Episode 02

2285 Words
Alexie's POV Dumagungdong ng napakabilis ang puso ko ng makita ko ang dalawang linya sa pregnancy test ko. Ilang linggo na rin ng makipag one-night-stand ako sa hindi ko kilalang lalaki. Aksindente lang yun at hindi ko naman alam na agad na magbubunga.  Grabe naman ang semilya ng lalaking 'yun! Isang beses lang naman na nangyari pero nag bunga agad! Jesus Christ! Ano na ang gagawin ko nito?! Papatayin ako ng daddy ko kapag nalaman niyang buntis ako sa bata kong edad.  Itinago ko sa drawer ang pregnancy test at tsaka kinuha ang cellphone ko para tawagan ang kaibigan ko. Wala na kong kilala na pwedeng pagsabihan nito maliban sa isang tao na mapagkatitiwalaan ko talaga. Kailangan ko na makaka-usap dahil hindi ko alam ang dapat kong gawin. Bata pa ako at siguradong magagalit sa akin ang daddy ko at baka mapatay niya po ko o kaya naman ay atakihin pa siya sa puso kapag nalaman niya na buntis ang nag-iisang anak niya. Nakakahiya 'to dahil dala ko pa naman ang apelyido ng daddy ko. Kapag nalaman rin ito ng step-mom ko siguradong sasabihin niya na palayasin na lang ako dito. Kilalang-kilala ko ang kasamaan ng step-mom ko kaya hindi ko alam ang dapat gawin.  “Hey, Alexie!” sambit ni Cy na kausap ko sa cellphone ko. Siya lang ang kaibigan ko na kaya kong pagkatiwalaan ng husto hindi tulad ng dalawang bakla kong kaibigan na sobrang daldal at baka malaman pa ng sambayanan ang sekreto ko. Hindi rin naman pwedeng si Ayen dahil sigurado ko na magagalit 'yun parang si daddy lang. "Bes! I have a big big problem," I said. Wala ng atrasan 'to. Kailangan ko na talaga ng tao pagsasabihan nito para na rin masolusyunan ko na hanggat maaga pa. Hanggat maliit pa ang tiyan ko at walang nakaka alam. “Ano yun?” tanong niya sa akin. Napabuntong hininga ako at sinubukan na sabihin pero hindi ko magawa. Ayaw lumabas sa bibig ko ang gusto kong sabihin. Napapikit ako at nagsalita na. "Bukas magkita tayo sa cafe shop na tambayan natin." Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang gustong sabihin ng isip ko sa telepono. Siguro kailangan ko munang maghanda ngayon buong magdamag bago sabihin sa kanya dahil sigurado kong magugulat siya. “Anong oras?”  Napatingin ako sa wall clock na nasa kakabit sa pader ng kwarto ko sa bandang uluhan ng kama ko. Naglakad ako kaliwa't kanan bago sumagot. "Maybe after lunch," I answered. Kalmado ang boses ko pero ang kalamnan ko ay hindi. May parte sa akin na nag-uudyok na huwag ng patagalin pa pero may parte rin sa akin na nagsasabi na huwag pa bigla-bigla. God! Ang hirap! Sumasakit lang ang ulo ko sa kakaisip! Punyeta naman kasing lalaking 'yun! Ibinigay ko na nga ang sarili ko sa kanya tapos hindi man lang gumamit ng proteksyon! “Ok goodnight,” aniya. "Goodnight"  Nahiga ako sa kama ko at nakatitig lang sa kisame ng sarili kong kwarto. Mali 'tong ginawa ko at siguradong malaking kahihiyan sa pamilya namin 'to. God please guide me. Ayoko pang mapatay ng daddy ko.                                                                                  ********** Pagkagising ko 11:30 na. Tanghali na ko nagising dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi sa kakaisip sa batang nasa sinapupunan ko. Hindi ko alam kung ano ba ang tamang gawin at ang makakabuti na rin para sa akin. Para sa pangalan ng pamilya ko.  Mabilis akong nag-ayos at nagsuot ng simpleng spaghetti dress straps at bumaba na agad ako. Nakita ko silang masayang kumakain sa hapag. Mukha silang isang masayang kumpletong pamilya... Pamilya na dapat ay nararamdaman ko... "Dad, hindi na ako dito kakain," sambit ko at hinalikan si daddy sa pisngi pagkalapit na pagkalapit ko sa kanila. Napatigil sila sa pagtatawanan lalo na si Lorna na kanina lang ay labas ngala-ngala sa lakas ng pagtawa. Nakangiti itong tumingin sa akin pero palihim ko siyang inirapan. Plastik. "Ok," tanging sagot niya at bumalik na sa pakikipag-usap kila Lorna. Napatango na lang ako kay daddy at tinalikuran ko na lang sila at nagpahatid na sa family driver namin sa café na pagkikitaan namin ni Cy. Nasasaktan ako kapag nakikita ko silang masaya ng hindi ako kasama. Mas mukhang ako ang sampid sa sarili kong pamilya. Sa sarili kong pamamahay. Hindi man lang ako naisipan na tanungin ng daddy ko kung kumain na ba ako o kung gusto ko man lang ba na kumain. Hindi niya rin naisip na itanong kung kumusta ba ako. Wala. Kahit isa. Parang nakalimutan na niya ko bilang anak niya dahil sa mga bago niyang anak-anakan. Ako ang dugo't laman niya pero mas mukhang ako pa ang sampid. Shuta naman na buhat 'to! Pagdating sa cafe agad akong umorder ng pink milk at ice cafe habang inaantay ang pagdating ni Cy. Ilang minuto lang at nakarating rin siya. Hindi na rin nakakagulat na nahuli na naman siya. "Kanina ka pa ba dito?" Tanong agad ni Cy pagkaupo niya sa tapat ng silay na inuupuan ko.  May isang bilog na lamesa na babasagin ang nasa pagitan naming dalawa na tanging humaharang sa aming pagitan. Sa ibabaw nito ang mga inorder kong inumin at ang maliit na shouler na bag na dala-dala ko sa tuwing aalis ako. "Hindi naman masyado tsaka sanay na ko sa pagiging late mo." Inborn na yata kay Cy ang pagiging late niya. Ipinaganak siyang palaging late, lumaking palaging late at siguradong tatanda rin siya na palaging late. "Parang ng i-insulto ka," natatawang sambit niya. "Mag thank you ka na lang at nilibre kita," ani ko at inirapan siya. Minsan lang ako manlibre ng mga kaibigan ko kaya dapat na niyang sulit 'to. Sa totoo lang iniisip ko pa nga na baka sumakit ang tiyan niya dahil masama ang loob ko habang binabayaran 'yan. "So ano ba talaga ‘yang problema mo? Siguraduhin mo lang na seryoso." Inalapit niya ang labi niya sa straw ng ice coffee niya at sumimsim dito. Sa tuwing nagsasabi kasi ako ng problema sa kanila hindi ko sineseryo at ginagawang biro lang kaya naman ang alam nila ay okay lang ako. Okay lang ang lahat sa akin at wala akong iniisip na problema. Sana nga totoong okay na lang ako. Sana nga walang problema... "I'm pregnant," walang paligoy-ligoy na sambit ko.  Kusang nanlaki ang mga mata sa akin ni Cyrine habang nakasubo pa rin sa bibig niya ang straw ng inumin niya. Sa sobrang gulat ay napabuga pa siya sa iniinom niya at sakto lahat ng 'yun sa damit na suot ko. "You're so disgusting!" I shouted.  Kumuha agad ako ng tissue at mabilis na pinunasan ang dress ko na nabasa. Bago pa naman 'to! Nakakainis at nadumihan pa agad! Sobrang kadiri! Galing na sa bibig niya tapos nabuga sa damit ko?! Ew! Gross! "My God! Alexie totoo ba?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Hindi man lang niya naiisip ang damit ko na nabugahan niya. Jesus Christ! Napatigil ako sa pagpupunas ng damit ko at kinabahan na napaangat ang tingin sa kanya. Natatakot akong tawagin na malanding babae ng sariling kaibigan ko.  "Y-yes." Na nginginig ang labi ko habang sinasagot ko siya.  