Chapter 4

1113 Words
Taas ang noo ko habang papasok ako sa loob ng ACC building, at halos lahat ng mga empleyado doon ay nakatingin sa akin. Well, wala naman akong paki alam sa kanila kung ano ang tingin nila sa akin dahil hindi naman sila makakatulong sa aking pag unlad at sa pagbibigay ng aking kakainin sa araw araw. Habang pahakbang ako palapit sa elevator ay agad naman na nag si tabi ang mga nauna doon at pinadaan ako para maka unang makapasok sa loob ng elevator. Agad na akong pumasok sa loob ng elevator at hindi naman pumasok ang ibang staff ng ACC maliban sa isa. “Good morning, Miss Sabellena. “ Nakangiting bati niya sa akin. Pinindot ko ang hold bottom para hindi muna mag sara ang pinto ng elevator. " Walang good sa morning ko lalo pa at pumasok ka ng basta basta dito na nandito ako. “ Mataray na sabi ko sa kanya. " Oh sorry, Miss Sabellena akala ko kasi hindi pa sila sasabay sayo pa akyat kaya pumasok na ako." Taas ang kilay na tinignan ko siya. " Labas! “ Seryosong saad ko sa kanya. " Ako ba?" Tanong nito sabay turo sa sarili. Parang gusto ko tuloy siyang tadyakan para lang lumabas siya ng elevator. “Sa palagay mo Mr. Ellison sino ba ang pinapalabas ko dito? Sarili ko ba? “ Inis na tanong ko sa kanya. " Aba malay ko kung sarili mo ang sinabihan mo na lumabas, dahil wala ka na mang binanggit na pangalan di ba?”nakangising saad niya sabay kindat sa akin. “Ayaw niyo pa bang sumabay? Kung ayaw niyo mauna na kami ni Miss Sabellena sa inyo.” Aniya na nag paalam sa mga tao na nakatayo sa harap ng elevator at pinindot ang close button. Sa inis ko pinindot ko ulit ang open botton para bumukas iyon. “Lalabas ka o tatadyakan kita?” Inis na turan ko sa kanya. Tumawa naman siya at lumapit sa akin “Kung sa kama mo ako, tatadyakan bakit ba hindi?" Saad niya na tila nang iinis pa. " Ahh… pervert!" inis nana padyak ako dahil sa sobrang frustration na naramdaman. " So cute.” Ani pa niya. Hindi ko man lang namalayan na sumara na ang ang elevator at nag umpisa na itong umandar paakyat. “Pwede ba Finn, hindi ako natutuwa sayo, bastos ka." Saad ko at tinulak siya palayo sa akin. “Pervert? Hmm totoo naman yun. Gusto mo bang malaman kung gaano ako pervert huh? Napa atras ako ng lumakad siya malapit sa akin. “A-ano ang gagawin?" Nauutal na saad ko. Lalo akong nataranta ng makita ko ang kakaibang ngisi sa labi niya. “Wag kang lalapit sa akin kung hindi pagsisihan mo na lumapit ka sa akin." Banta ko sa kanya habang humigpit ang kapit ko sa bag ko. “Alam mo kasi, Miss Sabellena. Mabait naman ako pero nagiging iba kasi ako kapag naging pervert ako, lalo na sa mga babaeng masungit na katulad mo.” Aniya na ikinulong ako ng dalawa niyang braso. " Ano ba, Finn. Sabi ng lumayo ka eh." Itinulak ko siya pero sadyang malakas siya. Kaya naman ng tumunog ang elevator at bumukas, agad kong tinuhod ang gitna niya saka siya itulak ng tuluyan palayo sa akin. “I told you, pagsisisihan mo ang pag lapit sa akin. Deserve it, right?" Nakangiting saad ko bago lumabas ng elevator at iniwan siyang namimilipit sa sakit dahil sa pag tuhod ko sa gitna niya. “f**k! Edna hindi pa tayo tapos na dalawa, makakaganti din ako sayo tandaan mo yan." Sigaw niya habang sapo niya ang kanyang gitna. “Hintayin ko ang sinasabi mong paghihiganti Mr. Ellison. At magiging masaya ako dahil binigyan mo ako ng oras para lang magantihan ako." Sagot ko at tinalikuran siya. “Kapag hindi tayo naka buo sa hinaharap, kasalanan mo, dahil tinuhod mo ang mga gumagawa ng palahi ko. Isang basketball team pa naman ang balak kong ibuo diyan sa sinapupunan mo." Sigaw ulit niya sa akin, kaya tinaas ko ang kamay ko at nag dirty finger sa kanya. “In your dreams Mr. Ellison. Dahil kahit kailan hinding hindi ako papatol sa kagaya mong manyakis. “ ani ko at tuluyan na siyang iniwan. Agad na akong pumasok sa aking dressings room para magpahinga at mag ayos sa aking sarili dahil 5:30 ako sasalang sa tv. Habang nag papahinga kinalikot ko muna ang cellphone ko ng maka tanggap ako ng mensahe galing kay Miss Miranda. Kumunot ang noo dahil sa sinabi niya na gusto niya akong maka usap mamaya pagkatapos kong mag balita. Hindi ko pinansin ang tetx niya at kinuha ko ang aking k****e tablet at doon nag basa ng mga paborito kong novela katulad ng harry potter at 50 shades of grey. “Excuse po, Miss Sabellena pinasasabi mo ni direktor Guzman na mag start na daw po kayo after ng 5 mins.” Saad ng aking handler na si Macy. “Okay I'll be there in 1mins." Sagot ko sa kanya at inayos na ang aking sarili. Paglabas ko agad na binigay sa akin ni Macy ang papel na naglalaman ng mga balita na iba balita ko. “Miss Sabellena makakasama niyo daw po ulit ngayon si Miss Reyes, at hinihiling po ni Mrs Buenaventura na sana daw po ay pakitunguhan niyo ng maayos ang pamangkin niya.” Kunot ang noo na tumingin ako kay Macy dahil sa sinabi niyang pakitunguhan ko ng maayos si Miss Reyes. " So, obligasyon kong maging mabait sa kay miss Reyes dahil sa tita niya? “ Naka taas ang kilay na saad ko sa kanya. " Hindi naman po ganun ang ibig kong sabihin Miss –” " Kung hindi yun ang ibig mong sabihin so inuutusan mo ako ganun? “ namutla siya ng makita niya ang seryoso kong mukha. “Sino ba ang boss sa ating dalawa Macy?" Tanong ko habang naniningkit ang mata. “Kayo po." " Ako diba? So sino ka para utusan ako sa mga taong pakikibagayan ko?” " Handler niyo po ako, Miss Sabellena.” " Exactly! Handler lang kita. Ibig sabihin alalay lang kita. So, wala kang karapatan na utos utusan ako.” mataray na saad ko at lumabas ng dressing room. Pinaka ayaw ko sa lahat ang inutusan ako at pina pakialam sa pag uugaling meron ako. “I'm sorry po, Miss Sabellena, hindi na po mauulit." Habol niya sa akin at humingi ng paumanhin. “Talagang hindi na! Dahil sa susunod ay tatanggalin na kita sa trabaho mo, kaya ayusin mo. Ako ang boss mo at hindi si Miss Reyes o ang tita niya.” ani ko at nilagpasan na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD