Unang Pahina

542 Words
Julia's POV... "I've had enough Julia. Ayoko na." ang galit na wika sa akin ni William. "Kung ayaw mo akong tanggapin dahil sa aking nakaraan, pwes, ayaw ko na rin Will." ang sagot ko. "Kayang-kaya mo talaga akong ipagpalit diyan sa nawawala mong kapatid no? Ilang beses akong nagpakatanga sayo Julia. Lahat ginawa ko para maisalba ang relasyon natin. Pero ano? Put*** Jules, 15years na ang nakakaraan? Akala ko ba nakamove on ka na?" ang mangiyak-ngiyak niyang sabi sa akin. "I-I'm sorry Will pero hanggang ngayon, nagbabakasakali pa rin akong mahahanap ko ang kapatid ko. Ginawa ko rin ang lahat para kalimutan siya pero sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, mukha ng kapatid ko ang nakikita ko. Humihingi siya ng saklolo. Buhay pa siya Will. Buhay siya para sa akin. Mas lalo pa akong hindi matatahimik dahil kamukhang-kamukha ng kapatid ko ang ating anak na si Julius." ang naiiyak ko ring sagot sa kanya. "Pinilit kong kalimutan ang lahat pero hindi ko kaya. Akala ko mawawala na ang lahat ng pighati at pagsisising naramdaman ko noon pero hindi. Hindi ako matatahamik hanggan't hindi ko nalalaman kung ano at bakit nawala ang kapatid ko!" ang dagdag kong pagsusumamo sa kanya. "Do what you want to do! Siguraduhin mo lang na may mapapala ka. I guess we need space for the two of us." ang malungkot niyang sagot at agad na iniwan akong umiiyak sa aming kwarto. Hindi ko mawari kong bakit mas pinili kong hanapin ang nawawala kong kapatid kesa sa pamilya ko. Hindi ibig sabihin nun na wala na akong pakialam kay Will. Mahal na mahal ko siya. I just want him to understand my situation. Labinlimang-taon ang nakaraan. At sa loob ng mahabang panahong iyon, bangungot, pighati, pasakit, at pangungulila ang sumanib sa buo kong katauhan. Isang dagok, isang malalim na karayom ang eksenang iyon na bumabagabag sa puso at isipan ko. Sinisi ko ang sarili ko sa pagkawala ng kapatid kong si - Julio. At sa loob ng napakahabang panahong iyon, pilit ko pa ring hinahanap ang kasagutan sa likod ng pagkawala niya. Kasagutang hindi ko alam kung kailan ko matatagpuan. Kasagutang hindi ko alam kung saan ko mahahanap. Kasagutang hindi ko alam kung sino ang makakatuklas... "Mommy, where are we going?" ang gulat kong tingin sa anak kong si Julius habang itinuon ang aking atensyon sa pagmamaneho. "Baby, we are going to mommy's hometown in Iloilo." ang nakangiti kong sambit sa kanya. "Really? But, where is Daddy? Bakit hindi natin siya kasama?" ang nagtatakang tanong niya sa akin. "Anak, your Daddy won't be able to come because he has a lot of works to finish. As soon as he finished it, he will also be with us. So, be good while Daddy is not with us, okay?" ang pagsisinungaling ko sa kanya. "Okay." ang tanging sagot niya. Kahit magsinungaling pa ako sa harapan ng anak ko ay hindi ko maitatangging kailangan rin naman niya ang Daddy niya. Walong taong gulang na si Julius. Konti lang ang pagkakahawig niya sa aming dalawa ni Will. Mas kahawig niya ang kapatid kong si Julio. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero iyon ang totoo. Kamukhang-kamukha niya ang kapatid kong si Julio kesa sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD