KABANATA 3: SECRET

2631 Words
Lusianna “HINDI kayo magkatabing matulog ni Baste?” Naandito ulit si Adela at nagsisimula na siyang maglinis ng bahay. Isang linggo na rin simula nang makalabas ako ng ospital. Kahit papaano ay nasasanay na ako. “Hindi,” sagot ko. Tumigil siya sa kanyang ginagawa at tumingin sa akin na nanlalaki ang mga mata. “Bakit?!” sigaw niya at lumapit sa akin. Kapansin-pansin din na mabilis kaming naging malapit ni Adela. Siguro dahil hindi nagkakalayo ang edad naming dalawa. Kumunot ang noo ko sa kanya. “Anong bakit? Hindi ko siya maalala. Bakit ko siya hahayaan na tumabi sa akin. “Pero asawa mo siya!” she said dramatically. “Kahit pa mag-asawa kami kagaya ng sinabi niya, hindi ko pa rin siya maalala. Maganda nang may distansya muna sa amin habang hindi pa bumabalik ang memorya ko at hindi pa ako komportable sa kanya.” Ngumuso si Adela na akala mo ay siya ang mas apektado sa nangyayari sa amin. “Kung sabagay,” sabi niya sa akin. “Mahirap nga siguro talaga ang sitwasyon mo. I mean, hirap kang magtiwala dahil hindi mo alam kung sinong dapat mong pagkatiwalaan sa hindi. Kung sino ba ang magsasabi ng totoo sa ‘yo at kung sino ang sinungaling.” Tumango ako sa sinabi niya. Mabuti naman at naiintindihan niya ako. Bumalik na siya sa paglilinis ng bahay habang ako ay maraming iniisip. Maayos naman ang pakikitungo ni Baste sa akin. Iyon nga lang, may pagkakataon na madalas ay wala siya sa bahay. Maghapon siya sa trabaho at kung uuwi naman ay gabi na. Sa hapag-kainan na lang kami nagkakasama at hindi pa kami parating nag-uusap. Ewan ko ba, hindi ko rin alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya. Minsan naman kapag nagtatanong ako ay hindi niya sinasagot o iniiwasan niyang sagutin. Maaaring para sa ikabubuti ko naman ang ginagawa niya, dahil sabi rin ng doktor sa amin ay makakasama sa akin kung pipilitin kong makaalala. But sometimes, I am just really impatient. “Lalabas lang ako at magpapahangin,” sabi ko kay Adela. “Huh? Sigurado ka ba?” “Oo naman. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa akin sa labas.” Tipid akong ngumiti kay Adela at lumabas ng bahay. Sinalubong ako nang preskong simoy ng hangin. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama iyon. Tirik ang araw at maganda ang panahon. The sky is clear and blue. Walang senyales ng kahit anong pag-ulan. Ipinikit ko ulit ang aking mga mata. “Sianna!” Nakarinig ako ng boses. Akala ko pa ay may tumatawag sa pangalan ko kaya’t nagmulat ako, but there’s no one with me. Walang kahit na sino sa paligid ko. Inilingan ko ang sarili, inisip na baka nililinlang lamang ako ng isipan ko. “Sianna, let’s go! We have to hurry!” “Wait for me, ****!” Muli akong nagmulat. I can hear a man’s voice and my voice in those memories. But I couldn’t remember who I was calling. Napahawak ako sa aking ulo. Naramdaman ko ang pagkirot nito. Ipinikit ko ulit ang aking mga mata, iniisip na mawawala ang pananakit ng ulo ko kapag ginawa ko iyon. Subalit pagbukas ng mga mata ko, lalo lamang akong nalula. Nawalan ako ng balanse. Napahawak ako sa pader para masuportahan ko ang katawan ko at hindi ako matumba. “Adela…” Nanghihina ang boses ko. Kahit na gustuhin kong isigaw ang pangalan ni Adela ay hindi ko magawa. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata, and a man’s face flashed in my memories. Bago ko pa magawang maalala o mamukhaan ang lalaki na ipinakita ng aking isipan sa akin, dahan-dahan na akong nawawalan ng malay. Nang magkaroon ako ng malay, nakahiga na ako sa kama. Nakita ko ang pamilyar na kisame ng kuwarto ko. Nakatulala ako roon habang inaalala ang napaginipan ko. Kagaya noon, nanaginip na naman ako pero hindi ko maalala kung anong nangyari. Madalas iyong mangyari sa akin. Kapag may napapaginipan ako, lalo na kung konektado sa nakaraan ko, hindi ko iyon maaalala pagkagising ko. “She’s okay now. Upon examining her and the fact that she’s experiencing memory loss, I believe what happened was that her brain was attempting to access a memory from her past.” Natigilan ako sa pag-aalala ko ng mga bagay-bagay nang marinig ko ang boses ng hindi pamilyar na lalaki. Iginalaw ko ang aking ulo at tumingin ako sa may pinto. Bukas iyon at nakikita ko na may nag-uusap doon. Hindi ko man nakikita ng buo ang lalaki, alam ko na si Baste ang isa. “Can it cause her to faint, Doctor?” “Yes, it’s like a protective response, Esteban. The thing is, when you experience amnesia, the brain can be overwhelmed by the effort to retrieve old memories. In your wife’s case, she might remember something that triggered her, and her brain chose to shut down so she couldn’t remember it. Like the brain believed that it was safer for her not to remember a certain memory. It will block your access to those memories that can cause you to faint.” Tahimik akong nakikinig sa kanilang pag-uusap. Doktor ang kausap ni Baste, but why did he called him with another name? “I see.” “Bakit mo siya dinala rito? Mas ligtas siya kung nasa syudad at namo-monitor ng magagaling na doktor. Baka lalo lang siyang mapahamak.” Sandaling natigilan si Baste sa kanyang pagsasalita. “That’s why I’m paying you a lot of money—to help her and conduct her check-up here. I am not paying you to question me. She’ll be safer here.” Wala nang sinabi ang doktor at hindi ko na rin alam kung anong naging reaksyon niya sa sinabi ni Baste. Ipinikit ko ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay para pa rin ako lumulutang. Sumasakit pa rin ang ulo ko at nalulula pa rin ako. Nang muli akong magising dahil nakatulog na naman pala ako kanina, naabutan ko si Baste na nakaupo sa isang silya sa tabi ng kama. Hawak-hawak niya ang kamay ko at tila ba ayaw niya akong pakawalan. He’s holding my hand as if I’ll disappear the moment he lets me go. Hindi niya namalayan na gising na ako. Madilim na rin ang paligid kaya nakakasigurado akong gabi na. Ilang oras na pala akong walang malay. “Baste…” Agad siyang gumalaw nang tawagin ko siya at marinig niya ang boses ko. Nagtaas siya ng ulo at tumingin sa direksyon ko. His face mirrors the darkness of the room but brightens when he sees me. Napatayo si Baste at lumapit sa akin. Hawak niya pa rin ang aking kamay at hindi iyon pinapakawalan. “How are you feeling? Do you want me to call the doctor—” Umiling ako. Ngayon ko lang din narinig na akala mo ay natataranta siya. Sa loob ng isang linggo naming pagsasama, most of the time, wala namang emosyong ipinapakita si Baste. Ngayon na nakakakita ako ng kakaibang reaksyon mula sa kanya, nakakapanibago pero may kakaibang init sa loob ko. “I’m fine. What happened?” May naaalala naman ako, pero wala akong tiwala sa mga alaalang mayroon ako. “You passed out. Tinawagan ako ni Adela matapos mong mawalan ng malay. Agad akong umuwi.” Tinangka kong bumangon. Inalalayan ako ni Baste at isinandal ako sa headboard ng kama. “Umalis ka ng trabaho mo? Baka pagalitan ka ng boss mo.” Isa iyan sa napapansin ko. Kapag sinasabi ni Adela sa kanya na sumasakit ang ulo ko o hindi kaya ay mga bagay na maaaring magbigay ng isipin kay Baste tungkol sa akin, hindi siya nagdadalawang-isip na umuwi. “Ilang beses mo nang ginagawa ‘yan, Baste. Baka mapagalitan ka na.” O baka tanggalin na siya sa trabaho. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya napunta muli roon ang aking atensyon. May kung anong init sa aking kalooban akong naramdaman habang tinititigan ang magkahawak naming kamay. Hindi touchy si Baste, kaya wala akong nagiging problema sa kanya nitong nakaraan. Pero ngayon na hinahawakan niya ako at tila walang balak na bitawan ako, may hindi ako mintindihan sa nararamdaman ko. “Huwag mo nang isipin iyon. Ako na ang bahala,” sabi niya sa akin. “What happened back there, hmm?” “May naalala ako tapos…” Napahawak akong muli sa aking ulo dahil hindi ko na maalala iyon. “I can’t remember.” Bumigat ang aking nararamdaman dahil hindi ko na maalala kung ano iyong naalala ko kanina. I am so frustrated na kahit anong gawin ko, hindi ko magawang maalala ulit kung bakit ako nawalan ng malay. “It’s okay…” His soothing voice brought me comfort. “Everything will work out, Sianna. Trust me. I will help you.” I admit, I didn’t trust him before. When I woke up in the hospital, I thought he was just someone who wanted to take advantage of my condition. But after having him around for a while, I began to feel more at ease. Baste gave me a sense of calm, making it easier for me to function, even without my memories. He takes care of me and is genuinely concerned about my well-being. I don’t want to find comfort in him, but that’s exactly what I’m feeling right now. “Just take it slow, Sianna. Huwag mong pilitin ang sarili mo kung hindi mo pa kaya. Maghihintay ako at tutulungan kitang makaalala. You just need to put your trust on me.” Kinagat ko ang labi ko. “Do I trust you before?” Hindi ko alam kung bakit ko iyon itinanong sa kanya. Tinitigan ako ni Baste. Akala ko pa nga ay hindi niya ako sasagutin sa tanong ko. “Yes,” sagot niya. “We trust each other so much, with our life. So, do that again, and trust me.” I can’t give him my trust fully because I am still skeptical about him. Hindi ko pa rin siya kilala at hindi ko alam kung anong role niya sa buhay ko noon. Pero hindi naman siguro masama na ibigay ang kahit kakaunting tiwala sa kanya. “Okay,” sagot ko sa kanya. “Do you want to eat? Nagluto si Adela kanina.” Tumango ako dahil nakakaramdam na rin ng gutom. He’s so gentle with me. I can’t help to think that he’s really my lover. Iniisip ko pa lamang kung anong klaseng relasyon ang mayroon kami noon ay pinamumulahan ako ng mukha. “I will bring your food here.” Tumayo si Baste, and something pushed me to hold his hand so he wouldn’t leave me. Tumigil si Baste at tumingin sa akin, nagtataka sa pagpapatigil ko sa kanyang umalis. Maging ako man ay nagulat na hinawakan ko ang kamay niya. “Did you eat?” tanong ko. Umiling si Baste. “Not yet. Mamaya na lang siguro—” Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Tumayo ako. Nawalan ako ng balanse kaya agad niya akong hinawakan sa braso ko upang alalayan. “You don’t have to stand up, Sianna. Stay in bed.” “Sabay na tayong kumain,” sabi ko sa kanya. Tinitigan ako ni Baste. Alam ko na naninibago siya sa akin dahil wala naman akong ibang ginawa nitong nakaraan kung hindi ang iwasan siya hangga’t kaya ko at ang tanging interaksyon lang namin ay kapag kumakain. Minsan pa ay hindi na kami nakakapag-usap. Pero ngayon ko napagtanto, never akong pinabayaan ni Baste. Maybe I should give the chance, and tried to open to him. Dahil siya lang din ang may hawak sa mga sagot sa katanungan ko. Siya ang may alam ng mga nangyari sa nakaraan ko na hindi ko pa maalala. Hindi ko kailangang ibigay agad ang buong tiwala ko sa kanya, but I will give him a chance. Habang kumakain kami, naglakas loob ako na magtanong sa kanya. “Baste, can you tell me how we meet?” tanong ko. “Kung gusto mo na magtiwala ako sa ‘yo, sasabihin mo sa akin kung paano tayo nagkakilala.” Nagtaas ng tingin si Baste sa akin. Halata sa ekspresyon ng mukha niya na ayaw niyang pag-usapan ito. “Hindi ba—” “Hindi makakasama sa akin. Sasabihin mo lang naman. Hindi ko naman pipilitin ang isipan ko na alalahanin iyon.” Tiningnan niya pa ako na para bang hindi siya kumbinsido. Sa huli ay huminga siya nang malalim. “Fine, pero kapag sumakit ang ulo mo, let me know. Ayokong makasama sa ‘yo ang pagkukwento ko.” Natuwa ako sa sinabi niya. Tumango ako sa kanya bilang pagpayag sa kondisyon na ibinigay niya sa akin. Halatang hindi alam ni Baste kung paano sisimulan. Maaari ring pini-filter niya kung ano ang dapat sabihin sa akin. “We were lovers,” sabi niya sa akin. “We met because our family set us up in a marriage.” Tinitigan ko siya. So, that was it, huh? Arranged marriage ang nangyari. Nakaramdam ako ng kirot sa sinabi niya. Bakit disappointed ako na malamang arranged marriage ang kasal namin and it was never because we love each other? “Do you have proof that we’re married?” Naalala ko ‘yong wedding ring na ibinigay niya sa akin nang lumabas ako ng ospital pero hindi ko isinusuot. “I mean, bukod sa wedding ring.” Nagtaas siya ng tingin sa akin. Madilim muli ang kanyang ekspresyon pero hindi naman ako natakot. Iyon ang isa pang kakaibang nararamdaman ko para sa kanya. Kahit gaano tila nakakakilabot ang kanyang tingin sa akin, hindi ako nakakaramdam ng takot dahil alam ko na hindi niya ako sasaktan. “I can prepare the necessary documents that you want to see—” Umiling ako. “Hindi na kailangan.” Ang hassle lang. I mean, wala naman akong nakikitang kaba sa mukha niya o kahit anong indikasyon na nagsisinungaling siya. Isa pa, babalik din ang alaala ko at malalaman ko lahat kung nagsasabi siya ng totoo. “Basta at huwag mo na lang sabihin sa iba na asawa mo ako. Okay nang si Adela na lamang at ilang piling tao.” Ikiniling niya ang ulo niya sa akin. Kapag binabanggit ko ito sa kanya, para bang nagagalit siya pero may kakaiba ring emosyon na nakapaloob sa mga mata niyang ayoko na lang bigyang kahulugan. Napalagok ako. “You want me to keep you a secret?” “Ayoko lang na…” Nangapa ako ng salita kung paano ko ba ito ipapaliwanag sa kanya. “Ayoko lang na malaman ng iba na kasal tayo o asawa mo ako ganoong wala akong maalala. We should keep it a secret while I still don’t have my memories. Masyadong maraming tanong kapag nagkataon at ayoko namang ipagkalat din na may amnesia ako.” May dumaan na kung anong emosyon sa kanyang mga mata na nagpataas ng balahibo ko. Okay, binabawi ko na iyong sinabi ko na hindi ako natatakot sa kanya. Baste can be gentle, but I just know that deep under his skin, there’s something dangerous that’s lurking and hiding. “If that’s what you want. Paano kita ipapakilala sa ibang tao, kung ganoon?” “Pinsan?” Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi ko. Halatang hindi niya gusto iyon. “Kamag-anak? Fine. What if kapatid mo na lang?” May isang maliit na ngisi ang pumorma sa kanyang labi. “We don’t look alike.” “Hindi naman ata lahat ng magkapatid ay magkamukha.” Tinitigan ako nang matagal ni Baste. Napalagok ako sa pamamaraan ng pagtitig niya. “Whatever you want, wife.” Napakagat ako sa itinawag niya sa akin. Bakit tila bumaliktad ang sikmura ko sa itinawag niya sa akin? Hinding-hindi ata ako masasanay sa pagtawag niya sa akin ng ganito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD