Dahil sa tanong ko, nanlaki naman yung mga mata niya. “H-huh?” nauutal na sagot niya. “S-saan ako matatakot? Ano ang dapat nilang malaman?” nauutal na tanong niya. Kumunot naman ang noo ko na para bang hindi niya alam kung ano ang tinutukoy ko.
Nagpapatay malisya lang ba siya o hindi lang talaga siya aamin sa kasalanang nagawa niya sa’kin? Napailing na lang ako dahil wala akong makukuhang matinong sagot kay Sophia.
“Pwede ba, Sophia, h’wag na tayong magpaliguy-ligoy pa. Sabihin mo na lang kung anong gusto mong sabihin sa’kin." sambit ko sa kanya at kinuha ko na ang tuwalya ko. “Para kasing wala kang alam sa kasalanan na nagawa mo.” dagdag ko pa. Nanlaki ulit ang mga mata niya.
“Wala akong alam sa sinasabi mo! Nawala ka ng limang taon, hindi mo alam kung anong naramdaman—” hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang pinahinto ko siya. Wala akong panahon para makinig sa mga sasabihin niya.
Sa mga inasal niya sa’kin kanina sa dinner, mukhang gusto lang niyang ipamukha sa’kin na nakuha na niya ang asawa ko. She’s so pathetic.
“Wala kang dapat ikatakot kung bumalik ako rito. Dahil hindi naman kayo ang dahilan kung bakit ako bumalik.” bumuntong-hininga ako. “Hindi ko kayo guguluhin, basta hindi niyo rin guguluhin ang mga anak ko.” Naglakad na ako palapit sa pintuan at binuksan ko ito. “Kung wala ka ng kailangan makaalis ka na.” sambit ko. Tinalikuran ko na siya at pumasok na ako sa banyo pero narinig ko na lang ang yabag niyang paalis sa kwarto ko.
Napapikit na lang ako at huminga ako nang malalim bago ako nagpatuloy sa pagligo ko. Napasandal naman ako sa pader habang patuloy ang pagbuhos sa’kin ang malamig na tubig. Minsan pala nakakapagod maging mabait dahil sobra kang aabusuhin. Pero sa sitwasyon namin, hindi ako isang desperada para lang makasira ng pamilya.
Hahayaan ko na lang silang maging masaya basta kasama ko ang mga anak ko ay kuntento na ako. Sila lang ang nagiging lakas ko para magpatuloy ako sa buhay. Magiging masaya kami kahit wala si Dominic sa buhay namin na kaya naman namin na mabuhay ng ilang taon na kami lang magkakasama. Kaya alam kong kakayanin din namin ngayon.
Napatitig na lang ako sa mga anak ko saka ako napangiti. Bumuntong-hininga ako at pinatay ang ilaw bago ako nahiga sa tabi nila.
Dito pa lang mag-uumpisa ang buhay namin dahil hindi ko alam kung ano pa ang dadating na pagsubok sa’kin, ngayong nakabalik na ako kung saan ako nanggaling.
***
Kinabukasan ay inayos ko ang dapat kong ayusin dahil matagal na rin akong naka leave sa trabaho. Maglilipat na rin kami ni Claire dahil ang negosyo ko ay nasa probinsya. Nasabi na na rin niya sa akin na napaghandaan na niya ‘to kaya may binili siyang lupa para rito ko na ipagpagpatuloy ang negosyong nasimulan ko.
Napangiwi naman ako dahil mukhang alam na alam ni Claire na babalik ako rito sa Maynila kaya pinaghandaan niya ang lahat. Napailing na lang ako at nagbihis na ako. Natigilan nanan ako nang tumunog ang phone ko.
“Hello,” sagot ko sa kabilang linya pero napakunot ang noo ko dahil ang ingay. Tinignan ko ang ang caller at napabuntong hininga nang malaman na si Claire ang tumawag.
“Claire, bakit ang ingay?” tanong ko at naririnig ko naman ang mga sigaw niya.
"Scarlett! Nandito ako sa bagong bar natin! Pinapa check ko ang sound system!” sigaw niya kaya napapikit ako dahil para akong nabingi sa lakas ng boses niya. “Anong oras ka pupunta rito? Ipapakilala ko ang mga bago nating empleyado!” sambit niya.
Napangiwi naman ako. “Pwede bang huminahon ka? Ang lakas ng boses mo!” Inis na sambit ko sa kan’ya. Narinig ko naman ang tawa niya at wala na rin akong naririnig na ingay sa location niya.
“Sorry! Hahaha! Medyo okay na yung office mo! Pinaganda ko na dahil baka magreklamo ka nanaman sa gumawa ng office mo!”
F–ck. Sinabing nabibingi ako sa boses niya. Napailing na lang ako at binaba ko na ang tawag niya dahil hindi kami magkakaintindihan kung puro siya sigaw. Mabuti natitiis ng mga kausap ni Claire sa phone ang boses niya, TSK.
Kinuha ko na ang bag ko para sana umalis na dahil kailangan ko pang magpaalam sa mga anak ko. Mukhang kinuha sila ni mom habang tulog pa ako. Saktong pagbaba ko mula sa kwarto ko ay nakarinig na ako ng sigaw na nagmumula sa kusina kaya tumakbo na ako patungo sa kusina.
Natigilan lang ako ng makitang umiiyak si Carrie habang pinapatahan naman ito ng kuya niya. Hindi ko alam kung anong pwedeng maramdaman ko sa nakikita ko ngayon. Sa limang taon naming paninirahan sa probinsya ay ngayon ko lang nakitang umiyak si Carrie.
“Anong nangyayari?” sigaw ko at napalingon naman sa’kin ang mga anak ko na tumakbo palapit sa’kin
“Mommy!” mangiyak-ngiyak na sambit ni Carrie at mas lalo niyang binaon ang ulo niya sa may tiyan ko. Bibihira lang din umiyak si Carrie kaya nakakapagtaka lang.
“What happened?” tanong ko sa kan'ya. Humihikbi naman niyang tinuro ang braso niya, at nanlaki ang mga mata ko nang mapansin unti-unti ng nagpapasa ang braso ni Carrie. “Anong nangyari dito?” nag-aalalang tanong ko ulit sa kan'ya at hinaplos ang braso niya.
Hindi naman siya nakasagot dahil umiiyak pa rin siya kaya tinignan ko si Agustin para siya na ang magsabi kung anong nangyari sa braso ng kapatid niya.
“That witch!” sigaw ni Agustin at may dinuro siya. “She's hurting my sister!” sambit niya. Lumingon ako sa tinuturo niya.
Natigilan ako nang mapansin ko si Sophia na may kasamang bata na kasing edad ng mga anak ko. Siya na pala ang anak nila ni Dominic. Binalik ko na lang tingin ko kay Carrie na umiiyak pa rin kaya bumuntong-hininga ako at binuhat siya.
Humarap na ako kay Sophia na masama ang tingin sa’min. “Sinaktan mo ang anak ko?” tanong ko. Wala siyang karapatang saktan ang isa sa mga anak ko.
Napatingin ako sa braso ni Carrie na nagkaroon na ng pasa kaya nilapitan ko si Sophia at hinablot siya sa braso na nagulat naman siya sa ginawa ko. Walang sino man ang pwedeng manakit sa mga anak ko. Dahil ako mismo ang makakalaban nila.
“Bakit mo sinaktan ang anak ko?” tanong ko ulit at humigpit ang hawak ko sa braso niya habang nakikita ko ang pasa sa braso ni Carrie.
Hindi ko sinaktan ang mga anak ko, ni minsan hindi ko nagawang sigawan sila dahil hindi ko sila pinalaking suwail. Palagi ko rin silang pinagsasabihan na masama ang manakit ng kapwa. Kaya hindi ko alam kung anong magagawa ko kay Sophia nang malaman na sinaktan niya ang anak ko.
“Bitawan mo ako, Scarlett!” sigaw ni Sophia na nagpupumiglas sa hawak ko. Hindi ko siya pinakawalan at mas lalo ko lang hinigpitan ang hawak ko sa braso niya.
“Wala kang karapatan saktan ang anak ko!” sigaw ko kay Sophia. Nangingilid ang mga luha ko pero pinigilan ko dahil ayokong maiyak sa harapan niya. “Naiintindihan mo?! Walang sino man ang pwedeng manakit sa anak ko!” nabaon na ang kuko ko sa balat niya na lalo niyang kinangiwi. Pabato ko namang binitawan ang braso niya.
“How dare you!” sigaw niya at dinuro ang mga anak ko. “Sinaktan nila ang anak ko!” sambit niya. Natigilan naman ako at kumuyom ang kamao ko dahil imposibleng manakit si Carrie. “Nakita kong tinulak niya si Tara!” dagdag pa niya. Lumingon ako kay Carrie na umiling naman sa’kin.
“No, mommy, she’s lying!” umiiyak na sigaw ni Carrie kaya nilapitan ko siya para pakalmahin. “Si Tara ang nauna. Gusto ko lang naman kumain, pero pinagbawalan niya ako dahil hindi raw ako kabilang sa pamilyang ‘to!” umiiyak na sambit ng anak ko. Natigilan naman ako at kumunot ang noo ko.
“Totoo naman, di ba, mommy?! Hindi siya isang Knight!” sambit naman nung Tara. Napataas ang kilay ko pero hindi ko alam kung paano nasasabi ng isang bata ang mga salitang ‘yon.
Hindi ko maipagkakaila na anak nga talaga ni Sophia si Tara. Ayoko naman ding idamay ang anak nila sa problema namin ng mga magulang niya, pero kung ganito lang na bastos na pinalaki ni Sophia ang anak niya... Hinding-hindi ko palalampasin ‘yon.
Huminga ako ng malalim at binuhat ko na si Carrie na yumakap na sa akin. “Pinalaki ko ng maayos ang mga anak ko ng mag-isa, kaya alam kong hindi sila mananakit ng walang dahilan.” sambit ko. Napahinga ako ng malalim at naramdaman kong nanginginig ang mga kamao ko at nangingilid muli ang mga luha ko pero tinatagan ko ang sarili ko.
“Sinaktan niya ang anak ko! Napaka bastos nila! Wala silang modo! Katulad mo na wala ring modo!” sigaw ni Sophia. Napataas bigla ang kamay ko para sampalin siya pero natigilan ako kaya naibaba ko ang kamay ko.
Hinagod ko naman ang likuran ni Carrie na mas humigpit lang ang yakap niya sa’kin. Humarap muli ako kay Sophia at natawa ako sa sinabi niya. Pwede na siyang maging writer sa ginagawa niya.
Napailing na lang ako. “Isang katulad ko na walang modo? Did you heard yourself, Sophia?” tanong ko sa kan’ya. “Sino kaya sa’tin ang walang modo? Ako ba?” Natahimik naman siya kaya napangisi ako at nilingon ko ang anak niyang nagmana sa ugali niya.
“Tila anak mo yata ang hindi mo pinalaki ng maayos, kaya naging bastos.” ngumisi ako. “Like mother, like daughter,” sambit ko, at akmang sasampalin niya ako nang pigilan ko siya.
“H’wag na ‘wag mong sasabihan ng bastos ang anak namin ni Dominic!” sigaw niya pero ngumisi lang ako sa kan’ya.
“Pwes! H’wag mong sasaktan ang isa sa mga anak ko dahil wala kang karapatan!” sigaw ko at kumuyom ang mga kamao ko.
Gusto ko siyang saktan. Gustung-gusto ko na siyang saktan pero hindi ko lang magawa dahil na rin sa mga anak ko. Hindi magandang ihemplo sa mga bata na nakikita nilang nag-aaway ang mga matatanda sa harapan nila. Pero hindi ko rin mapigilan uminit ang ulo ko lalo na naririnig kong umiiyak ang anak ko. Kahit naman sinong ina, hindi makakapayag na masaktan ang mga anak nila.
“M-mom, stop it, please...” pigil sa’kin ni Carrie kaya napalingon ako sa kaniya nang makitang nakatakip na siya sa dalawang tenga niya kaya niyakap ko siya.
Ayaw na ayaw ni Carrie na nakakarinig ng pag-aaway dahil hindi ko sila tinuruang makipag-away palagi kong sinasabi sa kanila na masama ang may kaaway.
“I-I’m sorry...” bulong ko sa kanya at hinalikan ko siya sa noo. Niyakap ko lang siya ng mahigpit dahil nanginginig siya.
Bigla namang dumating si mom na naabutan kami. Kumunot ang noo niya. “Anong nangyayari?” tanong niya at tinignan niya kaming lahat.
“M-Mom, sinaktan kasi ng anak niya si Tara.” mangiyak-ngiyak na sambit ni Sophia kay mom. Natigilan ako at napailing na lang sa kaniya dahil nagbago na talaga siya.
Hindi na siya yung kapatid ko na kakampi ko noon.
“Yes, mamita! Sinaktan niya ako! Look oh!” sambit naman ni Tara kay mom.
Humigpit naman ang yakap sa’kin ni Carrie dahil mas lalo lang siyang nasasaktan lalo na’t baka walang maniwala sa mga sasabihin niya.
Ngumiti lang ako kay Carrie. “Hindi man sila maniwala sa’yo anak, si mommy naniniwala sa'yo, kami ng kuya mo.” nakangiting bulong ko sa kan'ya. Tipid naman siyang ngumiti sa’kin at tumango na lang siya.
Napatingin naman sa’min si mom pero nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pasa sa braso ni Carrie. “Oh, my gosh! Are you okay? Nasaa ba si yaya?!” Tanong ni mom. Napatingin naman ang anak ko kay mom na ngumiti lang.
“Opo, okay lang po ako.” sambit ni Carrie. At humiga na ulit siya sa balikat ko.
