangiti naman ako sa kanilang dalawa. Dahil sa murang edad nilang ‘yon tinuruan ko na sila kung ano ang natutunan ko noong bata pa’ko.
Pero hindi lahat sa kanila itinuro ko dahil kailangan pa nilang maging bata. Ayoko tumulad sila sa’kin na hindi namulat sa totoong mundo.
“Good job babies, Let’s go!” sambit ni Claire, kaya napailing na lang kaming tatlo sa kan’ya dahil isa na rin siya sa pinaka-excited sa aming lahat.
Nang makababa na kami, inalalayan kami ng mga tauhan ni Claire hanggang makapasok kami sa entrance.
Nanlaki ang mga mata ng mga tauhan ng mga Knight nang makita nila akong nakatayo sa harapan nila. Mukhang nagulat sila sa pagdating ko.
“Welcome back, Lady Scarlett!” Bati nila at yumuko para magbigay galang sa ‘kin. Ngumiti naman ako at nagpatuloy kaming pumasok sa loob.
Nilingon ko pa ang mga anak ko na nag-bow sa mga tauhan ng mga Knight kahit alam kong kinakabahan din sila kung anong magiging reaction mismo ng pamilya ko. Napangiti ako at napailing na lang dahil mukhang pinipilit nilang hindi kabahan.
Nag-panic naman ang mga tauhan namin nang makita nila ako kaya si Claire natatawa na lang sa nangyayari.
“Lady Scarlet is back!” sigaw ni general kung saan siya ang namumuno sa mga tauhan namin.
Napahinga ako ng malalim ng isa-isang pumila ang mga tauhan namin at sabay-sabay silang nag-bow, habang dumadaan kami kaya napakapit naman ang mga anak ko sa dress ko.
“Maligayang Pagbabalik, Lady Scarlett.” sabay-sabay na sambit nila kahit alam kong hindi nila ito inaasahan. Ngumiti lang ako at natigilan ako nang makita si Manang Lydia na hindi naman makapaniwala na ako ang nakikita niya.
Nangingilid ang mga luha niya nang makita niya ako. Nginitian ko naman siya at tinanguan kaya sinamahan niya kami kung nasaan ang pamilya ko at ang pamilya ni Dominic.
“Maligayang pagbabalik, iha.” sambit ni manang Lydia habang naglalakad kami papasok sa loob.
“Maraming salamat ho manang, hindi pa rin kayo nagbabago,” nakangiting sagot ko sa kan’ya. Ngumiti siya sa ‘kin at tinap ang ulo ko.
“Marami ang nagbago, iha. Simula nang mawala ka, hindi na katulad ng dati ang mansion. Palagi ring nag-aaway ang mommy at daddy mo at ang kapatid mo mas lalong naging—” natigilan siya at napatakip sa bibig nang maramdaman niyang marami na siyang sinasabi.
“Manang, bumalik ako para makibati sa gaganaping kasal ni Sophia at ni Dominic. Para na rin kay mom and dad,” sambit ko. Napatitig naman siya sa ‘kin at tumango.
Curious din ako kung anong nangyari sa mga Knight, sa loob ng limang taon.
Pero hindi naman ‘yon ang dahilan kung bakit ako bumalik dito. Bumalik ako dahil ayoko ng tumakbo pa palayo. Mas gugustuhin kong harapin na lang ang lahat dahil pagod na rin akong takbuhan ang nakaraan.
Pagkarating namin sa dining area. Napatigil ako at napansin ko ang mga ngiti at saya nila sa pagkwekwentuhan maliban kay dad at mom na parang iniiwasan ang isa't-isa.
“Ven?”
Parang gusto ko na lang umatras. Parang gusto ko na lang manatili sa probinsya at hindi na bumalik pa. Napangisi ako ng mapait. Parang ako pa yata ang magiging intruder sa pamilya nila.
Nalipat ang tingin ko kay Dominic na walang emosyon ang mukha at kay Sophia na masaya. Napakuyom ng palihim ang mga kamao ko.
Kaya ba hindi mo man lang ako hinanap Dominic. Hindi mo manlang ba naitanong sa sarili mo kung bakit ako lumayo? Wala na ba talaga ako sa puso mo? Kaya ba agad ka ring pumayag na magpakasal kasi buong akala mo iniwan kita ng walang dahilan?
Sa napapansin ko parang nagsawa na silang hanapin ako. Sabagay, Ano nga ba ako sa kanila? Isang kahihiyan sa pamilya. Isang pasaway na sumuway sa kahit na anong batas ng pamilya.
“Ven?”
“Mom?”
“Iha?”
Napakurap ako at para akong bumalik sa realidad nang marinig kong tinatawag ako nila Claire. Napalingon ako sa kanila at nakita kong nag-aalala sila sa’kin.
“Are you okay?” tanong ni Claire. Tumango ako sa kan’ya. “H'wag na kaya tayong tumuloy? Namumutla ka,” nag-aalalang sambit niya
Napahinga ako ng malalim at napailing na lang dahil wala na akong balak na umatras pa. Nagdesisyon na akong bumalik dahil tama na ang limang taon na nagtago ako. Nandito na rin naman kami kaya magpapatuloy na ako. Hindi na'ko tatakbo pa palayo. Hinding-hindi na.
Nang kumalma na ako ngumiti ako sa kanila at sa mga anak ko.
“Let’s go,” aya ko sa kanila at hinawakan ko sa kamay ang mga anak ko bago kami nagpatuloy sa harap ng dining area.
Napahinga ako ng malalim bago ako umubo para kuhanin ang attention nilang lahat na naging tahimik ang masayang celebration nila.
Ngumisi ako ng mapait at huminga ako ng malalim habang nanginginig ang mga kamay ko.
“I-I’m Back.” mahinang sambit ko, ngunit alam kong dinig nila akong lahat.
Lahat sila nabigla at nag-panic nang makita nila akong nakatayo sa harapan nila.
“S-Scarlett!”
Ngumiti ako sa kanilang lahat at tumango. Bumalik ako hindi para sumunod sa yapak ni lolo. Bumalik ako dahil alam kong kailangan niyo rin ako.