Alexie's POV Hininto ni Raymart ang kotse niya sa tapat ng Power corparation. Ang kumpanyang pag-aari ko. Naunang bumaba si Raymart at pinagbuksan ako ng pintuan sa gilid ko. Hinakban ko ang kanang paa ko palabas at sinunod ang kaliwa ko namang paa. Pagkalabas ko ng kotse sabay kaming naglakad papasok ni Raymart. Pagpasok na pagpasok namin agad na bumungad sa akin at tahimik at malinis na lobby ng kumpanya. Inikot ang paningin ko sa kabuuan ng kumpanya namin at agad na naagaw ng pansin ko ang larawan ko na mukhang bagong kabit lang. Isang portrait picture ko na kinuhanan nitong isang araw lang. Ang akala ko sa loob lang ng opisina ko ikakabit ang larawan ko na naka formal attire at walang kangiti-ngiti sa labi. Walang na banggit sa akin ang daddy ko na ikakabit din pala ito sa lobby ng