Lusianna NAKATULALA lamang ako sa kisame ng isang kuwarto na hindi pamilyar sa akin. Kanina pa ako nagising pero ayokong kumilos. Binalikan ko ang mga nangyari kanina at ang tanging naalala ko ay kung paano itanggi ni Baste na kilala niya ako. Kinagat ko ang aking labi. Masakit pala ‘yon. Siguro ganito rin ang naramdaman niya nang sinabi ko sa kanya na ayaw kong ipakilala niya akong asawa niya sa ibang tao o…baka wala lang sa kanya. Depende kung may pakealam naman talaga siya. Masakit itrato na parang ‘di ka kilala, ganoong nagpunta ka rito para makita siya. Huminga ako nang malalim at bumangon. Nasaan ba ako? Naramdaman ko ang pananakit ng paa ko. Kakatakbo ko ata ito kanina kaya ganito. Hinilot ko iyon sandali bago maglakad. Hindi ko pa alam kung nasaan ako. But by just looking at