Dahil na rin sa siya ang pinaka paborito ni Thomas sa team nila, kaya hindi na siya nagulat pa nang siya ang isama nito sa opisina ng may ari ng hotel si Vince Dela Vega. Nais man niyang tumanggi hindi naman niya nagawa. Naroon kasing nagdadalawang isip siya. Kung tatanggi kasi siya sa pagharap kay Vince, ibig sabihin lang non eh umiiwas siya sa binata. Wala namang dahilan para umiwas pa siya. Limang taon na ang nakalipas, naka move on na siya, tapos na ang lahat sa kanila ni Vince. Saradong pahina na ang masalimuot na kwento nila ni Vince. Kaya na niya itong harapin ngayon. Isa pa magkakaharap at magkakaharap pa rin naman sila ni Vince, dahil kapwa sila nasa bayan ng San Nicholas, hindi naman ganoon kalaki ang bayan nila para hindi mag krus ang kanilang landas. Isama pang magkakatrabaho sila nito, kaya magkikita at magkikita sila nito. Ang kailangan lang niyang gawin eh ihanda ang kanyang sarili sa muli nilang paghaharap ng lalaking unang nagpatibok ng kanyang puso. Ang lalaking dumurog din sa kanyang puso.
"This way Sir, Ma'am," saad sa kanila ng babaing sumalubong sa kanila na marahil ay secretary ni Vince.
Habang patungo sila sa opisina ni Vince, una niyang napuna na maganda at malaki ang lobby ng hotel. Mas gaganda pa ito pag nasimulan na nila ang pag de-design. Hindi naman na nakakapagtaka kung magkaroon ang pamilya Dela Vega ng ganito kalaking hotel. Mayaman naman kasi talaga ang mga ito. Maraming pera. Nagagawa nga ng pamilya Dela Vega ang lahat dahil sa dami ng kanilang pera.
Sumunod sila ni Thomas sa babae patungo sa isang silid. Habang naglalakad nararamdaman niya ang kabog sa kanyang dibdib. Ang mabilis na t***k ng kanyang puso. Alam niyang normal lang na ganito ang kanyang maramdaman ngayon, dahil nga ito ang unang pagkikita nila ni Vince matapos ang limang taon. Normal na magkaramdam siya ng kaba o ano pa man. Walang ibang ibig sabihin ang kanyang nararamdaman ngayon.
"Mr. Dela Vega, narito na po sila," sabi ng babae na naghatid sa kanila.
"Papasukin mo na sila," narinig niya ang tinig na kailaman ay hindi niya malilimutan. Iyon ang baritonong tinig ni Vince.
Agad na rin silang pumasok ni Thomas sa loob at lumabas na ang babae.
"Mr. Dela Vega, hi,' bati ni Thomas.
"Hi, Mr. Jones," bati ni Vince at nakipagkamay pa ito kay Thomas habang siya naman ay nakatayo sa tabi ni Thomas.
Habang nakikipagkamay si Vince kay Thomas at hindi pa siya nito nasusulyapan. Nagkaroon siya ng pagkakataon para masulyapan si Vince. Napalunok siya at naramdaman na lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Walang pinagbago ang gwapong mukha ni Vince. Limang taon man ang dumagdag sa edad nito eh nakatulong pa ang pagdagdag ng edad nito dahil lalo itong naging gwapo at lalaking-lalaki na ang dating. Makisig ito, maganda ang pangangatawan. Malakas pa rin ang s*x appeal nito, o mas tamang sabihin na sa paglipas ng limang taon mas lalong lumakas ang s*x appeal nito. Bumagay rin kay Vince ang tamang balbas nito sa gilid nf mukha, lakas makalalake ng dating.
"I would like you to meet our best interior designer, Mr. Dela Vega," sabi ni Thomas sabay pang napalingon sa kanya ang dalawang lalake.
Nakita niya sa mga mata ni Vince ang pagkagulat ng makita siya. Para itong nakakita ng multo. Marahil hindi nito inasahan na makikita siya nito. Confident naman niyang tinignan sa mga mata si Vince. Kailangan niyang maging professional, trabaho ang dahilan ng pagbabalik niya ng San Nicholas at walang kinalaman si Vince.
"She is Anisha Ocampo, out best designer in our company," pakilala sa kanya ni Thomas.
"Hi, Mr. Dela Vega. Nice to meet you,' she said with a smile at siya pa mismo ang nag abot ng kanyang kamay para makipagkamay kay Vince na mukhang natulala sa pagkikita nila. Hindi pa kasi nito inaalis ang mga mata nito sa kanya.
"Hi, Ms. Anisha Ocampo," bati sa kanya ni Vince nang makabawi na sa pagkabigla. Nalipat pa ang mga mata nito sa kamay niya na naghihintay na kamayan nito.
Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtaas ng dibdib ni Vince bago nito tinanggap ang pakikipagkamay sa kanya. Ngumiti naman siya para hindi nito mahalata ang kakaibang nangyayari sa kanya sa muling pagdidikit ng mga kamay nila. Aaminin niyang may naramdaman siya nang hawakan ni Vince ang kamay niya.
Matapos ang pakikipagkamay niya kay Vince si Thomas na ang nagsalita at panay build up pa nito sa kanya kay Vince. Nanatili naman siyang tahimik at nakangiti, para kahit papano hindi mahalata ni Vince ang kaba niya.
Nagulat pa siya nang ilagay ni Thomas ang kamay nito sa bewang niya. Hindi na lang siya nagpahalata pa. Ganoon naman kasi lagi ang gesture ng amo sa tuwing lalaking kliyente ang kaharap nila. Marahil kasi napapansin ni Thomas na hindi naka focus si Vince sa mga sinasabi nito at sa kanya ito nakatingin. Walang pinagkaiba sa iba nilang naging kliyente na na attract sa kanyang ganda. Pero alam niyang iba ang kay Vince, hindi ito na attract sa kanyang ganda. Labis naman kasing mas maganda ang fiancee nito kesa sa kanya. Marahil nagulat lang ito at hindi makapaniwala na after five years eh maghaharap silang muli nito. Siya rin naman hindi na niya inasahan na maghaharap pa silang muli ni Vince. Wala naman na kasi siyang balak pang bumalik ng San Nicholas. Masaya naman na kasi siya sa Australia.
Napansin niya ang masamang tingin ni Vince sa kamay ni Thomas na nasa bewang niya. Mukhang hindi nito nagugustuhan ang pagkakalapit nila ni Thomas. Ano ito nagseselos? Imposible.
Habang nag-uusap sina Vince at Thomas may tumawag naman bigla sa cellphone ni Thomas, kaya agad itong mag excuse sa kanila ni Vince at lumayo pa ito sa kanila, kaya naman naiwan sila ni Vince.
Ngumiti siya kay Vince nang mahuli siya nitong nakatingin sa kanya. Wala naman itong ekspresyon sa mukha, pero ramdam niyang galit ito. Sino ba sa kanila ni Vince ang dapat magalit sa nangyari sa kanila noon? Ito ba o siya?
Agad rin namang bumalik si Thomas matapos nitong makipag usap sa tumawag rito.
"I'm sorry Mr. Dela Vega, emergency we need to go," paalam ni Thomas kay Vince.
"But, we scheduled this day for this meeting," Vince said. Mukhang hindi nagustuhan ni Vince na hindi matutuloy ang meeting nila today.
Nagpaliwanag naman si Thomas kay Vince, pero disappointed si Vince at sinabing wala na raw ibang araw para ma set ulit ang meeting nila. Kaya naman sinabi ni Vince kay Thomas na maiwan muna siya at sila daw muna ang mag meeting, tutal siya naman daw ang mag de-design sa hotel.
Nagulat pa nga siya sa sinabi ni Vince. Hindi naman siya papayag na maiwan siya ni Thomas at silang dalawa lang ni Vince ang naroon. Tiyak na hindi meeting ang mangyayari.
Wala naman siyang nagawa nang pumayag si Thomas na maiwan siya at siya muna ang makipag meeting kay Vince at aalis ito para ayusin ang sinasabi nitong emergency. Nais niyang tumanggi kaya lang boss niya si Thomas. Isama pang ayaw niyang makahalata si Vince na umiiwas siyang magkaharap silang dalawa. Ganoon pa man wala siyang choice.
Nagpaalam na rin sa kanya si Thomas at nagsabi pang susunduin siya nito. Tumanggi naman na siya magta-taxi na lang siya pauwi para hindi na maistorbo pa ang amo.
"So, you are back!" Sabi ni Vince sa kanya paglabas na paglabas ni Thomas at maiwan silang dalawa ni Vince sa loob ng opisina nito.
"Let's start this meeting Mr. Dela Vega," professional niyang sabi rito. Iba kasi ang tono nito. Mukhang iba ang nais nitong pag meetingan nila.
"Bakit ka bumalik Anisha?" Tanong sa kanya ni Vince ng deretso.
Tinignan niya sa mga mata ni Vince. Nakipagsukatan naman ito ng tingin sa kanya. Naiinis siya sa kagwapuhang nakikita niya kay Vince. Huwag na lang sana nitong marinig ang malakas na kabog ng kanyang dibdib.
"Mr. Dela Vega, ikaw ang kumontak sa company namin, ikaw ang nag request na pumunta kami rito para ayusin ang hotel mo," litanya niya rito.
"I didn't know na ikaw ang designer," saad nito. Nagtaas lang siya ng balikat at hindi kumibo.
"Iyung Thomas na iyon siya na ba ang bago mong ginagatasan at pineperahan mo para ibuhay mo sa pamilya mo!" Matalim na sabi nito sa kanya. Nagulat siya sa sinabi nito at nanlalaki ang mga mata niyang tinignan ito. Anong karapatan nitong sabihan siya ng mga ganoong salita. Anong alam nito ibinubuhay niya sa pamilya niya.
"Ano, Anisha bakit hindi ka makapagsalita?" Tanong pa nito sa kanya at humakbang palapit sa kanya. Hindi naman siya umatras o umiwas pa sinalubong niya ito lalo na ang galit sa mga mata nito.
Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang galit nito sa kanya, gayong ito naman at ang pamilya nito ang nanakit sa kanya noon.
"Ang lalaking iyon ba ang bago mong pinagkukuhanan para ibuhay sa pamilya mo?' Tanong nito sabay saklit sa braso niya. Napatili siya, hindi niya inaasahan ang ginawa nito sa kanya. Sa lakas pa ng pagkakahila nito sa braso niya bumangga siya sa matigas nitong dibdib. Napangiwi siya sa sakit.
"Ano ba! Bitiwan mo ko!" She said at sinubukang bawiin ang braso niyang hawak nito. Mahigpit ang pagkakahawak ni Vince roon kaya kahit anong piglas niya, hindi pa rin niya mabawi ang braso mula rito.
"Ganyan na lang ang magiging gawain mo ah Anisha? Ang maghanap ng lalaking may matabang wallet para may maitulong ka sa pamilya mong wala ng ginawa kundi umasa sa iyo!" Mariing sabi nito sa kanya.
"Ano bang pinagsasabi mo! Bitiwan mo ko!" Piglas niya. Sa bawat pagpipiglas niya lalo naman siyang hinihila palapit ni Vince sa katawan nito. Hindi niya gusto ang ganitong pagkakalapit niya sa binata. Hindi siya kumportable. May kakaiba siyang nararamdaman.
"Alam ko kung anong klase kang babae Anisha! Lahat handa mong gawin sa ngalan ng pera! Hindi na ko magtataka pa kung hindi lang ang katawan mo ang binebenta mo, kundi pati ang kaluluwa mo ibebenta mo sa ngalan ng pera!" Litanya nito sa kanya.
"Walanghiya ka!" Galit niyang sabi. Wala itong karapatan na husgaan siya. Umigkas ang isa niyang kamay para sampalin ito at ng matauhan sa mga masasamang salitang sinasabi nito sa kanya.
"How dare you!" Galit na sabi niya. Nahuli naman ni Vince ang kamay niya bago pa iyon dumapo pa sa pisngi ni Vince.
"Let me go!" Tili niya habang halos hindi na makakilos sa mahigpit na hawak sa kanya ni Vince. Masyado na ring dikit ang kanilang katawan at lalong lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib.
"Wala kang karapatang sampalin ako Anisha. Wala kang ka rin karapatang mainsulto sa mga sinabi ko sa iyo, dahil sinasabi ko lang kung ano ang totoo!" Tagis bagang na sabi nito. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang galit na pinakikita nitong galit sa kanya. Siya dapat ang magalit rito at manumbat hindi ba?
"Tumigil ka na! Bitiwan mo ko!" Asik niya. Nais na niyang makawala at makaalis sa harapan ni Vince. Masyado na itong galit sa kanya at baka kung ano pa ang magawa nito sa kanya. Hindi ito ang dating Vince na nakakaharap niya. Napakalayo ng pag-uugali nito ngayon sa dati nitong pakikitungo sa kanya. Puno rin ng galit at poot ang mga mata nito habang nakatingin sa mga mata niya.
"Pang ilan na ba ang puting iyon sa mga lalaking pinerahan mo ah Anisha. Ilang lalake pa ba ang pagbebentahan mo ng katawan at kaluluwa mo para lang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya mo?!" Galit pang sabi nito.
"Wala kang pakialam!" Inis na sabi niya.
Lalo namang dumilim ang mga mata ni Vince at nagulat na lang siya nang hilahin siya nito sa batok at halikan sa labi. Nanlaki ang mga mata niya sa magaspang na halik na ginagawad sa kanya ni Vince.
Ang tagal niyang nangulila sa halik nito noon, pero hindi sa ganitong paraan halos madurog na ang kanyang labi sa uri ng paghalik nito. Nasasaktan siya, dahil ramdam niya sa halik ni Vince na wala na siyang halaga pa para rito.