Napatingin ako sa relo ko dahil baka mahuli na ako sa trabaho ko pero pwede ko naman i-text si Claire na siya na lang muna ang bahala dahil hindi ko maiiwan si Carrie na malungkot.
“Gamutin natin ‘to,” malambing na sambit ni mom kay Carrie na ngumiti lang ulit kaya napabuntong-hininga na lang ako.
“Ako na lang gagamot sa pasa niya, mom. Mauuna na rin kami.” nakangiting sambit ko kay mom at humalik na ako sa pisngi niya. Hinawakan ko sa kamay si Agustin para umalis na pero humarap muna ako kay Sophia.
“Pinagsabihan na kita kagabi na h’wag kang manggugulo sa buhay ko pero hindi ka nakinig.” napailing na lang ako. “H’wag mong hintayin na mapikon ako sa’yo.” sambit ko at akmang aalis na kami nang may naalala ako. “Turuan mo ng magandang asal ang anak mo nang sa gano’n hindi tumulad sa’yo na isang taksil.” dagdag ko pa at ngumisi lang sa kan’ya nang manlaki ang mga mata niya at bahagyang namutla.
“Scarlett at Sophia, Anong meron sa inyo?” tanong ni mom. Nginitian ko lang si mommy at sinulyapan ko lang si Sophia.
"Why don't you ask her, mom? For sure... Alam niya ang sagot, right, sister?” ngumiti lang ako kay Sophia at tuluyan na kaming lumabas ng kusina pero nakasalubong ko pa si Dominic pero umiwas lang ako sa kan’ya.
Natigilan naman ako nang makita ko si Kuya Erin na inaabangan ako. “Scarlett.” ngumisi siya sa’kin at napansin niyang kasama ko ang mga anak ko.
“K-Kuya...” ngumiti lang ako sa kan’ya pero lumapit siya sa’kin para kuhanin si Carrie.
“Labas tayo?” tanong niya sa aming tatlo at ngumiti naman si Carrie sa kan’ya na para bang na excite. “Gusto mo bang magshopping, baby girl?” malambing na tanong niya kay Carrie na napatango naman sa kan’ya.
“Really, tito? Pwede po mga toys?” nagniningning na matang tanong ni Carrie kay Kuya Erin.
Natawa naman si Kuya Erin at ginulo ang buhok ni Carrie. “Oo naman!Bibilhin ko pa ang buong mall para sa'yo!” biro ni Kuya Erin sa anak ko at nilingon naman niya si Agustin na nakangisi sa kan'ya.
“Let’s go, tito buddy. Books for me, please?” natatawang sambit naman ng anak kong lalaki.
Pare-parehas naman silang tumingin sa'kin kaya napataas ang kilay ko sa kanila.
“Sige na mom, please?” nagpuppy eyes pa ang dalawang anak ko, kaya napabuntong hininga na lang ako at napatango sa kanila kaya napasigaw ang dalawa kong anak na halatang-halata ang saya sa mga mata nila.
Hindi ko mapigilang malungkot, dahil alam kong ito ang kauna-unahang makakalabas sila at makakapuntang mall. Sa loob ng limang taon, puro lang sila nasa loob ng bahay at sa tabing dagat. Ni hindi nila naranasan na lumabas ng lungsod dahil na rin sa takot na baka may makakilala sa’kin, kaya nagtitiis sila sa loob ng bahay, pero ngayon hahayaan ko muna silang maging masaya dahil masaya na rin ako kapag nakikita ko silang masaya.
Kaya kahit may kulang sa buhay nila, hindi yun hadlang para hindi sila maging masaya. Napangiti na lang ako habang nakasunod sa kanilang tatlo na masayang nagkukwento tungkol sa naging buhay nila sa probinsya kung saan kami nanirahan ng limang taon. Napatingin naman ako sa phone ko at napangiti na lang nang makitang pumayag si Claire at bukas na lang ako magsisimulang ayusin ang lahat.
Nilagay ko na sa bulsa ang phone ko, saka ko kinuha ang juice ko at ininom ko ito bago tumingin sa mga anak ko.
“Scarlett...”
Natigilan ako dahil sa boses pa lang ni Kuya Erin ay mukhang may sasabihin siya tungkol sa nangyari sa’kin. Mukhang may iba siyang dahilan kung bakit niya kami inayang mag-mall.
“Bakit ka umalis ng walang pasabi? Bakit ka nawala ng halos anim na taon?” tanong niya. Natawa na lang ako dahil alam kong yun na ang itatanong niya.
Napalingon ako sa kan’ya. “K-Kuya..” hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil hindi pa ako handa.
Hindi pa ako handa na sabihin na sa kanya ang lihim na binabaon ko na sa limot. Ang lihim ng kahapon.