Chapter-7

1012 Words
Kinabukasan maaga siyang naghanda sa meeting nila ni Vince. Trabaho ito kaya wala siyang choice kundi pumunta kahit labag sa kalaooban niya, lalo na't mag-isa lang siya pupunta sa opisina nito, wala kasi ang buong team niya ngayon, dahil may maka schedule na outing ang mga ito. Hindi siya talaga kasama dahil sinabi niyang nais makasama ang pamilya niya habang nasa San Nicolas siya. Naintindihan naman siya ng mga ito, dahil wala naman siyang makakasamang iba pagbalik nila ng Auralia. Kaya nais niyang sulitin ang pag-uwi niya ng San Nicolas para makasama ng kanyang pamilya. Iyon nga lang may meeting na agad itong Vince. "Anak," tawag ng Nanay niya nang sumilip ito sa pintuan ng kanyang silid. "Ano po iyon nay?' Tanong niya saka pumasok sa loob ng silid ang ina. "Ginawan kita ng tinapay para mabaon mo sa trabaho. Pandesal iyan na nilagyan ko ng keso at itlog," sabi ng ina at iniabot ang isang baunan sa kanya. Napangiti siya. Kahit naman noong mahirap at walang-wala pa sila, laging gumagawa ng paraan ang kanyang mga magulang para may maipabaon ang mga ito sa kanya sa eskwelaan. Alam niya kung ano ang sakripisyo ng mga magulang niya sa kanilang magkakapatid. Kaya hanggat kaya niya ibibigay niya ang lahat sa kanyang mga magulang. Isa nariyan ang magandang buhay. Nagsisimula pa lamang siya, marami pa siyang maibibigay para sa pamilya niya. Walang makakahadlang sa kanya sa patuloy na pagbibigay ng magandang buhay sa pamilya niya. Hindi si Vince. Hindi rin si Mrs. Dela Vega na isang matapobre. "Salamat po Nay," pasalamat niya sa ina at tinanggap ang baunan na dala nito. Habang nag-aayos siya nag stay pa ang nanay niya sa silid niya at nakipag kwentuhan ito. Ang sarap nga ng kwentuhan nila nang biglang matanong ng ina kung saan ba ang malaking project niya. Tiyak na magugulat ang ina pag nalaman nitong ang mga Dela Vega ang nagmamay-ari ng hotel na pinapasukan niya ngayon. Alam din kasi ng kanyang buong pamilya ang mga nangyari sa kanila ni Vince noon. Hinding-hindi niya makakalimutan ang pag-aalipusta ni Mrs. Dela Vega sa pamilya niya noon. Tinawag silang hampas lupa at mga patay gutom. Masasasakit na salitang hinding-hindi niya makakalimutan mula sa mapagmataas na si Mrs. Dela ang ina ng lalaking una niyang minahal. "Sa Dela Vega Hotel po nay," amin niya. Wala siyang balak magsinungaling sa ina. "Dela Vega?" Gulat na bulalas ng ina. "Opo nay," malungkot na tugon niya sa ina. "Sila ba ang mga Dela Vega na...," hindi magawang ituloy ng ina ang sasabihin pa nito. Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. "Opo nay sila po. Si Vince po ang nag ma-manage sa hotel," saad niya sa ina. "Nagkita na kayo?" Tanong nito. Tango ang naging tugon niya. Wala siyang balak ipaalam sa pamilya niya ang tungkok kay Vince sa muli nilang pagkikita. Sadyang hindi lang maiwasan. Hindi naman kasi siya pwedeng magsinungaling sa ina. "Ok ka lang ba anak?' May pag-aalala sa tono ng ina. "Nay," nakangiting tawag niya rito, para ipakita na hindi siya apektado sa pagkikitang muli nila ni Vince. "Tapos na po iyon nay. Limang taon na po ang nakalipas. Naka move na po tayong lahat," she said. "Naka move on ka na rin ba kay Vince?" Tanong nito. "Opo nay," mabilis niyang sagot sa ina. Kahit hindi naman siya talaga sigurado pa kung naka move on na nga ba siya. Well, iyan naman lagi ang kanyang sinasabi sa sarili na naka move on na siya, sana nga lang talagang naka move on na siya. Kung naka move on na talaga siya ano naman kaya ang ibig sabihin ng nangyari sa kanya kagabi? Magdamang siyang gising at si Vince ang laman ng kanyang isip. Ilang beses din niyang sinaway ang sarili sa pag-iisip sa magaspang na halik na ginawad sa kanya ni Vince kahapon. "Masaya ako para sa iyo anak," sabi pa ng ina. "Salamat po nay," pasalamat niya. Hindi na rin nagtagal pa ang pag-uusap nila ng nanay niya at nagpaalam na ito. Kaya naman binilisan na niya ang pag-aayos para magpunta sa hotel ni Vince at masimulan na ang meeting. She is hoping na wala ng kung anu-ano pang magaganap ngayon. Nag taxi lang siya papuntang Dela Vega Hotel at habang nakasakay sa taxi nag ring ang cellphone niya. Kumunot ang noo niya nang numero lang ang nakita niya sa screen. Ganoon pa man sinagot niya baka baka kasi kasama niya sa trabaho. "Hello," sagot niya sa kabilang linya. "Hi, Anisha," tugon ng lalaking nasa kabilang linya. Muling napakunot ang kanyang noo at sinulyapan ang numero ng tumawag sa kanya. Pamilyar kasi ang tinig ng lalaking nasa kabilang linya. "Anisha, it's me, Vince," pakilala sa kanya ng lalake. Hindi nga siya nagkamali. Kilala niya ang may-ari ng tinig. Kilalang-kilala niya. "What do you want?" Tanong niya na hindi tinago ang inis sa tinig. "Gusto ko lang sabihin sa iyo na hinihintay ka ng driver ko sa hotel at ihahatid ka niya kung saan tayo mag me-meeting," litanya nito. Humugot siya ng malalim na paghinga makakatanggi ba siya? Trabaho ito hindi siya pwedeng tumanggi. "Paano mo nalaman ang number ko?" She asked hindi pinansin ang sinabi nito. "Sa lover mong si Thomas," sagot naman nito. Mariin niyang pinikit ang mga mata. Itatama sana niya ang sinabi nito na hindi niya lover si Thomas, pero hinayaan na lang niya. Bahala ito sa ano man ang gusto nitong isipin sa kanila ni Thomas. "Saan ba ang meeting na ito?" Mataray na tanong niya. "Malalaman mo rin pag andito ka na." "Meeting ba talaga ito o isa na naman sa mga laro mo Mr. Dela Vega?" Inis na tanong niya. "You will find out later," tugon nito at nawala na ito sa kabilang linya. "Kainis!" Inis na sabi niya at sinuksok sa bag ang cellphone. Halata naman na hindi lang ito dahil sa trabaho, kundi nakikipaglaro din sa kanya si Vince. Kung ganoon sasakyan niya ang laro nito at titiyakin niyang siya ang mananalo, at pagtatawanan niya ito. "Gusto mong makipaglaro sa akin huh. Pwes pagbibigyan kita Vince," bulong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD