Third Person's POV
Mabilis na lumipas ang mga buwan, kasalukuyang nag aayos ang dalawang pamilya para sa paparating na kasal.
“Wow! Ate, ang ganda ganda mo naman!”
Hindi alam ng dalaga kung ano ang dapat na maging reaksiyon, dahil sa kapatid nitong bunso ang nagsambit niyon.
Hindi niya matukoy kung inaasar siya niyo o sadyang sinsero ito sa kaniyang sinasabi.
Pinanliitan niya ito ng mata, “Ano na naman ba ate?”
“Seryoso Ryxsz? Nang aasar ka ba o–”
Hindi niya naituloy ang kaniyang sasabihin ng bigla ay malakas na tumawa ang kaniyang kapatid.
She was caught off guard,
“Pfft, ang sarap mo talagang asarin ate, pero syempre dahil espesyal ang araw na ito sa iyo, sige, hindi kita aasarin.”
Napa poker face na lamang ang dalaga sa narinig, sabi na at pilyo ang kaniyang kapatid.
Napabuntong hininga na lamang siya.
Nasa ganoong situwasyon siya ng bigla ay dumating ang kaniyang ina.
“Ma...”
“At bakit nakabusangot ang magandang mukha ng anak ko?”
Napawi ang pagkakabusangot ng kaniyang mukha ng marinig iyon mula sa kaniyang anak.
“Anak... Dapat nakangiti ka, espesyal ang araw na ito. Be happy, okay?”
“Ma, pa'no kase si Ryxsz e,”
“Pfft, hindi ka pa nasanay sa kapatid mo, alam mo namang pilyo iyan, alam mo namang ganiyan lang iyan umasta, pero alam mo nalulungkot iyan.”
“Po?”
“M-Ma!”
Malakas na napatawa ang ina ng mapagtanto ang naging reaksyon ng dalawa niyang anak.
Ang panganay niyang nalilito at ang bunso niyang nakaramdam bigla ng kaba at unti-unting gumapang ang hiya sa kaniyang katawan.
“Paganiyan-ganiyan lang iyang kapatid mo, pero nalulungkot iyan, kase wala ka na sa bahay, mag kakaroon kana ng sarili mong pamilya, wala na siyang kaasaran sa bahay.”
“M-Ma! B-Bahala nga kayo aalis muna ako!” kunwari ay naiinis na palusot ng nakababata niyang kapatid.
Sa nalaman ay napawi ang inis niya sa kapatid at napalitan ng matamis na ngiti sa labi.
Bago pa man siya makapagsalita ay tuluyan nang nawala sa paningin nila si Ryxsz.
“Ang kapatid mo talaga,”
“Nakakaramdam na din ng hiya, he's growing up already, ma...”
“Hindi nga ako makapaniwala, sobrang bilis ng panahon anak, parang dati lang, hinihele pa kita, ngayon at ikakasal ka na...”
“Ma...”
Nakangiting nakatitig sa kaniya ang ina ngunit hindi nakatakas sa paningin niya ang kumawalang luha sa mata ng kaniyang ina.
Dahan-dahan itong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.
“Maging mabuting asawa ka, anak...”
“Ma...”
“Isa lang ang hiling ko, nawa'y hindi mo maranasan ang hirap na napagdaanan ko, dahil sobrang mahirap at masakit, muntikan na akong mabaliw at mawala sa sarili, ayaw kong maranasan mo pa iyon...”
Mag-isa silang tinaguyod ng kaniyang ina, at saksi siya sa hirap na tinutukoy nito, at maging siya ay hindi niya nais na magdaan pa sa ganoong hirap at sakit.
“At sila lang ang hihilingin ko kay Dos... Sana huwag ka niyang iwanan, mahirap para sa akin na ibigay ka sa kaniya ngunit anong magagawa ko? Narito lang naman ako para gabayan ka, ikaw at ikaw pa rin ang gagawa at pipili ng kapalaran mo, anak...”
“M-Ma...”
Nag-umpisang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.
“Susunod ang kapatid mo naman ang ihahatid ko sa altar, parang nakakalungkot lang, ngunit masaya ako para sa inyo anak, ang makitang masaya kayo sa piling ng taong mahal niyo ay higit pa sa sapat, masaya akong mamamatay...”
“M-Ma... Huwag ka namang ganiyan, ikakasal lang ako oh, hindi ko kayo iiwanan, isa pa, tigil na sa patay-patay na iyan, walang mamamatay...”
“Anak---”
“Ah basta ma, ikasal man ako at magkaroon man ng asawa at anak, I'll always be your daughter... At hinding hindi mawawala iyan... So stop thinking that you'll die, lilibutin pa natin ang bawat bansa, hindi ba at pangarap natin nila Ryxsz iyon?”
“Stacy anak-”
“Alam ko iyang iniisip mo, hayaan mong bumawi ako sa inyo ma, deserve mo iyon, 'cause you are the best mother I've ever known, hayaan mong sa pagkakataong ito ma, ako naman ang magpasaya sa inyo...”
“Hindi mo naman kailangan bumawi anak, sapat ng–”
“Ah basta ma, pasasayahin ko po kayo...”
Mahigpit na niyakap ng dalaga ang kaniyang ina.
Nasa ganoong situwasyon sila ng masaksihan iyon ng kapatid na babae ni Dos, si Tasha.
She was touched witnessing their conversation, wala sa sariling napangiti na lamang siya sa kawalan.
“She's amazing, right?”
Nabalik siya sa wisyo ng may marinig siyang tinig sa kaniyang likuran. “Kuya,”
Dahan-dahan itong lumapit sa kaniya, “I assumed that you already know, why I'm marrying her, instead of your ate Zelle.”
“Kuya–”
“I know what you're planning, you want Zelle to be my wife, isn't it? Why is that tasha? Dahil ba sa nabibigay niya luho mo?”
“Kuya anong–”
“Huwag ka ng magkaila, and don't you ever dare to shout, baka marinig ka nila. Gusto mo bang sirain ang magandang araw na ito? Isipin mo nalang kung gaano madi-disappoint ang pamilya natin sa ginagawa mo.”
“Kuya...”
“Naiintidihan ko kung gaano kayo ka-close ni Zelle, pero I already made it clear to her that I don't want her, I love Stacy. And you know why I loved that woman, you just witnessed how loving she is.”
“...”
“So if I were you, I'll pull my shits together and act accordingly, bago ko ipakita sa iyo ang hinahanap mo.”
“Kuya–”
“Idi-deny mo na naman? At pa'no mo ipaliliwanag sa akin kung bakit siya nasa invite list?”
“Kuya let me–”
“Hindi ko alam kung gaano ka napikot ni Zelle, at hindi ko alam kung anong pinaplano niyo, pero sinasabi ko sa'yo. Itigil mo na habang nagbababala pa ako sa'yo, habang tinuturi pa kitang kapatid, itigil mo na, bago ko pa makalimutan na kapatid kita.”
Tasha was left dumfounded there.
She was speechless, yes, she's pretending being kind with Stacy, she really hates her. Zelle made her hate Stacy.
Marami itong sinasabing kasinungalingan sa kaniya, matagal na kase silang close ni Zelle. Magmula ng maging f**k buddies ito ng kuya niya.
Kaya nakatatak sa isipan niya na si Zelle ang mapapangasawa ng kuya niya ngunit laking gulat niya ng magpakilala ito ng ibang babae sa pamilya niya.
Wala pang pinapakilala ang kuya niya sa kanila, kaya naman ng magpakilala ito ay tiyak niyang hindi basta-basta ang nararamdaman ng kuya niya sa babaeng iyon.
“Don't make yourself being pathetic anymore, Tasha. This is not you,”
Nabalik siya sa wisyo ng marinig niyang magsalita ang isa niya pang kuya.
Si Dexter.
Dahan-dahan niya itong nilingon.
“K-Kuya Dex...”
“I don't know what's really happening, but I think you just crossed the line. Nakasama mo si Ate Stacy ng ilang linggo at buwan, can't you tell how pure she is? Or you just can't accept that fact?”
Sandali siyang natigilan at napaisip. She only thought what is the best for her brothers, but looks like she was way below the belt.
“Fix yourself, mataas pagtingin sa'yo ng pamilya natin, huwag mong hayaan na bumaba iyon. Don't disappoint them, they expect you to become a better.”
Iyon ang huling sinambit ng kaniyang kapatid bago siya tuluyang iwanan nito.
Napayuko siya at hindi niya napigilan ang pagluha ng kaniyang mga mata.
“Tasha? What are you doing there –”
Narinig niya ang tinig ni Stacy sa loob, mukhang napansin siya nito, mabilis niyang tinuyo ang luha sa kaniyang mga mata.
Ngunit hindi iyon nakatakas sa paningin ng dalaga. “Sandali, umiiyak ka ba? What's wrong?” malumanay ang tinig niyang sambit.
Maliit siyang napangiti, “Wala ate,” pilit niyang pinasigla ang kaniyang boses, nahihiya na din kase siyang harapin ang dalaga marahil sa pagbabalat–kayo niya.
“Siguro masama lang kase pakiramdam ko po, sige po, mauna na po.” paalam niya ngunit mabilis siyang napigilan ni Stacy.
“Sandali, sigurado ka ba? Anong masakit sa iyo? Gusto mo bang samahan kita sa hospital –”
“Anak, magsisimula na ang ceremony ng kasal mo, anong pinagsasasabi mo riyan? Itawag na lamang natin ng ambulansya kung gano'n.”
“Pero ma–”
“Stacy,”
One word at natahimik ang dalaga. Hindi makapaniwalang napatitig na lamang si Tasha sa kaniya.
'She's going to marry and yet she was willing to go at the hospital?'
Iyon ang katanungang naglaro sa kaniyang isipan.
“Ako na po ang bahala sa kaniya ate Stacy,”
Naagaw ng nagsalita sa likod ang atensiyon nila.
“Dex? Sigurado ka ba?”
“Opo, don't mind Tasha, she's alright. Diba, Tasha?”
Sandali mang napatulala ang dalaga ngunit dahan-dahan siyang tumango.
“O sige...”
“Let's go,”
Tahimik silang tumalikod, ngunit ramdam niya ang sinserong pag-aalala ng dalaga sa kaniya. Sa pagkakataong ito ay napagtanto niyang mali siya.
She judged her too much to the point na gusto niyang paniwalaan na masama ito ngunit kahit saang anggulo mo matignan ay sadyang mabait nga ito, wala kang masasabi sa pakikisama ng dalaga.
It's her fault, she invited Zelle even though she knew that she'll wreck havoc during the ceremony.
She needs to stop that.
–––––––––––––––
Nagsimula nga ang pagtugtog kung saan ay dahan-dahang naglakad sa gitna ng simbahan ang dalaga. Lahat ng mata ng panauhin ay sa kaniya lamang nakatitig.
Namamangha sa ganda na meron siya.
Bagaman na nakangiti ay nangingilid ang luha sa kaniyang mata, masaya siyang maikasal sa taong mahal niya.
Ngunit sa hindi kalayuan ay nakatanaw ang isang lalaki na nakasuot ng cap. Natatakpan nito ang kalahati ng kaniyang mukha. Tanging bibig lamang ang matatanaw sa liwanag.
He was staring at her while she's slowly walking towards her groom.
Masama niyang tinitigan ang binata, 'That should be me!' sigaw ng kaniyang isipan.
'You should be mine, Stacy... You should've been marrying me not that asshole...'
Mahigpit na mahigpit ang pagkakakuyom ng kaniyang kamao, hindi niya matukoy kung sa inis at galit ba iyon.
Napupuno ng selos ang kaniyang dibdib at ang kaniyang isipan.
He wanted to steal her, he wanted to kidnapped her.
But she's too beautiful that he can't do anything but to just stare only at her.
“Stacy... Mahal, ako dapat ang pinakakasalan mo, at hindi ang gagong iyan...” he said between his thoughts.
Matagal niya ng pinagmamasdan ang dalaga, nag aaral pa lamang sila ng kolehiyo mula first year hanggang ngayon.
Matagal na siyang may paghanga rito, ngunit dahil sa pagiging torpe ay hindi niya magawang lumapit o magpakilala man lang sa kaniya.
Hindi niya magawang makapag confess ng tunay niyang nararamdaman.
Nauna pa siya, kaysa sa lalaking pinakakasalan niya ngayon.
He was watching her silently from afar, dahil noon ay sapat na sa kaniya ang mapagmasdan siya kahit sa malayo, kahit na hindi siya nito kilala.
Kuntento na siya roon ngunit ng minsang makita niyang may kasama itong lalaki, doon niya napagtanto na hindi niya pala kaya...
She wanted her for his self. Sa kaniya lamang. Ilang taon niyang minahal at tinipon ang lakas at tamang panahon, ngunit ano itong nakikita niya...
Nabalot ng galit at inis ang puso niya, gusto niyang tumakbo sa gitna at magsanhi ng kaguluhan.
Ngunit wala siyang lakas ng loob, hanggang ngayon ay dinadaga pa rin ang dibdib niya.
He badly wanted her, but what can he do?
He was frustrated with that thoughts. “Ngunit hindi ako susuko, Stacy... I'll win you back, that should be me! Ako dapat ang asawa mo, ako lang! Sa akin ka lang! Hindi ako papayag... Ang iba nga nag kakahiwalay pa, gagawin ko ang lahat mapasakin ka lang... Kung kinakailangan kong pumatay, papatay ako para sa'yo... Mapasakin ka lang... Stacy...”
Parang baliw niyang anas sa hangin, nanlilsik ang mga mata niya, tunay na hindi siya basta-basta papayag ng ganoon lang.
To be continued...
K.Y.