Alexie's POV
"Raymart, nakapagpalit na ako," sambit ko sa nakatalikod na si Raymart.
Humarap siya sa akin at ngumiti ng malawak. Ngiti na nakakalaglag ng panti! Ang magandang ipin niya at sobrang puti pa. Sobrang linis sa katawan ng lalaking 'to at isa pa 'yun sa nakadagdag sa ka gwapuhan niya.
"Wow, kilala mo rin ako."
Paksheeet ano ba 'to! Simula kanina hindi pa siya nagpapakilala sa akin tapos nabangit ko na agad yung pangalan niya. Baka isipin pa nito stalker niya ako kahit hindi naman talaga.
"Ah k-kasi 'di ba businessman ka. Ang mga katulad mong businessman ay sikat. Oo tama, kilala kita kasi isa kang businessman." Napa cross finger ako matapos kong sabihin ang dahilan ko.
Sana naman gumana ang pagsisinungaling ko sa kanya. Pero mukha naman gagana sa kanya dahil mukha siyang uto-uto.
"Talaga?" Aniya at naglakad palapit sa akin.
He embraces his arm to my waist while looking at my eyes. I move backward but he move forward also. I stop moving and I look to his mermerizing eyes. His beautiful eyes and perfect lips!
"O-oo" sagot ko.
Pakiramdam ko nakikipagkarera ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito. Hindi na yata normal ang heart beat ko dahil abnormal na 'to at ang lalaking nasa harapan ko ang may sala! Kung hindi niya 'to ginagawa sa akin malamang ayos lang ang puso ko ngayon. Edi sana nakakahinga pa ko ng maayos ngayon.
"Subukan mo na lang magsinungaling sa susunod," nakangiting sambit niya sa akin.
Lumipat siya sa tabi ko at hinawakan ang bewang ko at naglakad na kami palabas ng store. Hawak naman niya sa kaliwang kamay niya ang mga damit na pinagbibili niya na para sa akin pala at hindi para sa kung kaninong babae lang diyan sa tabi-tabi.
"Pero hindi ako nagsisinungaling." Napa cross finger na naman ako.
Bakit kasi tinawag ko pa siya sa pangalan niya kanina? Dapat kasi kuya na lang ang tinaway ko o kaya naman ay boy. Pwede rin namang kalabitin ko na lang pero hindi ko nagawa. Akala ko ba matalino ako? Pero bakit hindi ko 'yun naisip?
"Gusto mong maniwala ako sayo na alam mo ang pangalan ko dahil sa sikat akong businessman? Paano mo naman nalaman na isa akong businessman? Ang mga kaibigan ko lang ang may alam n'on. Sila lang ang may alam na nagpapatakbo ako ng mga negosyo at ako ang may-ari ng bar na pinuntahan mo no'n." Tumaas ang gilid ng labi niya.
Napalunok ako at hindi na lang nagsalita pa. Lord, sana naman po sapian ako ng ugali ni Cy para hindi ako napapahiya ng ganito. Diyos ko, ilang beses na kong napapahiya sa kanya ngayong araw at gusto ko na lang talaga mag palamon sa lupa o kaya naman ay lamunin na lang niya ko tutal hiyang-hiya naman na ko. Dagdagan ko na lang ulit.
"Ah g-gusto mo tulungan na kita sa buhat mo?" Tanong ko sa kanya para maiba ang usapan.
Isang kamay niya lang kasi ang nagbubuhat ng mga paper bags dahil ang isang kamay niya ay nasa bewang ko. Ayoko naman alisin yung kamay niya sa bewang ko dahil mas gusto kong nakahawak siya sa bewang ko. Komportable ako kapag hawak niya ang bewang ko tulad ngayon. Ganito siguro kapag buntis, kasi dati naman hindi ako nagpapahawak sa bewang ko basta-basta na lang.
"Huwag na, kaya ko naman 'to." Itinaas pa niya ang braso niya na may hawak na mga paper bag at parang pinagmamalaki pa niya sa akin ang biceps niya.
Oo na maganda na katawan niya! Halata naman sa suot niyang fitted white t-shirt at hindi na niya kailangan na ipangalandakan sa akin.
"Okay."
Binitawan niya ang bewang ko ng pasakay na kami sa escalator. Pinauna niya ko bago siya. Parehas kaming nasa right side at ramdam ko ang pagtingin ni Raymart sa likod ko. Malamang! Nakatingin siya sa likod ko dahil nasa likod ko siya nakapwesto pero pwede naman sa gilid na lang siya tumingin!
Pagdating namin sa 3rd floor akala ko hindi na niya hahawakan ang bewang ko pero mali ako. Hinapit niya ko palapit sa kanya.
"Saan ko gustong kumain?" Nakatingin siya sa akin habang nagtatanong pero ang mga mata ko ay diretso pa rin ang tingin.
"Sa buffet" mabilis na sagot ko.
Masarap kasi ang buffet dito at maraming seafood. Nag cra-crave pa naman ako sa seafood nitong mga nakaraang araw. Parang gustong-gusto kong lamunin lahat ng seafood lalo na ang salmon ang shrimp. Sobrang sarap no'n lalo na kapag sinasawsaw sa maanghang.
"Buffet? Madaming tao doon. Ayaw mo ba sa Cacy's Restaurant? Doon kaonti lang ang tao at hindi pa maingay."
Masarap rin ang mga pagkain sa Cacy's Restaurant dahil pag-aari ito ng mommy ni Cy pero gusto ko talaga sa buffet. Seafoon buffer talaga ang hinahanap-hanap ko para ma satiefied naman ako pero mukhang imposible.
"Ikaw ang bahala," sagot ko.
Tinanong niya pa ko tapos hindi rin naman pala niya gusto sa gusto kong kainan. Ano pang sense ng pagtatanong niya sa akin? Ayaw yata niya sa maingay na tao kaya ang gusto niya sa restaurant ni tita.
"Ok, doon na lang tayo sa buffet. Kung saan mo gusto doon tayo." Agad na napalingon ang ulo ko sa kanya habang naglalakad kami at kumindat pa siya sa akin.
Pagpasok namin sa buffet agad kaming nilapitan ng isang waiter at binati kami nito ng puno ng class at pag galang. Ang buffet kasi na 'to ay hindi mumurahin. Ito ang pinakamahal na buffet sa Pilipinas na sa iilang super malls mo lang makikita.
"Sir Rayart dito po." Iminuwestra sa amin ng waiter ang daan papunta sa isang pasilyo.
Hindi na nagpa reserve si Raymart at sumunod na lang agad kami sa waiter. Dinala kami ng waiter sa tapat ng isang private room. Binuksan ng waiter ang pinto para sa amin ni Raymart at bumunga sa akin ang isang malaking bilog na mesa at dalawang upuan na magkatapat. Naglakad kami papasok at agad na ibinaba ni Raymart ang mga bit-bit niyang paper bag bago ako ipagtulak ng upuan at naupo na siya sa katapat kong upuan.
"What do you want?" He asked me.
"Ah ako na lang ang kukuha," tatayo na sana ako ng biglang may pumasok na dalawang waiter.
"Sila ang kukuha ng pagkain natin," saad niya.
Napa 'o' naman ang labi ko sa sinabi ni Raymart. Kadalasan kasi sa mga buffet ikaw mismo ang kukuha ng pagkain na gusto mo.
"Gusto ko seafood at pink milk." Bukod kasi sa mga seafood nag cra-crave rin ako sa pink milk na hindi ko naman gusto noon.
Gusto ko lang ang sarap ng pink milk na pinaghalong stawberry and milk. Ang sobrang sarap kasi at palaging hinahanap-hanap ng dila ko.
"Lahat ng klase ng seafood ipasok niyo na dito," utos ni Raymart sa mga waiter. Agad naman lumabas ang mga waiter para kunin ang gusto namin.
Hindi niya sinabi kung ano ang gusto niya kaya malamang parehas lang kami ng kakainin. Mahilig siguro siya sa seafood kaya hindi na siya nag order ng iba.
"Bakit nga pala special treatment ka dito?" Tanong ko sa kanya.
Ang ibang tao kasi na kasabayan namin ay nakapila pa sa labas at nag pa reserve pa, hindi tulad namin na diretso na agad. Mayaman din naman kami pero nag pa pareserve pa rin kami at hindi basta-basta na lang.
"Kaibigan ko ang may-ari nito kaya dapat lang na special treatment ang matanggap ko," mayabang na saad niya at nilipat ang upuan niya sa tabi ko.
Malawak ang private room na inaakupa namin kaya bakit sa tabi ko pa nilipit niya ang upuan? Hindi lang basta nilipat dahil as in magkadikit ang upuan naming dalawa at walang pagitan kahit isa.
"Bakit ka pa lumipat dito?" Inurong ko naman ang silya ko palayo sa silya niya na kalalagay pa lang niya pero agad din naman niyang inilapit ulit sa tabi ko 'yun at naupo na.
Mas ok na nga yung medyo malayo siya sa akin para naman mapakalma ko yung puso ko pero ang lalaking 'to isang daang beses yata na inire kaya ganyan. Hindi ko tuloy magawang ikalma ang puso ko.
"Mas gusto kong malapit sayo. Gusto ko rin na mas makilala ka pa," saad niya.
"Bakit mo 'to ginagawa? Kung iniisip mo yung nangyari sa atin, ok lang at hindi mo kailangan gawin 'to. Wala lang naman 'yun sa akin kahit nawalan ako ng virginity."
Ayokong magkaroon ng relasyon kahit kanino. Kahit pa sa ama ng bata sa tiyan ko. Mas gugustuhin kong maging single kesa ang magkaroon ng commitment o relasyon. Ayokong sa huli matulad lang ako sa mga magulang ko. Virginity lang naman 'yun. Wala na rin naman akong balak na mag-asawa o magpakasal sa kahit na sinong lalaki. At least mamatay ako na hindi na virgin.
"Wala na lang 'yun sa'yo?" Kumunot ang noo niya.
"Syempre mahalaga yun sa akin dahil babae ako pero wala na tayong magagawa dahil tapos na. Nangyari na tsaka ayoko rin naman maghabol sayo baka mapagod lang ako. Hindi pa naman ako sanay na naghahabol," pagbibiro ko.
Swerte ko na rin siguro dahil sa gwapo at daks ko nabigay ang p********e ko. Hindi na rin sayang para sa tulad ko na mas gustong mamatay na single.
"Hindi mo naman kailangan mapagod, Alexie. Dahil hindi naman kita tatakbuhan baka nga ako pa ang maghabol sayo."
Hindi ko alam kung ano ang dapat na isagot sa sinabi ni Raymart kaya na natili na lang akong tahimik. Buti na lamang at pumasok na ang mga waiter at inilapag ang mga iba't ibang klase ng seafood na inorder namin. Nabasag tuloy ang sandaling katahimikan na namutawi kanina lang.
Kumuha ako ng crab samantalang si Raymart naman ay puro hipon ang kinuha niya. Mukhang mahilig nga siya sa seafood lalo na shrimp dahil iyon ang una niyang kinuha. Binalatan niya 'yun gamit ang dalawang kamay niya na malinis. Akala ko kakainin niya yung hipon pero nilagay niya lang sa pinggan ko pagkatapos niyang balatan.
"Iyo 'yan dapat ikaw ang kumain." Binalik ko sa kanya ang hipon pero binalik niya rin sa pinggan ko.
Ang kulet talaga ng lelang nito ni Raymart. Kanina pa siya. Buti na lang at hindi ko pa siya nasasabunutan dahil sa kakulitan niya.
"Binalatan ko 'yan para sayo kaya kainin mo," maotoridad na utos niya.
Mapilit siya kaya hindi na lang ako nakipagtalo sa kanya. Tahimik lang kaming kumakain I mean tahimik lang akong kumakain dahil hindi naman siya kumakain dahil taga balat lang siya ng hipon ko. Hindi ko nga siya nakita na kumagat man lang o kahit tumikim sa isa sa mga putahe.
"Bakit ayaw mong kumain? Masarap pa naman ang mag 'yan oh. Sayang ang pera kapag hindi ka kumain." Isinubo niya sa akin ang hipon na bagong balat niya at agad ko naman ginuya 'yun.
Tumaas ang dugo ko papunta sa pisngi ko ng mataaman ko sa pagsubo ng hipon ang daliri niya pero mukhang wala naman siyang pake. Bakit ba ang big deal sa akin no'n? Ano naman kung nasubo ko ang daliri niya? Wala namang malisya 'yun. Ako lang talaga 'tong kung ano-ano ang iniisip.
"Mas gusto kong panoorin kang kumain. Nabubusog na agad ako habang pinapanood ka. Ang sarap mo kasing panoorin habang kumakain ka." Napatango na lang ako at napaiwas ng tingin sa kanya.
Hindi ako tanga para hindi mapansin ang mga pinagsasabi niya at pinag gagagawa niya. Mas lalong hindi ako manhid tulad ng kaibigan ko na si Cyrine.
"Kung sinusubukan mong pumasok sa puso ko, huwag mo ng ituloy dahil walang mangyayari," sambit ko ng hindi nakatingin sa kanya.
"Then let's start to get to know each other before we become together. Hindi naman lahat nagsisimula agad-agad. Kinikilala muna nila ang isa't isa tulad ng ginagawa natin ngayon."
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya dahil alam ko naman walang patutunguhan yun. Akala ng lahat madali lang ang pumasok sa isang relasyon pero mali sila. Dahil sa huli wala rin naman kayo mapapala parehas. Parehas lang kayong nga-nga at ang bunga niya lang ang pinaka ma aapektuhan.
"Rest room lang ako," pagpapa-alam ko kay Raymart.
"Samahan na kita," saad niya.
"Huwag na, diyan ka na lang. Kaya ko naman ang sarili ko."
Dinala ko ang bag ko at lumabas ng private room at dumretso sa rest room. Napaharapan agad ako sa salamin at pinakatitigan ang sarili ko. Hindi pwedeng magpadala ako sa bugso ng damdamin ko. Walang happy ending ang bawat relasyon kaya hindi ko na dapat subukan pa na pumasok.
Nilabas ko ang phone ko ng marinig kong mag ring ito at agad na sinagot dahil si daddy ang tumatawag. Malamang may kailangan siya.
"Hello, dad?"
"Umuwi ka na may sasabihin ako. ASAP."
"Ok."
Hindi na ako nakapag paalam kay Raymart at umuwi na. Sigurado naman ako na hindi ko na siya makikita ulit pagkatapos nito. Sana nga lang dahil ayokong magulo pa niya ang isip ko.