Chapter 36: Memorable Day

1936 Words
Third Person's POV Everyone is cheering and smiling from ear to ear when they witness the bride is walking on the Aisle. It's as if, it was the best, seeing your loved ones being happy marrying someone they loved. "Oh gosh, ang swerte naman nila sa isa't-isa," "Kaya nga at nakakainggit e," "Sana ako din," "Gosh! Dos is so handsome!" "And he's freaking hot!" Bulungan ng mga kababaihan sa gilid, hanggang tingin na lamang sila, dahil ang lalaking kanilang hinahangaan ay ngayon matatali na sa isang babae. Sa kabila ng pagkakagulo nila ay may isang agaw pansin ng babae, bahagya itong nakatungo ngunit ang mata ay matalim na nakatitig sa dalawang tao. Madiin ang pagkakakuyom ng kamao nito. Sandaling tumulo ang luha sa kaniyang mga mata ng hindi niya namamalayan. 'Dos...' sambit niya sa kaniyang isipan. 'I'm sorry if I couldn't stop loving you... I just can't... Dos...' 'Please, stop torturing my heart... Stop breaking it into pieces... Dos...' Pagmamakaawa niyang sambit sa kaniyang isipan na pakiwari mo ay naririnig siya nito. Obsessed ang babaeng ito. She even manipulate Dos's sister and made her hate Stacy, but looks like it didn't work all. Dahil hinarang siya ng guwardiya gayong hindi naman dapat dahil binigyan siya ng invitation ni Tasha. Ngunit sa situwasyon ngayon ay pakiwari niyang kaagad na nagbago ang isipan ng dalaga. Dahilan para mas magngitngit sa galit ang babaeng iyon. 'We've been together for so how many years... Don't think that I'll give up that easily...' umiiyak niyang sambit sa kaniyang sarili. She couldn't do anything there, all she could do was to stand there and watch her love ones while marrying another woman. It's so painful, to the point that she thinks that all of her strength were sucked by something. Nanlambot ang mga tuhod niya ng matitigan niya ang matatamis na ngiti nito sa labi. Nagpapakita kung gaano kasaya ang lalaking mahal niya sa piling ng ibang babae. She gave everything she had to him, and that's her biggest mistake... She love him even though in the first place she knew that he will not love her. He only see her as his 'f**k buddies,' nothing more, nothing less. Napayuko na lamang siya at tuluyang napaluhod sa lupa, masakit, sobrang masakit sa pakiramdam niya. ____________ “You may now kiss your wife,” nakangiting sambit ng pari sa kanila. Pareho silang napangiti habang mariing nakatitig sa isa't isa, para sa kanila ay ito ang pinakamasayang araw sa buong buhay nila. Dahan-dahan na inilapit ng binata ang kaniyang bibig sa bibig ng kaniyang 'asawa.' Just by thinking that this woman is now his wife, makes him feel something he couldn't explain. It's as if he was smitten by her. Wala siyang pinalipas na sandali bagkus ay dahan-dahan niyang kinabig ang babae ngunit dahan-dahan niyang hinagkan sa noo ang dalaga. Kasabay niyon ay ang mariin na pagpikit niya. Inaasahan niyang sa labi siya nito hahagkan ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hinagkan siya nito sa kaniyang noo. He then smiled and slowly lower his head, and aim for her lips. And slowly, just what she'd expect him to do, he finally kissed her. It was full of tender and care, full of love and their emotions filled their souls. Unti-unting napahigpit ang hawak ng binata sa likod ng dalaga na para bang nanggigigil siya at hindi niya makontrol ang sarili. They both responded to their kisses, Dos wanted to kiss her deeper but they heard everyone was cheering and shouting to them. Everyone is happy and smiling from ear to ear. Sandali silang napatitig sa isa't isa ngunit mabilis ring napatawa, at sabay nilang hinarap ang lahat ng kanilang inimbitahan. Nakita nila ang kanilang pamilya na masaya para sa kanila. They were about to take a step forward towards them but Stacy stopped for a moment. Nahigit niya ang kaniyang paghinga ng makaramdam siya ng kakaibang kirot. Wala sa sariling napahawak siya sa kaniyang likuran. “B-Bonita... A-Ayos ka lang ba?” kinakabahang pagtatanong ng kaniyang asawa. Sa pinaghalong sakit at inis dahil sa pagtatanong ay kaagad na nanlisik ang mga mata niya. “Mukha bang okay ako, Dos?” malamig ang tinig na sambit ng dalaga. Sunod-sunod na napalunok ng sariling laway ang binata sa nakitang reaksiyon ng kaniyang asawa. “Bonita...” Kasabay ng pagsambit niya ng Bonita ay ang biglaang pagkirot muli ng kaniyang tiyan. She felt her baby kicked her stomach. “Oh god, Why now? Gosh...” kinakabahan na sambit ng dalaga. “Bonita––” “Agrrgggghhhh!!!” Hindi na niya napigilan ang pagsigaw ng malakas, dahil doon ay natarantang lumapit ang kanilang pamilya. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa polo na suot ng kaniyang asawa. “Arrrgghhh! Dos manganganak na yata ako! Punyeta ka ang sakit!” muling sigaw ng dalaga. Napaaawang na lamang ang bibig ng lahat ng naroon. Bukod sa pagmumura nito ay nasa loob sila ng simbahan. “Ano pang tinatayo – tayo mo riyan?! Mukha kang tanga! Dalhin mo ako sa hospital ngayon din!” bossy na sambit ni Stacy. She don't give a damn with everyone, all she care was her own self. Parang mapupunit ang pagkatao ng dalaga sa nararamdaman na sakit. Nang matauhan ang binata sa gulat ay mabilis niyang binuhat ang asawa, bagaman na mabilis tumakbo ay naroroon pa din ang pag iingat. “Arrgghhh! Dos!!” “Bonita... Calm down–” “Huminahon? Tingin mo hihinahon ako sa sobrang sakit ng buong katawan ko? Palit kaya tayo ng katawan ngayon mismo!” Hindi niya na lamang pinansin ang sinambit nito, bagkus ay nagpatuloy siya sa pagtakbo. She couldn't help but to admire him, sadyang napaka composed at kalmadong tao nito, ngunit... Sa panlabas lamang iyon, sa loob-loob ng binata ay halos magwala na ang kaniyang sistema. Natataranta din siya, ngunit mas pinipili niyang huwag na lamang iyon ipakita. 'Looks like the day of our marriage is the day of the birth of our child...' ____________ “Sige pa! I-ire mo pa, Misis!” Malakas na sigaw ng doktora sa kaniya, mabilis siyang naisugod ni Dos sa hospital. At heto nga at na anunsyo na ngayon din ang araw ng kaniyang panganganak. It so sudden, halos lahat ng doctors at nurses ay gulat dahil sa biglaan niyang panganganak, bagaman na ngayong buwan ang due date niya sa panganganak. “Arrrghhhh!” Malakas na umire ang dalaga, nakasuot pa siya ng gown, ngunit wala ng oras para makapagbihis pa dahil nais ng lumabas ng bata sa kaniyang sinapupunan. Habol ang hiningang napatitig sa kisame ang dalaga, kinakapos siya ng hininga, pakiramdam niya ay anumang oras mawawalan siya ng malay. Malalim siyang huminga. “Misis, kayanin niyo... Kaunting push pa po, malapit nang lumabas ang bata...” She then closed her eyes. Mariin siyang nakapikit habang madiing nakakapit sa bedsheet na kinahihigaan niya. Parang mababaak ang kaniyang likuran sa sobrang sakit at kirot. 'I don't want to experience this pain again... Dos! Ayoko na... sasakalin kita pag pinilit mo pa ako!' She then said between her thoughts. _______ Samantala ay halos mahilo ang lahat ng taong nasa waiting area dahil sa kakapabalik-balik ng binata. Paroon at parito. “Dos, anak ano ba? Maari bang maupo ka at mag relax?” inis na sambit ng kaniyang ina. Ngunit nanginginig ang kamay niya, dahan-dahan siyang napatitig sa kaniyang ina na ngayon ay yamot na yamot na nakatitig sa kaniya. “How could I relax, Mom? My wife is inside of that goddamn operating room and currently giving birth to my child, how could I relax when I can clearly hear her loud shouts out of the pain she's feeling?” nanginginig ang tinig niyang sambit. “A-Anak...” “M-Mom... I-I'm worried... W-What if...” “Pull your shits together, Son. She'll be okay, just trust your wife. She'll make it.” Mariin siyang napapikit ng kaniyang mga mata, kahit anong sabihin nila ay hindi niya kaya dahil hindi niya maiwasan ang kabahan at matakot ng ganito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam siya ng takot. Sobrang takot na baka mabaliw siya... Kung mawawala ang asawa sa kaniya. Nakasuot pa ito ng groom's outfit. Habang tahimik naman na nakamasid ang ina ng kaniyang asawa. Nakangiti ito habang nakatitig ng mariin sa kaniya. Seeing his reactions makes her feel assured, she then knew that her daughter is in the good hands. Isa lamang ang hiling niya, at iyon ay ang mapunta sa tamang lalaki ang anak niya. Ayaw niyang magaya pa ito sa kaniya, sobrang hirap maging single parent. Ayaw niyang maranasan pa ng kaniyang anak ang hirap at sakit na naranasan niya, nakakabaliw ang pakiramdam niyang iyon. Mabuti na lamang at nariyan ang dalawa niyang anak upang maging inspirasyon niya. Isang malakas na pag iyak ng sanggol ang bumasag sa katahimikan na bumabalot sa kanila. Lahat sila ay natigilan, unti-unting sumilay ang galak at tuwa sa kanilang mga mukha. Mababasa mo sa kanilang mata ang kakaibang saya. Nagpatuloy ang pag-iyak ng sanggol ngunit malakas na napasuntok sa hangin ang binata. It's a success for them. Hindi napigilan ng binata ang pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata. Hindi matutumbasan ng kahit ano ang kakaibang saya na nararamdaman niya ngayon. Akala nila ay matatapos na ang operasyon ngunit sabay-sabay silang nagtakha ng hindi pa ito nagbubukas. _________ Maginhawang napangiti si Stacy, finally... She gave birth to a son. Lalaki ang kaniyang anak. But when she's about to feel at ease when she felt extremely pain... Again. Kaagad na nanlaki ang mata niya ng mapagtanto. Another one... Napasinghap siya at kaagad na naiwang bukas ang bibig niya. “Misis, hindi pa tapos may isa pang bata sa sinapupunan mo...” Hindi niya lubos maisip na kambal ang magiging anak niya, she refused to know the gender of her child, she want to know when she already gave birth. She's not expecting that she's having a twins. “Another one, ire pa misis, ire pa!” _________ Everyone who's outside the operating room was filled with confusion on their eyes. But then minutes later, they heard her shouts in pain again. Dos was about to go inside when they heard another's baby's crying. Nanigas sa kinatatayuan ang binata sa napagtanto, he's having twins... Wari mo ay natuod siya sa kaniyang kinatatayuan, hindi niya magawang kumilos. Samantala ay nagsisisigaw sa tuwa ang lahat ng naroon dahil sa nalaman. Nasa ganoong situwasyon sila ng biglang lumabas ang doctora. Kaya naman ay napatahimik silang lahat. “The baby is healthy, and the patients is asleep. Everything is okay, she just needs to rest.” Sabay-sabay silang napahinga ng maluwag. “She have a twin. A boy and girl, what a lucky parents. It's rare to have a boy and girl twin.” Mariing napapikit ng mata ang binata, hindi niya napigilan ang luha sa pagbagsak nito. “Thank you so much, Doc... We thank you sincerely.” “My pleasure, we're just doing our job. alright, if you don't have any question, I'll excuse myself then.” Sambit nito kasabay ng pagtalikod nito sa kanila at naglakad palayo. “Thank god, shit... I thought something would happen to her...” nakahinga niyang malalim na sambit. “We have a twins grandchildren, balae.” “Aba'y magaling ang anak mo, sharp shooter yata yan e...” pagbibiro ng ina ng dalaga. Lahat ay nagtawanan ng malakas dahil sa sinambit ng ina ng dalaga. One thing is for sure. Their children got married and at the same time Stacy gave birth to a baby. Not just one, but a twin. 'What a memorable day.' To be continued... K.Y.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD