Nagpumiglas siya pilit kumakawala sa nagpaparusang halik ni Vince sa kanya. Napakalayo ng dati nitong halik sa halik nito sa kanya ngayon. Hinahalikan siya nito ng walang ingat, na tila ba isa siyang bayarang babae. Kung sa bagay bayarang babae naman ang tingin sa kanya ni Vince ngayon. Kung anu-anong akusa nga ang sinabi nito sa kanya ngayon lang. Wala siyang idea kung saan nito nakuha ang ganoong idea. Pero hindi siya katulad ng iniisip nito. Hindi siya masamang babae. Hindi siya namemera lang. Wala siyang pineperahan.
Kapwa sila hinihingal ni Vince nang pakawalan nito ang namamantal niyang labi. Masamang tingin ang pinupukol nito sa kanya habang hawak nito ang labi nitong magaspang na humalik sa labi niya. Taas, baba din ang matipuno nitong dibdib, kasabay sa kanyang dibdib. Galit niyang tinignan si Vince at nanginginig pang humakbang palapit rito.
"How dare you!" Galit na sabi niya at umigkas ang kanyang kamay para sampalin ng malakas si Vince. This time hindi nakaiwas si Vince, hindi rin nito nahuli ang kanyang kamay para pigilan sa pagsampal nito. Sa kauna-unahang pagkakataon dumapo ang kanyang kamay sa pisngi ni Vince. Tumabingi ang ulo nito sa malakas na pagkakasampal niya.
"Bastos ka!" Galit na sigaw niya.
Galit naman siyang sinulyapan ni Vince habang hawak nito ang pisngi nitong nasampal niya. Nakaramdam siya ng takot. Ang uri kasi ng tingin nito eh parang gaganti ito sa kanya ng sampal. Pasimple siyang umatras palayo sa takot.
"Ikaw na ang pinaka bastos na lalaking nakilala ko Vince Dela Vega!" Galit pang sabi niya habang nanatiling nakatingin sa kanya si Vince. Wala siyang ibang nakikita sa mga mata nito kundi galit. Galit na wala naman itong karapatan. Siya ang may karapatang magalit sa kanilang dalawa, dahil ito ang nanakit sa kanya noon.
"Bastos? Ako pa ngayon ang bastos. Halik lang nabastusan ka na? Hindi ba't sanay na sanay ka naman sa mga ganyan. Hanapbuhay mo nga ang magbenta ng katawan para may ipakain sa pamilya mo!" Litanya nito sa kanya. Umiigting pa ang panga nito habang galit na nagsasalita.
"This is nonsense Vince! Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin sa akin, wala akong pakialam. Huwag mo lang akong babastusin ulit. Hindi lang sampal ang matitikman mo!" Galit na sabi niya rito.
Ngumisi naman ito sa kanya. Ngising naghatid ng kilabot sa kanyang buong katawan, lalo na sa ibabang parte ng kanyang katawan. Bagay na hindi na dapat niyang maramdaman pa kay Vince.
"Magtatrabaho ka sa akin Anisha, kasama ang bago mong lalake. Natural na magkikita pa rin tayo," sabi nito habang malisyoso siya nitong tinitignan mula ulo hanggang paa. Nagtagal pa ang mga mata nito sa malalaki nitong dibdib na taas, baba pa rin dahil sa tensyon na nararamdaman sa kaharap.
"Pinili mo pa ring bumalik ng San Nicholas at magtrabaho sa akin, kahit alam mo nang magkikita tayong muli,' sabi pa nito sa kanya.
"Professional ako, Mr. Dela Vega. Narito ako para sa trabaho, wala kang kinalaman sa muli kong pagtungtong sa bayan na ito!" Matalim na sabi niya.
"We'll see," nakangisi pa ring sabi nito sa kanya habang patuloy ang malisyosong tingin nito sa kanya habang hinihimas-himas pa nito ang pisngi nitong sinampal niya kanina.
"I should go. Mukhang wala na rin namang patutunguan pa ang meeting na ito. Much better na mag set ka na lang muli ng meeting Mr. Dela Vega pag hindi na busy ang boss ko," saad niya habang nakataas ang mukha, at pilit pinakikita sa binata na matapang siya. Hindi na siya nito basta matitinag, dahil hindi na siya ang dating si Anisha na hampas lupa sa paningin ng pamilya nito.
"Boss? You mean your lover eh,' panunuya nito sa kanya.
Humugot na lang siya ng malalim na paghinga at inikot ang kanyang mga mata. Hindi na niya nais pang patulan si Vince sa panunuya nito sa kanya. Kung masamang babae na ang tingin nito sa kanya, hahayaan na lang niya ito. Wala siyang panahon para ipaliwanag pa ang lahat rito. Wala na rin namang magbabago pa kahit sabihin niya ang totoo kay Vince. Limang taon na rin naman ang lumipas, mag move on na lang sila pareho para tahimik na lang ang lahat. Ikakasal na rin naman ito. At siya patuloy niyang aayusin ang buhay. Hindi man siya yayaman katulad ng mga Dela Vega, at least hindi na siya pwedeng tapak-tapakan pa ng mga ito.
"Aalis na ko. Ikaw na ang bahala kung kailan ang next meeting. Yung handa ka ng makipag usap about sa project at hindi sa mga walang kwentang bagay," taas kilay na litanya niya at dinampot ang bag na nalaglag pala sa sahig kanina dahil sa pagpupumiglas niya kay Vince.
"Asahan mo na lagi tayong magkikita Anisha," sabi pa nito sa kanya.
"Andito ako dahil sa trabaho ko!" Pagmamatigas niya. Ngumisi naman ito muli. Malisyosong ngisi na hindi niya alam kung ano ang naglalaro sa isipan nito.
Napailing na lang siya ng ulo at akmang tatalikod na para umalis nang maramdaman ang kamay nito sa braso niya. Nanlaki pa ang mga mata niya at napalingon rito.
"Ahhh..," tili nita nang sa ikalawang pagkakataon bumunggo ang dibdib niya sa dibdib nito. Mabilis naman niyang inilayo ang mukha rito, baka kasi halikan na naman siya nito at kung saan pa mapunta ang halikan nila.
"Bitiwan mo ko!" She said.
"Nais ko lang sabihin sa iyo Anisha na wala pa ring pinagbago ang iyong labi. Napakasarap pa ring halikan,' saad nito sa kanya habang sa labi niya nakatingin. Pilit naman siyang kumakawala pero wala siyang laban sa lakas ni Vince.
"This time, Anisha, I will treat you like a wh*re!" Magaspang na sabi nito sa kanya kasabay ang pagbalasik ng mukha nito.
"Do you understand, Anisha? You are a wh*re," magaspang muli nitong sabi sa kanya kasabay ang mahigpit na paghawak nito sa pisngi niya. Masakit iyon napangiwi pa nga siya, tiyak na babakas ang mga daliri nito sa pisngi niya mamaya.
Hindi naman niya nagawang ipagtanggol pa ang kanyang sarili sa masamang salitang binabato nito sa kanya. Masakit, nasasaktan siya. Hindi niya deserve ang mga masasakit na salitang iyon mula sa lalaking una niyang minahal. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya. Nalason na ng husto ang pag-iisip nito. Masamang babae ba talaga ang tingin nito sa kanya.
Matapos ang mahabang sandali nila sa ganoong pwesto marahas na siyang binitiwan ni Vince. Muntik pa nga siyang mawalan ng balanse at mapaupo sa sahig, buti na lang nakahawak siya sa may upuan at hindi siya tuluyang bumagsak.
"Get out of here, you wh*re!" Sigaw sa kanya ni Vince.
Nagtaas siya ng mukha, at tumingin ng deretso sa mga mata nito. Pinapakita niyang matapang siya, at hindi siya nasasaktan sa mga paratang nito sa kanya.
Wala siyang binitiwang salitang, taas noo siyang tumalikod at lumakad patungo sa pintuan na para bang walang nangyari at hindi siya nasaktan, kahit sa kaloob-looban niya eh durug na durog na ang puso at pagkataon niya.
Naiiyak siya sa sakit, pero mas pinili niyang huwag umiyak at paglabanan ang sakit. Ito palang ang unang paghaharap nilang muli ni Vince, at tiyak na mas masakit pa sa mga susunod na araw.
Naglakad siya pababa ng hotel na nakataas ang mukha at walang mababakas na sakit o ano pa man. Ano malay niya kung nakakalat ang mga CCTV at pinapanood siya ni Vince. Kung makikita siyang umiiyak at apektado ni Vince matutuwa ito.
Habang naglalakad siya dalawang babae ang nakasalubong niya sa lobby. Isang may edad at isang medyo bata pa. Nakakatuwaan pa nga ang dalawa.
Huli na para umiwas siya nang makilalala ang babaing may edad na todo pustara at nagsusumigaw ang pagiging mayaman. Napasulyap sa kanya ang babaeng may edad na si Mrs. Lorena Dela Vega. Ang babaing kailaman ay hindi niya makakalimutan. Ito ang matapobreng Mama ni Vince Dela Vega.
Kumunot ang noo ng babae nang masulyapan siya at magtama ang kanilang mga mata. Nagtaas naman siya ng mukha at nagpatuloy sa paglalakad, hanggang sa makalagpasan niya ang dalawa. Akala niya tapos na nang bigla siyang mapahinto.
"Excuse me, Miss," narinig niyang sabi ng ginang, kaya naman huminto siya sa paglalakad.
"Tita, why?" Narinig niyang tanong ng kasama ni Mrs. Dela Vega.
"Hey, Miss," tawag muli ni Mrs. Dela Vega sa kanya. Huminto lang kasi siya at hindi ito nilingon.
Humugot muna siya ng malalim na paghinga. Kung bakit naman kasi sa unang araw palang niya sa San Nicholas eh ang mga taong ayaw na niyang makaharap pa ang una niyang makakaharap.
Wala rin naman siyang nagawa kaya humarap na siya sa mga ito. Nagtama ang mga mata nila ni Mrs. Dela Vega. Halata sa kunot ng noo nito na inaalala pa siya nito. Medyo malayo na rin ang itsura niya sa dati, lalo na't nakaayos siya at maganda ang kasuotan. Ibang-iba sa dati.
Hindi nakaligtas sa kanya ang pagsinghap ng ginang, marahil nakilala na siya nito.
"Tita, are you ok?" Tanong pa ng babaing kasama nito. Agad naman niyang nakilala ang babaing kasama ng ginang nang sulayapan niya ito. Ito ang fiancee ni Vince. Mayaman ito kaya close ito kay Mrs. Dela Vega, hindi katulad niya.
"Anisha,' sambit ni Mrs. Dela Vega sa pangalan niya habang para itong nakakita ng multo.
Ngumiti siya nang sambitin ng ginang ang pangalan niya. At least kahit isa lamang siyang hampas lupa, hindi pa rin siya makalimutan ni Mrs. Dela Vega na hubod ng taas ang tingin sa sarili.
"Good evening, Mrs. Dela Vega," bati niya habang matamis na nakangiti. Samantalang si Mrs. Dela Vega, nanlalaki ang mga matang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.
Lalo pa niyang tinamisan ang ngiti, nang makasilip ng takot at pangamba sa mga mata ng ginang.