“A-anong binabalak mo, huh?!” tanong ko at pinagsusuntok ko ulit siya pero bigla niyang ako binaba kaya binalak kong tumakbo palabas ng cr pero nahablot niya ang buhok ko.
“Where are you planning to go?” Nakangising tanong niya. Inis ko naman siyang nilingon at nagpupumiglas muli sa hawak niya. “Magsusumbong ka? Kanino? Sa mga pinsan mong mahihina?” natatawang tanong muli niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin pero binalak niyang hawakan ang mukha ko nang umiwas ako sa kan’ya.
Nakakadiri siya. Nandidiri ako sa kan’ya. Akala ko maaari ko siyang pakiusapan na umalis na pero hindi pala talaga siya marunong makinig.
“Ano ba talagang kailangan mo, huh?! Bakit kinakailangan mong idamay si chairman?!” tanong ko sa kan’ya. Pero natigilan ako nang may naaalala ako kaya tumingin ako sa kan’ya.
“Hindi siya ang target niyo! Kun’di ako!" sigaw ko at hinawakan ko ang braso niya saka ko siya binalibag sa sahig.
Inayos ko na ang damit ko at napasuklay sa buhok ko para tignan ulit si Gino. “Tama ako, hindi ba? Ako talaga ang target dahil hindi ako hahabulin ng mga tauhan mo kung si chairman talaga ang target niyo!” sigaw ko at hinablot ko siya sa kwelyuhan niya. “Bakit, huh? Bakit ako ang target niyo?! Paano niyo nalamang nakabalik na ako?!” gigil na tanong ko at humigpit ang hawak ko sa kwelyo ng damit niya.
“Sumagot ka!” sigaw ko pero natigilan ako nang humalakhak lang siya kaya nagugulat akong nabitawan ko siya. May kakaiba sa kan’ya kaya napaatras na lang ako nang makita kong para siyang lango.
“TSK.” ngumisi si Gino at pinunasan niya ang labi niya. “Gusto mo malaman kung bakit ko ginawa ’yon?” tanong niya at tumayo na siya kaya mas napaatras ako. “Dahil may nagbayad sa’kin para patayin ang isang Scarlett Knight. Sila rin ang nagsabing nagbalik ka na kaya kinuha nila ako para sa plano nila.” sambit niya, at natigilan naman ako.
Anong sinabi niya? May nagbayad sa kanya para gawin ang pang-aambush na ’yon dahil para maalarma kami at para mapatunayan din na nagbalik na ako. Napailing ako dahil tama nga ang hinala kong ako nga ang target nila at hindi ang chairman.
“Hindi naman talaga kasi talaga si chairman Knight ang target, kun’di ikaw.” ngumisi siya at dinilaan niya muli ang labi niya. “I used him against you. Pero napatay mo ang mga tauhan ko.” nakangising sambit niya. Natulala na lang ako at napakuyom ang kamao ko.
Ginamit niya ang chairman para magpakita ako sa kanila at kamuntikan pang madamay ang mga anak ko. Tang’naz Nadiinan ko ang pagkagat ko sa labi ko dahil sa galit. Sinamaan ko siya ng tingin habang naluluha ako. “Hindi niyo ba alam kung anong perwisyo ang ginawa niyo sa pamilya ko?! Muntikan pang madamay ang mga anak ko!” sigaw ko at galit ko siyang sinugod pero magaling siyang umiwas.
“Kung gusto niyo akong patayin! Sa akin kayo dumiretso hindi sa pamilya ko! Pagbabayaran mo ’to!” naluluhang sigaw ko at susuntukin ko na siya nang mahawakan niya ang pulsuhan ko. “Damn it! Bitawan mo ako! Damn you all!” sigaw ko, at pinagsisipa ko siya pero sinikmuraan niya ako ng malakas kaya napaluhod na ako.
Hinablot niya ang buhok ko at inangat niya ang ulo ko. “Isa ka lang mahina, Scarlett Knight.” bulong niya at sinampal niya ako pero hindi ko ’yon ininda, kung nakakamatay lang ang tingin ay pinaglalamayan na siguro siya.
“Isa kang kahihiyan sa pamilyang Knight. Isa kang walang kwentang anak. At isang mahina.” sambit niya at bumulalas siya ng tawa. Nalalasahan ko na ang dugo sa labi ko kaya sinipsip ko ’yon at idinura. “Kaya ka nga naiputan sa ulo ng sinasabi mong asawa mo,”
Natigilan ako. Paano niya nalaman ang tungkol do’n? May nalalaman ba siya sa mga nangyari sa’kin?
“Kaya ka siguro niloko ni Mr. Stone, dahil ayaw niya sa babaeng katulad mong tanga at mahina. Kaya ka siguro pinagpalit dahil wala ka talagang kwenta.” tumawa siya na para bang nasisiyahan siya sa mga sinasabi niya. “Paanong ikaw pa ang napili para pumalit sa trono? Ni hindi ka nga makatakas mula sa’kin.” sambit niya at inangat niya ang ulo ko para makita niya ang mukha ko pero natigilan siya nang makita niya ako.
Natawa na lang siya kahit ramdam kong bigla siyang kinabahan. “Hindi mo ako matatakot sa mga tingin mo. Wala kang magagawa kun’di tanggapin ang kapalaran—”
“Are you done?” tanong ko. Nabigla naman siya sa tono ng boses ko at maging ako ay nagulat din sa tono ng boses ko.
Ngumisi lang siya. “Wala pa nga tayo sa exciting part, Miss Knight.” sambit niya. Tumingin lang ako sa kan’ya at tumango.
“It’s over.” sambit ko, at hinawakan ko ng mariin ang kamay niya at pinilit na alisin ang hawak niya sa buhok ko. Nang makalaya na ako sa hawak niya, tumayo na ako at napasuklay sa buhok ko. “So, it’s my turn, huh...?” ngumisi ako sa kan’ya at inangat ko ang kamao ko para bumwelo, kagaya ng sinabi ko bibigyan ko siya ultimatum.
Hindi ko alam pero parang bigla na lang nandilim ang paningin ko at wala akong ibang nasa isip kun’di ang patayin siya. “Handa ka na bang mamatay sa isang mahinang katulad ko, Young?” nakangising tanong ko at nanlaki ang mga mata niya at napaatras.
Akmang susuntukin ko na siya nang bigla akong makarinig ng mga ingay.
“Scarlett!”
Napakurap ako at napatingin ako kay Young na nanginginig sa sahig at naibaba ko ang kamao ko dahil para akong nagising.
“Damn! What are you doing, huh?!”
Napalingon ako sa pamilyar na boses na ’yon at nabigla ako nang makitang galit na galit niyang sinugod si Gino.
“Dominic.” sambit ko. Pero hindi niya ako pinansin at patuloy siyang sumugod kay Gino at nabigla ako nang pinagsusuntok niya ito. “D-Dominic...!” nanlaki ang mga mata ko at hinila siya para tumigil pero tinabig lang niya ang kamay ko at sinamaan niya ako ng tingin.
“You can fight, Scarlett! But what are you doing? You let him touch you?” Tanong niya. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
“No, she can fight if we don’t interrupt her.” sambit bigla ni Rios habang nakasansal sa pader at nakangisi sa’min. Hindi naman nakinig si Dominic at galit pa rin siyang humarap sa’kin.
“Dominic, enough.” awat sa kaniya ni Aaron pero tinabig niya lang mga pinsan ko.
Nilapitan niya ako at niyugyog ang balikat ko. “You let him to touch you, huh?!” sambit niya at umiling lang ako sa kan’ya. “You let this bastard!” sigaw niya pero tinulak ko siya ng malakas.
“Sinabi ko ng hindi!” nanginginig kong dinuro siya. “Wala kang pinagkaiba sa kan’ya!” sigaw ko. Natigilan lahat sila kaya napayuko na lang ako at napakagat sa labi.
“Damn it.” sigaw niya at sinugod niya muli si Gino. “You! I will kill you, asshole! No one can touch her! No one!” galit na sambit ni Dominic, at sunod sunod niyang sinuntok ito na halos magdugo na ang mukha ni Young.
Kumuyom ang kamao ko at tumingin ako sa mga pinsan ko para patigilin si Dominic pero lahat sila hindi nakinig at hinayaan lang mabugbog si Gino.
“Tumigil ka na Dominic! Nakakakuha na tayo ng atensyon!” sambit ko, at hinila ko siya pero hindi siya tumigil kaya napahinga ako ng malalim at niyakap ko siya para kumalma siya.
Naiintindihan ko ang galit niya, dahil katulad ko ay nagagalit din ako pero baka makalabas pa ito sa publiko at hindi ’yon magandang imahe para sa lahat lalo na sa mga anak ko. Baka mawalan din kami ng customer.
“Tama na, Dom—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tanggalin niya ang pagkakayakap ko sa kaniya, at galit siyang tumayo saka padabog na lumabas ng banyo.
Napabuntong hininga na lang ako pero may nagpatong ng jacket sa balikat ko. “Let me take you home, Ven.” sambit ni Hill kaya tumango na lang ako sa kan’ya at inalalayan na niya ako palabas ng banyo.
Sinilip ko pa si Gino na nawalan na ng malay at napailing na lang. Sinabihan ko na siya pero hindi siya nakikinig, hindi ako masamang tao pero ngayon ko lang sasabihin ’to, na deserve niya kung ano man ang mangyayari sa kan’ya. Binantaan ko na siya pero mas pinili niyang gawin ’to dahil binayaran siya, hindi ko rin alam kung ano pa ang pwede niyang sapitin sa kamay ng mga pinsan ko. Umiwas na lang ako ng tingin at sumama na ako kay Hill.
“I-uwi mo na si Ven, bro. Kami ng bahala dito gagong ’to. Kami naman makikipaglaro sa kaniya.” nakangising sambit ni Eron.
“Oh, yeah! Namiss kong makipaglaro!” sambit naman Arthur at nag-apiran silang apat maliban kay Hill at Rios na napapailing na lang sa kanila.
“No one is allowed to touch our little princess, asshole!”
Inalalayan na ako ni Hill palabas ng banyo habang nakaakbay sa’kin napayuko naman ako nang makitang maraming nagbubulungan habang nakatingin sa’kin.
“Don’t worry, hindi kayo maiinvolve dito. Go ahead! Continue the party!” sigaw ni Hill at napansin ko naman na nakahinga ng maluwag ang mga customer namin at nagpatuloy sila magsaya rito sa bar.
Nasalubong ko pa ang secretary ko na siya pala ang nagsabi sa mga pinsan ko dahil nagaalala siya na hindi pa ako nakakabalik sa office kaya nagpasalamat na lang ako sa kan’ya at pinaubaya muna sa kan’ya ang bar.
“No problem, president! Magpahinga na po kayo. Ingat po kayo.” sambit ni Lisa. Nginitian ko lang siya at dumiretso na kami ni Hill sa parking lot.
“Are you okay?” tanong ni Hill. Ngumiti lang ako at pagod akong tumango sa kan’ya habang kinakabit niya ang seatbelt sa’kin. “TSK. Bakit hindi mo sinabing nando’n si Young?” tanong ulit niya. Napalingon naman ako sa kaniya.
“Ayoko ng gulo, Hill.” yun lang nasabi ko sa kaniya kaya napailing na lang siya at binuhay niya na ang makina ng sasakyan at matiwasay siyang nag-drive.
“Malaking gulo kapag nalaman ni Kuya Carter ang nangyari sa’yo,” napapailing na sambit niya. Natahimik naman ako dahil parang ayoko na yatang pag-usapan ang nangyari. “Mabuti na lang hinanap ka ng secretary mo dahil hindi ka pa nakakabalik sa office mo kaya nagtaka na rin kami at nagsimula na kaming hanapin ka pero biglang dumating si Dominic at narinig daw niya sa ibang empleyado na may lalaking bumuhat sa’yo.” sambit niya. Napayuko naman ako at napakagat na lang ako sa labi.
“H-Hill, did you notice me earlier?” tanong ko sa kan’ya habang nakayuko. Natigilan siya at nilingon ako.
“Yung sinabi ni Rios? I’m actually not sure, but... I noticed your eyes... It was empty.. And—” natigilan siya at umiling sa’kin.
Tumingin ako sa kanya dahil hihintayin ko ang sunod na sasabihin niya. “And?” bumuntong hininga siya at ngumiti na lang.
“Magpahinga ka na lang muna. Alam kong pagod ka.” sambit niya kaya lumaylay ang balikat ko dahil mukhang ayaw niyang malaman ko kung ano ang opinyon niya sa nangyari sa’kin kanina.
Ngumiti na lang ako at sumandal na lang. “May iba pa tayong kaaway bukod pa sa ibang nagtaksil sa pamilya natin?” tanong ko sa kanya dahil naalala ko ang mga sinabi ni Gino sa akin. Kumunot lang ang noo niya.
“Anong ibig mong sabihin? May sinabi ba si Gino, sa’yo?” tanong niya. Umiling na lang ako at napatingin na lang ako sa bintana.
Natawa naman siya at ginulo ang buhok ko. “Oh, no! Yari si Young sa mga ’yon. Hinawakan ang prinsesa ni Carter Knight!” pang-aasar niya sa’kin. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya at tumingin na lang akong muli sa bintana.
Ngayon lang din ako nakaramdam ng takot kay Dominic nang maalala ko ang nangyari kanina. Nanlilisik ang mga mata niya habang binubugbog niya si Young yung tipong gigil na gigil siya rito. Sa ilang taon ko siyang nakasama sa iisang bahay, ngayon ko lang nakitang galit na galit si Dominic na para bang papatay. Siguro nasanay lang ako makita siyang pasaway at pilyo kaya nakakabigla pa rin talaga na makita siyang gano’n.
Mabuti na lang din na dumating sila dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko kung hindi sila dumating. Napatingin na lang ako sa kamay ko at kinuyom ko na lang mga ito, dahil feeling ko biglang uminit ang pakiramdam ko kanina... F-ck.
***
AARON’s POV
“Dalian niyo! Naiinip na ako!” inis na sambit ng kambal ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Kung tinutulungan mo kaya kami, noh?! Nakatayo ka lang naman d’yan!” sigaw ko sa kaniya habang buhat namin si Young na walang malay.
“Gago!” binatukan naman ni Aiden si Eron na kakambal ko na ewan ko rin kung saan nagmana. TSK.
“Hehehe, sorry naman twin! Na-eexcite lang ako sa punching bag ko,” sambit ni Eron. Sinamaan ko lang siya ng tingin at pinaupo namin si Young at tinalian ang buong katawan niya at maging ang mga kamay at paa niya.
Anong karapatan niyang hawakan si Venice? Pasalamat siya mild lang ang mararanasan niya dahil kung nandito pa si Carter na halimaw. Baka nakabitin na ’tong si Young patiwarik dahil sa hinawakan niya ang prinsesa ni Carter.
Sa lahat din na mga babaeng pinsan namin, si Scarlett ang iniingatan namin. Dahil sabi sa’min nila dad isa raw miracle si Scarlett at mahalaga ito kay lola. Wala namang problema dahil mahal talaga namin si Venice. Because she’s a lovely woman.
Magkaiba talaga sila ni Sophia. TSK. I hate her. Nang mabalitaan naming lahat na nawawala si Scarlett para siya lang itong masaya sa’ming lahat. Yung tipong hindi nag-aalala kahit kapatid niya ito. At siya rin ang nagsabi sa’min na sumama sa lalaki si Venice at nakipagtanan pero lahat kami ay hindi naniwala, maliban lang siguro kay Lux at sa mga parents namin na medyo naniwala pa sila kay Sophia.
At si tita Sharlene (Scarlett’s mom) at kaming magpipinsan lang ang nagtiyagang maghanap kay Venice, pero hindi namin siya nahanap kaya palagi rin nagaaway sina tito Vernon at tita Sharlene sa kadahilanang parang hindi raw nag-aalala si tito na nawawala ang anak. Kaya nagkaroon na ng gap ang relationship nilang mag-asawa na hindi nalalaman ni Venice.
Kaya nung bumalik si Ven matapos ang limang taon na nawala siya... Lahat kami nabigla talaga sa pagbabalik niya. Ang mas malala pa ay may kasama siyang twins pero napansin ko kahawig nung lalaki si Dominic, lalo na sa kulay asul na mata.
Napatalon ako nang bigla akong sigawan ni Eron. “Hoy!”
“Damn you!” sigaw ko at natulak ko siya. Pero natatawa lang siyang lumayo sa’kin.
“Kanina ka pa namin tinatawag. Nakatulala ka lang diyan!” natatawang sigaw ni Eron. Sinamaan ko siya ng tingin at tinaas ko lang ang gitnang daliri ko sa kan’ya. Crazy. Napailing ako dahil kapag pinatulan ko si Eron ay magkakaroon talaga ng world war III. TSK.
Lumapit naman si Arthur sa’kin at umakbay sa balikat ko. “Ano ba kasing iniisip mo, Ae?” tanong niya. Inis ko namang inalis ang braso niya sa balikat ko.
“Wala, ano umpisahan na ba natin?” tanong ko sa kanila. Ngumisi lang sila at nag-thumbs up pa sa’kin.
“TSK.”
Natigilan kami dahil iisang tao lang ang kilala naming palaging nag-t-tsk.
“Rios my bro!” bati nila kay Rios na kararating lang din sa hide out namin. Masaya naman silang yumakap kay Rios na nakaupo na sa silya habang nakataas ang mga paa sa lamesa. Ngumiwi naman siya sa mga pinsan namin pero kalaunan ngumisi rin.
“Hintayin niyo na lang dumating ang halimaw. Sa ngayon itago niyo na muna siya,” sambit ni Rios habang kumakain ng apple.
“Sinong halimaw?” binatukan naman ni Erin ang kapatid niya at nakapamulsang lumapit na mukhang kararating lang din niya galing sa trabaho dahil naka suit pa siya.
“Oh, nahuli niyo siya?” gulat na tanong niya nang makita si Young na walang malay habang nakaupo sa silya.
“No, may kasalanan yan kay Venice!” inis na sambit ni Arthur at bahagyang sinipa si Young para magising.
Natigilan naman si Erin at kumunot ang noo niya. “W-what?” tanong niya. tumango naman ako kay Erin.
“He touched our Venice.” sambit naman ni Eron. Mas lalong kumunot ang noo ni Erin at bahagyang lumapit kay Young.
“What happened to our Venice?”
tanong niya sa’min habang nagpapatunog ng mga daliri niya at niluwagan niya ang neck tie niya. Napalunok kami dahil naging blanko na ang expression ni Erin.
Nakalimutan kong isa rin pala siyang halimaw pagdating kay Venice.
“Sagot!” sigaw niya at tinignan niya kami. Napakamot naman ako sa ulo ko at bumuntong hininga.
“Hinawakan niya si—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sipain na ni Erin si Young na tumumba naman ang silya. Napapikit naman kami at napa “whoo” na lang dahil tinapakan niya ang dibdib ni Young.
“What else?” tanong niya habang nakatapak sa dibdib ni Young habang nakapamulsa pa.
“Whoo! He’s scary...” natatawang sambit ni—Sandro?
Napalingon naman kami nang dumating pa ang magkapatid. Hindi siya pinansin ni Erin at nanatiling nakatingin siya kay Young ng walang emosyon.
Tama si Sandro. Nakakatakot nga si Erin, damn it.
“What else?” tanong ulit niya. Napalunok na lang ako at napakamot sa ulo.
Takte! Ba’t ba ako pinagpapawisan?Kinalabit naman ako ng kambal ko at nginuso niya si Erin. “What?” bulong ko sa kaniya. Umatras siya ng kaunti.
“Ikaw na sumagot. Nakakatakot si pareng Erin parang mangangain ng buhay,” bulong niya naman sa’kin na kinangiwi ko at tinulak ko ang mukha niya.
“Fine.” dinuro ko pa si Eron bago ako humarap kay Erin na masama na ang tingin sa’kin.
“What else, Ae?” lumunok ako at napakamot ako sa pisngi ko at kabadong ngumisi kay Erin.
“Y-yun lang naabutan—” Hindi nanaman ako pinatapos magsalita nang tapakan niya ng malakas si Young na napadaing na. Mukhang nagigising na si Young.
“You touched our Ven, huh? Then die.” sambit ni Erin, at ngumisi siya bago niya malakas na tinapakan ang dibdib ni Young habang nakapamulsa.
F-ck. He’s cool.
Natigilan naman kami na biglang lumapit si Rios sa kapatid niya. “Enough, my older brother.” nakangising sambit ni Rios at sinilip si Young saka bahagyang napailing na lang.
Napatigil naman si Erin sa pagsipa at blankong tumingin sa kapatid niyang si Rios.
“We need him... Alive.” nakangising sambit ni Rios at lumapit kay Young na tinapakan ang mga daliri nito na ikinangiwi ko.
“Ohh, It’s hurts!” komento ni Aiden at lumapit na rin sa pwesto ni Young at sinipa ang mukha nito. “Papayag ba kayo na ang magkapatid na Erin at Rios lang ang magsasaya?” Tanong ni Aiden at ngumisi sa’min. Natawa na lang iba ko pang mga pinsan.
“Nooo! We are Knight! We are one!” Sigaw nila na siyang kinangiwi ko.
Anong pinagsasasabi nang mga ’to? Mga nababaliw na yata o nabitin sa paghahanap ng babae, TSK. Napailing na lang ako sa kanila at napangisi. Mukhang mahaba-haba ang gabi ngayon. Mukhang mag-eenjoy naman ako.
Isang pagkakamali ang kalabanin mo ang mga Knight, Young.