Chapter 12

2214 Words
SCARLETT’s POV Ilang araw ang lumipas magmula ng malaman ni Dominic kung bakit ako umalis ng hindi nagpapaalam. Hanggang doon na lang muna ang malalaman niya, ayokong bigyan ng pag-asa ang mga anak ko na mabubuo pa ang pamilyang matagal ng nasira. Kapag nagpupunta si Dominic sa mansion, palagi niyang hinahanap ang mga anak ko ngunit hindi ko hinahayaan na mapalapit siya sa mga bata. At alam kong naiintindihan din ng mga anak ko ang sitwasyon. Selfish ba ang matatawag sa ginagawa ko? Ayokong sa huli ang mga anak ko ang masasaktan. Tama na ang ako lang ang masaktan, 'wag lang sila. Baka rin mangyari ulit na masaktan ni Sophia ang mga bata, at hindi ako makakapayag do’n. Ayoko rin ng gulo dahil umuwi ako rito para sa pamilya ko at hindi para sa nakaraan namin. Napahawak na lang ako sa noo ko dahil hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin para wala kaming masasaktan. Ginugol ko rin ang mga oras ko sa trabaho at sa mga anak ko. Wala akong ibang inisip kun’di ang responsibilidad ko bilang anak at ina sa mga bata. Ilang beses na rin akong sinubukan na kausapin ni Dominic pero ako mismo ang lumalayo. Dahil pakiramdam ko pinapanood ni Sophia ang bawat kilos ko at hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ’yon, masyado lang yata siyang paranoid na baka agawin ko si Dominic mula sa kanya. She’s guilty of the sin she committed. TSK. Napabuntong hininga na lang ako at wala akong ganang pinapanood ang mga customer namin na nagiging wild na. “Ven!” Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko, at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mga pinsan ko na papalapit sa’kin. “This is a perfect place for us!” sambit ni Arthur habang tumatango at pinagmamasdan ang bar ko. Ngumiti lang ako sa kan’ya, at iniiwasan kong makita sila dahil baka magtanong lang sila kung ano ba talaga ang nangyayari sa’min ni Sophia. “Nice! Makakahanap na ako ng magandang babae!” sambit naman ni Aaron. Napangiwi naman ako dahil alam kong yun ang dahilan nila kaya sila narito. Napailing na lang ako at napabuntong hininga. Tumawa naman ng malakas si Eron, at ngumisi. “Uugod-ugod ka na A!” sambit ni Eron kaya nagtawanan ang mga pinsan ko. Napatakip na lang ako sa bibig para pigilan din ang pagtawa ko. Wala pa rin talaga silang pinagbago. Halos isang taon lang naman ang bawat agwat ng mga edad nila, maliban kay Kuya Carter, Kuya Erin, at sa akin dahil ako ang pinakabunso sa lahat. Binatukan naman ni Aaron ang kakambal niya. “Damn you! Mas malakas pa nga ako sa’yo!” sigaw ni Aaron sa kakambal niya pero tinawanan lang siya ng mga ito. Napangiti na lang ako at napapailing na lang sa kanila. Masyado na silang matatanda pero ayaw paring maghanap ng matinong babae. Nagkaroon na lang ako ng anak pero sila heto naghahanap pa rin ng lalandiing babae, TSK. I rolled my eyes at them. “Order, whatever you want.” sambit ko sa kanila. Nanlaki ang mga mata nila pero napasigaw din dahil nga sa libreng alak na maiinom nila. Isa rin yata ’to sa dahilan kung bakit sila nandito dahil para makalibre ng alak. Tsk. Mas mayaman pa nga sila kaysa sa akin. O baka gulo lang din ang gusto nila rito. Nababalitaan ko noon kay Claire na napapaaway ang mga pinsan ko sa mga bar na napupuntahan nila dahil lang sa mga babae kaya minsan nababanned sila sa isang bar. TSK. Ayoko ng gulo rito sa negosyo namin dahil baka mawalan pa kami ng customer, ipapa-banned ko talaga sila. Napatingin na ako sa mga pinsan ko at napansin ko namang nagiging busy na sila kaya sumenyas akong mag-iikot muna ako sa buong bar na napatango naman sila kaya tinapik ko na lang sa balikat si Hill na hinimas lang ang kamay ko bago ako naglakad paalis sa pwesto pero natigilan ako nang may mapansin akong pamilyar na tao. Hindi ako maaaring magkamali. Kilalang kilala ko siya. Napasulyap ako sa mga pinsan kong nagtatawanan habang may mga kausap na babae at napatingin naman ako sa taong pamilyar sa’kin. Damn it, I knew it. Magkakaroon ng malaking gulo rito sa bar kapag nakita siya ng mga pinsan ko. Hindi ko alam kung mapipigilan ko ba sila lalo na’t kilala ko ang mga pinsan ko kapag may gulo dahil hindi nila hahayaan na makatayo pa ang makakalaban nila. F–ck. Napatingin akong muli sa mga pinsan ko at napansin kong napatingin sa akin si Rios kaya kumaway lang ako sa kan’ya at nginitian siya. Ngumisi lang siya at nag-flying kiss sa’kin, kaya napangiwi naman ako at napailing na lang bago ko puntahan ang taong ’yon sa pwesto nila na isang private area. Hindi siya maaaring makatakas sa’kin. Malaki pa ang kasalanan niya sa pamilya namin. Kumuyom ang kamao ko at huminto ako sa harapan nila ng kasama niya. Napansin ko namang naging alerto ang mga tauhan ni Gino. Sinamaan ko sila ng tingin kaya natigilan sila. Tumingin muli ako kay Gino. “Mr. Gino Young.” sambit ko sa pangalan niya. Natigilan namn sila ng kasama niya sa ginagawa nila at nilingon nila ako. Tinaasan niya ako ng kilay at naningkit lalo ang mga mata niya na para bang inaalam kung sino ako. “Who the hell are you?!” tanong niya sa’kin. Ngumisi lang ako at tinaasan siya ng kilay. “Who am I?"” tanong ko rin sa kaniya. Kumunot lang ang niya kaya ngumiti ako. “I’m the owner,” pagpapakilala ko sa kan’ya. Natigilan siya at tinitigan ako na naiilang naman ako sa mga tingin niya. “Ah! I know you!” napapalapak pa siya dahil mukhang nakilala na niya ako. “Scarlett Knight.” sambit niya sa pangalan ko kaya nawala ang ngisi ko at sinamaan ko siya ng tingin. “Ako nga si Scarlett Knight.” sambit ko. Napangisi naman siya at napansin kong bumulong siya sa babaeng katabi niya at biglang umalis naman ang babae kaya nagtaka ako. Ano bang binabalak niyang gawin? TSK. “Anong kailangan sa’kin ng isang Scarlett Knight?” nakangising tanong niya habang nagsasalin siya ng alak. Kumuyom naman ang kamao ko dahil hindi ko alam na makapal pala ang mukha niyang magpakita pa rito pagkatapos ng ginawa niya. Hindi rin ba niya alam na nandiyan lang ang mga pinsan ko? Dahil kapag nakita siya ay hindi ko alam kung anong magagawa nila. Sumulyap ako sa mga pinsan ko na mga busy pa rin sa mga kausap nila kaya hahayaan ko na lang sila at ako na lang ang tatapos nito para walang mangyaring gulo. Masyadong maraming tao ngayon at makakakuha lang kami ng attention, hindi ko na ring bibigyan pa ng problema si chairman. Inis ko naman siyang nilingon habang masaya pang umiinom. “Leave. Habang mahaba pa ang pasensya ko,” sambit ko. Pero tinawanan niya akk kaya mas lalong kumuyom ang kamao ko. “Umalis ka na lang, Mr. Young. Maraming tao ngayon dito at ayoko ng gulo.” sambit ko. Natawa ulit siya at napataas ang mga kamay niya. “Whoa! Easy! Chill!” ngumisi siya at the tinaas ang baso niya. “Bakit hindi mo muna ako samahan dito? Gusto ko pa namang makilala ang bunso ng mga Knight,” nakangising sambit niya at pinagsalin niya ako ng alak. Huminga ako ng malalim. “Wala akong oras para makipaglaro sa’yo. Umalis ka na lang para walang gulo.” sambit ko. Ngumisi lang siya na para bang hindi narinig ang mga sinabi ko. F-ck. “Miss Knight, isang imbitasyon mula sa’kin ang ayain kang uminom dahil gusto lang kitang makilala. Hindi mo naman siguro ko tatanggihan, right?” nakangising sambit niya. Napairap naman ako at bumuntong hininga ng malakas. “Mr. Young, alam mong may kasalanan ka pa sa mga Knight, right? At may gana ka pa talagang makipaginuman dito.” sambit ko habang naiiling na lang. Natigilan naman siya at nawala na ang ngisi niya. “Kaya habang maaga pa, umalis ka na lang dahil ayoko ng gulo rito sa mismong negosyo ko.” Ayokong magkagulo rito mismo sa bar namin ni Claire, at ayokong matakot ang mga tao rito. At ayoko ring malaman din ng mga pinsan ko na nandito si Gino, dahil hindi nila ito sasantuhin. Kaya habang okay pa ang lahat, ako na lang ang tatapos nito. Huminga ako ng malalim. “Umalis ka na ngayon pa lang.” sambit ko at tinalikuran ko na siya pero hinablot niya ang buhok ko kaya nanlaki ang mga mata ko at hinampas ang mga kamay niya para bitawan ako pero mas lalo lang humigpit ang hawak niya sa buhok ko. “F–ck you! Bitawan