KABANATA 29: CONFUSION

2569 Words

Lusianna UMUWI na kami sa Buenavista. Sinalubong kaagad kami ng iilang kakilala at ipinaliwanag na rin namin sa kanila ang totoong sitwasyon. I don’t want to keep it a secret here. Rito man lang ay magkaroon kami ng freedom ni Baste na malayang magkasama bilang mag-asawa. Naiintindihan ko siya kung bakit kailangan niya akong itanggi tuwing nasa Manila kami. Hindi alam ng pamilya niya ang tungkol sa akin. Hindi raw kami tanggap na dalawa. Ayaw niya rin na mapahamak ako dahil hindi niya pa sigurado kung tunay na aksidente ang nangyari sa akin noon o may taong gustong tumapos ng buhay ko. Kaya nagdesisyon kami na huwag na munang ipaalam. Soon, we will announce it to everyone. “Akala ko talaga ay kapatid mo si Sianna,” sabi ng isang kakilala ni Baste. Nakalimutan ko na ang pangalan niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD