Lusianna MAY mga bagay pa raw na kailangang gawin si Baste rito sa Maynila kaya hindi pa kami makakaalis. Tinanong ko kung nakita niya si Adela at sinabi niya na pinauwi niya na ito sa Buenavista. Naiwan na pala ako ritong mag-isa. “Bakit mo ako iniwan?” tanong ko kay Adela nang makapag-usap kaming dalawa sa cellphone. “Kasama mo na naman si Baste,” sabi niya habang tumatawa. “Kaya umuwi na ako. Enjoy your vacation!” Bakasyon pala ang iniisip niya rito. Napanguso ako hanggang sa tinapos niya na ang tawag. May iniwan na isang security si Baste sa akin. Nasa labas ito ng penthouse at maaari ko raw utusan kung may kailangan ako. Ganoon man, hindi ako sanay sa buhay na para akong prinsesa. Masyado na akong nasanay sa buhay namin sa Buenavista na simple lang. Nakaramdam ako ng gutom kaya