Alexie's POV Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at bumungad sa akin ang maputing balat ni Raymart. Nasa leeg niya pa rin pala ang mukha ko hanggang ngayon. Masyado yatang napasarap ang pagtulog ko sa bisig niya at hindi pa rin nababago ang pwesto ko at hindi man lang ako nakaramdam ng pagkangalay. "Anong oras na?" Tanong ko sa kanya habang kinukusot pa ang mga mata ko. "10:05 A.M na," sagot niya na kinalaki ng mata ko. Patay na! Nawala sa isip ko ang meeting ko! Unang meeting ko pa naman 'yun! "Yung meeting ko sa J & P Corporation!" Natatarantang sambit ko at dali-daling tumayo sa kandungan niya at kinalkal ang bag ko na nasa ibabaw ng lamesa para makapag-ayos muna ako pero napatigil ako sa pagkalkal ng bag ko ng makita ko ang dalawang lalaki na nakaupo sa couch na nasa loob ng off