Alexie's POV
Pagkababa ko sa kotse ni Chard hindi muna ko pumasok sa loob ng bahay at naglakad na lamang palabas ng village. Ang pinaka ayoko sa lahat ay ang umuwi sa bahay dahil tuwing umuuwi ako parang nakakulong ako sa bahay ng isang mangkukulam na Lorna ang pangalan.
Kung gaano ako kasaya sa labas ng bahay namin, gano'n naman ako kalungkot sa pagpasok sa sarili kong bahay. Sariling bahay ko pa nga ba 'to? Masasabi ko pa rin ba na akin ang bahay na 'to kahit na ibang pamilya naman ang nakatira at ako pa ang mukhang sampid.
Nag-aantay ako ng taxi na dumaan sa village ng biglang may humintong aston martin sa harapan ko at bumaba ang isang napaka gwapong nilalang. Malakas ang hangin at parang slow mo ang lahat ng hanginin ang buhok niya habang naglalakad siya palapit sa akin. Isang nilalang na kalalag panty ang ka gwapuhan!
"Miss me, baby?" nakangising sambit niya.
Ang lalaking naka one-night-stand ko. Si Raymart Del Rosario na isa pa lang businessman. Nasabi sa akin ni Chard na isang businessman si Raymart at nagtra-trabaho lang siya kung saan-saan kapag bored siya.
"W-who are you?" tanong ko sa kanya kahit kilala ko naman talaga siya.
Binuksan niya ang pintuan ng shot gun seat ng kotse niya at minuwestra para sa akin. Inilhad niya ang kamay niya na nakaturo sa direksyon papasok sa loob ng sasakyan.
"Pumasok ka muna para mapag-usapan natin 'yan." Tumaas pa ang gilid ng labi niya.
"What? At saan mo naman ako dadalhin? Baka mamaya dalhin mo na lang ako sa bakanteng lote at halayin!"
Sobrang cheap naman na niya kung hahalayin niya lang ako sa bakanteng lote. Jesus Christ! Ano ba naman 'tong pinag-iisip ko ngayon? Why naman ganito ang utak ko?
"Papasok ka o ako ang magpapasok sayo?" tanong niya.
Inirapan ko muna siya bago ako pumasok sa loob ng kotse. Napaka demanding pala ng lalaking 'to! Akala mo naman boss ko kung makaasta diyan. Ulol! Hindi ako papayag na maging under na lang ng kung sino diyan! Mas gusto ko na ako na lang ang maging boss 'no.
Naupo siya sa driver seat at tinignan ako sa mukha ko. Napahawak tuloy ako sa mukha ko dahil baka may dumi pala ang mukha ko. Nakaka intimida naman kasi ang mga tinginan niya, Diyos ko!
"A-anong t-tinitingin-tingin mo diyan?" Nauutal na tanong ko sa kanya.
Ang tingin na 'yun ay pamilyar na pamilyar sa akin. Ganyan din ang mga tingin ko kapag nakakakita ako ng mga magulang na masaya kasama ang anak nila... Tingin na nangungulila sa isang tao. Pero bakit naman siya mangungulila sa akin? Sino ba ko sa kanya?
"Alam mo bang matagal kitang hinanap?" Hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang mahahaba niyang daliri sa kanang kamay. "Ilang araw mo kong hindi pinatulog ng maayos. Ilang araw mo kong binaliw sa kakahanap sa'yo at sa kakaisip sa'yo kaya dapat pagbayaran mo ‘yung ginawa mo sa akin."
Ilang araw ko siyang binaliw?! God! Wala pa 'yan sa kalingkinan ng ginawa niya sa akin dahil ako ilang araw akong hindi nakalakad ng maayos matapos na may mangyari sa amin at ngayon naman halos mabaliw na ko sa kaka isip sa problema ko dahil sa semilya niya na hindi kumalma!
Napalunok ako ng mas ilapit pa niya ang mukha niya sa akin. Napapikit ako dahil mas palapit pa ng palapit ang labi niya sa labi ko. Ilang segundo akong naghintay na may lumapat sa labi ko pero wala dahil ang narinig ko lang ay ang pagtunog ng seatbelt.
"Kinabit ko lang yung seatbelt mo. Akala mo siguro hahalikan kita 'no?" natatawang sambit niya.
Naitulak ko na lang siya para makahinga ako ng maayos. Bakit ba kasi umasa ako na hahalikan niya ko, paksheeeet naman. Nakakahiya yung ginawa ko! Masyado akong umaasa sa labi niya! Marami na kong nahalikan na labi pero bakit ang labi niya iba? Bakit parang hinahanap-hanap ko pa? Bawal 'to! Mali 'to! Hindi 'to pwede!
Nagsimula na siyang mag drive habang ako ay nakasiksik malapit sa pintuan. Diretso lang ang mukha ko sa harap pero ang mga mata ko ay nasa gilid. Hindi ko maiwasan na panoorin siya habang nag dri-drive. Yung muscle niya na nag fle-flex habang nagmamaneho siya. Ang katulad ni Raymart ang mga gusto kong lalaki. Gwapo, matangkad, maganda ang katawan at higit sa lahat magaling sa kama. Paksheeeet ano na naman ba itong pinag-iisip ko.
"Kung makatingin ka parang gusto mo na kong kainin," sambit ni Raymart kaya naman na na paayos agad ako ng upo at sa labas na lang itinuon ang titig ko.
Paano niya pa nalaman na nakatingin ako sa kanya e ang mata ko lang naman ang nakatagilid tapos busy pa siya sa pagmamaneho. May mata ba siya sa tenga niya?
"Asa ka! Hindi kita tinitignan 'no!"
"Asa-asa raw pero halata naman. Gusto mo pa ba ng pruweba? May camera ang kotseng 'to." Hinawakan niya ang maliit na bagay sa tabi ng rear view mirror at ngayon ko lang napansi na may sobrang liit pala na camera doon.
Ang duga naman kasi! Hindi ko man lang napansin na may camera pala doon. Kung alam ko lang edi sana hindi na ko tumingin sa kanya. Nagkaroon pa tuloy ng malisya ang simpleng pagtitig ko sa kanya.
"Saan mo ba kasi ako dadalhin?" iritadong tanong ko sa kanya para iiwas ang tungkol sa pagtitig ko sa kanya.
Wala naman kasing malisya 'yun kahit na minsan ang berde ng isipan ko. Simpleng pagtitig lang talaga. Mamatay man. Kahit pa may mangyari na kababalaghan sa kotse niya.
"Saan mo ba gusto? Gusto mo sa langit kita dalhin." Bigla naman namula ang pisngi ko dahil alam ko ang tinutukoy niyang langit.
Ang langit na tinutukoy kasi niya ay yung kapag nag s*x. Paksheeeet naman 'tong utak ko. Kapag langit s*x agad? Hindi ba pweng simbahan muna para magdasal?
"A-ano b-ba 'y-yang pinagsasabi mo," painosenteng sambit ko at napalingon pa sa kanya.
"Ang bilis mo naman makalimot. Ilang linggo lang ng huling dinala kita sa langit hah," naramdaman kong nag-init ang pisngi ko kaya dali-dali akong tumalikod sa kanya at humarap muli sa bintana.
Tama nga ako! Ang langit na tinutukoy niya ay s*x! Lord, bakit ganito ang araw ko? Hiyang-hiya na ako at gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Lupa lamunin muna ko please lang kesa malamon ko pa ang lalaking 'to ng buong-buo! Mas lalong nawawala ang pagiging inosente ko dahil sa gwapong 'to. Porket gwapo ganyan na agad siya magsalita.
"Nandito na tayo," napatango na lang ako at agad na lumabas ng kotse niya.
Napahawak ako sa dibdib ko na kanina pa malakas ang t***k. Bakit ba ganito ako kapag malapit kay Raymart?! Nakakainis at hiyang-hiya na talaga ko sa mga pinag gagagawa ko.
"Tara na," anyaya niya sa akin.
"Ah o-oo," naiilang na sagot ko sa kanya.
Naglakad siya palapit sa akin at inakbayan ako. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko ng inakbayan niya ko. Amoy na amoy ko rin ang mabango niyang pabango na parang ang sarap amuyin. Sobrang bilis ko talagang maapektuhan lalo na kapag mabango ang isang lalaki.
"Bakit ba kasi ganyan ang suot mo? Kapag humangin ng malakas makikitaan ka agad."
"Ano naman kung makitaan nila ako? Hindi naman nila mahahawakan," pagdadahilan ko.
Katawan ko 'to at ako lang ang pwedeng mag desisyon kung ano ang pwede at bawal kong suotin. Sanay na rin naman na ko na nagpapakita ng konting balat sa mga tao.
"What? Seriously? Ok lang sayo?" Bakas sa tono niya ang pagkairita dahil sa sinagot ko.
"So, anong gusto mo magsuot ako ng skinny jeans at mag turtle neck gano'n? Sobrang init kaya ng panahon ngayon at isa pa hindi ko type ang gano'n outfit maliban na lang kung nasa ibang bansa ako." Summer na naman kaya ngayon sa Pilipinas at puro spaghetti strap na dress ang mga sinusuot ko sa ganitong panahon.
Komportable kasi sa katawan lalo na't cotton ang mga tela nito. Hindi rin namamawis ang kili-kili ko dahil na hahanginan kaya mas gusto ko ang spaghetti straps.
"Gusto mo doon ka na lang tumira sa bahay ko. Buong bahay ko naka aircon. Hinding-hindi ka pagpapawisan doon. Malamig rin ang klima sa lugar na tinitirhan ko."
"Hah? Huwag na. May aircon rin naman ang kwarto ko. Mainit lang talaga kapag lumalabas ako ng bahay," sambit ko.
Ngayon ko pa nga lang siya nakikilala tapos gusto niya na agad akong patirahin sa bahay niya? Sira ba siya? O may topak lang talaga siya?
"Huwag ka na ulit magsusuot ng ganyan ka nipis na strap. Kapag nag suot ka pa niyan baka hindi ka na makauwi sa bahay niyo at iuwi na lang kita sa bahay ko at ikulong doon habang buhay."
Kung makipag-usap siya sa akin akala mo matagal na kaming magkakilala. Feeling close rin pala ang lalaking 'to tapos ang galing pang magbanta. Akala naman niya matatakot ako. No way! Susuotion ko pa rin ang gusto ko!
Pumasok kami sa isang boutique, H & M at bigla na lang niya ko iniwan na mag-isa na nakatayo. Pero sandali lang naman 'yun dahil pagbalik niya may dala na siyang mga mga t-shirt at jeans.
"Anong maganda?" tanong niya sa akin.
Napataas naman ang kilay ko sa kanya. So, sinama niya lang pala ko dito para tulungan siya na bumili ng damit para sa babae niya. Napansin ba niya na maganda ko manamit kaya sa akin pa siya nag patulong? Pwes mali siya! Dahil maganda lang ako pumili ng damit kapag sarili ko ang pinipilian ko at hindi para sa ibang babae. Kung sino man ang letcheng babae na 'yun na bibilhan niya ng damit!
"Wala," mataray na sagot ko.
Tumingin naman siya sa suot kong dress. Mula ulo hanggang paa at pinagpasadahan niya ko ng tingin at napahawak pa siya sa baba niya.
"Hmm mukhang dress ang mga gusto mong suotin,” aniya.
Umalis ulit siya at pagbalik niya ay may bit-bit na siyang mga dress. Lahat ng 'yun ay lagpas tuhod ang haba at mahahaba rin ang mangas pero iba-iba ang kulay at design. Ang cheap naman ng style niya. Pang manang at ang lakas maka luma.
"Kukunin ko ang lahat ng 'yan," pagkausap niya sa sales lady na pinakamalapit sa amin.
Pinapanood ko lang siya habang binabayaran ang mga pinamili niya para sa babae niya. Dapat pala hindi na ko sumama dito. Para lang akong tanga dahil sinama pala niya ko para lang dito. Bakit ba kasi ang bilis kong bumigay kapag gwapo?! Porket dinaan sa pag papa gwapo, bumigay agad, Alexie? Ang landi mo talagang babae ka! Kaya ka nabubuntis ng maaga e.
"Alexie, mag palit ka ng suot mo," sambit niya at inabot niya sa akin ang isang paper bag na kakabayad niya pa lang.
Hindi ko tinanggap ang paper bag at gulat lang na napatingin sa kanya. Simula kanina na magkasama kami ngayon pa lang ang unang beses na banggitin niya ang pangalan ko.
"Kilala mo ko?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Hindi ko naman sinasabi sa kanya ang pangalan ko hah. Wala akong binabanggit kahit na isang salita patungkol sa sarili ko pero paano niya naman nalaman?
"Of course, Alexie Anne Gutierrez. My one and only baby girl." Bigla akong napaiwas ng tingin sa kanya at napatingin sa mga sales lady na kinikilig sa gilid namin.
Nakakahiya naman oh. Bakit kasi kailangan sa public niya pa ko tawagin ng baby girl? Baka isipin pa nila call girl ako at sumisipsip ako kay Raymart. Pwede naman kasi niya kong tawagin ng gano'n kapag kami na lang dalawa, charot.
"Ayoko, maayos naman ang suot ko tsaka hindi ako nagsusuot ng hindi akin," mataray na sambit ko sa kanya.
Bakit ko naman su-suotin ang damit na hindi naman pala para sa akin? Magmumukha lang akong ka awa-awa at isa pa ang pangit naman ng binili niya para sa babae niya. Hindi bagay sa akin dahil mukhang manang sa haba ng manggas.
"Sinong nagsabing maayos ang suot mo? Malapit ka na ngang masilipan tapos may mantsa pa." Napatingin ako sa damit ko kung saan may matsa. Nakalimutan ko na may mantsa pala ang damit ko dahil sa pagkakabuga ni Cy.
Nakakainis kasi ang kaibigan kong 'yun. Matakan ba naman na ibuga sa akin ang iniinom niyo. God! Kung hindi ko talaga kaibigan 'yun baka na away ko na talaga siya. Ayoko pa naman sa lahat ay ang madudumihan ang paborito kong mga damit.
"Binili ko rin 'to para sayo."
"Sa akin?" Turo ko sa sarili ko. "Bakit mo ko binili ng damit? May sarili naman akong pera 'no."
"Dahil gusto ko kaya magpalit ka na ng damit mo, Ms. Gutierrez. Alam kong pwede mong isuot ang damit na gusto mo dahil katawan mo 'yan pero ayokong nakikitaan ka pa rin. Ang babaeng nagalaw ko na ay akin na. Kaya akin ka lang, Alexie.”
"Ah s-sige. S-sabi ko nga magpapalit na ako," sambit ko. Kinuha ko sa kanya ang isang paper bag at pumasok na sa fitting room.
Mr. Kupido! Ayoko po ng commitment kaya huwag niyo naman pong panain ang puso ko. Ayokong pumasok sa relasyon at masaktan lang sa huli tulad ng iba.