Dahil sa sinabi sa kanya ni Finn ay bigla siyang kinabahan. Paano nga kaya kung alisin siya sa network at muling ipalit sa kanya si Miss Sanchez?
“Excuse me, pupunta lang ako ng banyo." Ani ko at pumunta ng Comfort room. Agad kong nilock ang pinto ng banyo pagpasok na pagpasok ko sa loob at sumandal sa pinto ng nito.
“No, hindi ako papayag na mabaliwala ang lahat ng pinagpaguran ko. “ Saad ko habang nakatingin sa salamin ng banyo.
“Hindi ako papayag na kukunin lahat ni Miss Sanchez ang mga pinaghirapan ko na para sa akin. Kung ang ina akala nila na papayag ako sa gagawin nila sa akin p’wes hindi ako magpapatalo sa kanila. “ Matapang kong sabi sa aking sarili habang nakahawak sa aking dibdib. Ngayon lang ulit ako kinabahan ng malakas, ngayon lang ulit ako nagdududa sa sarili kong kakayahan. Masama ang ugali ko oo pero hindi naman ako katulad ng Miss Sanchez na yun dahil kung demonyeta ako siya naman ang asawa ni Lucifer.
Pinakalma ko ang aking sarili ng ilang beses at muling tumingin sa salamin.
“Huminga ka ng malalim Edna, isipin mo na mas magaling ka sa kanila at walang kayang pumantay sa kakayahan mo. Exhale, inhale, isa pa exhale, inhale.” Ani niya sa sarili niya.
" Ganyan nga, Ikaw si Ednalyn Makatas Sabellena ang isang magaling na reporter, at walang tatalo sayo, tandaan mo yan.” Dugtong ko pa na pinablanko ang aking mukha.
Nang sa tingin ko ay okay na ako, lumabas na ako ng banyo at bumalik sa mesa namin. Mas mabuti pa siguro na umuwi na ako, dahil kung ano ano lang ang naririnig ko kay Finn nakakasira ng gabi ko. Pagdating ko sa mesa namin ay wala na si Finn baka tapos na rin ito kumain at nauna ng umalis sa akin.
“Miss Miranda, mauuna na ako sayo, salamat sa masarap na dinner." Saad ko kay Lenevy at kinuha ang bag ko.
“Sandali lang Edna, pwede naman siguro Edna ang itawag ko sayo hindi ba? Total nasa labas naman tayo ng studio isa pa masyadong pormal kapag ginagamit natin ang mga huling pangalan natin.” Nakangiting saad niya sa akin.
" Kung ano ang gusto mo Lenevy.” Sagot ko sa kanya.
“Vy, na lang Edna. Total yun naman ang tawag sa akin ng karamihan. Pwede bang maupo ka muna kahit saglit lang. Please pakinggan mo muna ang inaalok ko sayo.” Aniya habang hawak amg kamay ko. Humugot ako ng isang malalim na hininga saka umupo uli sa harap niya.
“Vy, narinig mo naman siguro ang kaibigan mo hindi ba? Kahit pumayag ako sa gusto mo, hindi naman papayag ang mayabang na kaibigan mo dahil masama ang ugali ko. “ Seryosong sabi ko.
“Ako na ang bahala kay Finn basta pumayag ka lang sa gusto ko. Isa pa kapag nag hit ang interview with matching sa inyo ni Finn, siguradong mas tatatak ang pangalan mo at hindi ka basta basta na bibitawan ng network kapag nangyari yun kaya maniwala ka sana.” saad niya habang derecho na nakatingin sa aking mata.
“At bakit naman ako maniniwala sayo na bubulosok din ang pangalan ko kapag nag tagumpay ang interview mo sa amin ng kaibigan mo?” Malamig na tanong ko sa kanya.
" Dahil pareho kayong may mabigat na pangalan ni Finn, at kapag pinagsama kayo mas gaganda pa ang kalalabasan ng career niyo pareho lalo na at aso't pusa kayo. Kung hindi mo alam naka record ang bawat pagtatalo niyo ni Finn kahit yung nasa labas ng condo niyo ay may record siya at yun sana ang gagamitin ko para sa interview ko sa inyo. “ Nag salubong ang kilay ko sa sinabi niyang record sa mga pagtatalo namin ni Finn.
“Ano ang ibig mong sabihin na naka record ang pagtatalo namin na dalawa? “ kunot ang noo na tanong ko sa kanya.
“Well, tinanong ko si Finn kung saan kayo laging nagtatalo na dalawa at sinabi naman niya kung saan kayo lagi nagka encounter na dalawa, at may binayaran akong tayo na kukunin ang CCTV sa area na yun para lang makakuha siya ng copy ng CCTV. Alam mo naman siguro kapag ang pera ang gumalaw hindi ba? Mabilis lang at makukuha mo kaagad ang kailangan mo. And luckily natandaan ni Finn ang bawat petsa ng pagtatalo niyo na dalawa kaya naman nakakatawa talaga.” Aniya pa sa akin. Ganun na ba ito kadisparada para pati ang video ng pagtatalo namin ni Finn ay hanapin niya.
“Sorry girls kung nawala ako bigla." Si Finn nakaka sulpot lang ulit at hindi ko alam kung saan ito nanggaling.
" Finn, saan ka ba nag punta at ang tagal mong bumalik? Saka bakit parang hapong hapo ka ha?" Tanong ni Vy kay Finn.
" So, ano na ang na pag usapan niyo? “ Tanong ni Finn sa amin.
" Sinabi ko na kay Edna ang lahat ng pwede mangyari. Ikaw na lang ang hinihintay namin, kung papayag ka bang makasama siya. Subukan mong hindi Finn iitlogin talaga kita hanggang sa maging balot ang kalalabasan niyang dalawang itlog mo.” Pananakot ni Vy may Finn kaya palihim akong natawa. Hindi lang pala sa akin ito nakatanggap, kundi pati sa kaibigan nito. Well deserved naman kasi niya dahil sobrang bastos niya.
“Ano naman ang maibigay o kapalit kapag pumayag ako? Alam mo na hindi ko kailangan ng talent fee dahil may pera naman ako, kaya kumbinsihin mo ako na makasama si Miss Sabellena sa interview.” Ani ni Finn na may nakakalokang ngiti sa mga labi.
Umikot ang mata ko at tumayo, hindi ko makayanan ang kayabangan ng lalaking to, at hinding hindi ako makikiusap sa kanya para lang pumayag siya na makasama ako.
“I think I need to go, thank you ulit Vy, nag enjoy ako sa dinner kasama ka." Saad ko kay Vy at akmang aalis na ng hawakan ni Finn ang kamay ko.
“Sandali, ni hindi mo man lang ba ako pipilitin para pumayag na makasama ka sa interview? “ Aniya sa akin kaya naningkit ang mga mata ko sa kanya.
“I'm sorry Mr. Ellison pero hindi ako interesado na makasama." Sagot ko sa kanya at biglang hinawi ang kamay ko na hawak niya. May kung akong kasing boltahe ng kuryente dumaloy sa kamay ko mula ng hawakan niya.
“Okay, fine, pumapayag na ako. Baka kasi isipin mo na ang sama ko sayo.” aniya na umupo ng maayos at humarap sa kanyang kaibigan.
“Ayon, pumayag na si Finn, Edna, pag isipan mo muna bago ka humindi sa alok ko sayo." Nakangiting sabi sa akin ni Lenevy.
“Pag iisipan ko, sige mauna na ako." Ani ko at tumalikod sa kanila.
Paglabas ko ng restaurant agad na akong pumunta sa aking kotse na nakaparada. Akmang sasakay na ako ng napansin ko na flat ang dalawang gulong ko.
“Paano na flat ang mga to? Eh, okay pa naman to kanina ng pumunta ako dito." Kunot ang noo na tanong ko sa aking sarili.
" May problema? “ Bigla akong napaharap kay Finn ng magsalita siya sa aking likuran.
“I don't know, kung paano na flat ang mga gulong ko samantala okay naman ito kanina ng pumunta ako dito." Walang buhay na sabi ko. “I guess mag tataxi na lang ako." Ani ko muling kinuha ang bag sa upuan ng aking sasakyan.
“Sumabay ka na sa akin total iisa lang naman ang uuwian natin." Napapiksi ako ng pigilan niya ako at hawakan sa braso. Ayan naman kasi ang kuryente na nararamdaman ko. May kung anong init nadumaloy sa kamay niya papunta sa kaibuturan ng aking pagkatao.
“No, hindi na kailangan, kaya ko naman mag taxi." Saad ko at inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin.
“Alam Edna, iisipin ko na talaga na may gusto ka sa akin dahil iwas ka ng iwas sa akin, at baka nagkukunwari ka lang na galit sa akin para pagtakpan ang pagkagusto mo sa akin.” Aniya sa akin na nag pa awang sa bibig ko.
“Ang kapal din ng mukha mo, ano ang akala mo sarili mo sobrang gwapo mo." Insi na saad ko.
“Kung ganun patunayan mo na wala kang gusto sa akin at sa akin ka na sumabay sa pag uwi ng condo." Aniya na hinila ako papasok sa sasakyan niya na katabi ng kotse ko.