Alam kong mahirap na maintindihan pero umaasa pa rin ako na hindi niya ko huhusgahan at hindi niya puputulin ang pag kakaibigan namin. Siya ang kaibigan na pinagkakatiwalaan ko at natatakot ako na mawala siya sa akin. "Pero wala ka namang boyfriend," nagtatakang sambit niya. Kahit kailan hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend dahil may trust issue ako pagdating sa pakikipagrelasyon at ayaw ko rin naman magkaroon ng commitment sa kahit na kanino. Naniniwala ako na toxic lang ang mga relasyon at sa simula lang 'to maganda. "May naka one-night stand ako, sis." Akala ko magagalit siya sa akin pero nagulat ako ng abutan niya pa ko ng panyo. Gano'n pa rin ang mga mata niya at wala pa rin siya pandidiri o panghuhusga sa akin. "Shh nandito lang ako, sis." Hinawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw lang ng lamesa nakapatong. "Kilala mo ba yung naka one night stand mo?"  "Yung mukha niya at boses tandang tanda ko pa." Itinigil ko na ang pag-iyak ko at pinunasan ang pisngi kong basa. Ang boses ng gwapong lalaking 'yun tandang-tanda ko na kahit na ilang araw na ang lumipas lalo na ang mukha niya na sobrang gwapo. Ang buhok niya na sobrang ganda ng pagkakatagilid at ang lalo na ang mabango niyang amoy na pinaka nakaka atract sa isang lalaki.  "Nasabi mo na ba ito kila tita?" tanong niya. Hindi ko ito pwedeng sabihin sa pamilya ko lalo na kay Lorna. Ang bruhang 'yun siguradong gagawa ng paraan para mapalayas ako sa bahay kapag nalaman niyang buntis ako. Ayokong maging palaboy na lang sa lansangan at mapa-alis sarili ko pang pamamahay. "Sayo ko pa lang ito sinabi," sagot ko. Siya lang ang kaya kong pagkatiwalaan sa panahon ngayon at wala ng iba. Malakas ang loob ko na hindi niya 'to ipagsasabi sa iba at mananatiling sekreto sa aming dalawa. "So, what is your plan?" she asked. "I will abort the child," I said. Wala na kong ibang naiisip kundi ang ipa-abort na lang ang bata. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari kapag nalaman ng lahat na buntis ako at kapag lumabas ang bata. Hindi ko alam kung kaya ko bang maging isang batang ina. 18 pa lang ako at wala pang masyadong alam sa pag-aalaga ng bata.  "Oh God! Don't you dare do that!" inis na sambit niya sa akin. Binitawan niya ang kamay ko at kita ko ang galit sa mukha ni Cyrine. Uminom siya sa ice coffee niya at pabalag niya 'tong ibinaba at galit pa rin na humarap sa akin. "Itatakwil ako ng pamilya ko kapag nalaman nila na buntis ako lalo na pag nalaman nila na isang unknown person ang nakabuntis sa akin!" inis rin na sabi ko sa kanya pero hininaan ko lang ang boses ko dahil baka may makarinig na chismosa. Alam kong masama ang mag pa abort pero hindi ko naman ginusto ang batang 'to. Isang pagkakamali lang naman ang batang 'to at baka maging malungkot lang ang buhay niya kung sakaling isisilang siya sa mundong 'to. May sarili akong rason at iniisip ko lang rin ang pwedeng maging kahantungan ng bata kapag lumaki na siya ng walang ama. "So makakayanan mong pumatay ng walang muwang na bata?"  Napasandal ako sa sandalan ng silya ko at napayuko na lamang. Gulong-gulo na ko at parang malapit ng sumabog ang isip ko sa dami ng problema ko. "I don't know what to do Cyrine..." frustrated na sambit ko. "Kaya nga ko nandito 'di ba? Para tulungan ka," saad niya. "May naisip ka bang plano?" tanong ko sa kanya. Sa ngayon kasi walang maayos na pumapasok sa utak ko at puro problema na lang ang naiisip ko at wala man lang akong naiisip kahit na isang solusyon man. "Ayaw mo bang hanapin yung tatay ng bata?" balik na tanong niya. "Kung may pake siya, e 'di sana siya na mismo ang maghanap sa akin," sambit ko. Pero sa totoo lang ayokong magkita pa kami ng tatay ng bata. Hindi ko alam kung kaya niya ba kong buhayin kung marangya ang buhay na nakasanayan ko. Isang simpleng bartender lang siya at kaya ba kaming pakainin ng sweldo niya? Kaya ba niya matugunan ang mga luho ko? Ang mga gusto ko? Mga branded na damit na gusto ko? "Bakit hindi ka na lang sa U.S tumira muna. Sabihin natin na doon ka mag-aaral pero ang totoo itatago natin na buntis ka," saad niya. "Pwe—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may tumawag sa kaibigan ko. “Cyrine," sambit ng pamilyar na boses sa akin.  Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko ng marinig ko ang boses na yun. Mabilis na bumalik sa akin ang ala-ala ng isang lalaki na hindi ko naman kilala. Kahit ang pangalan ay hindi ko alam. Hanggang ngayon tandang-tanda ko pa rin ang boses na yun. Ang boses ng lalaking naka one-night-stand ko! Agad kong dinampot ang bag ko na nasa ibabaw ng lamesa at itinakip ko ito sa mukha ko. Pumunta ako sa loob ng rest room habang tinitignan ang dalawa na nag-uusap. Nakangiti sila sa isa't isa at mukhang close na close pa. Paano nakilala ni Cyrine ang lalaking 'yan?? Maya-maya lang at bigla na lang umalis yung lalaki kaya naman agad rin akong lumabas sa pinagtataguan ko. Sumilip pa ko sa labas ng cafe para makasigurado na wala na nga siya at nang makasigurado ako agad akong naglaka papunta sa lamesa namin. "Bakit bigla kang umalis?" tanong niya sa akin pagka-upo ko sa pwesto na pinag-iwanan ko. "Kilala mo yung lalaking yun?" tanong ko sa kanya ng hindi sinasagot ang tanong niya. "Yes, secretary s***h driver ni Chard," sagot niya. "What?" hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi lang pala pagiging bartender ang trabaho niya. Secretary at driver rin siya ng boyfriend ng kaibigan ko. Small world! At mukhang mahirap nga lang siya dahil ang dami niyang trabaho na pinapasok. Paano na ko nito?! Ano na lang ang ipapakain niya sa akin kung sakali man? Baka mamatay pa kami sa gutom nito. "Bakit? Hindi halata sa kanya kasi mukha siyang mayaman ‘no?" tanong niya. Mukhang mayaman? Wala sa mukha niya dahil sa simpleng pananamit niya. Oo, gwapo siya pero ang mag mukhang mayaman? Hindi. "Akala ko businessman siya," sambit ko na kunyari hindi ko alam na bartender siya sa bar.  Ayokong laitin sa harap ni Cyrine ang lalaking 'yun dahil mukhang mabait siya sa kaibigan ko dahil todo ngiti sila sa isa't isa habang nag-uusap. "Kilala mo si Raymart?" she asked. "Siya yung naka one-night stand ko," pabulong na sagot ko para walang ibang makarinig. "Sheeeet sigurado ka ba?" gulat na tanong niya sa akin. Napataas ang dalawang kilat ko sa kanya. Mukha ba kong nagbibiro sa harap niya? This is not joke time! "Oo, kilalang kilala ko ang boses na yun!" sagot ko.  Simula ng may mangyari sa aming dalawa ng lalaking yun hindi na siya mawala sa utak ko. Pati ang boses niya at mga salitang sinabi niya sa akin noon naririnig ko pa rin hanggang ngayon sa utak ko. Ilang linggo na rin pero malinaw na malinaw pa rin sa memorya ko ang nangyari sa amin. Para siyang isang file na hindi ko madelete-delete dahil paulit-ulit lang na na re-restore.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD