Chapter 7 -Ang katotohanan-

1537 Words
────⊱⁜⊰──── Halos mawalan na ng ulirat si Lovi kakaiyak dahil sa sobrang takot na nararamdaman niya dahil nawawala si Alexa. "Nasaan ang anak ko nanay? Panginoon ko nasaan ang anak ko?" sigaw niya habang yakap siya ng kanyang kapatid at ina. "Anak huminahon ka muna, hinahanap na siya ng iyong ama at ng mga kaibigan ng ama mo. Magbihis ka muna anak at kanina ka pa basang-basa ng ulan. Baka magkasakit ka," wika ng kanyang ina ngunit hindi siya pinapansin ni Lovi dahil iyak lamang ito ng iyak dahil hindi niya malaman kung nasaan ang kaniyang anak. "Ate makinig ka muna kay nanay. Baka magkasakit ka pa, basang-basa ka," wika naman ng kapatid niya. Nangangatog na nga ang katawan ni Lovi dahil sa lamig. Sumugod siya kanina sa labas kahit malakas ang ulan upang hanapin ang kaniyang anak. Wala na rin siyang nagawa ng iginiya na siya ng kanyang ina sa kanyang silid upang makapagpalit ng damit. Hindi naman nagtagal ay malakas na sigaw ang narinig nila sa ibaba kaya nagmamadali nilang tinungo ang unang palapag. "Aling Midred, napasugod po yata kayo sa gitna ng malakas na ulan?" ani ni nanay sa kasambahay ni Senior Duncan. "Naku ineng, kanina pa nga dapat kaya lamang ay napakalakas ng ulan. Nagkakagulo kasi sa mansion ni Senior," ani niya na ikinagulat naman nila Lovi. Wala naman kasi silang kinalaman sa gulong 'yon, bakit kailangan silang puntahan ni Aling Midred. Pinapasok nila ang kasambahay dahil nababasa na ito ng ulan. May dala naman itong malaking payong pero dahil nga sa lakas ng ulan ay nababasa pa rin ito. "Naku eh, ano naman ang kinalaman namin sa gulo nila? Heto nga at kanina pa kami natataranta sa kakahanap sa apo ko," wika ng ina ni Lovi na hindi malaman ang gagawin. Si Lovi naman ay wala pa ring tigil sa pag-iyak kaya namamaga na rin ang mga mata nito. "Kaya nga ho ako nandito dahil sa apo ninyo. Nanduon siya sa hacienda dahil pumasok siya sa bakuran ni Senior. Buti na lamang at nakita siya ni Sir Alex kaya naipasok siya sa loob ng malaking bahay. Pinapatawag nga ho kayong lahat dahil nagkakagulo sila duon. May natuklasan daw ho si Sir Alex tungkol sa bata. Kung anuman ho 'yon ay hindi ko alam," wika ni Aling Midred sa kanila. Parang itinulos si Lovi sa kinatatayuan niya ng marinig niya ang sinabi ng kasambahay ng hacienda. "Ho? Nanduon ang anak ko? Nagkakagulo sila? Alex? Alex po ang pangalan ng pamangkin ng amo ninyo?" takot na takot na ani ni Lovi sa kasambahay. "Oo hija, si Alexander Montesalvo," ani niya na tuluyan ng ikinalambot ng tuhod ni Lovi. Buti na lamang ay sa sofa siya bumagsak. Lahat ay nataranta, lahat ay naguguluhan kung ano ba ang nangyayari kay Lovi. Maging ang ina niya at kapatid ay naguguluhan sa mga nangyayari. Kilala ba ng anak niya kung sino ang Alexander Montesalvo na 'yon? "Ate anong nangyayari sayo ha?" nag-aalalang ani sa kanya ni Eugene. "Nanay, nanay puntahan na po natin si Alexa. Iuuwi ko na siya dito, ayokong magtagal siya duon. Tulungan ninyo akong ilayo ang anak ko kay Alexander Montesalvo. Please nanay tulungan ninyo ako," umiiyak na ani ni Lovi sa kanyang ina habang nakayakap ito ng mahigpit. Nasa ganuong tagpo sila ng dumating naman ang kaniyang ama at nagulat sa dinatnan niya. "May nangyari ba sa apo ko ha?" malakas na sigaw ng kanyang ama. "Hija, totoo ba ang mga narinig ko sa kanila? Ayoko sanang magsalita pero sa bibig mo na nanggaling," ani ni Aling Midred. Makikita sa mukha ng mga magulang ni Lovi ang pagtataka. Naguguluhan sila sa kung ano ang ibig ipahiwatig ng kasambahay ni Senior Duncan. "Narinig ko na si Sir Alex daw ang ama ng bata. Totoo ba 'yon hija? Nagkakagulo sila sa loob ng mansion dahil sa natuklasan nila kay Alexa. Kaya ba Alexa ang ipinangalan mo sa kanya dahil kay Alex?" Lahat ay natulala maliban lamang kay Lovi na umiiyak pa rin. Hindi siya makasagot pero sapat na 'yon upang malaman nilang lahat na totoo ang tinuran ni Aling Midred. "Panginoon ko!" ani ng ina ni Lovi na hindi makapaniwala. Mabilis namang tumayo si Lovi at nagtatatakbo sa labas at hindi na inalintana ang malakas na ulan. Kahit na anong tawag sa kanya ng kanyang mga magulang ay hindi na niya pinansin ang mga ito. Mabilis lamang siyang tumatakbo upang puntahan ang kinaroroonan ng kaniyang anak. Sumunod naman agad sa kanya ang kaniyang ama at ina maging ang kaniyang kapatid ay sinuong na rin ang malakas na ulan. Pagkapasok niya ng bakuran ay mabilis siyang sinalubong ni Mang Lando at iginiya papasok sa loob ng mansion. Ang lahat ay natahimik ng makapasok na si Lovi. Ang isang kasambahay naman ay mabilis na umakyat sa itaas upang ikuha siya ng tuwalya dahil basang-basa ang dalaga. "Mama! May Papa na ako. Sabi mo wala akong Papa, pero may Papa ako dahil sabi niya, siya daw po ang Papa ko," tuwang-tuwang ani ni Alexa. Tatakbuhin na lamang sana ni Alexa si Lovi ng bigla itong pigilan ni Alex at kinalong ang bata. "Pupuntahan ko po si Mama ko," ani ni Alexa na tila naiiyak na. Nakatitig lamang si Alexa sa kaniyang ina habang ang dalawa nitong kamay ay iniaabot kay Lovi. "Mama, kuhanin mo na po ako mama," ani ni Alexa sa kanya at tuluyan ng nalaglag ang luha ng bata dahil sa takot. "Akina ang anak ko, uuwi na kami ng anak ko," takot na ani ni Lovi at ng magtangka siyang lumapit ay pinigilan siya ng mga bodyguards ng binata. Napatingin naman ang dalaga sa kanyang anak na natatakot na dahil sa mga nangyayari. Wala siyang magawa at natatakot siya na malaman ni Alexander na ito ang tunay na ama ng kanyang anak dahil alam niya ang kapangyarihan ng mga mayayamang tao kumpara sa kanilang mahihirap. "Kailangan naming mag-usap ng iyong ina. May dapat siyang sabihin sa akin. Anak ko ba ang batang ito? Alam mo na kaya kong patunayan kung anak ko ba ito o hindi. Nakakuha na ako ng sample para ipa DNA test. So, Tatanungin ulit kita. Anak ko ba ang batang ito?" ani ni Alexander. Nagdatingan naman ang mga magulang ni Lovi at kapatid. Makikita sa mga mata ni Eugene ang matinding galit para sa binata. "Huwag mong sagutin ate, kuhanin mo na si Alexa at uuwi na tayo," ani Eugene ngunit tumayo naman sa harapan nila Alexander ang mga bodygurads nito. "ANAK KO BA ANG BATANG ITO?" malakas na sigaw ni Alexander na ikinapalahaw ng iyak ni Alexa kaya maging si Lovi ay humagulgol dahil gusto niyang aluin ang kaniyang anak. "Oo! Oo anak mo si Alexa! Pero akin siya, akin lang ang anak ko!" malakas na sigaw ni Lovi at tuluyan na itong napaluhod kakahagulgol niya. "Akin lang ang anak ko, akin lang si Alexa. Ibalik mo sa akin ang anak ko nakikiusap ako sayo," wika ni Lovi habang walang patid itong umiiyak. "Manang Mildred, iakyat na ninyo sa itaas ang anak ko. Kukuhanin ko sa kanila ang anak ko dahil higit sa lahat ako ang may karapatan at ako lang ang may kayang magbigay ng magandang buhay sa kanya," ani ni Alexander at iniabot na nito ang nagwawalang si Alexa kay Aling Mildred. "Ayoko! Salbahe ka! Ibalik mo ako sa mama ko. Ayoko na sayo! Ayaw na kitang maging papa! Mama! Mama tulungan mo ako, mama!" malakas na sigaw ni Alexa habang walang patid din itong umiiyak. "Hayop ka! Ibigay mo sa kapatid ko ang anak niya! Ipapapulis namin kayo at kakasuhan namin kayo ng kidnapping," galit na sigaw ni Eugene sabay sugod nito kay Alex ngunit hinarang siya ng mga bodyguards ng binata kaya wala din siyang magawa. Nagwawala naman ang ama ni Lovi habang may hawak itong itak ngunit katulad ni Eugene ay napigilan ito ng mga tauhan ng hacienda at naagaw sa kanya ang hawak nitong itak. "Ibalik mo sa akin ang anak ko! Hayop ka ibalik mo sa akin ang anak ko! Alexa! Anak ko nandito na si Mama," malakas na sigaw ni Lovi habang malakas itong sumisigaw. "Naipadala na namin ang sample ng DNA naming dalawa sa family doctor namin kanina at bukas ng umaga ay hawak ko na ito. Tumawag kayo ng pulis, hindi kami natatakot sa banta ninyo. Matagal ninyong inilayo sa akin ang anak ko. Kung hindi pa siya naligaw dito hindi ko pa malalaman na may anak pala ako. Kukuhanin ko sa inyo ang anak ko dahil mula ngayon, ako na ang magpapalaki sa kanya," wika ni Alex sa kanila. Nagwala namang bigla si Lovi dahil sa galit na nararamdaman niya. Hindi siya makapaniwala na mangyayari ang araw na ito na malalaman ni Alex ang tungkol sa kanilang anak. "Napakasama mo! Hindi ako papayag na makuha mo ang anak ko! Hindi ako papayag na sayo mapupunta ang anak ko. Mamatay muna ako bago mo tuluyang maagaw sa akin ang anak ko!" sigaw ni Lovi sa kanya habang wala itong patid na umiiyak. "Then die." ani ni Alex na walang kagatol-gatol. Muling nagwala si Lovi hanggang sa hindi na niya kinaya pa ang lahat ng sakit na nangyayari sa kanya ngayon kaya unti-unti na lamang itong nawalan ng malay tao.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD