Finn Daniel Ellison pov
"Finn, this is your first interview here being alone and you don't have anyone with you, we just want to ask if we can ask you about your personal life.” nakangiting tanong sa kanya ng babaeng kaibigan.
“Ah, yes this is my first time interview na wala akong kasama female screen partner dito sa interview. And Sure, basta ba wag lang tungkol sa love life ko ay okay na okay tayo” Sagot naman niya. Gustong gusto sana niyang sipain ang paa ng kaibigan dahil parang sinasadya pa nito ilabas ang tungkol sa pagiging babaero niya. Aminado naman siya na lahat ng naging screen partner niya ay naging babae niya. Hindi naman niya pinipilit ang mga ito. Actually sila pa nga ang nagpapakita ng motibo.
“Wag ka mag alala dahil ang mga itatanong namin sayo ay mga galing sa mga fans mo na may gustong malaman tungkol sayo.” Nakangising turan nito. Duda talaga siya sa kaibigan niya lalo na kakaiba ang ngiti nito sa kanya.
“Sure, basta ba’t kasama ka sa itatanong nila.” Ani niya sabay kindat sa kaibigan. Nag hiyawan tuloy ang mga fans niya sa loob ng studio na nanunuod ng live interview niya.
“Ayiee kinilig naman ako dun Finn, ibig bang sabihin niyan ay may special kang pag tingin sa akin? “ Saad ni Lenevy sa kanya pero pasimple siyang inirapan kaya naman natawa siya sa naging reaksyon nito.
“Oo, naman malaking bahagi ng puso ko ang okyupado mo. Sa mga hindi po nakaka alam matalik po kaming magkaibigan ni Vy, halos sabay rin po kaming lumaki.” Saad niya habang nakatingin sa camera. Pero sa gilid ng kanyang mata ay tinignan niya ang kaibigan. Tignan lang niya kung hindi hindi ito aawayin ng boyfriend nito. Isang celebrity basketball player ang boyfriend nito na malaki ang pag kakaayaw sa kanya dahil pinagseselosan siya. Minsan kasi bigla bigla na lang siya papasok sa condo ng kaibigan at doon natutulog sa kama, minsan ang boyfriend nito ang nakaka huli sa kanya. Siguro dahil nasanay na siya na mula noong mga bata pa sila ni Lenevy ay lagi na silang magkasama at at kahit na natutulog sa kama. Wala naman siyang malisya sa kaibigan dahil parang kapatid na ang turing niya kay Vy. Alam din ni Vy ang lahat ng sikreto niya kahit ang tungkol kay edna, at kung paano niya pagnasaan ang dalaga. May mga pictures kasi ito sa secret room ko kung saan kami lang na dalawa ang nakaka alam, ayaw ko kasi ipaalam yun sa iba kong kaibigan, sigurado na kantyaw lang ang aabutin ko sa kanila.
“Ah, ang sweet sweet naman ng kaibigan ko." Ani ni Vy na lumapit at pinisil na pinisil ng malakas ang pisngi niya kasunod ng pag suntik kunwari sa braso niya na talaga namang malakas pero pinigilan niya ang dumaing at baka malahalata ang mga nanunuod sa kanila.
“Mamaya ka lang talaga sa akin.” Bulong na sabi niya rito, pero Pinanlakihan lang siya nito ng mata.
“So, Finn ito na ang unang tanong natin. Galing ito sa isa sa mga fans mo na nandito studio. Finn, ano daw ang gusto mo sa isang babae at bakit? “ Biglang naging seryoso ang mukha niya sa tanong ng kanyang kaibigan.
" Ang gusto ko sa isang babae ay palaban, matapang, matangkad maganda at may makinis at bilugang hita para lagi kong mahawakan, at syempre sexy ang katawan.” Walang pag dadalawang isip na sagot niya.
“Hmm.. parang may kilala akong ganyan, pero hindi ko sasabihin kung sino yan.” Natatawa na sabi nito sa kanya. " Okay next Question, may nag paiyak na ba sa isang Finn Daniel Ellison?” Napaubo siya bigla dahil sa tanong sa kanya.
“Kailangan bang sagutin yan?"
“Yes, dahil nag hihintay sila ng sagot mo." Masigla sagot sa kanya ng dalaga. Nanliit ang mata niya dito at gustong gusto na talaga niya itong tutukan dahil sa mga tanong sa kanya.
“Yes, pero wag na ninyong itanong kung kanino, dahil yan lang ang kayang isagot ko" pormal na sabi niya habang nakatingin sa camera.
“Sige, last question Finn, kung may gusto kang kasama sa shooting o interview mo dito sino ito? Pwede celebrity pwede din naman hindi."
“Meron syempre, pero hindi ko sasabihin ang buo niyang pangalan, isa pa wala din naman siya sa showbiz, pero ang initial ng name niya ay E.S, yan lang sagot na kayang kong ibigay sa inyo.” makahulugan sabi niya.
“Bonus question Finn, last na talaga to. May nagpapatibok na ba sa puso ni Finn Daniel Ellison o may girlfriend na ba si Finn o gustong ligawan.” huling tanong sa kanya ng kaibigan.
“Nagpapatibok sa puso, wala pa. Pero sa puson meron na, kung girlfriend naman wala pa, wala pa akong girlfriend pero may gusto akong ligawan, hindi ko lang alam kong paano dahil sa kasungitan niyang taglay sa akin.” Nakangiting sagot niya.
" Wow! Good luck sayo Finn, at sana kapag niligawan mo na ang babaeng gusto mo ay mapasagot mo agad siya at maisama mo siya ulit dito kapag na interview ka na.” Nakangiti ri. Na sabi ni Lenevy.
“Well, sana nga." Kibit balikat na wika niya.
“Thank you Mr. Finn Daniel Ellison, sana ay maimbitahan ka ulit namin dito sa programa namin at sana pag nangyari yun kasama mo na ang babaeng tinutukoy mo. Dito na po nagtatapos ang pakikipagkwentuhan natin, this is Lenevy Miranda at ito ang happy life, good day everyone.” Pagtatapos ni Vy sa show.
" Good take, congratulations Miss Miranda, Finn ang taas ng ratings natin.” Sigaw ng direktor ng show. Agad naman siyang lumapit kay Vy, na kay lapad ng pag ngiti. Agad niyang sinakal ang dalaga ng braso niya nag papalag ito habang tinatawan siya.
“Sinadya mo talaga, ang mga tanong mo sa akin kinina. Umamin ka na Vy, kilala kita." Pagbabanta niya sa kaibigan.
" Wala akong alam sa sinasabi mo, ang staff ko ang kumuha ng mga tanong na yun sa audience kaya wag kang feeling diyan. May kasalanan ka pa sa akin dahil siguradong aawayin na naman ako Lester.” saad nito sa kanya.