Chapter 5 -Kamukha daw-

1516 Words
Alex POV Tahimik lamang ako habang nagsasalita ang mga kaibigan ko na si Evo at si Jeffrey. Nakikinig lamang ako sa mga sinasabi nila sa akin pero hindi ko naman sila sinasagot. Aaminin ko na mula ng makita ko ang mukha ng batang 'yon ay hindi na rin maalis sa isipan ko kung bakit may pagkakahawig kami. Kung tutuusin ay hindi lang basta pagkakahawig, malaki ang pagkakahawig naming dalawa. Nakita ko naman ang ina ng bata at sigurado ako na hindi ko pa nakita ang babaeng 'yon at sa pagkakaalam ko ay matagal na silang naninirahan dito sa kabilang lote. Sila ang nagmana ng gulayan at prutasan na naiwan ng matandang 'yon ng mamatay ito. Kilala ko din ang sarili ko, hindi ako basta-basta pumapatol sa babae ng ganoon na lang. Kung sa tipo ng babae ang pag-uusapan ay sigurado ako sa sarili ko na hindi siya ang tipo ko. "Maniwala ka pre, kamukha mo talaga ang batang 'yon. Kung hindi lang kita kilala pagdating sa mga babae, masasabi ko na anak mo talaga ang batang 'yon." ani sa akin ni Jeffrey na ikinatawa ko ng peke. Napapailing na lamang ako sa sinasabi nila at natatawa dahil pati ang kalokohang 'yon ay naiisip pa nila. Hindi ko rin kilala ang ina ng bata. Oo nga't maganda siya pero hindi ang tipo niya ang kinakama ko. Hindi ang tipo niya ang bubuntisin ko at wala akong balak na mambuntis ng kahit na sinong babae. "Naaalala ba ninyo ang sinabi ni Spike ha? Five years ago, sinabi ni Spike na may dinala kang babae sa silid mo sa loob ng bar mo. Ganuon din ang sinabi ng mga empleyado mo ng gabing 'yon ng dumating kami ni Evo sa bar mo. Hindi na lang kami tumuloy nuon dahil inakala namin na alam mo ang nangyayaring 'yon." ani ni Jeffrey sa akin. Naaalala ko ang nangyari sa akin ng kinabukasan na 'yon ng magising akong walang saplot sa private room ko sa bar. "Pwede ba! Wala sa hitsura ko ang papatol sa ganuong klase ng babae. Kilala ninyo ako kapag ako ang pumili ng babae, sisiguraduhin ko na napakaganda nito at hindi kung saan-saan pinupulot." ani ko. "Bihisan mo ang babaeng 'yon, ayusan lang ang babaeng 'yon at alagaan, ang sinasabi mong napakagandang mga babae ay walang sinabi sa mukha ng ina ng batang 'yon. Napakaganda nya Evo, kung makikita ko lang ulit ang babaeng iyon ay ituturo ko sa iyo para malaman mo ang ibig kong sabihin. Ang suot niyang lumang damit, at ang pagkakapusod niya ng messy bun. Tanggalin mo lahat 'yan, bihisan ng maganda at suklayin, ang mga ipinagmamalaki ninyong mga babae ay walang sinabi sa kanya. Trust me!" ani ni Jeffrey. "Kapag naman nakita natin ang babaeng 'yon, bakit susuotan ko pa ng damit kung pwede ko namang panatilihin siyang nakahubad sa tabi ko hindi ba?" ani ni Evo at malakas silang tumawa. Hindi naman ako kumibo dahil wala naman akong pakialam sa ina ng batang 'yon dahil sigurado naman ako na never ko pa siyang nakita nuon. "FLASHBACK' "Ang sakit ng ulo ko. s**t, naparami yata ang naiinom ko kagabi." wika ko. Bigla akong napatingin sa aking paligid at ganuon na lamang ang gulat ko ng wala akong saplot sa aking katawan ng kahit na ano. Napatingin ako sa kama at panibagong gulat ang naramdaman ko ng makita ko ang mga bahid ng dugo na nagkalat sa sapin ng kama at sa kumot kaya alam kong hindi ako nag-iisa kagabi. Tumingin ako sa paligid ngunit ako na lang ang mag-isa dito at kung sino man ang nakasama ko sa magdamag ay siguradong nakaalis na. "Shiiit! Sinong kasama ko kagabi dito at bakit hindi ko maalala na nagdala ako dito ng babae? Mukhang nakadali pa ako ng virgin." ani ko sabay ngisi ko ng malaki. Mabilis akong tumayo at nagtungo ng banyo upang maligo pero natigilan ako ng pagtayo ko ay nakita kong may bahid ng dugo ang pagkalalake ko. Napamura ako ng malakas dahil ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang ipupunla ko ang semilya ko sa isang babae. Ito ang katunayan na hindi ako gumamit ng proteksyon sa kung sino man ang nakasama ko kagabi. Wala akong balak dahil wala akong tiwala sa mga babae. Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako ng silid at inabutan ko si Spike na nakaupo sa VIP area ng bar ko. "Bro, mukhang sulit na sulit ka kagabi ha! Maganda ang kasama mo kagabi, batang-bata baka eighteen pa lang 'yon. Tinanong ko nga ang mga empleyado mo ang sabi lang nila ipinahanda mo ang iyong silid." ani niya na ikinanuot ng aking noo. "Nagproteksyon ka ba? Baka naman magulat ka na lang at may kumakatok sa bahay mo para ipaako sa iyo ang bata." pang-aasar ni Spike sa akin. "Kaylanman ay wala akong tatanggaping bata na magsasabing ako ang ama niya. Hinding-hindi 'yan mangyayari, Spike." -End of flashback- Napatingin ako kay Jeffrey at kay Evo na tumatawa habang nakatingin sa akin kaya napakunot ang noo ko sa dalawang gagong ito. "Hindi ba at pinahanap mo pa sa mga tauhan mo ang batang tinulungan mo sa hospital na maoperahan, pero ayaw ibigay ng hospital at ng doktor na may-ari ng hospital ang impormasyong hinihingi mo dahil kahilingan daw ng kapatid ng pasyente na kapag may nagtanong tungkol duon ay walang sasabihin?!" ani ni Evo. "Huwag n'yo ng intindihin pa 'yon dahil wala naman akong pakialam sa babaeng 'yon. At kung lalapit siya sa akin upang sabihin na may anak ako sa kanya, well nagkakamali siya dahil kapag napatunayan ko nga na may anak ako, kukuhanin ko ang bata sa ayaw at sa gusto nila." ani ko. Hindi naman sila kumibo na. Ako naman ay napatingin sa bukas na malaking gate ng hacienda at napakunot ang noo ko ng makita ko na may mga batang nakapasok at naghahabulan kaya mabilis akong lumundag mula sa upuan at halos takbuhin ko na ang mga batang naglalaro sa loob ng bakuran ko. "Magsilabas kayo! Layaaaas!" malakas kong sigaw sa mga batang tumatakbo. Nakita ko ang takot sa mga mata nila at nagmamadali na silang tumakbo palabas ng gate. "Lando! Kapag may nakapasok pa ditong mga bata, sisisantihin kita!" galit kong sigaw sa isa sa tanga kong guard. Mabilis namang isinara ng guard ang malaking gate ng hacienda. Galit naman akong bumalik sa mini house kung saan nakaupo kaming magkakaibigan. Ito ang mini house na ipinagawa ng aking ama nuon para sa akin. Mahilig kasi akong makipaglaro sa mga kaibigan ko dati ng barilan at ang mini house daw na ito ang ginagawa kong hideout naming magkakaibigan. "Allergic ka talaga pagdating sa mga bata noh?" tumatawa nilang ani pero sinibangutan ko lang sila. "Wala silang lugar dito at hindi ko nais na pumapasok ang kahit na sino sa loob ng teritoryo ko." wika ko na hindi naman nila kinontra. Alam naman nila kung bakit ganito kalaki ang galit ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Hindi ko nga magawang ngumiti mula ng mamatay ang aking mga magulang dahil sa kagagawan ng aking ina. Hindi ko na alam kung paano ulit maging masaya dahil para sa akin, hindi totoo ang salitang kaligayahan. "Kailan ang balik natin ng Manila? Baka napapabayaan mo na ang mga negosyo mo ha, isang linggo na din tayo dito sa Quezon Province." ani ni Evo. Humugot ako ng malalim na buntong hininga at tinitigan ko ang malaking gate na sarado. Hindi ko talaga makalimutan ang mukha ng batang 'yon, ang mga mapupungay niyang mga mata na kulay abo na katulad ng akin. Ang ngiti niya na katulad ng aking ngiti. Pinilig ko ang aking ulo at ayokong mag-isip ng kahit na ano tungkol sa batang 'yon. Nakita ko ang ina niya at alam ko na kaylanman ay hindi ko pa siya nakita sa tanang buhay ko at hindi ang katulad niya ang kababaliwan ng isang Alexander Montesalvo. "Sa Friday na lang tayo bumalik ng Manila. May kailangan kaming ayusin dito ni Uncle Duncan. Kamusta na ang kakambal ko Jeffrey? Natutuwa ako na maayos na ang pakiramdam niya at tuluyan na ring naglaho ang sakit niya sa puso." ani ko. Napangiti naman si Jeffrey. Mahal na mahal niya ang kakambal niya, matagal kasing nawalay sa kanila ang kapatid niya. "Yeah, me too! Lahat kami ay masaya kaya dapat maghanap ka na rin ng babae na maaari mong iharap sa dambana upang maging maayos na 'yang buhay mo. Isipin mo mag-isa ka na lang sa buhay at tanging si Tito Duncan na lang ang natitirang pamilya mo. Dapat ay kalimutan mo na ang galit mo sa mga babae dahil hindi naman lahat ng babae ay katulad ng iniisip mo." wika sa akin ni Jeffrey. Nginisihan ko lang siya at umiling-iling ako. Hindi ko na sinagot pa ang sinabi niya dahil wala ako sa mood pag-usapan ang mga babae, para sa akin ay mas okay na pang-isahang gabi lang sila. "Pumasok na tayo sa loob at kanina pa ako nagugutom, pupunta pa tayo sa resort at baka dumating na ang ka-meeting natin duon." ani ko at nagpatiuna na ako sa paglalakad patungo sa malaking bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD