Alexie's POV "Magiging secretary mo na ako kaya dapat mas kilalanin pa natin ang isa't isa. May isang araw tayo para mas makilala ang isa't-isa bago mag trabaho bukas," saad ni Raymart. Nandito pa rin kami sa loob ng cafe at nakakailang slice na ako ng strawberry cake. Pang apat na baso ko na rin ng pink milk. Dati-dati sobrang bilis kong mabusog pero ngayon parang kahit gaano pa karami ang makain ko, wala pa rin. Gutom pa rin ako. Ang para naman kasing dragon kung kumain ang nasa tiyan ko. "Ok, formal na magpakilala ka na sa akin," ani ko habang kumakain ng cake. Wala naman akong pake sa gagawin niyang pagpapakilala dahil busy ako sa kinakain kong cake. At isa pa medyo kilala ko na rin naman siya dahil nag kwento sa akin si Chard kahit pa paano tungkol sa kanya. "I am Raymart Del Ros