"Ano nagkita kayo agad ni Vince?!" Bulalas ni Lucy nang tawagan siya ng kaibigan para kumustahin ang biyahe niya pauwi. Hindi na rin kasi niya napigilang banggitin sa kaibigan ang naging paghaharap nila ni Vince. Si Lucy lang naman ang taong pwede niyang pagsabihan tungkol kay Vince.
"Yes, nagkaharap na kami agad kanina," she said at naupo sa kama.
Sa naipagawa niyang bahay may sarili siyang silid. Kanya-kanya naman silang silid magkakapatid ng silid. Isa kasi iyan sa kanyang pinangarap noong nagsisiksikan sila sa maliit nilang bahay. Malayong-malayo na nga sila sa dati nilang pamumuhay. At nagawa niya iyon dahil sa pagpapakahirap niya sa trabaho sa Australia. Maling-mali ang akusa sa kanya ni Vince na ginagamit niya ang katawan para magkapera. Kahit sa sarili nitong pamilya na nagmaliit at nag alipusta sa kanya noon ay wala siyang tinanggap ni singko. Hindi na siya magtataka kung anu-ano kasinungalingan ang sinabi ng Mama ni Vince rito, at itong si Vince naman naniwala sa mga kasinungalingan ng sarili nitong ina.
"Anong nangyari?" Kinikilig na tanong ni Lucy sa kanya.
"Lucy, pwede ba!" Saway niya sa kaibigan na hindi maitago ang kilig.
"Dali na sabihin mo na. Ano may spark ba?" Lucy asked.
Kung spark lang, may naramdaman siyang spark kanina lalo na ng halikan siya ni Vince. Kahit pa nasaktan siya sa magaspang nitong paghalik sa kanya, may naramdaman pa rin siyang kakaiba. Hanggang ngayon nga parang ramdam pa rin niya ang labi ni Vince sa labi niya. Limang taon na ring walang humahalik sa kanya, paano wala naman siyang type sa mga manliligaw sa kanya, kahit nga ang boss niyang si Thomas eh wala pa ring pag-asa sa kanya. Pinangako kasi niya sa sarili niya na hindi na siya muling iibig pa. Sakit lang naman ng ulo ang pag-ibig. Kaya naman niyang mabuhay na walang lalake sa buhay. Kung stress at sakit lang din ng ulo ang ibibigay sa kanya, mas pipiliin na lang niyang mag-isa habang buhay. Ganoon pa man may kakaiba hatid pa rin sa kanya ang muling paghaharap nila ni Vince, asahan na niyang mas madalas pa silang maghaharap nito, kaya dapat handa siya. Ano man ang kanyang naramdaman kanina, sana na lang hindi na niya maramdaman muli pag magkaharap sila nito.
"Wala na!" Pag sisinungaling niya sa kaibigan para hindi na ito umasa pa na may chance pa sila ni Vince. Ikakasal na soon si Vince.
"As in wala?' Paninigurado pa nito.
"Yes, Lucy, wala na. Walang-wala na," taas kilay pang sabi niya sa kaibigan na tila ba nakikita siya nito.
Wala na talaga dahil nakita niya kanina ang matapobreng Mama ni Vince. Wala pa rin itong pinagbago matapobre pa rin ito. Hindi rin siya pwedeng magkamali na ang babaing kasama ni Mrs. Dela Vega kanina ay ang fiancee ni Vince. Maganda ang babae at mayaman malayo sa kanya, kaya hindi na siya magtataka kung bakit botong-boto si Mrs. Dela Vega sa fiancee ni Vince. Kaya kahit ano pa ang gawin niya wala na silang pag-asa pa ni Vince. Marahil pinagtangpo lang sila muli ni Vince para maipakita niya sa lalake na maganda na ang kanyang buhay, na hindi na siya isang hampas lupa, katulad noon. Iyon lang marahil ang dahilan ng tadhana sa kanila ni Vince at hindi para magkabalikan pa sila. Huli na para bagay na iyon. Malabo na silang magkabalikan pa.
"Ang KJ talaga nito. Sayang naman anong malay mo destiny na ang gumawa ng paraan para magkita kayong muli ni Vince after five years," litanya ng kaibigan.
"Nagkita na nga kame, at wala ng sparks," pagsisinungaling niya.
"Ganoon ba, nakakalungkot naman kung ganon" saad nito.
"Narito ako sa San Nicolas para magtrabaho at para na rin makasama koa ng mga magulang ko," she said.
"Sa bagay, iyon naman ang mahalaga kung wala na talaga kayong sparks ni Vince."
"Yes," she answered.
Nagkwentuhan lang sila saglit ni Lucy tungkol sa magandang bayan ng San Nicolas. Wala na siyang sinabi pang tungkol kay Vince. Hindi na siguro siya dapat pang magkwento rito about kay Vince, kung anu-ano kasi ang naiisip nito sa sobrang adik rin kasi ng kaibigan sa mga drama sa TV.
Matapos silang mag-usap ni Lucy nahiga siya sa malambot na kama at tiningala ang puting kisame. Agad niyang iniling ang ulo ng makita niya ang gwapong mukha ni Vince sa kisame.
"Mas gwapo siya ngayon," bulong niya. Agad naman niyang sinaway ang sarili sa sinabi. Dapat kahit sa sarili niya hindi na siya nagsasabi pa ng kung anu-ano tungkol kay Vince. Kung talagang nais na niyang makalimutan si Vince, huwag na niyang isipin pa ang binata at mag focus na lang sa trabaho at i enjoy ang mga ilalagi niya sa San Nicolas kasama ang mga magulang niya at mga kapatid. Dahil pagkatapos na pagkatapos ng trabaho nila sa hotel ni Vince babalik na siya ng Australia at baka hindi na babalik pa ng San Nicolas.
Habang malalim ang kanyang inisip tumunog naman ang kanyang cellphone. Si Thomas ang tumatawag. Ayaw na sana niyang sagutin dahil gabi na at nais na niyang magpahinga, isama pang iniiwasan niya itong makausap dahil baka kung anu-ano lang ang sasabihin nito. Baka kasi ngayong nasa San Nicolaz na sila eh umaasa itong magkaroon na ng chance sa kanya sa panliligaw nito sa kanya.
"Sir Thomas," sagot niya sa kabilang linya.
Agad namang nagpaumanhin sa kanya ang boss sa pagtawag nito ng alanganing oras ng gabi. Sinabi ni Thomas na tinawagan daw ito ni Vince at nais mag meeting ni Vince bukas ng umaga. Iyon nga lang may lakad daw si Thomas kasama ang ibang team nila, dahil nga sa lunes pa dapat ang simula ng trabaho nila kay Vince. Pero mukhang nagmamadali na daw kasi si Vince na masimulan na ang pinagagawa nito. Pumayag daw si Vince na siya na lang muna ang maka meeting nito bukas. Hindi na siya nagtaka pa sa bagay na iyon.
Mukhang may iniluluto si Vince para sa kanya. Kung inaakala naman ni Vince na mahuhulog siya sa ano mang laro nito, well nagkakamali ito. Hinding-hindi siya mahuhulog sa patibong nito.