mo ako!” sigaw ko habang pinaghahampas ang mga kamay niya. “Tumahimik ka!” sigaw niya at inangat niya ang ulo ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Ano ba ang magagawa ng isang Scarlett Knight?” nakangising tanong niya. Dinilaan niya ang labi niya kaya napalunok ako at pinipilit ko pa ring makawala sa hawak niya. Damn it. Huminga ako ng malalim at sinipa ko siya sa ibabang bahagi ng katawan niya kaya nabitawan niya ako at inayos ko ang damit ko at buhok ko. “Hindi lang bastang Knight ang kinalaban mo, Gino. Hindi lang siya bastang Knight. He’s our chairman!” galit na sambit ko at sinamaan ko siya ng tingin. "Baka nakakalimutan mong dahil kay chairman kung bakit buhay pa kayo ng pamilya mo ngayon. Kung hindi dahil sa kanya, nasaan ka ngayon, huh? Si chairman ang may gawa kung sino ka ngayon.” sambit ko. Sinipa ko siya at sinakal. “Sinabi ko na sa’yo na umalis ka na pero hindi ka nakinig...” humigpit ang hawak ko sa leeg niya. “Pinapaalis kita, hindi dahil concern ako sa’yo, kun’di naaawa ako sa’yo. Nand’yan lang ang mga pinsan ko dahil kapag nalaman nilang nandito ka baka hindi ka na sikatan ng araw.” bulong ko at binitawan ko na siya. “Leave!” sigaw ko, at nakita kong kumuyom ang kamao niya kaya lumayo na ako para bumalik sa pwesto kung nasaan ang mga pinsan ko dahil kapag nalaman nilang hindi pa ako bumabalik ay hahanapin nila ako. Huminga ako ng malalim at tumingin ako muli kay Gino. “Tandaan mo ang lahat ng sinabi ko sa’yo.” sambit ko at tinalikuran ko na siya para umalis pero nabigla akong nahawakan niya ako sa braso. “Sino nagsabi sa’yong pwede ka ng umalis?” tanong niya at kumunot ang noo ko habang binabawi ko ang braso ko sa kamay niya. “Wala akong pakialam kung nandito ang mga pinsan mo dahil wala naman silang magagawa kapag tinuloy ko na ang balak kong gawin sa’yo. They are useless.” ngumisi siya sa’kin pero sinamaan ko siya ng tingin at pinipilit na bawiin ang braso ko. “Bitawan mo ako!” sigaw ko pero mas lalo lang humigpit ang hawak niya sa braso ko. “Hindi ka talaga marunong makinig!” napakagat na ako sa labi dahil nararamdaman kong bumabaon na ang kuko niya sa balat ko. Napatingin ako sa paligid at napansin ko ang bote kaya pinilit kong abutin ’yon. Damn it. Hindi ako tumigil hanggang sa maabot ko na siya at hinawakan kong mabuti ang bote at tinignan ko ng masama si Gino na nakangisi sa’kin. Humigpit ang hawak ko sa bote at hinampas ko ito sa ulo niya kaya nabitawan niya ako. “F–ck you. Scarlett!” sigaw niya habang nakahawak sa ulo niya na dumudugo na. Napatingin ako sa bote at hinampas ko ’to muli sa ulo niya. “Damn you, woman!” binitawan ko na ang bote at napahagod sa buhok ko. “Baka sakaling magising ka na sa katotohanan.” sambit ko at tinalikuran ko na siya pero hindi pa ako nakakahakbang ng hilahin niya ako at sinikmuraan niya ako. Nanlaki naman ang mga mata ko at nagsuka na ako ng dugo dahil sa lakas ng suntok niya. Napahawak naman ako sa t’yan ko at sinamaan ko siya ng tingin saka ako tumakbo para makalayo sa kan’ya, hindi ko na siya kakayanin sa ngayon dahil sa sakit ng suntok niya. Naabutan naman niya ako binuhat na parang isang sako ng bigas. Nanlaki ang mga mata ko. “Bitawan mo ako! Gino Young!” sigaw ko at pinaghahampas ko siya pero tinawanan lang niya ako. Napatingin pa ako sa paligid ko at nanlaki ang mga mata ko na hinarangan ng mga tauhan ni Gino ang buong area para walang makakita sa ginagawa namin. F–ck. Kahit na gawin pa niyan, malalaman pa rin naman ng mga pinsan ko lalo na’t hindi pa ako nakakabalik sa pwesto nila. Damn it. Pinagsusuntok ko si Gino at nagpupumiglas ako sa buhat niya pero masyado siyang malakas kung ikukumpara sa’kin. Kaya kong lumaban pero sa oras na ’to, nanghihina ako dahil sa ginawa niya sa’kin. “Gino! Ibaba mo’ko!” sigaw ko pero parang wala na siyang naririnig at napansin kong nag-iba bigla ang kilos niya. Nanlaki bigla ang mga mata ko nang pumasok kami sa cr. Mukhang masama ang kutob ko ngayon sa mangyayari. Damn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD