Chapter 33: Shocked

2239 Words
Stacy POV “Mr. Painter?” “Ms. Interesting?” Magkasabay na pagkakasambit namin sa isa't isa. Napatitig kami at sabay na natawa, wala sa sariling napatitig ako sa mga taong nakapaligid ko. Lahat sila ay nakatulala at nagtatanong ang bawat mga mata nilang nakatitig sa akin. Natigilan ako, akmang magsasalita na din ako ng biglang nagsalita si lolo. “Oh, you must be wondering what's happening,” natatawa pang sambit ni lolo. Napakamot na lamang ako sa aking batok, nakaramdam ako ng pagkahiya “I met this interesting girl when she happens to stop at my shop, I wasn't expecting it. Akala ko nga kagaya siya ng mga kabataan ngayon, but she's different. At napatunayan ko 'yon ng saglit kaming magkapalitan ng opinyon. She likes painting stuff, which I find it unique and interesting at the same time.” Napakagat-labi ako, ito ang kauna-unahang pagkakataon na may nag compliment sa akin na nakaramdam ako ng hiya. Madalas naman ako noon makatanggap ng compliment, pero hindi gaya ngayon na parang may laman ang sinasabi niya. “What a small world dad,” sambit ng isang lalaki na nasa gilid. Kanina pa siya nakikita ng gilid ng aking mata ngunit hindi ko lang pinagtutuunan ng pansin. And god, he's so handsome... Kuya ba ito ni Dos? Hindi ko namalayang napatitig na ako sa kaniya. Nabalik lamang ako sa wisyo ng marinig ko ang pagtawa ni lolo ng malakas. “Naguwapuhan ka sa anak ko, 'no?”pabirong saad ni lolo. Anak? Kaagad na nanlaki ang mga mata ko ng unti-unti kong mapagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin. Ibig sabihin. Oh god... He's Dos's father?! Nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto, dahan-dahan kong nilingon si Dos, and he's just smiling from ear to ear just like he was expecting me to act this way. Napailing na lamang siya, kasabay ng paghawak niya sa kamay ko. “He's my dad.” natatawa niyang sambit. Mahina akong napasinghap, for real? He is his dad?! Hindi makapaniwala akong napatitig kay Dos, and he just nod his head repeatedly as if he understood me. Narinig ko pa ang mahinhin nitong pagtawa, gosh... Ang guwapo. Sa totoo lang, para kaseng nasa mid thirties lang siya e. Inayos ko ang sarili ko, nakakahiya. Baka mamaya kung ano pang isipin nila sa akin. “O-Opo...” nanginginig ang boses kong sambit. Dahilan para mapatawa ng malakas si lolo. Kaya naman nakaramdam ako ng hiya. Dahan-dahan kong nilingon si Dos, he just held my hands tightly as if he was re-assuring me that everything is okay. Tinitigan ko siya na para bang sinasabi ng mga mata ko ay, 'tulungan mo ako.' Ngunit imbis na seryosohin ay napatawa lamang siya. Nakakainis na ha. “I'm glad that you are my grandson's girlfriend, I know that you're a good woman.” sambit naman ni lolo. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman, kaba, takot, at pananabik. Ang emosyon na naghalo-halo sa akin. “S-Salamat po...” nahihiya kong sambit. “Pfft, Hija? Mukhang natuod ka yata sa kinauupuan mo at tila'y kay tahimik mo.” “Bakit Dad? Hindi ba siya tahimik?” “Baka naman nahihiya lang, Hon.” Napakagat-labi ako ng pagkaisahan ako ng pamilya ni Dos, nasa point na ako ng 'Oh lupa! Ako'y lamunin mo! Ngayon din!' Mangiyak-ngiyak kong sambit sa aking sarili. “Madaldal ang batang iyan, biruin mo at unang pagkikita pa lamang namin madama na siyang naikuwento sa akin.” “Lolo naman...” maktol kong saad. Dahilan para magsi tawanan ang lahat na naroon. Nahihiya ako, pero alam mo 'yun? Magaan ang pakiramdam ko sa bawat isa sa kanila. Ramdam kong mabubuti silang tao. Napangiti na lamang ako sa isiping iyon. “Osiya, Son... Why don't you properly introduce her to us?” mahinahong sambit ng mama ni Dos. Unti-unting humigpit ang pagkakahawak ni Dos sa aking mga kamay, sandali siyang napatitig sa akin. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay napangiti ako ng kaunti kasabay ng dahan-dahan kong pagtango sa kaniya. “Mom, Dad, Papa Lo, and guys... Meet my fiancé.” “Fianće?!” Sabay-sabay nilang tanong. Ito na nga ba ang sinasabi ko e. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko ang naging reaksyon nila. Unti-unting bumilis ang t***k ng puso ko. Kaya naman dahan-dahan akong huminga ng malalim, hindi ako puwedeng maubusan ng hangin dito. Nakakahiya. Ramdam ko ang pagpisil ni Dos sa aking kamay. “Bakit ang bilis naman yata, Son?” “Pfft, as expected to my grandson.” “Dos.” “Kuya, grabe naman?” Sabay-sabay nilang sambit. Halo-halong emosiyon ang nakikita ko sa kanilang mga mukha. May masaya, nagtataka at nag aalinlangan. Gulat ang bumalagtas sa mga mukha nila. “Isa-isa lang, fuck...” “And bibig mo, Kenji Eleanor.” striktong sambit ng mama niya. “Fine, tsk.” “Nag-usap na tayo tungkol rito, hindi ba?” Napaismid lamang si Dos, kaya naman ay kaagad ko siyang pinanlakihan ng mata. He mouthed me, 'what?' Hindi na lamang ako nagsalita ngunit walang emosiyon ko siyang tinitigan. “Tsk, fine. Sorry Mom.” he then said out of nowhere. Kaya naman ay napangiti ako kasabay ng paglingon ko sa pamilya niya ngunit takha itong napatitig sa amin, particularly kay Dos. Why? What's wrong? “Mom? Am I dreaming?” “Mommy,totoo po ba ito?”. “The hell?” “Matthew.” “Oh, sorry Mom. Nagulat lang. It's my first time hearing kuya saying sorry.” Napakagat-labi ako sa narinig. Ano daw? Grabe naman? Nagtatakha akong napalingon kay Dos. Napakamot lamang siya. “Hon? Nabingi ba ako?” “Pfttt, Hahahaha! See? Tignan niyo ang himalang nagagawa ni Stacy sa apo ko. Isang suntok sa buwan ang marinig na mag-sorry si Dos, kaya lahat kami ay gulat ng marinig naming nag-sorry siya.” Napakamot ako sa aking ulo at saka awkward na tumawa ng mahina, “Ah... Hindi naman po, the fact is, he's sweet and at the same time, makulit po. I always hear him saying sorry to me many times...” pahina ng pahina ang boses ko habang sinambit ko ang mga iyon. “Really?” “Opo...” “Bonita....” “What?” Hindi siya mapakali. So does it mean? Hindi siya gano'n dito sa bahay nila? Why not? Iba ba siya makitungo? So all this time... Mariin akong napapikit. He's treating me different, hindi ko alam kung dapat ko ba iyong ikatuwa o ika-kaba... “Hahaha! Nagiging mabuting tao na si Dos, look at him now, he's smitten.” pang-aasar pa ni lolo. Napapikit na lamang ako. “Anyways, I won't question you anymore, Dos and Hija... You're already grown up. You know what is the difference between the good and bad. And one more thing, even if we disagree again with Dos, He won't give a s**t with us. That's how stubborn he is.” Napatitig ako kay Dos. I looked at him and my eyes were telling him that, 'We need to talk later.' “So, Son... What's your plan?” “I'm gonna marry her, Mom...” mahinang sambit ni Dos ngunit batid kong narinig iyon ng lahat ng nasa hapag kainan. “Is that so?” “Sigurado kana ba, Anak?” “Dad...” “You know, marriage life is different from a single life.” “I already know that--” “No you don't, at huwag mong puputulin ang sinasabi ko, pag sinasabihan ka, makinig ka lang.” striktong sambit ng tatay ni Dos. Nagsimula ng gumapang ang kaba sa aking dibdib. Kaya naman ay madiin kong pinisil ang kamay ni Dos na kanina ko pa hawak. Mariin lamang siyang napapikit ng kaniyang mga mata. “Ang pagpasok sa buhay may asawa ay hindi madali, kailangan pinag-iisipan ng milyong beses. Why am saying this to you? I don't want you to do the same mistakes that we did during my time at your age, and you know your lolo's experience there too. We're just preventing it to happen, so pasintabi Hija, sigurado ka na ba sa anak ko?” Gulat akong napatitig sa papa niya, seryosong seryoso ang hitsura nito kaya naman dahan-dahan akong napalunok ng sariling laway. “Dad--” pag-alma ni Dos. Kaya naman hindi ko na siya pinatapos pa. “Opo.” mabilisan kong sagot. Natigilan sila. Naagaw ko ang atensiyon ng lahat. Napatitig sila sa akin. Kaya naman ay ngumiti ako sa kanilang lahat. A genuine smile. This is it, pansit. Kailangan kong lakasan ang loob ko. “Mahal ko po ang anak niyo...” panimula kong sambit. “Bonita...” “I loved him the moment our eyes met, I fall in love again when he rescued me the first time we met each other. I loved everything about him, kaya nga po umabot kami sa ganito kase mahal ko po si Dos...” Napatitig ako sa kanila, tahimik silang lahat. “Alam ko pong biglaan, ipagpaumanhin niyo po ang nagawa namin, ngunit hindi po ako nagsisisi sa kung anong ginawa namin at sa naging resulta dahil mahal ko po si Dos at lahat iyon ay tinanggap ko sa aking sarili bago ko simulan ang kalokohang ito.” “...” “Batid kong hindi kayo maniniwala sa akin, dahil nga naman at kakakakilala pa lamang natin. We don't know each other yet, but I'll say that I won't hurt your son. I love him so much to the point that I can't hurt him. Hindi ko maatim na saktan siya, pangako ko iyan.” “Bonita...” “Madam and Sir, naiintindihan ko po ang ibig niyong iparating sa amin ni Dos, ngunit gaya po ng sabi niyo, malaki na kami. We're adult now. Puwede po bang mahiling ko sa inyo na kung ano man po ang mangyari sa amin at kung ano man po ang maging desisyon namin, sana hayaan niyo po kaming matuto sa sarili naming pagkakamali. Sapagkat walang magandang maidudulot kung kami ay pipigilan po ninyo, sa inyo na po galing, Dos is stubborn like a mule.” “...” “Kami na pong bahala humarap sa lahat, mahirapan man po kami, magkasakitan man po kami, kami na po ang bahalang mag-handle niyon. Ang mahihiling ko lang po ay sana, huwag niyo po kaming hadlangan at huwag niyo po kaming iiwanan...” “Hija...” “Nirerespeto ko po kayo, madam at Sir. Mataas po ang pag respeto ko sa inyo,” Napangiti ang mama ni Dos sa akin. Kaya naman ay bigla akong natameme, ang ganda naman kase at saka alam mo 'yun? 'yung pakiramdam na may kakaiba sa pag ngiti niya. “Now I know why son is smitten on you.” then she said smiling sweetly as she stared at me. “Po?” lutang kong sambit. “You're wise and brave. You didn't know us yet you didn't get scared opening up your thoughts with us, that's what I like. Ayoko ng mga nagtatago at nagkikimkim ng sama ng loob.” “Madam--” “Call me tita, I prefer it.” “Po?” lutang kong ulit na sambit dahilan para sa ikalawang pagkakataon ay nagtawanan sila. Napakamot na lamang ako sa aking ulo. “She's cute though,” sambit ng papa ni Dos. Hindi ko alam kung bakit ako pinamulahan ng pisnge. Kinakabahan ako ng sobra. “Call me Tito nalang,” “And call me Papà.” sambit naman ng lolo ni Dos. “And welcome to family Chan, you're welcome here so feel free to act like it's your own home.” Mangiyak-ngiyak akong napatango sa kanila. Nakakataba ng puso naa ganito ang naging resulta. “S-Salamat po...” tumulo ang luha sa aking mga mata na kanina ko pa pinipigilang bumagsak. “Bakit ka umiiyak Hija? May nasabi ba kaming hindi mo nagustuhan?” Sunod-sunod naman akong napailing sa naging tanong niya. “W-Wala naman po... Na-touch lang po ako sa mga sinabi niyo po...” Nauwi muli sa tawanan ang lahat. And grabe... Ngayon ko lamang ito naranasan, 'yung pakiramdam na may second family ka. Napakasarap sa pakiramdam na maramdaman mong tanggap ka ng pamilya ng taong mahal mo. Uunti-untiin ko nalang na i-close ang mga kapatid niya. “You should stay here one more day, Anak with her... We're camping.” “Again? Saan naman Mom?” “Diyan lang sa pool natin, susubukan namin ni daddy mo 'yung floating movie marathon.” kinikilig na sambit ni tita. Kaya naman ay hindi ko naitago ang pagngiti ko. Si mama kaya? Hindi ko pa nakikitang ngumiti ng ganito si mama. 'yung ngiting in-love. “And of course hindi mawawala ang wine,” kinikilig na sambit pa nito. “Yes mom!” masaya ding sambit ng babaeng kapatid ni Dos. Nawala ang ngiti ko sa labi dahil alam kong hindi ako puwedeng uminom ng kahit anong alcohol. “Kayo nalang Mom, hindi mag-iinom si Stacy --” “Ano?! Hindi puwede iyon! Dapat---” “Mom--” “Son, let them have a girl bond. Minsan lang mag-aya ang mommy mo, you know how kill joy is her.” “I can hear you, Hon.” “What? I'm just telling the truth.” “Tsk, whatever.” Nakakatuwa naman kase para silang teenager haha. “Dad, hindi naman sa pinaghihigpitan ko si Stacy pero kase buntis siya--” “Ano?!” To be continued... K.Y.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD