Prologue

1042 Words
"Stacy..." Abala akong tumitingin sa mga paintings na naka-display sa wall nang may marinig ako mula sa hindi kalayuan na puwesto. pamilyar ang kaniyang tinig, ngunit dahil sa hindi pa bumabalik ang aking memorya ay hindi ko mabatid kung kilala niya ba ako o hindi. Ako ba ang tinatawag niyang Stacy? O baka naman guni-guni ko lamang iyon. kung kaya ay ibinalik ko na lamang ang aking atensiyon sa mga paintings ngunit nakakaisang hakbang pa lamang ako palayo sa aking puwesto ay parang may kung ano sa akin at pinipilit akong alamin kung sino iyon at kumpirmahin kung ako nga ba iyon. Para makumpirma ay humarap ako sa aking likuran saka nagtatakang naglibot ng paningin, hinahanap ng aking mga mata kung kaninong tinig ang aking narinig. Nilibot ko pa ang aking paningin hanggang sa dumapo ang aking mga mata sa isang lalaki na may hawak na wine glass, bahagyang nanginginig ang kaniyang mga kamay. Naagaw nito ang aking atensiyon kung kaya't hindi ko napigilan at napatitig ako sa kaniya ng mariin. Nang magtama ang aming mga mata ay tuluyan niyang nabitawan ang wine glass na hawak-hawak niya. Bahagya akong nagitla nang marinig ko ang pagkabasag ng wine glass, tuloy ay nagtatakha akong napatitig sa lalaking ito. Hindi ko maintindihan, ngunit sa pagtitig ko sa kaniya ay may kung ano sa aking dibdib. hindi ko maipaliwanag. Dahil sa naging reaksyon niya ay hindi ko namalayan na dahan-dahan na pala akong humahakbang palapit sa kaniya. "Excuse me... Mister, do I know you?" nalilito kong tanong. sa pagsasalita ko ay bigla siyang pumikit. mariin ang pagkakapikit niya. kaya naman napakunot ako ng aking noo. "Hey?" pag aagaw kong muli sa kaniyang atensiyon. bahagya ko pang ikinaway ang isa kong kamay sa harapan niya. at bigla ay, nagbanggit siya ng mga kataga na nakapagpalito sa akin. "It's really you..." mahinang saad niya habang mariing nakapikit. "What?" hindi ko mapigilan na magtanong dahil nag-iwan ang mga sinambit niya sa aking isipan ng maraming katanungan. 'Ano ang ibig niyang sabihin sa sinambit niyang iyon?' Isa sa mga katanungan sa aking isipan. nais ko sanang isatinig ngunit hindi ko magawa at bahagya ko lamang naibuka ang aking mga bibig. "Stacy..." muli niyang sambit. ito ang pangalawang pagkakataon na binanggit niya ang pangalan na iyan. Pamilyar ang pangalan na iyon. Saan ko nga ba iyon narinig at tila may kung ano sa aking tainga. Hindi ko maintindihan, bakit parang pamilyar na pamilyar sa akin ang pangalang Stacy? Sino ba siya sa buhay ko sa nakaraan? Hindi ko na kaya ang curiosity kung kaya't hindi ko napigilan ang sarili at nagtanong na. "What do you-- " hindi ko na naituloy pa ang sasabihin nang bigla siyang lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap. sandali akong natigilan ngunit nang mapagtanto ko ang ginawa niya ay mabilis akong nagpumiglas. "H-Hey! Why are you hugging me?!" mabilis pa sa alas-kuwatrong naitulak ko siya papalayo. Pinanliitan ko siya ng mata saka matalim na tumitig sa kaniya. How dare him! Sino siya para yakapin ako?! I'm not a public woman. "S-Stacy... Don't you recognize me?" Nanginginig ang boses niyang tanong. sa naging tanong niya ay mas lalong kumunot ang aking noo. Anong ibig niyang sabihin? "Ano bang sinasabi mo? nababaliw ka na ba?" may bahid nang pagkainis sa aking tinig. "I-It's me... y-your Husband..." Hindi ko napigilan ang mapaatras dahil sa sinambit niya. kusang bumuka ang aking bibig sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Lito ang mga matang kong nakatitig sa kaniya. hindi ko maintindihan. There's a part of me telling that he was telling the truth. but I can't assure my instincts. I can't tell why. Nakabuka lang ang aking bibig, tila ba ay may gustong lumabas na salita ngunit hindi ko magawang magsalita dahil sa pagkagulat. Akmang lalapit pa siya sa akin ngunit mabilis akong humakbang paatras kung kaya't natigilan siya sa akmang paghakbang palapit sa akin. "D-Don't," nanginginig kong pagpipigil sa kaniya sa akmang paglapit niya. "D-dont you dare come near me... I-I don't know who you are... H-hindi kita kilala at hindi ko alam kung ano ang mga sinasambit mo, baka nagkakamali ka lang." nanginginig ang boses kong sambit sa kaniya, maging ako ay hindi ko maintindihan ang aking naging reaksyon. Kahit na sobrang nalilito ay mabilis akong tumalikod at humakbang palayo ngunit nakakaisang hakbang pa lamang ako nang bigla niya ulit sambitin ang pangalang iyon. "Stacy..." mahina niyang saad. his voice lingered on my ears. and suddenly, I heard a voice similar to him. kaya naman mabilis akong napapikit ng aking mga mata. there's a lot of blur images but I can't clearly see. Sandaling kumirot ang kaliwang bahagi ng aking utak sa hindi malamang dahilan ay madiin akong napahawak sa aking ulo. "S-Stop..." sambit ko habang mariin na nakapikit, padiin ng padiin ang pagkakahawak ko sa aking ulo dahil sa patindi ng patindi ang sakit na aking nararamdaman. "Stacy, It's me, Dos, your husband. did you forget about me? you're my wife. where have you been? Hinanap kita... tatlong taon mahigit... hindi ako tumigil sa paghahanap sa iyo." Mas lalo akong napapikit nang aking mga mata dahil sa mga binitiwan niyang salita, hindi ako mapakali at saka mabilis na iniling-iling ang aking ulo. Pinipilit kong alalahanin ngunit kahit na anong gawin ko ay hindi ko makita nang malinaw ang mga imahe at mga pangyayari sa aking isipan. there's a lot of voices. and I am sure of it. one of those voices is his. "Stacy... even if you change the way you dressed, I know your voice. your posture and your body... it's you. Stacy... it's you..." dagdag pa niya. Hindi ko na napigilan pa ang sarili na mapasabunot sa aking sariling buhok dahil sa sobrang kirot, dahil sa pagpilit ko na alalahanin ang nakaraan ay mabilis na sumasakit ang aking ulo. "Stacy---" "Ahhhh!!" hindi na niya naituloy pa ang sasambitin nang malakas akong napasigaw dahil sa sobrang kirot. hindi ko na kaya ang sakit. "Ahhhh!!" "Stacy!" narinig kong muli niyang sigaw at kaagad siyang lumapit sa akin. Hindi ko na kinaya pa ang matinding kirot at mabilis akong napaluhod sa sahig. "Ahhhh!" muli kong sigaw. Hindi ko na alam, sobrang sakit. sobrang kirot. iyon na ang huli kong naalala nang bawiin ako ng kadiliman. To be Continued... K.Y.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD