Chapter-1

1712 Words
"Anisha, hindi bat si Vince Dela Vega ito," tumatakbong sabi ni Lucy na kaibigan niya at kasama sa apartment na inuupahan nila. Bitbit ang cellphone nito ay halos madapa-dapa pa ang kaibigan habang patakbong palapit sa kanya. "Si Vince Dela Vega," sabi nito at pinakita ang larawang nasa cellphone nito. Sinubukan niyang tignan ang nasa larawan, lalo na't binanggit na nito ang pangalang, matagal na niyang hindi binabanggit. "Luka-luka ka tignan mo kase!' Pamimilit sa kanya ni Lucy. "Ano ba iyan?' Kunwariy hindi interesadong tanong niya sa kaibigan at napilitang sulyapan ang larawang nasa cellphone nito. Si Vince Dela Vega nga kasama ang isang magandang babae. Nasa bewang pa ng babae ang kamay ni Vince, habang nakangiti ang mga ito. Buhay na buhay ang ngiti sa labi ni Vince, ganoon rin ang kislap ng mga mata nito. Napalunok siya habang titig na titig sa gwapong mukha ng lalake. Tumatalak nga si Lucy pero hindi niya naiintindihan ang sinasabi nito. Masyado siyang focus sa larawan ng lalake. Hindi na nga rin niya napansin ang babaeng kasama ni Vince. Si Vince Dela Vega ang unang lalaking minahal niya, at magpahanggang ngayon ay mahal pa rin niya. Ngunit sadyang malupit ang tadhana para sa kanya, dahil nagkalayo sila ng lalaking tanging minamahal. "Nabasa mo ba ikakasal na si Vince," sabi ni Lucy sabay yugyog pa ng kaibigan sa balikat niya. "Ah?" Lutang na sabi niya. "Basahin mo, ikakasal na si Vince sa isang mayamang babae na iyan," sabi ni Lucy sabay hablot pa ng cellphone nito sa kamay niya. "Anak daw ng isang negosyante ang babae, kaya siguro pinili ni Vince na pakasalan dahil kauri niya," nakanguso pang sabi ng kaibigan sa kanya. "Ganoon naman talaga kase. Ang mayaman ay para sa mayaman," sabi niya sabay taas pa ng kanyang mga paa sa upuan at tinuloy ang pagkakape. Nais balewalain ang pakikipag kwentuhan kay Lucy, tungkol s taong ayaw na niyang maalala pa o mapag-usapan pa. Taong binon na niya sa limot at hindi na niya nais pang mahukay muli. "Kung sa bagay. Maganda naman din si girl," sabi ni Lucy at sinulyapan pa siya nito. Hindi naman siya nag react. Nakita naman niyang bukod sa makapal na make up sa mukha ng babae, eh tadtad din ito ng ginto sa katawan, isama pa ang mamahaling damit nito mula ulo hanggang paa. Nagsusumigaw sa yaman ang babaing kasama ni Vince. Babaing kauri nito. "Pero girl, mas maganda ka kung usapan natural beauty lang. Isipin mo nga kung ano ang itsura nito kung walang make up. Naku, naku baka mag back out si Vince!" Lintaya pa ng kaibigan sa kanya. "Tama, tama," sabi niya habang tumatango at humigop ng kape sa tasa. Sumangayon na siya sa kaibigan para hindi humaba pa ang usapan nila. "Pero girl, seryoso," sabi ni Lucy at hinawakan pa ang kamay niya. "Huh?" "Wala na bang pag-asa ang pag-iibigan niyo ni Vince?" Malungkot na tanong sa kanya ni Lucy. Hindi siya nakasagot sa kaibigan at nag-iwas ng tingin. Hindi kasi niya alam kung ano ang isasagot. Ito na nga ba ang wakas nila ni Vince? Matagal na rin naman sa kanya na nag wakas ang ano mang meron sila ni Vince. Kayang hanggang doon na lang iyon. Alam ni Lucy ang lahat ng pinagdaanan niyang saya at lungkot sa pakikipag relasyon niya sa isang Vince Dela Vega, na isa sa mayamang pamilya sa bayan ng San Nicholas. Saksi si Lucy sa bawat tawa at iyak niya sa pagmamahal niya noon kay Vince. Nagpapasalamat nga siya dahil may isang Lucy na nasa tabi niya, kaya hanggang ngayon kinakaya pa rin niyang mabuhay, matapos niyang halos mamatay sa sakit na dulot ng pag-ibig niya sa maling taong katulad ni Vince. "Lucy limang taon na ang lumipas, baka hindi na ko maalala pa ni Vince," sabi niya sa kaibigan. "Imposibleng makalimutan ka ni Vince, Anisha, minahal ka rin naman niya," seryosong sabi ng kaibigan. Nagkibit balikat na lang siya rito. "Ayaw mo bang umuwi sa Pilipinas para magkita muna kayo ni Vince? Anong malay mo pag nagkita kayo hindi na niya ituloy ang pagpapakasal niya," saad pa nito. "Lucy naman. Tama na, huwag na tayong mangarap pa. Masakit ang umasa," seryosong tugon niya sa kaibigan. "Nagbabakasakali lang," saad naman nito. Iniling na lang niya ang ulo at tinuon ang atensyon sa pagkain. Nasa Australia sila ni Lucy at dito sila nagtatrabaho. Naunang magtungo ang kaibigan sa Australia at tinulungan naman siya nito para makapunta dito. Kapwa sila dito nag-aral at nakapagtapos ni Lucy. Ngayon naman kapwa sila kumakayod para sa mga pamilya nila, para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga pamilya. Sa San Nicholas palang kasi danas na nilang magkaibigan ang hirap ng buhay. At buti na lang malakas ang loob ni Lucy na makipag sapalaran dito sa Australia, at natulungan siya ng kaibigan. Kung hindi siguro siya tinulungan ni Lucy na makapunta ng Australia, ay baka hindi man siya makakapagtapos ng kanyang pag-aaral at baka hanggang ngayon wala pa ring makain ang kanyang pamilya. Isa siyang interior designer ng isang company dito sa Australia. Madalas na nakukuha niyang project ay mga condos, hotels, malls na malalaki. At dahil sa maayos niyang trabaho maayos na rin ang buhay ng kanyang mga magulang at dalawang kapatid na nasa kolehiyo na pareho. May sariling bahay na rin sila sa San Nicholas at apartment na pinapaupahan sa kabilang bayan na siyang pinagkukuhanan ng kanyang mga magulang na panggastos sa araw-araw ng mga ito. Kung ikukumpara sa dati nilang buhay ay masasabi niyang malayo na sila. Pero ganoon pa man mahirap at hampas lupa pa rin sila sa mga mata ng mayayaman sa bayan nila sa San Nicholas. Pagpasok niya sa opisina pinatawag siya ng kanyang boss na Australiano sa opisina nito para kausapin siya. "Good morning Anisha," nakangiting bati sa kanya ng boss. "Good morning Sir Thomas," bati naman niya at naupo sa tapat nito. "Good news, Anisha. I got a big project for you," sabi nito sa kanya. "What is it Sir?" She asked. "Our next project is in the Philippines, Anisha. So, we need to go to the Philippines as soon as possible," masayang sabi sa kanya ng kanyang boss. Napanganga siya at hindi makapagsalita. Nakatingin lang siya kay Thomas na masayang-masaya para sa kanya. Baka akala nito nais niyang umuwi ng Pilipinas. Mula kasi ng makarating siya ng Australia, hindi pa siya umuuwi ng Pilipinas. Actually wala na siyang balak umuwi pa. Mas gusto na niya dito sa Australia. Masaya naman siya kahit papano. Ang mahalaga naibibigay niya ang mga kailangan ng kanyang pamilya. "Are not you excited Anisha?' Tanong pa sa kanya ng boss dahil kanina pa siya nakatulala at walang kibo. Actually si Thomas ang anak ng may-ari sa kompanyang pinapasukan niya. At mula pa ng