Alexie's POV "Skirt ang gusto ko," pagmamatigas ko. "No, slacks ang susuotin mo," ani Raymart. Kanina pa kami nagtatalo kung ano ang dapat kong suotin. Pumayag na nga ako na mag formal attire pero ayaw naman niya na skirt ang suotin ko sa pang ibaba ko at gusto niya slacks dapat. Ano ba talaga ang trip niya sa buhay? At sino ba talaga ang boss sa amin dalawa? Ako pa ba o siya na? Nalilito na ko kasi kasi wagas na wagas siya makapagdikta sa akin "Ipapaalala ko lang ulit sa'yo dahil baka nakakalimutan mo na, Mr. Del Rosario. Ako ang boss sa ating dalawa," madiing sambit ko. Ang lakas-lakas makapag-utos! Masasakal ko na lang talaga bigla ang gwapong lalaking 'to kapag hindi pa ko nakapagtimpi sa kakulitan niya eh. Anong masama sa skirt? Formal attire 'yun! Utak yata nito may ubo e. "Bos