Lusianna “UY, napapansin ko nitong mga nakaraang araw na parati kang nakangiti, Sianna,” sabi ni Adela. “Happy ‘yan?” Tiningnan ko siya at napanguso. Gusto ko mang itago ang ngiti ko pero hindi ako nagtagumpay. Malawak akong napangiti sa kanya. “Ano ‘yan? In love? Sana kay Baste.” Humagikgik si Adela sa sinabi ko. “Iyon nga, eh,” sabi ko sa kanya. “Pakiramdam ko ay nahuhulog na ako sa kanya.” Tumingin ako kay Adela. She gasped dramatically. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa naging reaksyon niya sa sinabi ko. “Anong gagawin ko? Hindi ko mapigilan. Masyado bang mabilis na nahulog ako sa kanya? Parang noon lamang ay ayoko sa kanya at kinaiinisan ko siya tapos ngayon ay nahuhulog na ako sa kanya at hindi ko mapigilan.” Hindi pa nakakatulong na mas intimate kaming dalawa ngayon. Para