Chapter 6 -May anak?-

2030 Words
────⊱⁜⊰──── Habang naglalaro ng bola si Alexa ay tumalbog ang bola niya sa loob ng hacienda ni Senior Duncan. "Lolo 'yung bola ko po napunta duon!" ani niya sa kanyang lolo na busy namang nagkakarga ng mga gulay at prutas sa jeep. "Kukuhanin ko na lang, pero saglit lang apo at ikakarga ko lang ang mga ito sa sasakyan." sagot naman ng lolo niya. Napatingin si Alexa sa nakabukas na malaking gate. Nilingon niya ang kanyang lolo at muli siyang sumigaw. "Lolo, kukuhanin ko na po 'yung bola ko ha." sigaw niya na hindi na narinig pa ng lolo niya dahil biglang kumulog ng malakas. Napatingin naman si Alexa sa kalangitan at nakita niya na madilim na ang kalangitan dahil sa paparating na ulan. Tumingin ulit siya sa lolo niya at pagkatapos ay nagmamadali siyang pumasok sa loob ng malaking gate. Nagtatakbo siya sa loob at nagsimulang hanapin ang bola niya. Walang kamalay-malay si Alexa na isinara na ang malaking gate dahil sa nagbabadyang malakas na ulan. "Nasaan ba 'yung bola ko? Baka hinahanap na ako ni lolo." ani niya sa sarili niya pero hindi pa rin niya makita ang bola niya. Nakarinig siya ng kaluskos kaya sa sobrang takot niya ay nagtatatakbo siya palayo. Bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan kaya hindi na malaman ni Alexa ang kanyang gagawin. Basang-basa na siya kaya nagtago siya sa ilalim ng malaking puno at nagsimulang umiyak ng umiyak at tinatawag ang mama niya. "Mama! Mama nandito lang po ako! Tulong!" malakas niyang sigaw ngunit dahil sa lakas ng buhos ng ulan at sa walang tigil na pagkulog ay walang nakakarinjg ng kanyang pagsigaw. Hindi naman kalayuan ay mabilis na tumatakbo ang pamangkin ni Senior Duncan na walang iba kung hindi si Alexander Montesalvo upang isara ang bintana ng kanyang sports car. "Shiiit! Bakit ba nakalimutan ko itong isara kanina!" sigaw niya at mabilis na itong pumasok sa loob ng kanyang sasakyan at isinara ang bintana. Paglabas niya ng kanyang sasakyan ay tatakbo na sana siya ng may marinig siyang tila may batang umiiyak. Napakunot ang noo niya at binalewala na lang niya ito, ngunit muli niyang narinig ang impit na pag-iyak ng isang bata kaya kahit basang-basa na siya ng ulan ay pinuntahan niya ang lugar kung saan niya naririnig ang iyak ng isang bata. Ganuon na lamang ang gulat ni Alex ng makita niya ang isang batang basang-basa na at iyak ng iyak na tila ba nangangatog sa sobrang lamig. "What the hell! What are you doing here?" ani niya at hindi na siya nagdalawang isip na buhatin ang bata pero nagulat siya ng bigla na lamang nawalan ng malay ang bata kaya tumakbo na siya papasok sa loob ng malaking bahay. "Uncle! Uncle, help me!" malakas niyang sigaw. Mabilis namang lumapit sa kanya ang kanyang tiyuhin at ganuon na lamang ang gulat niya ng makita ni Senior Duncan na may kalong na bata ang kaniyang pamangkin. "Alex, sino ang batang 'yan?" naguguluhang tanong ni Senior Duncan sa kanyang pamangkin. Maingat na ibinaba ni Alex ang bata sa sofa at agad na nag-utos sa kasambahay nabihisan ang bata ng kahit na anong damit. "Nawalan siya ng malay at nilalamig ang buo niyang katawan." ani ni Alex. Mabilis na tumakbo si Alex sa banyo at kumuha ng tuwalya at pagbalik niya ay binalot niya ang bata upang kahit papaano ay mabawasan ang panlalamig ng katawan nito. "Panginoon ko eh anak ho 'yan ni Lovi sa kabila! Nakupo baka iyak na ng iyak ang batang 'yon kakahanap sa anak niya!" ani ng kasambahay nila. Wala naman silang magawa dahil napakalakas ng ulan upang puntahan ang ina ni Alexa at ipaalam sa mga ito na nasa kanila ang bata. "ANG SABI KO BIHISAN ANG BATA!" malakas na bulyaw ni Alex na ikinagulat ng kasambahay at mabilis na umakyat sa itaas ulang ikuha ng kahit na anong pwedeng maisuot si Alexa. Mabilis namang nilapitan ni Senior Duncan ang bata, binuksan niya ang talukap ng mata nito at bahagya siyang nagulat at tinignan ang mukha ni Alex na nakatunghay lang sa kanila. "She'll be okay, nawalan lamang siya ng malay dahil sa takot." ani ni Senior Duncan kaya napatango si Alex. "Napakagandang bata! Ang kulay ng mata niya ay katulad ng kulay ng mga mata mo hijo, abuhin din at bakit parang nakikita ko sa kanya ang wangis mo ha Alex?" ani sa kanya ng kaniyang tiyuhin. Hindi naman kumikibo si Alex dahil kanina pa niya tinititigan ang bata. Ito ang batang kumaway sa kanya nuong isang araw. Maging siya ay iyon ang napansin niya nuong una niya itong makita. "Kilala mo ba ang ina ng batang 'yan? Hindi kaya..." ani sa kanya ni Senior Duncan na mabilis na pinutol ni Alexander kung ano man ang sasabihin nito. "Uncle, kung iniisip ninyo na anak ko 'yan ay nagkakamali ho kayo dahil kahit kaylanman ay wala pa akong pinunlaan ng aking semilya. Wala akong plano at wala akong balak. Nakita ko na ho ang ina niya, kaylanman ay hindi ko pa nakita ang babaeng 'yon nuon kaya ang sagot ko ay hindi ko kilala." ani niya. Tumango na lamang ang kaniyang tiyuhin pero si Alex ay hindi maalis ang tingin sa bata dahil kanina pa siya ginugulo ng kaniyang isipan. Kanina ng binuhat niya ang bata ay may kung anong damdamin siyang naramdaman na hindi niya maipaliwanag. May kung anong damdamin na tila ba biglang nabuhay sa kanyang pagkatao na matagal na niyang inilibing sa limot ang nagnanais na kumawala sa kaibuturan ng pagkatao niya. "Kung buhay lamang ang iyong ina ay..." Galit na pinutol ni Alex ang sasabihin ng kaniyang tiyuhin. "DON'T MENTION HER!" sigaw nito. Isang malalim na buntong hininga lamang ang pinakawalan ni Senior Duncan at hindi na ito kumibo pa sa kanyang pamangkin. Si Senior Duncan ay nag-iisang kapatid ng kanyang ama. Matandang binata ito dahil ang babaeng ninais niyang pakasalan ay pinagtaksilan siya, kaya isa din ito sa nagdadagdag ng dahilan kay Alexander kung bakit tuluyan ng nawala ang tiwala niya sa mga babae. Para sa kanya, ang lahat ng babae ay katulad lamang ng kanyang ina at ng dating fiancée ng kaniyang tiyuhin na matapos makahuthot ng pera ay bigla na lamang naglaho. Isang araw ay nakita na lamang nila ang dating kasintahan ni Senior Duncan na may sarili ng pamilya. Huminga ng malalim si Alex at nagpunta ng bar at nagsalin ng alak sa isang kopita. Tinungga niya agad ito at naupo sa bar stool at muling nagsalin ng alak. "Manang! Tanungin mo si Lando kung sino ang nagpapasok sa batang 'yan sa loob ng bakuran." galit na sigaw ni Alex. "Galit ka na naman hijo." ani ng tiyuhin ni Alexander. "Alam nila na ayoko sa lahat ng may batang nakakapasok dito sa loob ng Hacienda ko tito. Ang titigas ng ulo nila!" galit na sigaw ni Alex. Hinagod naman ni Senior Duncan ang likod niya upang pumayapa at kahit papaano ay mawala ang galit. "Anyway hijo, may sakit ang dalawang kabayo, bukas pa mapupuntahan ng vet." ani nito sa binata. "Kayo na ho ang bahala uncle, sa inyo ko naman ho pinagkatiwala ang pamamahala ng haciendang ito." wika niya at tumango lamang ito. "Nabihisan ko na ho ang bata, hindi na ho siya masyadong giniginaw." ani sa kanila ng kasambahay. Tumayo naman si Alex at tinungo ang napakalaking salas at nilapitan ang walang malay na bata. Binuhat niya ito at iniakyat sa itaas. "Manang, kapag medyo tumila ang malakas na ulan, kayo na ang bahalang pumunta sa mga magulang ng batang ito. Daldalhin ko lang sa itaas upang makapagpahinga ito ng maayos at duon mo na lang dalhin ang magulang niya. Paalisin ninyo agad kapag nakuha na ang anak nila. " wika niya. "Uncle magpapahinga lang ho muna ako. Sabihin n'yo ho sa kanila na sila na ang bahala sa batang ito. Kuhanin na lang nila sa guest room. Sila Evo parating pero baka nagpatila muna sila ng malakas na ulan." dagdag nya pang ani. Tumango na lamang ang tiyuhin ni Alex kaya nagtungo na si Alex sa isang guest room na malapit lang sa kanyang silid. Maingat niyang ibinaba ang bata sa kama. Kinumutan niya ito at pagkatapos ay naglakad na siya palabas ng pinto ngunit napahinto siya ng marinig niya ang ungol ng bata. Biglang pihit si Alex at tinitigan ang bata na gising na at nakatingin sa kanya. "Papa." wika ng bata na ikinagulat ni Alexander at hindi makakibo sa kanya. Nakatitig lamang si Alexander at ang pagtibok ng kanyang puso ay tila ba sasabog na sa lakas nito ng marinig niya ang pagtawag sa kanya ng bata ng Papa. "Pa-Papa?" gulat niyang ani. Kinusot ng bata ang kaniyang mga mata at muli nitong tinitigan ang binatang naguguluhan. Bumaba si Alexa at ganuon na lamang ang gulat nito ng makita na may suot siyang damit ng isang panlalake. "Uhm, dati kong mga damit 'yan dito, buti nga buo pa, itinabi ko 'yan dati dahil masyadong mahalaga ang mga 'yan sa akin dahil..." hindi na naituloy pa ni Alex ang sasabihin niya kay Alexa. 'Bakit ba ako nagpapaliwanag sa batang ito?' bulong niya sa kanyang sarili. Tatalikod na lamang sana siya ng bigla siyang niyakap ng bata sa kanyang binti na ikinagulat niya. Hindi siya sanay ng ganito dahil ang katunayan ay ayaw niya sa mga bata, pero bakit hindi niya magawang singhalan ang batang ito katulad ng ginagawa niya sa mga batang naliligaw sa loob ng hacienda niya? "Wala po akong papa, gusto ko ikaw na lang ang papa ko. Paliligawan kita sa mama ko, tapos sagutin mo agad siya ha para may papa na ako." ani ni Alexa na ikinalaki ng mga mata ni Alexander. "Hindi mo ba nakilala ang tatay mo?" tanong ni Alexander. "Hindi po, wala naman po akong papa. Kami lang ni mama magkasama saka si tito, si lolo at si lola. Kami lang po at wala po akong papa. Gusto ka po ng kapitbahay namin, 'yung nanay po ng kalaro ko. Liligawan ka daw po niya, huwag n'yo po sasagutin ha, si mama na lang po ang sagutin ninyo para may papa na ako," ani niya na ikinatawa ni Alexander ng mahina. "Sorry, wala akong balak mag-asawa," wika ng binata kay Alexa kaya sumibangot ang mukha nito. "Ano ba ang pangalan mo ha?" tanong ni Alexander. "Alex po, Alexa Sanchez po." wika ni Alexa at kahit medyo utal ang pagkakasabi nito ng apelyido niya ay naiintindihan naman ito ni Alexander. Ang mga titig ni Alexander kay Alexa ay hindi niya inaalis sa mukha ng bata. "Sanchez," maya't maya niyang bulong habang titig na titig sa bata at tila may pilit itong inaalala sa apelyidong Sanchez. "Damn it!" mura niya ng mahina habang nakasabunot na ang dalawa niyang kamay sa kanyang ulo at naglalakad na animo ay lagari. Mabilis niyang kinuha ang kanyang telepono at hinanap niya ang numero ng kanyang sekretarya. "Ano nga ulit ang pangalan ng sinasabi mong tinulungan ko sa hospital at nagbayad ako ng isang daang libong piso, that was five years ago." wika niya sa kausap. Nang sabihin sa kanya ng kanyang sekretarya ang pangalan ng batang 'yon ay halos maibato niya ang kanyang telepono. Tinitigan niyang muli ang mukha ni Alexa at pagkatapos ay iiling na naman siya. Kinuha niyang muli ang telepono niya at tinawagan naman sila Evo at Jeffrey na nagpapatila daw ng malakas na ulan sa isang mall dahil madulas ang kalsada. "Hurry! May natuklasan ako pero hindi pa ako sigurado. Bilisan ninyo dahil tungkol ito sa batang kamukha ko." wika niya at pagkatapos nilang mag-usap ay muli niyang nilapitan si Alexa. "Uhm, may kakilala ka bang Eugene Sanchez?" tanong niya. "Ayy! Kilala po pala ninyo ang Tito Eugene ko?" bibong tanong naman ng bata na tuwang-tuwa ng marinig niya na tinanong ni Alexander ang pangalan ng kanyang tiyuhin. Parang bigla na lamang huminto ang inog ng mundo ni Alexander ng marinig niya ang isinagot sa kanya ng bata. Hindi niya malaman ang kanyang gagawin dahil ngayon pa lang ay nakakasiguro na siyang anak niya ang batang nasa harapan niya ngayon. Ngayon pa lang ay kilala na niya kung sino ang babaeng nakasama niya ng magdamag ng gabing 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD