Chapter 5

1120 Words
"Ready?" tanonh sa amin ng aming director kaya tumango ako sa kanya. "Okay, 1, 2, 3, action." sigaw nito kaya inayos at hinanda ko ang sarili ko sa pag pasok ng aking ibabalita. "Magandang hapon, simulan natin ang balitaan tungkol sa isang dalagita na minolestya ng kanya amain. Sabi ng dalaga labing isa pa lamang daw siya noon ng milostyahin siya pangalawang asawa ng kanya ina, at nag patuloy daw ito hanggang sa ngayon na sa edad niyang labinlimang taong gulang. Ayon pa sa dalaga sinubukan na daw niya mag sumbong sa kanyang ina pero hindi ito naniwala sa kanya, bagkus sinaktan pa siya ng kanyang ina. Para ihatid ang balita Jerry Mendoza pasok! ” Umpisa ko sa Balitang ACC ng hapon. Hindi ko mapigilan makuyom ang aking mga kamay habang naririnig ko ang balita kay Jerry, tungkol sa dalagita. Hindi ako makapaniwala na mas pinaniniwalaan pa ng ina ng dalaga ang pangalawang asawa nito. At ang mas matindi pa ay na buntis ng walang hiyang amain, ang dalaga. Hindi ko ma imagine kung ano ang truma na naranasan ng dalaga sa amain nito habang ginagawan ito ng kahalayan sa murang edad nito. “Jerry Mendoza, Balitang ACC.” Pagtatapos ni Jerry sa balita. kinalama ko naman ang aking sarili at tinignan sa gilid ng maya ko si Miss Reyes, dahil siya na ang susunod na mag deliver ng balita. "Isang lalaki naman ang inaresto ng mga pulis dahil sa pag bebenta nito ng-ng illegal na druga.” Bigla kong tiningnan ng masama si Miss Reyes dahil sa pagkautal niya. Tila mas na tense pa ito sa tingin ko dahil ilang beses itong nagkamali. Kaya naman ng mag commercial break agad ko siyang hinarap. “Ano sa palagay mo ang ginagawa mo Miss Reyes? “ galit na sabi ko sa kanya ng mag off ang camera. “I'm sorry po Miss Sabellena, kinakabahan po kasi ako kanina.” Nakayukong saad nito habang nilalaro ang kanyang kuko. "Miss Reyes, lahat tayo dito kinakabahan. Kahit ako, ngayon kung ang kaba mo ang paiiralin mo, hindi ka dapat nandito mali ang propesyon na pinasok mo.” Wika ko. " Listen carefully Miss Reyes, act normal on the camera. Huwag kang mag pahatala na sunga sunga ka at baka magtaka ka na lang paglabas mo ng building na to ay may dumapo ng itlog sa mukha mo. Masasayang lang ang ganda mo.” saad ko sa kanya. Humarap na ulit ako sa camera dahil matatapos na ang commercial break ng show. “Hello everyone, may dala akong meryenda para sa inyo.” Umikot ang mata ko ng pumasok si Finn sa loob ng studio at may dalang dalawang box ng pizza. “Excuse me, Mr. Ellison. Sino ang nagsabi sayo na pwede ka magdala ng meryenda dito?" Nakataas ang kilay na tanong ko. “Oh, bawal ba? Nag paalam naman kasi ako kay Miss Buenaventura na dadalawin ko dito ang pamangkin niya at pumayag naman siya." Biglang na mula ang aking dahil sa sinabi niya. Bigla tuloy akong nahiya pero hindi ko iyon pinahalata. “Whatever, Mr Ellison." Mataray na sagot ko sa kanya. Dinampot ko na ang mga gamit ko sa mesa at akmang aalis na. " Sandali Miss Sabellena, ayaw mo ba munang mag merienda? Masarap to kasing sarap mo, este kasing sarap ko pala.” Aniya. Gigil na sinipa ko ang paa niya. “Ang bastos mo talaga.” Inis na turan ko sa kanya. Napaka Bastos talaga ng lalaki to. “Huwag ka mag alala Miss Sabellena, dahil ang bastos na to ang mag papaibig at pagpapalambot sayo, at syempre ang pinakahuli, ang bubuntis at mag bibigay ng walang humpay na ligaya sayo.” Nakangisi na bulong niya sa akin. Tinignan ko naman siya ng masama pero ang loko at talagang masaya pa sa pang aasar sa akin. “Umalis ka sa daraanan ko kung ayaw mo maka take two diyan sa balls mo." Gigil na sabi ko. “Alam mo, kung ako sayo Edna, hindi ko gagawin yun at baka hindi tayo makakabuo na dalawa. Sayang naman ang ganda mo at kagwapuhan ko kung walang magmamana. “ Sabi niya, at ang gago, kumindat pa talaga. " Nakakadiri ka Mr Ellison, iniisip ko pa lang na papatol sa isang katulad mo ay masusuka na ako. “ Ani ko at tinulak siya sa gilid. “Huwag ka magsalita ng patapos Ednalyn, at baka hindi pa tapos ang taon na to ay humahabol ka na sa akin. “ Natatawa na sabi niya kaya nakitawa na rin ang mga kasama naming staff sa loob. Tiningnan ko naman sila lahat ng masama kaya bigla silang tumahik. “Well, sorry ka na lang Mr. Ellison. Dahil hinding hindi mangyayari yun.” Wika ko at iniwan sila. " Macy!" Sigaw ko ng makaalis ako sa harap ni Finn. “Yes, Miss Sabellena." Hingal na sagot nito habang puno ang bibig ng pizza at my bitbit pa na isang slice sa kabilang kamay. Kinagat ko ang aking ibabang labi para mapigilan ang sumabog sa galit. “Hindi ko alam na patay gutom ka na pala ngayon." Malamig na turan ko sa kanya. " Ho? “ Sagot niya. Lumunok muna siya at tinago ang isang kamay na may hawak na pizza sa kanyang likod. “So, hindi ka lang patay gutom ngayon? Kundi bingi ka na rin? Hindi naman siguro maliit ang sinasahod ko sayo, para makikain ka sa dala ng pagkain ng iba, hindi ba?” naiiling na saad ko sa kanya. Yumuko naman siya sa akin at hindi na sumagot pa. “ Pumunta ka sa room ko ngayon at ayusin mo ang mga kailangan kong dahil sa restaurant para makipagkita Kay Miss Miranda. Kunin mo na rin ang sasakyan ko sa parking area at makita na lang tayong dalawa sa baba, naiintindihan mo ba?” ani ko at tinalikuran na siya. Sa isang restaurant kasi kami magkikita ni Lenevy dahil iyon ang gusto niya. Pumayag na rin ako dahil gusto ko munang kumain bago ako umuwi sa condo ko Si Macy ang driver ko papunta sa restaurant kung saan kami magkikita ni Miss Miranda. Pagdating ko doon ay nandoon na siya at nag hihintay sa akin. “Hi, Edna." Naka ngiti na bati niya sa akin. “Ano ang pag uusapan natin Miss Miranda? Sabihin mo na agad dahil wala akong oras ngayon.” Pormal na saad ko sa kanya. “Ang init naman kaagad ng ulo mo. Bakit hindi ka kaya muna umupo. Kumain na muna tayo bago ko sabihin ang pakay ko." Malambing na sabi niya sa akin. Humugot naman ako ng isang malalim na hininga bago umupo sa tapat niya. Tinawag na rin ni Miss Miranda ang waiter at nag order ng pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD