"Are you ok, Anisha?' Tanong sa kanya ni Thomas nang sakay na sila ng eroplano papuntang Pilipinas. Pito sila sa kanilang team at siya lang ang Pilipino sa mga katrabaho.
Si Thomas ang katabi niya sa upuan, hindi naman siya makatanggi kung nais ng amo na magtabi sila sa upuan.
"Yeah, I am,' tipid niyang tugon rito. Ayaw niyang masyadong nagbibigay ng detalye sa amo, baka kasi ma missinterpret pa nito at umasa pa sa kanya.
"Maybe you are just nervous, because after five years, you finally back home," nakangiting sabi pa ni Thomas sa kanya.
"Yeah, I guess," she answered with a smile.
Pagdating sa airport nagpasundo siya sa kanyang Kuya. Nagulat pa nga siya ng sumama din pala ang kanyang Tatay at Nanay. Medyo malayo kasi ang San Nicholas sa airport kaya inakala niyang Kuya Ramil lang niya ang magsusundo sa kanya. Kaya naman laking gulat niya ng makita ang mga magulang. Limang taon na rin ng huli niyang makasama ang mga ito. Mabuti na lang at may cellphone na at nakakapag videon call naman siya sa mga ito, kaya kahit papano parang nakakasama na rin niya ang mga ito.
Niyakap siya ng mga magulang na mahigpit, hindi tuloy niya napigilan ang maluha sa sobrang saya.
"Naku tayo ng umuwi at baka bumaha pa rito sa airport," sabi naman ng Kuya niya ng pati ang mga magulang niya eh naiyak na rin sa sobrang tuwa.
"Oo nga mamaya na lang ang drama na ito,' she said at pinunasan ang kanyang mga luha.
"Magpapaalam lang po ako sa mga katrabaho ko," paalam niya. May service ang mga katrabaho niya papuntang San Nicholas, may hotel na kasing tutuluyan ang ito. Dapat kasabay sita sa service kaya lang mas nais niyang magpasundo na lang, dahil nga dumidistansya siya sa kanyang boss. Lalo na't panay parinig na sa kanila ng mga kasamahan nila sa trabaho. Ayaw na ayaw pa naman niyang tinutukso siya sa kanyang boss.
"Can I say hi to your Mom and Dad?" Tanong sa kanya ni Thomas matapos siyang makapagpaalam rito.
"Ah.. Yeah,' tugon niya. Hindi naman siya pwedeng tumanggi sa amo niya.
Lumakad na sila ni Thomas palapit sa kantang Nanay at Tatay, pati na sa Kuya Ramil niya.
"Nay, Tay, Kuya, boss ko," pakilala niya sa amo.
"Oh.. Hi, my pleasure to meet you Ma, and Sir," polite na bati ni Thomas sa mga magulang niya. Nakipagkamay din ito sa mga magulang niya at sa kapatid.
Nakangiti at patango-tango naman ang kanyang pamilya kay Thomas, marahil nahihiyang magsalita dahil nga kailangan english.
Bago pa nagpaalam si Thomas sa kanila sinabi nito sa kanyang Tatay at Nanay kung pwede ba daw itong dumalaw sa bahay nila. Umoo naman agad ang kanyang mga magulang. Mukhang welcomse na agad si Thomas sa bahay nila.
Hindi na rin nagtagal sumakay na sila sa 2nd hand na kotseng nabili niya para may magamit ang kanyang mga magulang pag nais mamasyal ng mga ito. Sedan lang iyon at mura lang niyang nabili, tamang pampasyal pang para sa mga pamilya niya, para naman makapag enjoy ang mga ito kahit papano.
"Mukhang mabait ang boss mo," sabi ng nanay niya habang magkatabi sila sa likod ng kotse.
"Mabait naman po siya Nay," tugon niya.
"Type ka non no?" Tanong ng Kuya Ramil niya.
"Kuya!" Saway niya sa kapatid na nagmamaneho ng kotse at nasa passenger seat naman ang kanyang Tatay.
"Ramil huwag mo nga binibiro ang kapatid mo," sabi ng tatay niya.
"Marsing, wala namang masama kung magkagusto sa anak natin ang amo niya, basta wala siyang sabit," saad ng ina.
"Tama nga naman Nay,' sabi pa ng Kuya niya.
Hindi na lang siya kumibo. Ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa kanya at sa kanyang amo. Alam naman niya sa sarili niya na walang pag-asa sa kanya si Thomas.
Pagpasok nila sa bayan ng San Nicholas, napatitig siya sa labas ng bintana. Napakasarap pag masdan ng bayan na kanyang kinalakihan. Sa bayan ng San Nicholas siya nagka-isip, natutong umibig sa kauna-unahang pagkakataon, ang pag-ibig na iyon pala ang magmumulat sa kanya sa katayuan niya sa buhay. Ang unang pag-ibig na nagsabi sa kanya na isa siyang mahirap at hindi nababagay sa mayayaman. Na isa siyang hampas lupa na kahit anong gawin niya eh hindi siya nababagay sa mga mayayaman.
Naramdaman niya ang panlalabo ng kanyang mga mata. Naiiyak siya sa ala-ala ng kanyang nakaraan. Sa ala-alang limang taon ng lumipas, pero ramdam na ramdam pa rin niya ang kirot at sakit sa kanyang dibdib.
Ang pagbabalik niya sa bayan ng San Nicholas ay pinag-isipan niyang mabuti. Ilang beses niyang tinanong ang sarili kung kaya na ba niya, kung handa na ba siyang harapin ang buhay na kanyang iniwan limang taon na ang nakalipas. Kaya heto na siya at nasa bayan na siya ng San Nicholas makalipas ang limang taon. Handa na niyang harapin ang kanyang nakaraan. Ang kanyang masalimuot na nakaraan dahil sa pagmamahal niya sa maling tao.
"Ibang-iba na ang San Nicholas ngayon anak. Gumanda na at lalong naging modernong bayan na. Hindi na nga ito matatawag pang probinsya ngayon sa dami na ng mga nagtataasang building," litanya ng kanyang ina habang nakamasid siya sa labas ng bintana.
Napuna naman niya ang malaking pagbabago sa bayan ng San Nicholas. Masaya siya sa pag unlad ng kanilang bayan.
"Oo nga po inay," tanging tugon niya.
"Ang mga Dela Vega na kasi halos ang nagmamay-ari ng bayan natin ngayon, anak," saad ng ina.
Hindi siya kumibo. Wala siyang nais ikomento pa. Alam naman niyang hindi imposible na maging pag mamay-ari ng mga Dela Vega ang bayan ng San Nicholas. Sobrang yaman kasi ng pamilyang iyon. Kaya nga nilang bumili ng tao.
Pagdating sa bahay na naipundar niya para sa kanyang pamilya. Nakaramdam siya ng tuwa at sobrang saya. Napakalayo na kasi ng bahay nila sa dati nilang bahay. Kung noon yari lamang sa kahoy ang bahay nila ngayon eh yari na sa bato at may ikalawang palapag pa. Hindi man ganoon kalakihan ang naipagawa niyang bahay para sa pamilya, masaya naman siya at may masisilungan na ang mga ito na walang tulo tuwing umuulan.
Tama ang naging desisyon niyang lisanin ang bayan ng San Nicholas. Nakatulong na sa paghilom ng kanyang sugat umasad din ang kanilang buhay at magpapatuloy siya sa kanyang pag usad.
Hapon na ng tawagan siya ng kanyang team para puntahan na daw ang location ng kanilang project. Mag chi-check lang daw sila sabay pasyal na rin daw dahil bukas palang naman ang simula ng kanilang trabaho.
Nag taxi na lang siya pagtungo sa nasabing address ng kanilang subject hindi na siya nagpahatid pa sa kapatid. Para naman makapag pahinga muna ito, lalo na't tuwang-tuwa pa ito sa mga pasalubong niya.
Malapit lang sa napakalaking mall sa bayan nila ang project nilang hotel. Dela Vega Mall pala ang pangalan ng malla, walang duda na pagmamay-ari ng mga Dela Vega ang mall.
"This property is owned as well by the Dela Vega family. The Richest family in town," sabi sa kanya ni Thomas habang nakatingala sila sa mataas na building. Tapos na ang building kaya kailangan na lang i design para makapag operate na rin.
"Dela Vega?" She asked.
"Yeah. Mr. Vince Dela Vega is the one who contacted our company because he loves our design," tugon sa kanya ni Thomas.
"Vince Dela Vega?" Bulong niya.
Kung ganoon si Vince Dela Vega ang makakatrabaho nila? Alam ba ni Vince na parte siya ng team ni Thomas?
Napalunok siya at tiningala ang mataas na building. Limang taon na ang lumipas. Maaaring limot na siya ni Vince hindi ba? Well, she is hoping na limot na siya nito. Eh siya limot na ba niya si Vince? Obviously hindi, but she is doing her best to move on and start her life without Vince, and she is doing great.