Alexie's POV Nakasuot ako ng bath robe paglabas ko ng banyo. Nakita ko ang pintuan ng kwarto ko na nakabukas. Nakalimutan ko pa lang isara ang pintuan ko kakamadali ko kanina. Naglakad ako patungo sa pintuan ng kwarto ko at isasara ko na sana ng marinig ko ang boses ni Raymart. "Hindi ko sigurado kung pwede kitang samahan. Hindi naman kasi ikaw ang boss ko." Dumungaw ako sa pintuan ko at nakita ko si Judea na nasa tapat ng pintuan ni Raymart. At ano naman ang ginagawa ng babaeng 'to sa harap ng pintuan ni Raymart? Aba naman! Kabago-bago pa lang ni Raymart sa bahay ko tapos lalandiin agad niya? Ang pangangati talaga ng isang tao, walang pinipiling oras parang si Judea lang. Ang harot! Ang dami-dami niyang haharutin, si Raymart pa talaga? Ang secretary ko pa talaga ha! "Hindi pa naman ka