Lusianna NANLALAKI ang aking mga mata habang nakatingin kay Baste na ngayon ay nasa harapan ko na. Nagpaalam ang lalaking tumulong sa akin na hanapin si Baste. Sa sobrang gulat ko sa nalaman ay hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya. “What brings you here?” Come to think of it. Madalas mag-Ingles si Baste, mamahalin ang amoy niya, at ang ibang gamit na mayroon siya, inakala ko lang na peke noon pero mukhang mga tunay pala. Naalala ko rin na minsan ko na siyang nakita na nakakotse at sinabi niya sa akin na hiniram niya lang sa boss niya. Was that his, too? “Dadalhan sana kita ng pagkain. Maaga rin kasi akong nakauwi kanina kaya nagkapagluto ako.” I looked at him like I don’t know him. Ginugulo ako ng katotohanan na hindi siya construction worker kung hindi engineer. “Really?” sa