"M-Mahal..." nauutal na sambit ng isang binata habang nanginginig ang buong katawan na naglakad palapit sa kaniyang luhaan na asawa.
Ngunit kasabay ng paghakbang niya ay ang pag-atras naman palayo sa kaniya ng babae.
"H-Huwag na huwag kang lalapit sa akin, n-nandidiri ako sa iyo..." tumutulo ang luhang sambit ng babae sa kaniya.
Natigilan siya at napaawang ang labi sa gulat, hindi niya inaasahan na ito ang sasabihin ng kaniyang asawa. Sa ilang buwan na pagsasama nila ni minsan ay hindi niya ito nakitaan ng pagkamuhi at pandidiri sa kaniyang mga mata.
"M-Mahal..." he then trailed off as he stared at her with mix emotion on his eyes.
"A-Ano bang ginawa ko sa iyo para g-gawin mo sa akin ito?" basag ang boses na pagtatanong niya sa kaniyang asawa.
"..." napabuka ang kaniyang bibig ngunit ni-isang salita ay walang lumabas sa kaniyang labi. He can't say anything.
"S-Sa pagkakaalam ko naman... D-Dos e, g-ginawa ko lahat para sa iyo, para sa anak natin, naging mabuting asawa ako sa iyo, naging mabuting ina a-ako... a-ano bang kulang sa'kin?" umiiyak pang sambit ng babae, matamlay siyang napatitig sa kaniyang asawa matapos itong mahuli na may kalaguyo.
"S-Stacy..."
"A-Alam ko naman na hindi ako mayamang babae e, p-pero I did my best... kulang pa ba?"
"N-No--"
"Mas magaling ba siya sa kama?"
"S-Stacy N-No.... h-hindi 'yon gano'n--"
"Then Why?!" malakas na sigaw niya sa kaniyang asawa.
Bahagyang nagitla ang lalaki sa pagsigaw ng asawa niya, dahil hindi naman ito ganoon, nakilala niya itong mahinhin at tahimik.
"Bakit mo ako ginago? huh?!" muling pagsigaw nito ng malakas.
Muli ay nanlaki ang mga mata niya sa gulat, bukod sa mahinhin ito ay hindi rin ito marunong magmura, ngunit ngayon...
"Putang ina lang, Dos. Binigay ko sa iyo lahat, p********e ko? buhay ko, yung sarili ko, at buong pagkatao ko...wala ng natira sa'kin... b-binigay ko sa iyo lahat e..."
"S-Stacy.. "
"Tapos anong isusukli mo? i-ito? sakit at panggagago?"
"I-I'm really sorry..."
Pagak na napatawa ang babae sa narinig, tila ba ay nakarinig siya ng isang imposible na kailanman ay hindi sumagi sa isip niya na maririnig niya.
"Sorry?" sarkastiko niyang pagtatanong sa asawa.
Tinitigan niya ang binata na para bang iyon ang pinaka nakakatawang narinig niya sa tanan ng kaniyang buhay.
"May magagawa ba 'yang sorry mo? makakain ko ba 'yan? maalis ba n'yan 'yung sakit na dinulot mo sa akin? maalis ba niyan ang katotohanan na ginago mo ako?"
S-Stacy--"
"Huwag," mabilis na pagpigil niya sa asawa, kasabay niyon ang pagtaas niya ng kaniyang kamay na nagsasabi na huwag niya ng ituloy pa ang sasabihin.
"Huwag na huwag mong mababanggit ang pangalan ko, don't you even dare to call my name with that filthy mouth of yours... nakakadiri ka..." nandidiring sambit niya.
Tuluyan na napaawang ang labi ng lalaki sa gulat. Wala siyang masambit.
Umiiyak man ay taas noong hinarap ng babae ang kaniyang asawa, it pains her now that she's staring directly on his eyes.
She then gave his a disappointed look while she slowly turned her back on him.
Isang luha ang kumawala sa kaniyang mata kasabay ng madiin niyang pagpahid rito, kasabay ng paglalakad niya palayo.
Nahihirapan man ihakbang ang paa palayo ay nilakasan niya ang kaniyang loob.
Samantala ay napatulala sa kawalan ang binata habang naka-awang ang bibig, tila hindi ma-proseso ng kaniyang isipan ang nangyari.
Natauhan lamang siya ng makaramdam siya ng panghihina, dahan-dahan siyang napaatras kasabay ng pagkaupo niya sa sofa na nasa gilid niya.
Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata niya, ngayon niya lamang napagtanto ang bigat ng kasalanan na kaniyang ginawa sa kaniyang asawa.
Hindi niya maipaliwanag ang sakit na lumukob sa kaniyang dibdib, he's hurt by his own doing. He can't explain why. Maybe he developed feelings for his wife.
He fell in-love with her without him realizing that he had fell, harder and deeper.
"S-Stacy..." iyon na lamang ang kaniyang nasambit, alam niyang huli na ang lahat, the damage has been done. He can't undo his mistakes, nasaktan niya ang kaniyang asawa.
With that thought, he can't do anything but to slowly lower his head as he let his tears fell through his eyes.
With a confused mind, Stacy didn't realize that she was on her way to her own studio.
She only realized it when she's in front of it. Ang studio niyang ito ay nasa labas lamang ng subdivision kung saan sila nakatira mag-asawa.
Mag-iisang taon na ang kanilang anak, ngunit halos magdadalawang taon na siyang niloloko ng kaniyang asawa niya.
Simula pa lang nang mabuntis siya nito, hindi pala talaga siya ang mahal ng kaniyang asawa, ngayon ay malinaw na sa kaniya ang lahat.
Ngayon niya din napagtanto na kahit ano pa ang gawin mo, kahit anong talino at ganda ang mayron ka, kahit gaano ka pa kabait, kasipag at maalaga, if the man doesn't want to be kept by you, everything will not work either.
You can't keep a man who doesn't want to be kept.
Without thinking twice, she picked up the brush and paint something on her paint board. Habang ang kaniyang mga mata ay nanlalabo na dahil sa pangingilid ng kaniyang luha.
Nawala sa sa isip niyang nasa tabi niya ang kandila, kailangan niya ito para sa ipipinta niya sana sa unang taon na kaarawan ng kaniyang anak.
Dahan-dahan niya iyong nasagi, at dahil madaming tumatakbo sa isipan niya ay hindi niya napansin na unti-unting kumalat ang apoy.
She only realized that she was in the middle of the fire when she sniffed and smell something is burning.
Nanlalaki ang mga mata niyang napatitig sa paligid, napapalibutan siya ng apoy.
Kahit saan siya lumingon ay may apoy kaya naman ay unti-unting lumukob ang kaba sa kaniyang dibdib.
"O-Oh gosh..." Natatakot niyang sambit kasabay ng pag-atras niya, sunod-sunod na nagsibagsakan ang bawat painting niya, hanggang sa kakaatras niya nahulog sa kaniyang ulo ang isang paint board, na kung saan ay nakapinta ang litrato ng kaniyang asawa.
Mabilis siyang nawalan ng malay, kasabay ng pagpasok ng isang misteryosong lalaki.
"Stacy! Stacy! f**k!" inis nitong sambit.
Kasabay niyon ay walang takot siyang tumakbo papasok at mabilis na binuhat ang katawan ng dalaga.
"Shit." mahina niyang mura ng makita niyang may dugo sa kaniyang noo.
To be Continued...
K.Y.