Lusianna
NAKATITIG ako ngayon kay Baste. May kinakausap siya sa hindi kalayuan na sa tingin ko ay katrabaho niya. Akala mo ay nakikinig ako sa kanilang pinag-uusapan kahit na malayo sila at hindi ko kayang marinig ang kung ano mang pinag-uusapan nilang dalawa.
Humampas ang malakas na hangin. Sumabog ang buhok ko sa aking mukha. Agad ko iyong inayos at hinawakan ng aking kamay. Ibinalik ko ang tingin kay Baste pero agad akong nagsisi.
Nakasuot lang siya ng isang simpleng polo at nakabukas ang tatlong butones nito. Nang humangin ay na-expose ang kanyang dibdib at hindi ko mapigilang mapatitig dito.
Baste’s tan skin was deep and even, giving his skin the appearance of being gently kissed by the sun. His proportions are perfect, too. He has a lean and muscular body like he spent his free time in the gym. His hair is tousled, and his lips are not too thin but not overly plump, just perfect. His eyes had a quiet intensity, dark and smoldering, but lack of emotions.
Naramdaman siguro niya na may nakatingin sa kanya kaya’t lumingon ito sa direksyon ko. I flinched and immediately looked away.
Nang sumilip ulit ako sa kanya, tinatapik niya na ang balikat ng kausap niya. Tumango iyon at nagpaalam na bago umalis.
Naglakad na rin si Baste papalapit sa akin. Nag-iwas muli ako ng tingin. Ayoko namang isipin niya na tinititigan ko siya.
“Sino iyon?” I acted naturally, na akala mo ay hindi ko pinag-aaralan ang features niya kanina.
“Katrabaho ko.”
Tumayo siya sa harapan ko, towering me.
“Hindi ka ba papasok ngayon? I told you, I’m fine. Hindi mo kailangan na um-absent ulit sa trabaho nang dahil lang sa akin. Baka pagalitan ka na ng boss mo.”
“Lang?” Sa lahat ng sinabi ko, mukhang iyon lang ang binigyan niya ng atensyon. “You’re my wife. Hindi ka basta lang, Sianna.”
Ngumuso ako. Siya lang din naman ang iniisip ko. Paano kung dahil sa akin ay masibak siya sa trabaho?
“Sinabi ko na rin naman sa ‘yo, ako na ang bahala sa trabaho ko. Hindi ako matatanggal dahil lang nawala ako ng ilang araw.”
Tiningnan ko si Baste. Umaasa ako na baka makikita ko ang kayabangan sa mukha niya pero hindi ganoon ang nangyari. Seryoso lang talaga siya.
“Nagpaalam na rin naman ako.”
“Anong paalam mo?” Hindi ko mapigilang magtanong.
Ikiniling niya ang ulo niya, and I saw an expression of mischief on his face.
“May sakit ang kapatid ko, at kailangan kong alagaan.”
May kakaibang timbre sa boses niya nang sabihin niya ang salitang kapatid. May kung ano ring yumukos sa puso ko nang marinig ang salitang iyon.
Damn it! Ako ang nag-suggest no’n pero parang hindi ko gusto na marinig iyon mula sa kanya.
Umawang ang labi ko. May sasabihin dapat ako pero nawala sa isipan ko dahil na-distract ako nang sinabi niya kaya itinikom ko na lang ulit.
“Adela won’t come here today,” sabi niya sa akin.
Kumunot ang noo ko. Akala ko pa naman kahit papaano ay may makakapag-distract sa akin kung darating si Adela.
“Bakit?”
He crouched down. Napalagok ako sa biglaang ginawa niya. Nang maamoy ko ang bango niya, para akong sasabog.
Ang bango-bango ni Baste. Iniisip ko kung anong pabango at body care ang mayroon siya dahil ang bango niya talaga. Nakakaya ba ng sweldo niya ang lahat ng iyon?
Kahit nga pagpawisan siya, para bang maging ang pawis nito ay mabango.
“Because you’re not going to need her. Naandito naman ako. Ako na ang mag-aalaga sa ‘yo. You don’t need anyone when I’m here.”
Bakit parang may ibang ibig sabihin ang mga sinabi niya? Hindi ko nagugustuhan kung paano mag-react ang kalooban ko sa kanya. Hindi rin nakakatulong na napatitig ako sa dibdib niya dahil exposed iyon.
Unintentionally, I gulped while staring at his chest.
“Do you want to touch it?”
Natauhan ako nang marinig ko ang boses ni Baste. Nang tumingin ako sa kanya ay may kakaibang ngisi sa kanyang labi.
“I remember you like touching it before.”
“Anong sinasabi mo?” Nagpanggap ako na hindi ko siya naiintindihan at kahit may ideya na ako sa tinutukoy niya, gusto kong isiping mali ako.
“You kept staring at my chest. I know it’s hard, Sianna. You can touch it if you want.”
Mabilis na kumalat ang pamumula ng mukha ko sa katawan ko. Nag-iinit din ang pisngi ko dahil sa magkahalong kahihiyan at imaheng ipininta niya sa isipan ko.
“Bakit ko naman hahawakan?!” Nag-iwas ako ng tingin. “Hindi ko rin naman tinitingnan.”
A low chuckle rumbled in his chest, it was dark with an edge that sent shivers down my spine.
“You don’t have to deny it. You can touch me all you want…” Hinawakan ni Baste ang baba ko at dahan-dahan na iniharap ang mukha ko sa kanya. “Every part of me is yours.”
His eyes held me captive. Kahit na gusto kong mag-iwas ay hindi ko magawa.
Marahan ko siyang itinulak. Nang maramdaman ko ang matigas niyang dibdib, nagtaasan muli ang balahibo ko.
It’s really hard, full of muscles.
“You don’t tell that to your sister,” sabi ko sa kanya at nag-iwas.
Muli siyang malalim na humalakhak. “You’re not my sister, Sianna. You are my wife.”
Natulala ako matapos iyon. Sa tuwing sinasabi o naririnig ko mula kay Baste ang mga salitang iyon, bumabaliktad ang sikmura ko at naghaharumentado ang kalooban ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko. I shouldn’t feel this toward a stranger.
“Hindi ako makapaniwala na sinabi mo talaga kay Baste na dapat ang pagpapakilala niya sa ‘yo ay magkapatid kayo.”
Naikwento ko kay Adela iyon nang bumalik siya sa bahay dahil ganoon din ang sasabihin niya sa ibang tao.
Nakakunot ang noo ko. Hindi ko gusto na pinagtatawanan iyon.
“That’s the more reasonable one. Hindi niya ako pwedeng ipakilala na asawa niya ako.”
“Bakit naman?”
Tiningnan ko si Adela, medyo iritado na sa paulit-ulit na pagsasabi ng dahilan.
“Because I don’t technically know him. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya o kung hindi. Isa pa, komplikado dahil may amnesia ako. Ayokong ipagsabi pa ‘yon sa iba,” sagot ko sa kanya.
“Pero hindi ba nabanggit mo na bibigyan ka naman ng dokumentong magpapatunay na kasal kayo. Tsaka iyong wedding ring na hindi mo sinusuot, hindi pa ba ‘yon sapat na pruweba?”
Napalagok ako. Hindi ko ba alam kung bakit ayokong ipakilala ako ni Baste na asawa niya. May kung anong bumabaliktad sa sikmura ko na gusto ko na lang itago ang tungkol doon. Kung hindi lang alam ni Adela, itinago ko na rin sa kanya.
“Basta,” sabi ko. “Isa pa, documents can be forged.”
Hindi ko alam kung paano ko iyon nalaman. Basta alam ko na hindi rin dapat ako dapat magtiwala sa mga dokumento.
“Ang pagkakatiwalaan ko lang ay ang alaala ko kapag bumalik na.”
Nagkibit-balikat si Adela. “Siguro noong hindi ka pa nagkaka-amnesia, hirap ka rin talagang magtiwala. Kaya nadadala mo siya ngayon na kahit si Baste na siyang nakakakilala sa ‘yo nang lubos, ayaw mong magtiwala.”
Maybe that’s correct. Kahit na sinabi ko kay Baste na pagkakatiwalaan ko siya, may parte sa akin na nagsasabing isa siyang panganib sa buhay ko. He’s also mysterious na hindi ako mapalagay sa kanya at hindi ko magawang ibigay na lang ang tiwala sa kanya.
Unlike kay Adela na akala mo ay matagal na kaming magkakilala at magaan ang nararamdaman ko sa kanya.
“Sige, kung ganyan ang napag-usapan ninyo ay susunod na lang din ako.”
Tumayo si Adela sa pagkakaupo niya. Sinundan ko lang siya ng tingin. Si Baste ay pumasok na naman sa kanyang trabaho. Dapat lang dahil ayoko nang makonsensya na baka ako pa ang maging dahilan ng pagkakatanggal niya sa trabaho kapag nagkataon.
“By the way, kaarawan ni Mang Terio. May maliit daw na salu-salo sa bahay nila. Nasabihan ka na ba ng asawa mo?”
Mataman kong tiningnan si Adela dahil sa sinabi niya. Kakasabi ko lamang na hindi niya na kami muna dapat itrato na mag-asawa pero para bang nananadiya siya.
Kung noong una ay akala mo, nangangapa si Adela sa akin kung paano ako pakikitunguhan, ngayon ay sobrang komportable na niya sa akin. Ganoon din naman ako sa kanya.
“Hindi.” Wala naman nababanggit si Baste sa akin.
“Baka hindi pupunta kaya hindi sinabi sa ‘yo. Dapat ay pumunta kayo. Para na rin makilala mo ang ibang taga-barangay. Lagi ka lang nasa bahay.”
“Sino ba si Mang Terio? Hindi ko nga siya kilala.”
“Ah, si Mang Terio? Isa siya sa tumulong kay Baste nang bagong salta rito. Kaya dapat naandoon kayo sa kaarawan niya.”
Kaya nang umuwi si Baste, nabanggit ko iyon sa kanya.
“Hindi ka ba pupunta sa birthday ni Mang Terio?”
Napatigil siya sa paglalakad. Kakalabas niya lamang ng kuwarto at nagbihis. Tiningnan niya ako na may pagtataka.
“Paano mo nakilala si Mang Terio?”
Nagkibit-balikat ako. “Nabanggit lang ni Adela.”
“Hindi ko na sinabi sa ‘yo dahil baka hindi rin naman ako pumunta.”
Kumuha siya ng isang basong tubig at pinanood ko siyang uminom doon. Bakit ganoon? Kahit pag-inom niya ng tubig ay nakakamangha?
“Bakit hindi ka pupunta?” Wala sa sarili kong tanong sa kanya.
Tiningnan niya ako ng diretso. “Dahil iniisip ko na baka ayaw mong umalis, and I don’t want to leave you here alone, especially at night. Wala na nga ako sa umaga, mawawala pa ba ako sa gabi.”
Kahit anong pigil ko, kinagat ko ang ibabang labi ko. Why does his words make my stomach flipped and in a good…way?
“Okay lang naman. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa akin kung mag-isa ako.”
Dumilim ang paningin ni Baste sa akin. “No.”
Huminga ako nang malalim. Naisip ko rin ang sinabi ni Adela sa akin. Gusto kong makisalamuha sa iba para hindi lang limitado sa iilang tao ang kilala ko. Para rin hindi ako ma-bored na parati lang nasa bahay.
“Bakit hindi na lang tayong dalawa ang pumunta?”
Nanatili siyang nakatingin sa akin. Akala mo ay hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
“You want to go?”
He crossed his long legs together. Napatingin ako roon. Sa shorts niya ay nakikita ko ang hulma ng muscles sa calves at quads niya. Inisip ko na mas magandang umiwas ng tingin doon.
“Yeah, sure. Para makakilala rin ako ng ibang tao.”
Hindi kaagad nagsalita si Baste. Tinitigan niya pa rin ako na akala mo ay hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.
“Okay, let me just change my clothes.”
Nagbihis din naman ako bago kami magdesisyon na umalis ni Baste ng bahay.
Naglakad lang kami. Mali pala ang naisuot kong sleeveless dahil malamig ang simoy ng hangin.
Tinanggal ni Baste ang suot niyang jacket at ipinatong iyon sa balikat ko. Tumingin ako sa kanya pero bago pa ako makapagpasalamat ay may tumawag na sa kanya.
“Baste!”
Nang makita si Baste ay agad siyang binati. Hindi ako kumilos sa tabi nito.
“Akala ko ay hindi ka na makakapunta,” sabi ng isang matandang lalaki.
Sa likod ay nakita ko iyong mga babaeng nakikita ko sa palengke na nakatingin kay Baste at tila gustong-gustong magpapansin dito. Hindi ko namalayan na masama na ang tingin ko sa kanila habang nakakunot ang noo.
“Maligayang kaarawan po, Mang Terio.”
Ngumiti ang matandang lalaki. Ibig sabihin ay siya pala si Mang Terio.
Napansin ako nito at agad akong binigyan ng atensyon.
“At sino naman ang magandang babae na kasama mo, Baste?”
Nilingon ako ni Baste. Nagtitigan kaming dalawa. Kinabahan pa ako kung anong isasagot niya.
“Si Lusianna nga po pala,” sabi ni Baste. Kumabog nang mabilis ang aking dibdib dahil kinakabahan ako sa kung anong susunod niyang sasabihin sa pangalan ko. “Kapatid ko.”
Nakahinga ako nang maluwag nang sinabi niya iyon.
“Oh! Hindi ko alam na may kapatid ka pala. Kay gandang bata. Halika na kayo at kumain.”
Sa hindi kalayuan nakita ko si Adela na kausap ang isa pang matandang lalaki. Namukhaan ko ang matanda at alam ko ay si Mang Manuel iyon, ama ni Adela.
“Sianna!”
Nilapitan ako ni Adela nang makita ako. May malaking ngiti sa kanyang labi.
“Ganap na ganap naman ang pagpapanggap mong kapatid ka ni Baste. Kakalat sa buong barangay natin ‘yan, sige ka. Magdiriwang ang mga kababaihan na hindi ka asawa ni Baste kagaya ng iniisip nila.”
Binigyan ako ng plato. Nagpasalamat ako at tumingin sa mga pagkain na naririto.
“Anong ibig mong sabihin?”
Umirap si Adela sa hangin. “Iyang sina Lourdes. Akala nila ay kasintahan ka ni Baste nang una ka nilang makita dahil nga may nakakita raw sa ‘yo sa bahay ni Baste. Ngayong pinakilala kang kapatid, magdiriwang ang mga iyan at iisipin na single si Baste. Magbubulag-bulagan sila sa singsing na suot ni Baste hangga’t walang pinapakilalang asawa.”
Naglakad na ako sa isang bakanteng mesa at naupo sa silya. Hindi ako sumama kung nasaan si Baste. Nakita ko siya na kumunot ang noo nang makita na hindi ako sumunod kung nasaan siya. Nilapitan siya ng mga babae. May hindi na naman ako magandang naramdama kaya’t nag-iwas ako ng tingin.
Hinila ni Adela ang silya sa tabi ko at naupo roon.
“Ayan! Kagaya na lang niyan. Pinagkakaguluhan at nilalandi na nila si Baste. Hindi ka ba nakakaramdam man lang ng galit?”
Tiningnan ko si Adela. “Bakit ako magagalit? Wala akong nararamdaman para sa kanya. Bahala sila sa buhay nila.”
“Pero asawa ka ni Baste. Hindi ka nagseselos na may ibang lumalapit sa kanya?”
Binitawan ko ang kutsara at tinidor na hawak ko at humarap kay Adela.
“Hindi,” saad ko kahit na pakiramdam ko ay nagsisinungaling ako maging sa sarili ko. “Wala akong nararamdaman para kay Baste. Wala akong alaala at pati pagmamahal ko sa kanya noon, kung mayroon man, nakalimutan ko rin.”
Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Adela. Hindi niya naman kailangang malungkot. Isa pa…
Nilingon ko si Baste. Mukha namang walang kaso kay Baste kung may naaalala ba ako o wala.
“Baste~!”
Nakita ko iyong Lourdes na naupo sa tabi ni Baste. Wala pa ring ekspresyon si Baste pero hinayaan niya lang si Lourdes.
“Tikman mo ito, oh! Luto ko iyan. Bigay ko kay Mang Terio. Masarap!”
Kinuha niya ang tinidor at tinangkang subuan si Baste. May kakaibang inis akong naramdaman.
Ikinuyom ko ang aking kamay habang nakatitig sa kanila.
Inaasar sila ng mga lalaki sa table kung nasaan si Baste. Hindi ba nila alam na may asawa—oo nga pala, ang alam nila ay kapatid ako. Hindi ko rin sigurado kung may pinagsabihang iba si Baste na may asawa siya.
“Nako, Lourdes! Wala kang pag-asa kay Baste. Kung mayroon mang may pag-asa riyan, iyong anak ni Mayor pa!”
Nagtawanan sila habang inaasar si Lourdes. May kakaiba na namang kumalat na inis sa akin nang maalala kong nabanggit ni Adela sa akin na maging ang anak ng mayor ay may gusto kay Baste.
“Ano naman? Naandito ba siya? Ako ang naandito.” Tiningnan ni Lourdes si Baste at ngumiti. “Kaya kitang pagsilbihan, mapabahay man o kama, Baste.”
Bumigat ang aking paghinga and somehow I want to pull Lourdes’ hair so she can f*****g shut up!
Napatayo ako sa kinauupuan ko. Nawalan na rin naman ako ng gana. Nakuha ko ang atensyon ng lahat dahil sa naging pagtayo ko. Ang mga mata ni Baste ay agad na napunta sa akin.
“Sumasakit ang ulo ko,” sabi ko in no particular person pero nakatingin ako kay Baste.
Agad siyang tumayo sa kinauupuan niya. Muntikan pang mahulog si Lourdes dahil sa pagtayo ni Baste.
“Hala, Baste! Mahuhulog naman ako!”
Hindi siya pinansin ni Baste at agad na lumapit ito sa akin.
“Are you alright?” tanong nito sa akin at inalalayan ako.
Tumingin si Lourdes sa direksyon namin at nakanguso. Gusto kong ngumisi sa kanya dahil sa nangyari.
See that, b***h? Isang tawag ko lang, lalapit kaagad si Baste sa akin.
Natigilan ako sa inisip. Did I just say those awful things in my head?
“Sumasakit ang ulo ko,” pag-uulit ko kay Baste. “Gusto ko nang umuwi.”
Tumango siya sa akin. “Yes, uuwi na tayo.”
Narinig ko ang marahang pagtawa ni Adela. “Wala palang nararamdaman, ah?”
Inirapan ko siya at hinayaan si Baste na alalayan ako.
“Mang Terio, uuwi na po kami. Sumasakit ang ulo ni Sianna,” pagpapaalam ni Baste.
“Ganoon ba? Oh, siya. Padadalhan ko na lang kayo ng pagkain sa bahay ninyo. Hayaan mo nang magpahinga ang kapatid mo.”
Kinagat ko ang labi ko, hindi nagustuhan ang narinig.
Nagpaalam na kami sa lahat. Narinig ko pa ang katiyawan nila kay Lourdes.
“Nako! Bago pala mapaibig si Baste, dapat ay makuha muna ang loob ng kapatid!”
Hindi ko na sila pinansin. Umalis na kami roon habang hawak-hawak pa rin ako ni Baste.
Kanina pa ako nagpipigil, pero nang makalayo kami ay hindi ko na napigilan ang pagngiti ko.
“Can you walk? Do you want me to carry you?”
Bumagsak ang aking ekspresyon dahil sa sinabi niya.
“Bakit hindi na lang si Lourdes ang buhatin mo o hindi kaya iyong anak ng mayor?” Alam kong dapat ay hindi ko na iyon sinabi sa kanya pero hindi ko lang din napigilan ang sarili.
Hindi kaagad nagsalita si Baste. Napairap ako sa hangin.
“Are you jealous?”
Naramdaman kong bumaba ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Napatigil kaming dalawa sa paglalakad. Hinarap ko siya na medyo kunot ang aking noo.
“No, I’m not.”
“You sounded jealous.” May ngiti sa labi niya na hindi ko alam kug bakit tumatalon ang puso ko nang makita ko.
“I told you, I’m not!”
“Well, you shouldn’t because I don’t care about any of them.”
Inirapan ko siya at naglakad nang muli. Hinabol ako kaagad ni Baste.
“Damn! I miss the way you act when you’re jealous. I almost forgot how possessive you were of me.”
Kinagat ko ulit ang aking labi. Paano ba ako magselos noon pagdating sa kanya? Pumapatay ba ako? Hindi naman siguro.