magtrabaho siya sa kompanya nito at nagpaparamdam na sa kanya si Thomas. Hiwalay si Thomas sa unang asawa nito at may dalawang anak. Halos doble rin ang edad nito sa edad niya. Kaya naman kahit anong paramdam nito sa kanya ay hindi siya interesado. Bukod sa hindi naman niya talaga type ang boss eh wala siyang balak makipag relasyon habang nasa Australia siya. Actually parang wala na siyang balak makipag relasyon pa kahit kanino. Pamilya na lang talaga ang sentro ng kanyang buhay. "Anisha we we're going to the Philippines," masiglang anunsyo pa sa kanya ni Thomas. "We?" Bigla niyang tanong rito. "Yes, Anisha. You are one of the best Interior designer here in my company. That's why I want you to go with me," tugon nito sa kanya. Hindi naman niya malaman ang sasabihin. Tiyak niyang nagpapalapad ng papel sa kanya ang boss niya kaya siya ang ipapadala nito sa pilipinas. Akala yata nito eh gusto niyang umuwi pa ng pilipinas. At talagang sasama pa ito sa kanya. Baka naman hindi trabaho ang uuwian nila nito sa pilipinas. Baka inisip nito na hahalikan niya ito sa tuwa sa pagbibigyan nito sa kanya ng project sa pilipinas. Sinabi pa sa kanya ni Thomas na isang team silang pupunta ng pilipinas, dahil malaki ang project na nakuha nila. Isang magbubukas na hotel sa San Nicholas daw ang project nila. Ito ang unang beses na tumanggap ang boss niya ng trabaho sa pilipinas at nagkataon pang sa bayan pa niya mismo. Halata tuloy niyang nagpapapansin sa kanya ang boss niya. Sa tagal na kasi nitong nanliligaw sa kanya eh wala pa rin siyang naging tugon. Minsan pumayag na siyang makipag dinner sa boss, iyon nga lang ayaw na niyang masundan pa. Ayaw niyang isipin nito na may aasahan ito sa kanya. Dahil alam niya sa kanyag sarili na wala itong asahan dahil sarado na ang kanyang puso, hindi na niya nais pang umibig at masaktan muli. Sa ngayon wala siyang choice. Sa ayaw at sa gusto niya, kailangan niyang sumama sa team nila pauwi ng pinas. Ang malas lang niya dahil kung kailan nalalapit ng ikasal si Vince eh saka pa siya uuwi ng San Nicholas Sana na nga lang ay huwag ng mag krus pa ang landas nila ni Vince. Ayaw na niyang masaktan muli. Ayaw na niyang madurog muli ang pagkatao niya. She is healed now. Masaya na siya at naka move on. Naka move on na nga ba siya sa kanyang unang pag-ibig? Pag-uwi niya ng bahay sinabi niya agad kay Lucy na uuwi siya ng pilipinas next week para sa trabaho. Halos mabulabog naman ang buong building sa malakas na sigaw ni Lucy sa tuwa. "Tadhana na ang kumilos para sa inyo ni Vince!" Tili ni Lucy sa kanya. "Lucy, trabaho ang dahilan kaya ako uuwi ng pinas," iling ulong sabi niya. Nais tuloy niyang pagsisihan na sinabi pa sa kaibigan ang tungkol sa pag uwi niya. "Tiyak na mag ku-krus ang landas niyo ni Vince! Parang teleserye ganon," sabi pa nito. "Kakanood mo ng drama iyan!" Sita niya rito. "Ito seryoso ah. What if? What if lang naman magkita kayo ni Vince?" Tanong nito. "Wala. Baka hindi na ko kilala non!" She said. "Kilala ka pa non. Hindi ka niya makakalimutan ni Vince. Dahil alam ko hindi mo rin siya makakalimutan," saad nito. "Tama na nga iyan. Kakanood mo ng drama iyan eh,' sabi na lang niya sa kaibigan at iniwan na muna ito. Para hindi na ito magsalita pa ng kung anu-ano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD