Chapter-5

1415 Words
"Asaan na ang mga ka meeting mo Vince? Yung mga kinuha mo from Australia?" Bungad na tanong ng kanyang Mama nang pumasok ito sa loob ng kanyang opisina. Nagulat pa nga siya sa pagsulpot ng Mama niya kasama si Mica ang fiancee niya. "Hi, Vince," bati sa kanya ni Mica na agad na ring lumapit sa kanyang kinauupuan at hinalikan siya nito sa pisngi. "Ah... Hi," alanganing bati niya. Hindi naman kasi niya inasahan ang pagdating ng dalawa lalo na't kaaalis lang din ni Anisha. Buti na lang pala nakaalis na si Anisha, at hindi na nagpang-abot pa ang mga ito. Tiyak na gulo na naman kung makita ng Mama niya si Anisha. "Bakit parang gulat ka Vince?" Tanong ng Mama niya sa kanya. Medyo kanina pa kasi siya nakatulala dahil sa muli nilang pagkikita ni Anisha, makalipas ang limang taon. Wala siyang idea na kasama si Anisha sa team na napili niya para mag design sa kanyang hotel. Basta ang alam niya magaling ang team na iyon at talaga namang magaganda ang design. Si Thomas Jones naman kasi ang mismong nakausap niya at hindi niya alam na sa company pala ni Thomas nagtatrabaho si Anisha. Wala din kasi siyang idea na nagtungo pala ng Australia si Anisha at doon ito nagtrabaho. Mula kasi ng magkahiwalay sila eh hindi na siya interesado pa kung ano na ang nangyayari sa buhay nito. Pero alam niyang ang maganda na ang pamumuhay ngayon ng pamilya ni Anisha sa bayan ng San Nicholas, at alam niyang nanggaling ang ano mang pera binibigay ni Anisha sa pamilya nito sa mga lalaking pineperahan nito. Sa pagbebenta nito ng katawan nito sa mga lalaki. Marahik dollar ang kinikita ni Anisha sa pamemera nito sa mga lalake, kaya mabilis ang pagpundar nito para sa pamilya nito. Hindi naman maikakaila na malaki na ang pinagbago ni Anisha sa loob ng limang taon. Lalo itong gumanda, naging maayos na ang pananamit nito. Sopistikada na ang dating nito. Iba na rin ang pagdadala nito sa sarili. May confident na ito at palaban na rin. Nagawa nga siya nitong sampalan sa kauna-unahang pagkakataon. Ganoon na kalakas ang loob nito, malayong-malayo na sa dating Anisha na nakasama niya noon. "Are you ok babe?" Tanong ni Mica sa kanya sabay haplos pa nito sa pisngi niya. "Yeah.. I am ok," tugon niya at pasimpleng inalis ang kamag ni Mica sa pisngi niya. "Napagod lang siguro ako sa trabaho," he also said at sinulyapan ang Mama niya na makahulugang nakatingin sa kanya. "Kumusta naman ang meeting? Kailan daw masisimulan ang pag dedesign?' Tanong ng Mommy niya na naupo sa sofa habang hindi nag-aalis ang tingin sa kanya. "May next meeting pa po kami Ma, and doon palang i fi-finalize ang lahat,' tugon niya sa ina habang nakaupo naman si Mica sa ibabaw ng mesa niya at hawak ang kanyang kamay. Si Mica ang fiancee niya. Nag proposed siya sa dalaga dahil iyon ang gusto ng kanyang mga magulang. Anak si Mica ng kaibigan ng kanyang Mama. Negosyante din ang pamilya ni Mica kaya walang duda na agad itong nireto sa kanya ng Mama niya. Wala naman siyang seryosong relasyon kaya pinatulan na rin niya si Mica, kahit wala naman siyang nararamdaman sa dalaga. Isa pa hindi naman siya pwede tumanggi sa gusto ng Mama niya. Kaya heto nalalapit na siyang ikasal kay Mica. Na i announced na rin sa media ang kanilang engagement, at dahil doon tumaas ang stocks nila sa stocks market at marami ang nais mag invest sa kanila. Inasahan na niyang mangyayari iyon, dahil parehong may matatag na kumpanya ang pamilya nila ni Mica. Mica is beautiful and hot. Wala siyang mapipintas sa dalaga pagdating sa pisikal at performance sa kama. Magaling kasi itong magpainit sa kanya, kaya agad na rin siyang na hook sa mga ginagawa sa kanya ni Mica sa kama. Kahit naman sinong lalake siguro eh masisiyahan sa galing ni Mica pagdating sa s*x. Pero pagdating sa ibang bagay wala ng maibubuga pa si Mica. Puro kasosyalan at kaartehan na lang ang alam nito. Without s*x Mica is nothing. Wala na itong ibang mao-offer pa kundi ang galing lang nito sa kama, na siya namang din pinakikinabangan niya as of now. "I see, dapat mabubusisi ka Vince, tignan mo muna kung magaling talaga sila," sabi ng kanyang Mama. "Are you hungry babe?' Mica asked. Sasagot na sana siya ng maunahan siya ng kanyang Mama sa pagsasalita. "Oh dear, Mica. I want iced coffee," malambing na sabi ng Mama niya. Magkasundo na magkasundo ang Mama niya at si Mica. Bagay na ok naman para sa kanya, wala siyang magiging problema sa dalawa. "Sure, tita. How about you babe?' Tanong naman sa kanya ni Mica. "Sige ako rin," tugon niya. "The usual?" Mica asked him. "Yep. The usual,' tugon niya. Ilang buwan na rin kasi silang nagsasama ni Mica, kaya alam na nito kung ano ang kapeng gusto niya. Bago pa umalis si Mica hinalikan pa siya nito sa labi. Sweet naman si Mica typical na girlfriend na handang gawin ang lahat para sa boyfriend. Iyon nga lang iba na ang usapan pag sinabing asawa. Pag asawa kasi magiging isa na sila ni Mica. Mali ng isa mali na ng lahat. May pagka happy go lucky attitude kasi si Mica, at sa edad nitong twenty five eh baka hindi pa ito ready na maging housewife sa kanya. Dahil pag siya na ang asawa ni Mica, hindi pwede sa kanya ang pag party-party nito kasama ang mga kaibigan nito. Sa ngayon kase malaya pang nagagawa ni Mica ang gusto nito. Party doon, party rito habang siya busy sa trabaho. Hindi naman kasi niya ito pinagbabawalan pa. Hinahayaan lang niya ito, dahil sa totoo lang para siyang walang pakialam kay Mica. Siguro dahil na rin hindi niya ito nakikita bilang fiancee niya, kundi isang f*ck buddy na laging ready pag kailangan niyang magpa init. "Vince," tawag Mama niya sa kanya nang makalabas na ng silid si Mica. Tumayo pa nga ito at humakbang palapit sa desk niya. "Yes, po Ma,' tugon naman niya sa ina. "Kanina sa lobby may nakasalubong kami ni Mica na babae," taas kilay na sabi ng ina. Kinabahan siya, may kutob siyang si Anisha ang tinutukoy ng Mama niya. "Who?' He asked. Hindi pinahalata na kinabahan siya. "Hindi ako pwedeng magkamali. Matagal na rin ang lumipas, pero ang mukha ng babaing iyon ay hindi ko makakalimutan. Ang babaing manggagamit na iyon!" May galit na saad ng ina. Hindi siya kumibo, hinintay pa ang ibang sasabihin nito. Tama ang kutob niya, si Anisha ang babaing nakita ng Mama niya. Masyado pang maaga para muling magkita ang dalawa. Pero wala na siyang magagawa pa, dahil nangayari nagkita na muli ang dalawa. Alam niyang abot langit ang galit ng Mama niya kay Anisha, dahil sa naging relasyon nila noon ni Anisha. Hindi kasi matanggap ng Mama niya si Anisha dahil nga manggagamit ito. "Kailanman hindi ko makakalimutan ang babaing iyon na mukhang pera! Ilang milyon ba ang tinakbo niya mula sa pamilya natin noon. Inakit ka niya para pagkaperahan at ng makuha na niya ang pera anong ginawa niya. Iniwan ka na lang niya basta sa ere!" litanya ng ina sa kanya. Napaigting ang panga niya. Kahit hindi na ipaalala ng Mama niya ang bagay na iyon ay hindi pa rin naman nabubura ang bangungot na iyon sa kanya. Limang taon ng nakatatak ang ginawang iyon ni Anisha sa kanya, at mukhang hindi na mabubura pa kahit ilang taon pa ang lumipas. Lalo na ngayon na muli silang nagkaharap ni Anisha. Nanariwa ang lahat sa kanya, muling nanariwa ang sakit na kaya siyang ipagpalit ni Anisha sa pera. "Walang karapatan ang malanding babaing iyon na bumalik sa bayan na ito! Pati nga ang pamilya niya dapat wala na sa bayan na ito. Sadyang makapal lang talaga ang mukha ng pamilya iyon para manatili pa dito sa San Nicholas. "Ma, hayaan niyo na lang po sila," tanging sabi niya sa ina. "Eh ano ba ang ginagawa ng babaing iyon dito? Paano niya nalaman na narito ka?" Tanong ng ina. "Hindi ko po alam," pagsisinungaling niya. Tiyak kasi na magwawala ang Mama niya pag nalaman nitong si Anisha ang mag de-design sa hotel. Hindi na dapat pang malaman mg Mama niya na makakatrabaho niya si Anisha. Dahil nais pa niyang makasama si Anisha, kahit sa pagtatrabaho lang at maiksing panahon lamang. Nais niyang makaganti kay Anisha sa ginawa nito sa kanya noon. Gaganti siya rito sa paraang alam niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD