Chapter 34: Getting along

2228 Words
Dos's POV “Mukhang mahal mo nga siya, Son.” my father utter out of nowhere. Kasalukuyan kaming nag iihaw ng mga pagkain namin, sari-sari, isa na rito ang barbeque at mga isaw. Habang nagpapaypay ay hindi ko maialis ang paningin ko kay Stacy, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Parang sa tanan ng buhay ko, ngayon ko lang ito naramdaman, 'yung bang kahit na titigan ko siya ng pang habang buhay, ayos lang. “Ganiyan na ganiyan ako noong nagsisimula pa lang kami ng Mommy mo,” muling sambit ng aking Ama. Kaya naman ay napalingon ako sa kaniya, I made face and then stared at him as if he's telling a joke. But no, my father we're smiling from ear to ear, just like me... Sandali akong natigilan at kaagad na sinundan ng tingin kung saan nakatitig ang kaniyang mga mata. And when I saw him staring at my mom, I was speechless for a minute. “Well, hanggang ngayon pa din naman, ganitong-ganito ako sa Mommy mo,” “Dad...” I trailed off as I stared at him. He slowly looked at me and then suddenly check the barbeque if it's already cooked or not yet. “I can tell that you really loves her,” “What are you saying, Dad?” “You love her, don't you?” Natameme ako sa sinambit niya, hindi ko alam kung bakit, oo mahal ko siya pero hindi ko alam kung bakit parang may kung ano sa akin, na para bang nagbibigay babala na hindi ko maintidihan. Pero sa kabila ng pakiramdam na iyon, wala akong pakielam, I enjoy being with her, it's like, I can't explain... Pero, para bang may nabago sa akin, don't get me wrong, I'm fine on my own, I survived my twenty five years without her, pero... Nung nakilala ko siya, pinaramdam niya sa akin 'yung pakiramdam na dumepende at maging masaya ng genuinely. Bukod sa pamilya ko,I don't give a damn with anybody else. “Tila hindi ka tiyak sa nararamdaman mo?” “What?” Malakas lamang na tumawa si Dad, parang timang na tumawa. Napailing na lamang ako at ipinokus ko ang tuon ko sa pagpapaypay. Sandali kong itinaob ang barbeque na iniihaw ko, nasa ganoong situwasyon ako ng bigla muling nagsalita si Dad. “I was at your age, when I met your Mom, I was a jerk that time, but she loved me for who I am, and accepted every faults I have.” “For real, Dad?” hindi makapaniwala kong sambit, para kaseng ang cheesy pakinggan. Pfft.. “Don't laugh at me, kapag ikaw nalagay sa situwasyon ko, ako naman ang tatawa sa iyo.” Sandali akong napatigil sa pagtawa, sandaling nawala ang lahat ng emosiyon sa aking mukha. “I am serious, Son... You're lucky, 'cause she loves you more than she loves her self.” “Dad... Ano bang sinasabi mo--” “I can tell, the way he looks at you, nakikita ko ang Mom mo kung paano tumitig sa akin, and I was so dumb for being an asshole to your mother before,” “What?” “Soon you'll know, but not now, hindi ako proud na ipaalam sa iyo kung gaano ako kagago noon,” Napakunot na lamang ang noo ko at napakibit balikat. “Whatever Dad,” Malakas siyang tumawa kaya naman ay napabuga na lamang ako ng hangin. _____________ Stacy's POV “Ate Stacy!” Sandali kong nilingon si Chelsea ang bunsong kapatid ni Dos. She's so adorable, oh my god! Nakangiti lamang ako habang dini-demonstrate niya ang paghulma sa white sand ng isang babae. Ang cute nga e, kase swimming pool ito pero yung style pa dagat, tapos may alon talaga. As in parang dagat talaga. Tapos may sand na puti dito sa harapan mismo ng swimming pool, may kalayuan kase baka pumunta ang buhangin sa pool. Pakiramdam ko ay nasa dagat kami, kulang na lang ay ang maalat na simoy ng hangin, pero overall, I felt like I was on the sea. “Look oh,” Nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang tinig ni Chelsea. “Wow...” tuwang tuwa kong sambit, ang galing niya kaseng humulma. Talent niya ba ito or sadyang magaling lang talaga siya? I was wondering while staring at her when someone spoke behind me. “Magaling talagang humulma si Chelsea, pangarap niyang gumawa ng mga vase or whatsoever.” Napalingon ako sa nagsalita, Dex. Ang pangalawang kapatid ni Dos. “Talaga?” “Oo, kinahiligan niya ng mag ganiyan, bata pa lang, kaya dinala siya ni Mom sa hulmahan at nakita ng mga nandon na may potential si Chelsea, ever since, nagti training siya every week end.” “Wow... Your parents must be proud of her--” “Iba ang pangarap ni Mom sa kaniya.” “Huh?” “Pero wala lang siyang magawa kase suportado ni Papa Lo at Daddy si Chelsea,” Lito akong napatitig sa kaniya. “You must be confused, in this house, my mother is the Law.” Napatango na lamang ako,“I see...” pag sang ayon ko sa kaniya. Ngunit sandali akong natigilan at napalingon sa kaniya, nakatitig lamang siya sa akin na para bang may sinabi akong mali. “What?” “Yun lang sasabihin mo?” “Ano pa ba dapat?” pagtatanong ko naman sa kaniya. Hindi makapaniwala siyang napatitig sa akin, habang ako ay nakakunot ang noo,litong-lito sa inaasta niya. Bakit ba? May sinabi ba akong kakaiba or what? “Di ba dapat sa pamilya, Lalaki ang masusunod.” “Gano'n ba dapat?” “Oo... Alam mo, ang weird mo. pfft... Such a unique girl, I see why Kuya is being smitten with you.” “Huh? Alin naman sa sinabi ko ang weird?” “Nevermind,” “Single parents lang kase nagpalaki sa akin, tanging nanay ko lang. Hindi rin naman kami mayaman, kaya hindi na bago sa akin na nanay ang maging batas, oh gosh... Maalala ko lang kung paano si Mama magalit... Until now hinahampas pa ako ng walis tingting non e!” “What's walis tingting?” Napanganga naman ako sa tanong niya. Ngunit kaaagad ding napakagat labi ng mapagtanto kong anak mayaman pala ang kausap ko. “Basta walis siya.” iyon na lamang ang sinabi ko habang natatawa. “Weird.” Napailing na lamang ako sa sinambit niya. “Pero hinahangaan kita,” “And why is that?” “Nakuha mo loob ng bratinelang bunso namin.” “Huh?” “Spoiled at nuknukan ng arte yang batang yan. Napaka kulit pa, kami nga sumusuko sa kung gaano kaharot at kakulit yan e... Buti nasasabayan mo?” “Maybe because I love kids?” patanong kong sagot. Nagkibit balikat naman siya kaya naman ay napatawa ako. “It's normal, sa mga bata, makukulit talaga, kailangan mo lang makuha kiliti nila, kung hindi ka marunong makibagay sa bata, hindi mo makukuha yung tiwala nila.” “...” “Numero uno sa pagkilatis ang mga bata, matatalino sila, dahil nakikiramdam sila, bago mo makuha ang tiwala ng isang bata, pag aaralan ka muna nila. If you're trustworthy enough para makita yung 'side' nila na vulnerable na tanging bilang lang ang nakakakita.” “I see...” “Malalakas pakiramdam nila, pag magaan loob nila sa'yo, it' means to them that you're a good person and they want you to be closed with them.” “How'd you do that?” “Ang alin?” “Yung makuha ang loob ng isang tao?” “Hindi ko din alam e,” “Puwede ba yon?” “Hindi ko maipaliwanag exactly, kase usually tao nalapit sa akin. See? You're the first one who approached me,” Sa sinambit ko ay natahimik naman siya kaya naman napatawa ako. “Matuto kang pag-aralan mga nasa paligid mo, makiramdam ka, at pag aralan mo kung paano ma-adopt ang nasa kapaligiran mo, dahil hindi palaging aayon sa'yo ang environment na pinupuntahan mo, example, iba ka sa bahay at iba ka kumilos sa paaralan niyo, am I right?” “Now that you said it, you're right...” “Kung sa school iba ka makitungo, iba pagkakakilala nila sa'yo kaysa sa pagkakakilala ng pamilya mo sa'yo, pag aralan mo kung paano makisama at ma adopt ang nasa paligid mo, in that way, you can control the atmosphere around you.” “...” “Matuto kang makiayon at makisama, perfect that and you'll become invincible.” “You're wise, just like what I thought. I didn't regret approaching you,” “Pihikan kang tao, tama ba? Hindi ka basta-basta nakikipag kausap sa kahit na sino, lalo't pag alam mong wala ka namang mapapapala sa isang tao, para sa iyo ay pag aaksaya iyon ng oras.” “H-How--” “I can tell,” “Paano...” “The way you talk?” “Huh?” “Ewan ko,hindi ko din alam, pero magaling akong mangilatis ng tao, syempre base sa kung paano sila kumilos at kung ano pinapakita nila, pa'no kung iba pa din yung pinapakita ng isang tao sa'yo? Kaya hindi rin hundred percent na accurate 'yung ganoon, laging nakadepende sa tao at sa situwasyon.” “Ang galing...” Bahagya akong napatawa sa naging reaksyon niya. “You get my point?” Kaagad naman siyang tumango. “Gaya nito, iba ako makipag usap sa'yo, iba ako makipag usap kay Chelsea, iba iba talaga, dapat kaya mong mag adjust sa pinakamabilis na paraan, and most importantly, hindi lang yan, you should control how to react and what to say always.” “Huh?” “Alam mo ba 'yung kasabihan na, hindi mo mako kontrol ang mangyayari sa hinaharap, pero mako kontrol mo kung ano magiging reaksiyon mo, at kung paano mo itatrato ang isang situwasyon,” “Huh?” “Sample, nakakainis yung situwasyon, galit na galit ka na. Pero dahil wais ka, hindi mo basta-basta ipapakita yon, hindi ka agad mag re-react, pag iisipan mong mabuti kung ano ire react mo, pero syempre di sa lahat makakapag isip ka pa ng maayos, pero, lagi mo sanang maisip yung kasabihang, "After this what?” “...” “Is it worth to get mad at? Anong mapapala ko dito?” “leaning how to control your emotions, means you're strong and wise. Hindi lahat nagagawa yan, piling tao lang, kase madalas, karamihan sa tao, emosyon pinaiiral. Including myself, hindi ko pa master yan.” “Ang talino mo...” Napatawa ako sa sinabi niya, “Hindi naman, siguro logical lang mag isip, pero di ako matalino, lahat lang inaanalisa ko.” “My brother is so lucky to have you as his wife, dang...” Malakas akong napatawa sa sinambit niya. Nasa ganoong situwasyon kami ng biglang may yumakap sa aking batok na maliliit na kamay. “Ate! Come and play with me, wag ka jan kay Kuya, panget na Nerd pa!” masungit na asta ni Chelsea. Hindi ko alam kung matatawa ba ako or what e, pfft. And sungit niya haha. “Chelsea, hindi ganiyan ang tamang pakikitungo sa kuya mo,” Sabay-sabay kaming nagitla ng marinig namin ang tinig ni tita sa likuran namin. “Mom...” “My...” “Tita...” “Chelsea...” “A-Ah...–” “We have a visitor, ganiyan ba ang dapat na ipakita mo na ugali mo? Ganiyan ba kita pinalaki?” “Mom...” Awkward akong napakamot sa aking batok, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. “Now,” Napayuko si Chelsea, para bang iiyak na. Kaya naman ay hinawakan ko ang kamay niya, dahan-dahan niya akong nilingon. And I was right, she's ready to cry na. Nangingilid na sa paligid ng mata niya ang kaniyang luha. “Shh... Don't cry, you're wrong this time Chelsea, apologize to your big Bro, you shouldn't talk to him that way, pa'no na lang kung may umaway sa'yo? Sino magtatanggol sa iyo kung ganiyan mo tinatrato si kuya?” “A-Ate...” “It's okay, normal lang magkamali, pero wag masanay na palaging gano'n, see? Your Mom is mad, magagalit ba si Mommy sa iyo kung tama naman ginagawa mo?” Dahan-dahan siyang napa-iling, napangiti naman ako, even now, she's acting cute. Tuluyan ng tumulo ang luha sa kaniyang mga mata kasabay ng pagyakap niya sa kuya niya, nanlaki naman ang mga mata ni Dex na wawi mo ay hindi niya inaasahan iyon. “K-Kuya...” “O-Oh...” utal nitong sambit. Marahil ay hindi siya sanay, pfft. He looks startled. Haha. “S-Sorry po...” Tuluyan ng napanganga si Dex, hahaha. Ang cute naman. “He's shock, kase hindi niya inaasahan na magiging maamong tuta yang demonyita naming bunso.” Nagulat naman ako sa nagsalita sa tabi ko, nakita ko si Tasha, hindi naman siya masungit tignan, pakiramdam ko ay self mechanism niya yon. It's her way to protect herself, 'cause inside her is like a marshmallow. “I see,” nakangiti kong sambit. “Do you want some?” Nagulat pa ako ng bigla niya akong alukan ng kung ano. “Sure,” iyon na lamang ang sinambit ko. “Its a grape juice, my favorite.” “What a coincidence, that's my favorite too.” “Really?” To be continued... K.Y.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD