Chapter 11

2562 Words
THIRD POV Lumabas si Dominic ng kwarto ni Scarlett at napabuntong hininga na lang. Kung kaya lang niyang ipaliwanag ang lahat kay Scarlett ay gagawin niya pero hindi pa sa ngayon dahil mas kailangan pa niyang protektahan ang pamilya niya. Natigilan lang si Dominic nang mapansin niyang inaabangan siya ni Sophia. Hindi niya ito pinansin pero hindi naman siya tinigilan nito. “What are you doing there?” tanong ni Sophia. Walang ganang lumingon si Dominic sa babae. “It’s none of your business.” sambit ni Dominic, at bumaba na siya para makauwi pero sinundan pa rin siya ni Sophia. Naiinis naman siya dahil palaging nakabuntot sa kan’ya ang babae. Palagi pang nakikialam ito sa mga bawat kilos niya. “It is! I’m your fiance!” sigaw ni Sophia kaya nagkatinginan ang mga katulong ng mga Knight. Huminga ng malalim si Dominic at tinignan niya si Sophia. “Keep in mind, you’re just my fiance,” sambit ni Dominic. Lumabas na siya ng mansion ng mga knight para umuwi sa bahay ng mga magulang niya dahil mas nalulungkot siya kapag sa mismong bahay niya siya uuwi dahil hindi naman niya kasama ro’n si Scarlett. At baka maalala lang niya ang masayang nakaraan nila. Akmang bubuksan na niya ang sasakyan niya nang pigilan siya ni Sophia. “Are you leaving? I'm still here!” sambit ni Sophia. Napapikit naman si Dominic at hinarap na niya ang babae dahil hindi siya titigilan nito kung patuloy lang niya itong iiwasan. “What do you want? I’m tired, Sophia,” sambit ni Dominic kay Sophia na mas lalo namang naiinis. Napatingin lang si Dominic kay Sophia para hintayin ang sasabihin nito at kumuyom ang mga kamao niya dahil itong babae na ’to ang sinisisi niya kung bakit siya iniwan ng asawa niya. “W-wait… Dominic, what did you talk about? Did you get back together?” tanong ni Sophia. Blanko namang tumingin si Dominic sa kan’ya. “So, what? Wala ka ng pakialam do’n. Alam mo kung ano ka sa’kin Sophia. At alam mo rin kung sino ang mahal ko sa inyong dalawa ni Scarlett at hindi mo mababago ’yon,” sambit ni Dominic. Nanlaki naman ang mga mata ni Sophia sa sinabi ni Dominic at galit niyang sinampal ang lalaki pero hindi yun ininda ni Dominic. Dahil nagsasawa na siya sa mga sinasabi nito at nagsasawa na rin siyang kasama si Sophia. “She cheated on you! She went with someone else! Have you forgotten?!” sigaw ni Sophia. Kumunot ang noo ni Dominic at hinawakan niya sa panga si Sophia na hinahampas naman ang kamay niya. “The lies are enough, Sophia. I will never listen to you again. It’s a waste of five years that I listened to you. I hope my wife never left me,” mariin na sambit ni Dominic, at binitawan na niya ang panga ni Sophia. “Stay away from me.” dagdag pa niya at akmang bubuksan na niya ang pintuan ng sasakyan niya nang hilahin siya ni Sophia at kasabay ng paghalik ng babae sa kan’ya. Nanlaki naman ang mga mata ni Dominic, at hinawakan niya ang mga balikat nito saka niya tinulak si Sophia palayo sa kan’ya. Mariin naman niyang pinunasan ang labi niya. “Ano ba! Hindi ka ba nahihiya?!” inis na tanong niya habang mariin ulit na pinupunasan ang labi niya. Ngumisi lang si Sophia sa kan’ya. “I know you want me! You want my body, right? That’s why you could fool my sister because you know I’m better than her,” nakangising sambit ni Sophia at inilapit nito ang katawan niya kay Dominic na tinulak naman siya. “Simula ng minahal ko si Scarlett, hindi na’ko tumingin sa iba. Hindi na rin ako naaakit pa sa iba.” sambit ni Dominic at tumingin siya kay Sophia. “Nakagawa ko ang malaking kasalanan dahil nilasing mo ako noon. Nakakalimutan mo bang nang-blackmail ka para maghiwalay kami ni Scarlett.” dagdag pa niya at akmang sasakay na siya ng sasakyan nang matigilan siya sa sinabi ni Sophia. “Sige, balikan mo siya mas mapapahamak siya. Wala na siyang kapangyarihan sa pamilyang ’to. Ako ang hihiranging reyna sa mansion na ’to.” sambit ni Sophia. Nanlaki ang mga mata ni Dominic at muli niyang nilingon ang babae. "At si Scarlett? Isa na lang siyang magiging alipin ko na papaikutin ko sa mga kamay ko. Katulad ng pagpapaikot ko sa mga Knight." dagdag pa niya. Napakuyom ang mga kamao ni Dominic at mahigpit niyang hinawakan ang braso ni Sophia na napangiwi naman. “H’wag na ’wag kang gagawa ng ikakagalit ko, Sophia. Pwedeng pwede kong sabihin kay chairman ang lahat ng ginawa mo! H’wag na ’wag mo akong susubukan.” mariin na sambit mi Dominic, at mas lalong humigpit ang hawak niya sa braso ni Sophia. Sinamaan siya ng tingin ni Sophia. “F–ck you! Let me go!” Sigaw ni Sophia kaya binitawan na niya ang braso nito. “Walang pwedeng maging reyna kun’di si Scarlett lang. Wala ka pa sa mga nagawa niya, ’yan ang tatandaan mo.” sambit niya kay Sophia na nabigla naman sa sinabi niya. “Si Scarlett ang mahal ko at hindi ikaw.” huling sambit niya at sumakay na siya sa sasakyan at malakas niyang sinarado ang pintuan saka niya ito pinaharurot paalis. Hinampas naman ni Dominic ang manibela sa sobrang inis. “H’wag na ’wag kang magkakamali na hawakan ni dulo ng buhok ni Scarlett at ng mga anak namin. Ako mismo papatay sa’yo, Sophia.” bulong niya at hinawakan ang handbrake para paharurutin ang sasakyan. Alam naman niya na siya ang ama ng mga anak ni Scarlett. Nararamdaman niya ’yon, lalo na nung lumapit sa kan’ya ang mga bata at tinawag siyang “daddy” ng mga bata. Gusto lang niyang makasiguro para makabawi siya para sa pamilya niya. Mariin siyang napahawak sa manibela. ”Wait for me, Scarlett. Gagawin ko lahat para protektahan kayo, mahal na mahal ko kayo...” *** Napapadyak naman sa inis si Sophia nang layasan na siya ni Dominic. “F–ck. Hindi ako papayag na magkabalikan kayo.” bulong niya at sinamaan lang niya ng tingin ang dinaanan ni Dominic paalis ng mansion nila. Alam din niya na sa kan’ya pa rin lalapit si Dominic at kailangan lang niyang unahin ang mga hadlang. Masyadong tanga yung mga inutusan niya para patayin si Scarlett. Ngumisi lang siya at aalis na sana siya nang matigilan siya nang biglang may bumaba mula sa puno na siyang kinabigla niya. “Rios?!” gulat na sambit niya sa pangalan ng pinsan niyang lalaki. Napaiwas siya ng tingin dahil baka may narinig ang pinsan niya sa pinag-usapan nila ni Dominic. Huminga siya ng malalim at ngumiti siya sa pinsan niya. “A-anong ginagawa mo rito?” tanong niya habang nakangiti. Hindi pwede nitong malaman ang mga sikreto niya. Tumaas lang ang kilay ni Rios kay Sophia pero ngumisi lang din. “I knew it. May ligaw na damo.” sambit ni Rios na natigilan naman si Sophia. "Oh? Para kang naninigas d’yan? Kilala mo ba kung sino ang tinutukoy ko?" natatawang tanong ni Rios. Kumuyom naman kamao ni Sophia at huminga siya ng malalim bago niya tignan ang pinsan niya para hindi ito makahalata sa kan’ya. “No, of course not. Malay ko ba kung sino ang tinutukoy mo, Rios.” sambit ni Sophia, at natawa siya para maalis ang kaba niya. Dahil alam niya sa kan’yang mga pinsan, si Rios ang pinaka misteryoso dahil palihim lang ito kung kumilos. Katulad lang si Rios kay Carter Knight, na hindi rin mabasa ni Sophia kung ano ang mga iniisip ng dalawa niyang pinsan. Kailangan niyang mag-ingat sa mga ito. “Rios—” natigilan lang si Sophia nang makita niya ang pagngisi nito kasabay ng pagtitig ni Rios sa kan’ya. Napaiwas naman siya ng tingin dahil lumalakas ang kabog sa dibib niya. “Hmm...” napatingin muli si Sophia kay Rios na nakalapit na pala sa kan’ya kaya napaatras siya. “I am Rios Knight. What about you? Who are you working with?” bulong ni Rios sa kan’ya. Nanlaki ang mga mata niya at hindi na siya nakagalaw pa sa pwesto niya. Napalunok siya at natawa na lang habang kinakabahan siya. “W-what are you talking about?” tanong niya. Ngumisi lang si Rios at nag-humm lang bago lumapit sa sasakyan niya. Nilingon pa ni Rios si Sophia na hindi na nakapagsalita. “Sana lang hindi malaman ng mga Knight ang mga lihim mo, Sophia. Hindi mo kilala ang pamilyang pinanggalingan mo.” sambit ni Rios at ngumisi. “At si Venice? Mas worst pa siya sa’yo,” dagdag pa nito. Sumakay na si Rios sa sasakyan niya at nilakasan niya ang makina ng sasakyan kung kaya’t lumabas ang makapal na usok sa tambutcho. Napaubo naman si Sophia at sinamaan niya ng tingin ang sasakyan ni Rios. Kumuyom lang ang mga kamao niya bago siya bumalik sa loob ng mansion. *** Nakarating naman si Dominic sa bahay ng mga magulang niya at dumiretso siya sa kusina. Kumuha siya ng alak na tinungga niya kaagad. Pinunasan niya ang labi niya at umupo. Hindi niya akalain ni Dominic na maririnig niya ang lahat ng ’yon kay Scarlett at hindi niya rin inaasahan na alam pala ng kan’yang asawa ang mga pangyayari noon. Hindi man lang siya nakapagpaliwanag dahil alam niyang galit si Scarlett sa kan’ya. Nagulo niya ang buhok niya at tumungga muli sa alak. Natigilan lang siya nang mapansin niyang lumapit ang ina niya sa pwesto niya. “Anak, What are you—Oh?” Hindi pinansin ni Dominic ang kanyang ina dahil wala siyang ganang makipagusap dito. Lalo na’t isa ito sa mga dahilan kung bakit napilitan si siyang mag-propose kay Sophia. Akala rin kasi ng kanyang ina na si Sophia ang kan’yang nobya. Hindi rin daw magandang tignan kung may anak na sila tapos hindi pa sila kasal. Napailing na lang siya at tumungga muli siya ng alak. “How is she?” tanong ng ina ni Dominic na si Ashley Stone. Natigilan naman siya sa pag-inom. “Sino?” tanong din ni Dominic sa kaniyang ina. Kumunot naman ang noo ni Ashley dahil sa reaction ni Dominic. “Who else? Of course your fiance,” sambit ni Ashley. Napairap naman si Dominic at uminom na lang. “She’s nothing more than my fiance.” sambit ni Dominic at ginulo muli niya ang buhok niya. Hindi niya alam ang gagawin niya o kung paano makakabawi sa pamilya niya. Lalo na ngayon ay galit na galit si Scarlett sa mga nagawa niya. Napatitig naman si Ashley sa anak niya dahil ngayon na lang niya ulit nakita itong may problema, dahil 5 years ago na nung huli niyang makitang ganito kalugmok ang anak. “Austin, may problema ka ba? Nag-away ba kayo ni Sophia?” tanong ni Ashley kay Dominic, pero hindi ito nagsalita kaya napabuntong hininga na lang siya dahil baka nag-away nanaman ang anak niya at ang ang fiance nito. “TSK. Pagusapan niyo ’yan, okay? Hindi pa kayo naikakasal pero nagkaka problema na kayo,” sambit niya. Napailing naman si Dominic at napangisi sa kan’yang ina. Hindi naman kasi si Sophia ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan, kun’di sa babaeng mahal niya. Nilingon ni Dominic ang kan’yang ina. “Mom, please, leave me alone?” pakiusap niya kay Ashley. Napataas naman ang kamay ni Ashley at ngumiti lang. “I’m just saying, Austin, I don’t want Sophia to get hurt. She’s a wonderful person, unlike her sister…” sambit ni Ashley. Natigilan si Dominic sa narinig at kumuyom ang kamao niya na napansin naman ’yon ni Ashley kaya napataas ang kilay niya dahil iba na ang mood ni Dominic. “What? Sophia told me, her sister is a rebel girl, TSK. TSK. She’s ruining their family’s name. Sophia is a good girl, unlike that girl. She’s a lovely and responsible daughter,” sambit ni Ashley at napangiwi siya dahil parang hindi niya gusto yung si Scarlett dahil nung nangyari sa engagament celebration. “What was her first name again? Scarlett? I forgot about her,” natawa si Ashley dahil naiinis lang siya kapag narinig niya ang pangalan na ’yon dahil sa nangyari nung nakaraang gabi. Nabigla naman siya nang makarinig siya na nabasag na bote kaya napalingon siya kay Dominic. Nanlaki ang mga mata ni Ashley. “Austin! What are you doing?!” galit na tanong niya sa anak at pinulot ang mga bubog. “Ano yung sinasabi mo, mom?” tanong ni Dominic na siyang kinatigil ni Ashley kaya nilingon niya ang anak at tinabi niya yung mga bubog para harapin si Dominic. “What’s the matter with you? I don’t like the tone of your voice!” sigaw niya. Sinamaan naman siya ng tingin ni Dominic kaya mas lalo siyang natigilan. “Ulitin mo yung sinabi mo!” sigaw ni Dominic kay Ashley na nabigla naman at halos mapaatras na dahil sa itsura ng kan’yang anak. Hindi rin maintindihan ni Ashley kung bakit nagagalit ang anak niya, wala naman siyang masamang sinabi dahil totoo naman ang lahat ng sinabi niya tungkol sa kapatid ni Sophia. Kilala niya si Scarlett mula noon pero hindi niya masyadong nakikita ito sa mansion dahil sa trahedya na nangyari sa mga Knight kaya hindi niya nakilala ng lubusan si Scarlett, at medyo nakalimutan na nga niya ang bunso ng mga Knight. Huminga ng malalim si Ashley, at sinamaan niya ng tingin si Dominic. “Sophia told me she went with a man and got pregnant; she was an absolute disgrace to her family—” natigilan si Ashley nang suntukin ni Dominic ang lamesa. Nanlaki naman ang mga mata niya at nilapitan ang anak. “Austin...” sambit niya pero tinulak lang siya ni Dominic. “You know nothing about her, mom,” sambit ni Dominic. Nagulat naman si Ashley at tinignan niya ang anak niya. “Don't say that to Scarlett!” sigaw na ni Dominic sa kan’ya, at sinuntok muli ang lamesa kaya napasigaw na siya dahil nakita niyang nagdurugo na ang mga kamay ni Dominic. “What’s wrong with you, Austin?!” tanong ni Ashley at nilapitan ang anak para hawakan pero tinabig lang ang kamay niya ni Dominic. “Ang babaeng sinasabihan mo na rebelde ay ang asawa ko, mom. Ang bunso ng mga Knight.” sambit ni Dominic at kumuha na siya ng bimpo para ibalot sa kamay niya. Nanlaki ang mga matani Ashley nang marinig niya ’yon mula sa kan’yang at napatakip siya sa bibig. Ngayon niya na naiintindihan ang lahat na hindi si Sophia ang dahilan kung bakit nalugmok si Dominic na halos anim na taon. “Please, excuse me.” sambit ni Dominic kaya napakurap si Ashley at hindi na siya nakapagsalita kaya mabilis na umalis sa kusina si Dominic pero natigilan siya nang may naalala siya. “Don’t listen to Sophia. Siya ang hindi mo kilala.” huling sambit niya bago siya tuluyang umakyat sa kwarto niya. Pabagsak niyang sinarado ang pintuan ng kwarto niya, at kumuha ng twalya apra dumiretso sa banyo. Napatingin siya sa salamin at napahawak na siya sa sink ng mahigpit. “Hindi niyo kilala si Scarlett para pagsalitaan niyo ng gan’yan.” bulong niya at hinampas ang sink bago hinugasan ang kamay niya. “Babawi ako sa’yo, Scarlett...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD