Finn Daniel Ellison pov.
Nawala ang ngiti sa labi niya ng mawala na sa harap niya si Edna. Gustong gusto niya tuloy kanina na hilain at dalhin sa condo niya ang dalaga para malaman nito ang sinasabi nito na hindi mangyayari na papatulan siya ng dalaga. Kung ang akala ni Ednalyn ay susuko na siya para lang makuha ito, pwes nagkakamali ito. Mas lalo lang siyang na cha challenge sa babae at sabik na makuha ito dahil sa ginawa nito sa kanya.
“Sige aalis na ako, enjoy sa pagkain niyo. “ Saad ko at nag paalam sa kanila.
" Sandali lang, Finn. “ Pigil sa kanya ni Dina. Ang kasama kanina ni Ednalyn sa pagbabalita.
“Bakit?" Tanong niya sa dalaga.
“Totoo bang dahil talaga sa akin kaya ka nag dala ng pizza?" Nakangiting tanong nito.
“Yes," maikling sagot niya sa dalaga. Namula naman ang mukha nito pero halatang kinikilig sa sinabi niya.
" Talaga? Salamat Finn ha, pero pwede ba kita yayain ngayong gabi kumain sa labas? “ Nahihiyang aya nito sa kanya
“Sure, sure tatawagan kita mamaya." Nakangiting pag payag niya sa pag aya nito sa kanya.
" Talaga Finn, salamat. Hintayin ko ang tawag mo mamaya ha.” Excited na sabi nito.
“Yeah, sure baby” saad niya sabay kindat dito. Kilig na kilig naman ang babae. Para itong uod na binudburan ng asin kung makatili sa harap niya. Hindi ganito ang tipo ng babaeng gusto niya. Pero dahil nasa ilalim ito ng pag te-trained ni Edna ay kailangan niya makipag lapit dito para makita din niya lagi si Edna.
Nang mabasa niya ang text ng ng kaibigan ay agad siyang ngumiti at nagpaalam na sa babae. “So paano? Tatawagan kita eksakto 8 para masundo kita sa condo mo.” Paalam niya sa babae at nag madali nang umalis at baka hindi na naman niya maabotan si Edna.
“Asan ka na? Malapit na kaming matapos na kumain na dalawa pero wala ka pa rin." Ani sa text ng kaibigan.
“Papunta na, naharang lang ako ng isang chix, alam mo naman ang kaibigan mo, habol ng babae to. “ Sagot ko sa kanya.
“Ewan ko sayo puro ka kayabangan at kamanyakan. Kapag ito si Miss Sabellena at umalis na bahala ka at wag mo isisi sa akin ang kakupadan mo.” ani nito sa text sa kanya.
“Ito na nga eh ipapark ko na lang ang sasakyan." Reply niya at agad na niyang pinatay ang cellphone at agad na nag ng pwede niyang pag parkingan ng kanyang sasakyan. Kailangan maabotan niya ang babae para pumayag ito sa gusto ng kaibigan niyang si Lenevy, at syempre gusto niya rin na makasama ito para mas mapalapit siya dito.
Nang maka park ay agad na siyang bumaba ng sasakyan at pumasok sa restaurant. Ngingiti ngiti siyang pumasok lalo na ng makita niyang nakaupo ng patalikod sa kanya si Ednalyn. Mukhang enjoy na enjoy ito sa pagkain kaya hindi siya napansin nito na nasa likod na siya ng dalaga.
“Hmm,” tumikhim siya para makuha ang atensyon ng dalawa na sarap na sarap sa pagkain nila.
“ Oh Finn, nandyan ka na pala. Halika upo ka na." Nakangiting sabi sa kanya ni Vy.
***
Ednalyn Makatas Sabellena pov
Napatigil ako sa pagkain ng makarinig ako ng tikhim sa aking likod.
“Hmmm" tiikhim ng isang pamilyar na tao sa aking likuran. Pabango pa lang nito ay alam ko na kung sino ito kaya hindi ko na kailangan lingunin pa.
“Oh Finn, nandyan ka na pala. Halika, upo ka na.” Aya ni Lenevy kay Finn.
“Hi, Edna, tignan mo nga naman. Pinag lalapit talaga tayo ng tadhana dahil kung nasaan ka ay napa papunta din ako. Pero wag kang mag alala ha hindi ko naman alam na narito ka, imbitahan lang ako nitong pangit kong kaibigan kaya narito din ako. “ paliwanag nito sa akin at umupo sa aking tabi.
“Hoy, Finn makapangit ka sa akin akala mo ang gwapo mo." Sabi ni Lenevy na sinipa at si Finn sa ilalim ng lamesa dahil nasagi pa ang paa niya.
“Masakit yun pangit ha, pag ikaw inasar ko hihiwalayan ka ng boyfriend mong basketbalista." Asar ni Finn sa kaibigan, habang nakikinig lang ako sa kanila.
Maya maya ay tinawag na ni Finn ang waiter at nag order ng pagkain. Pinunasan ko ang gilid ng bibig ko at tumingin kay Lenevy.
“Ah, Miss Miranda, pwede bang sabihin mo na ang kailangan mo kung bakit gusto mo akong maka usap?" Tanong ko at pina blanko ang mukha. Ayaw ko na tumagal pa na kasama sila lalo na ang isang Finn Daniel Ellison.
Kagaya niya pinunasan din muna ni Lenevy ang bibig ng napkin table bago ito nagsalita.
“Ah, yes Miss Sabellena, may gusto sana akong discuss sayo. And i know makakatulong ito sa career mo." Wika niya sa akin.
“ Bakit hindi mo na lang ako diretsyahin Miss Miranda. “ Malamig na sagot ko sa kanya.
" Okay, hindi na ako mag paligoy ligoy pa, kaya ko rin inimbitahan dito si Finn dahil gusto ko sana kayong maka usap na dalawa para sa isang live interview na mag kasama kayo sa show ko kung papayag kayo.” Aniya sa akin.
" Interview? I'm sorry Miss Miranda pero hindi ko na kailangan pa mag pa interview sayo” wika ko at uminom ng tubig. Ayaw ko na pahabain pa ang pag uusap namin.
" Saka Vy, ayaw ko siyang makasama sa interview. Hindi ako papayag na makasama ang isang masamang ugali na tv reporter. Alam mo naman siguro ang usap usapan tungkol sa pag uugali na meron siya. Hindi naman kagalingan pero ang taas ng tingin sa sarili, kaya ang sabi ni Miss Buenaventura na kapag nahasa na ang pamangkin niya ay papamutan na siya sa pwesto niya dahil bukod sa matanda na siya ay mayabang pa sa pwesto na meron siya. “ Mahabang saad ng lalaki. Bigla rin ako napatingin sa kanya at tinantiya kung totoo ba ang sinasabi niya. Alam ko naman na masama ang ugali ko, at usap usapan yun sa loob ng ACC building pero ang sabihin ni Finn na Hindi ako kagalingan at matanda na ay sarap niyang ingudngud sa harap ng plato niya para tuluyan siyang magising sa panaginip niya na sinasabi niya na matanda na ako. Isa hindi naman ako mayabang sa kung anong pwesto na meron ako. Gusto ko lang na irespeto ako ng mga tao.
“ Excuse me, ano ang sinabi mo?" Galit na saad ko at tinignan siya ng masama.
“ Well, nagsasabi lang naman ako ng totoo, baka mamaya kapag na kasama kita sa interview at madamay ako sa isyu mo. Mahirap na ang mawalan ng trabaho lalo na kung pinaghirapan mong makuha. At tungkol naman sa sinabi ko, narinig ko lang naman iyon kay Dina at Miss Buenaventura na papalitan ka na niya dahil sa ugaling meron ka.” Naka ngising saad niya…
“No, alam kong hindi magagawa sa akin yan ni Miss Buenaventura. Dahil isa ako sa pinakamagaling na reporter niya, kaya hindi niya magagawa na palitan ako lalo kung katulad ito ni Dina na hindi marunong sa pagbabalita.” Kontra ko sa sinabi niya.
" Yan kasi ang hirap sayo Miss Sabellena, masyado kang bilib sa sarili mo. Baka nakakalimutan na katulad ka din dati ni Dina. Mas worse ka pa nga sa kanya dati hindi ba? At isa pa balita ko bumalik na si Miss Sanchez, galing state at siya na daw ang mag te-trained kay Dina dahil inalok ito ni miss Buenaventura na maging head reporter niya dahil mag re-resign na si Mr. Drillon. “ Aniya na sumeryoso ng tingin sa akin. “Well, na sayo naman yan kung maniniwala ka o hindi basta sinabi ko lang sayo ang mga nalaman ko sa mag tiyahin nung dumalaw ako kay Dina. “ Kibit balikat na saad niya sa akin. Alam kong ang plano na pag re-resign ni Mr. Drillon, ang totoo niyan ay umaasa ako na ako ang pipiliin ni Miss Buenaventura na papalit sa kanya. Kaya paano na si Miss Sanchez ang inalok nito na papalit sa pwesto ni Mr. Drillon. May kulang pa ba sa mga pinakita ko? Hindi pa ba sapat ang galing ko para hindi ako ang piliin ni Miss Buenaventura. Pero ginawa ko naman ang lahat para lang mapantayan ang galing na meron noon si Miss Sanchez.